"Pagkatapos?" tanong ni Aggie. "Natatandaan mo ba iyong babae na nakausap mo doon? Iyong nag-iiwan ng gamit niya?" Hindi agad sumagot si Aggie, at binalikan ang nangyari sa Manila Bay. "Miss… Miss. Hindi ka pa aalis?" "Hindi pa naman, may hinihintay kasi ako." "Puwede paki-bantayan muna nitong gamit ko. Iihi lang ako sandali." "Okay, sige." "Salamat!" "Oo, naalala ko ang babae na nakiusap sa akin na bantayan ko muna ang gamit niya." Pagwawasto nito. "Tama, siya nga ang babaeng bayaran. Mula noong nawala ka sa hospital ay hinahanap na kita. Sinundan pa kita dito sa Cebu, pero hindi kita naabutan dahil tinaghali ako ng gising." "Ngayon, ano plano mo?" tanong ni Lucio." "Papa, saka na lang natin iyan pag-usapan. Dahil kailangan ko nang pumunta sa doctor." "Ah, oo nga pala."