Ngumiti si Ridge ng bahagya nang sabihin ko iyon ngunit hindi naman din tumagal. May babae na kaya siyang nagugustuhan?
“Pwedeng magtanong?” pag-iiba ko.
“Yeah, sure,” ani Ridge sabay subo sa kanyang ice cream.
“Kailan mo balak magkaroon ng totoong girlfriend?” May pag-aalinlangan ako sa aking tanong. Ewan ko. Gusto ko lang malaman pero at the same time may pangamba rin.
Nagkakagusto na yata ako sa kanya.
“That’s a tough one,” mabilis na sagot ni Ridge. “I don’t know. I have you right now,” simpleng sagot ni Ridge.
“Ridge, yung tunay na girlfriend. Acting girlfriend mo lang ako, eh. Hindi totoo yung sa atin.”
Tumingin si Ridge sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya dahil sa walang ekspresyon ang kanyang mukha. Hindi naman siya nakangiti.
“I act like it’s true,” aniya. “Don’t you?”
Hindi ako nakasagot at naiwas ng tingin. Paano ko sasabihin sa kanya na lahat ng kilos ko pagdating sa kanya ay totoo? Kahit naman sinasabi ko sa sarili ko anc tungkol sa reyalidad na pagpapanggap lamang itong sitwasyon? Pero ang kilos at nararamdaman ko naman ay tunay.
“That friend of yours,” ani Ridge habang nakatingin pa rin sa akin. “I don’t trust him.”
“Mabait si Lauren,” pagsasalungat ko.
“Sometimes, wolves disguise themselves as innocent sheeps. Once they get close to you, they will attack you and devour you.”
“Hindi ko iyon nakikita kay Lauren, Ridge.”
“I’m not saying stop being friends with him. Hindi kita dinidiktahan. I’m just saying what I see and sense from that guy. And he likes you.”
Natahimik ako sa sinabi niya.
“Come here,” ani Ridge. Tumabi ako sa kanya hanggang sa magdikit ang aming hita. Inakbayan niya ako. Humiga naman ako sa balikat niya habang parehas kaming nakatingin sa malayo.
“How’s school?” aniya.
“Okay naman. Kinakaya kahit nagsisimula pa lang. Pursigido akong matapos sa pag-aaral. Salamat sa pagtulong mo sa akin, Ridge.”
“That’s what you get for selling yourself to me. You’ll get everything you want. Just tell me.”
Paano kung siya ang gusto ko? Pwede ko bang hingin sa kanya iyon?
Masyado naman akong assumera kung ganoon. Masyadong mataas si Ridge at napakababa ko lamang kung estado ng buhay ang pag-uusapan. Pero… hindi ba pwede? Natatawa ako sa sarili ko. Masyado na ba akong delusyonal?
Inangat ko ang mukha ko para tingnan si Ridge. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng lungkot. Dahil ba hindi siya magkaka-interes sa akin kahit na kailan? Sino ba ako para sa kanya? Wala naman, ‘di ba?
Tumingin si Ridge sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi. Ngayon ko naramdaman na gusto ko ng tunay na halik galing sa kanya. Yung walang halong pagpapanggap. Yung katulad ng nararamdaman ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko, hinihintay na halikan ako ni Ridge ngunit hindi nangyari. Nang buksan ko ang aking mga mata ay nakatitig pa rin siya sa akin na may kaunting nakaukit na ngiti sa kanyang mga labi.
“You’re so adorable,” aniya sa akin. “Can’t keep myself from staring at you.”
Ngumiti ako ng bahagya dahil sa kanyang sinabi. “Sulitin mo na. Hindi naman ito magtatagal, hindi ba? May hangganan rin ang pagpapanggap natin bilang mag-boyfriend at girlfriend.”
Nawala iyong ngiti ni Ridge. Tila ba na-realize niya ang sinabi ko.
“Tara na, I’m getting a bit sleepy.” Tumayo siya at naunang lumakad papunta sa parking area. Sumunod na lamang ako sa kanya.
Kinabukasan, pagkatapos ng klase ko ay tinawagan ko kaagad si Pia nang maihatid ako ni Mateo sa bahay.
“Pia, may gagawin ka ba mamayang gabi?” tanong ko kaagad ng sagutin niya ang tawag ko.
“Wala man lang bang ‘hello’ diyan?” ani Pia. “Wala naman akong gagawin mamayang gabi. Bakit?”
“Gusto ko sanang mag-inom.”
“Aba! Umiinom ka ba? Baka isang bote ka lang ng beer tulog ka na, ha,” ani Pia.
“First time kong iinom. Gusto ko lang uminom ngayon. Pwede mo ba akong samahan?”
Sa huli ay pinuntahan ako ni Pia kinagabuhan at sinundo sa bahay. Wala rin naman kasi si Ridge sa bahay dahil marami siyang ginagawa ayon kay Mateo.
Nagpunta kami ni Pia sa isang bar. Sa may terrace kami nakaupo. Nakatitig lamang ako sa DJ habang sumasayaw naman ang mga tao sa ibaba.
“Mukhang malaki ang problema mo,” panimula ni Pia. “Heto, subukan mo muna ang isang ito,” aniya pa. Inabot niya sa akin iyong isang light alcoholic drink.
Inabot ko naman iyon at ininom. Lumukot ang mukha ko nang tikman ko iyon. Ngunit kailangan ko ito ngayon.
“Dahan-dahan,” paalala ni Pia. “Sige, magkwento ka na.”
“Pia,” sambit ko sa pangalan niya habang nakatingin sa mga taong sumasayaw sa tugtog ng DJ. “Gusto ko na yata si Ridge,” may lumbay na wika ko. Pagkatingin ko kay Pia ay nakangiti siya ng malawak.
“I know you’ll fall for him.”
“Hindi ko naman din sinasadya. Hindi ko rin naman inasahan. Tsaka… sinabi ko naman sa sarili ko na trabaho ito para sa akin. Nagkaroon ng bargain sa pagitan naming dalawa kaya hindi dapat ako makaramdam ng ganito.”
“Ang tanong, bakit ka ba na-fall?”
Hindi ko alam kung sasabihin ko. Pero… wala naman akong ibang mapagsasabihan ng nararamdaman ko kung hindi kay Pia.
“May ano… may nangyayari sa amin ni Ridge…” nahihiya kong wika.
Naibuga ni Pia ang iniinom niyang hard drink doon sa lalaking dumaan sa gilid niya. Halos awayin siya nung lalaki. Mabuti na lang ay binulungan siya nung kasama niya na para bang kilala itong si Pia. Saka biglang nagsorry iyong lalaki kay Pia at kumaripas ng takbo palayo. Ang weird.
“May nangyayari sa inyo?!”
“Pia! Ang lakas ng boses mo!” saway ko.
Inilapit ni Pia ang kanyang upuan pa-forward sa akin. “Kailan pa?”
“Matagal na. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na naming ginawa. Pero hindi naman kasi yun lang. Kung umakto kami sa bahay… o kahit saan… parang kami talaga. Literal na mag-jowa…”
“Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Bakit naman kasi gano’n. Alam mo naman itong pinasok mo, right?”
“Hindi ko na naiwasan… pinilit ko namang hindi magkagusto kay Ridge, eh. Palagi kong pinapaalalahanan ang sarili ko na purong pagpapanggap lang ang lahat. Tsaka alam ko naman na… hindi siya magkakagusto sa isang katulad ko. Kaya okay lang sa akin na ako lang. One sided.”
“Kaya mo ba? Handa ka bang masaktan?”
Napangiti ako ng mapakla habang nakatingin sa hawak kong alcoholic drink. “Nasasaktan na ako ngayon, Pia. Kaya nga tayo nag-iinom ngayon. Alam ko naman kasing hindi ako magiging espesyal na tao para kay Ridge. Isa lamang akong object na pagkatapos gamitin ay itatapon din.”