SUMAPIT ang umaga at araw ng kanilang kasal, simpleng whole dress lang ang suot ni Aggie at kulay puti ito. Habang si Thumbler ay nakasuot ng pormal na kasuotan na tulad ng pang-araw-araw niyang suot sa tuwing pumunta siya sa kompanya. Nagtungo ang apat sa mayor's office at gamit nila ang sasakyan ni Thumbler. Habang ang detective ay nauna na sa munisipyo. Dahil ito ang kinuha ni Thumbler bilang ninong sa kasal nila. Hanggang sa nasa loob na sila ng mayor's office. "Magandang umaga, mayor…" pormal na bati ni Lucio. Magandang umaga. Ito lang ba ag dadalo sa kasalanang ito?" tanong ng mayor. "Opo!" tugon ni Aggie. "Kung ganoon ay magsimula na tayo." At nagsimula ang mayor sa seremonya nila. "We are gathered here today to witness the formal joining in the legal state of matrimony