Chapter 18

1150 Words
"Bakit mo naman nasabi iyan? Malay mo hindi naman ganoon si Ridge. Oo kaibigan ko siya pero hindi ko naman alam kung ano ang nasa isip niya." "Gusto ko lang sana ng karamay sa nararamdaman ko, Pia. Ikaw lang din naman ang mas nakakakilala kay Ridge," wika ko. "Iyon na nga. Kahit kaibigan ko ang lalaking yon, siya lang naman ang nakakaalam sa nararamdaman niya. Sometimes, I still don't know what he's thinking. Hindi ko rin siya ma-predict,” saad ni Pia. “But don’t be tol harsh on yourself. Hindi judgemental ang pagkakakilala ko kay Ridge. Who knows, magkagusto rin siya sayo knowing you are his first girlfriend.” "Mako-consider ba talaga akong first girlfriend niya kahit nagpapanggap lang kami?” tanong ko. “In the eyes of other people na nakakakita sa inyo, yes. Pero kapag kayo na lang dalawa ni Ridge…” “Medyo masakit,” wika ko. “Pero wala naman akong magagawa. I just have to pretend.” “Na ano? Na wala kang nararamdaman para sa kanya?” ani Pia. “Parang ganoon na nga,” wika ko sabay inom. Naisipan kong uminom ng hard drink. Kumuha ako ng iniinom ni Pia. “Girl, you’re gonna get wasted if you keep drinking that.” “Gusto ko lang malasing, Pia. Kahit ngayong gabi lang. Hayaan mo na ako.” Napabuntong hininga na lamang si Pia. “Poor you. Look at you getting hurt by that guy. Hindi kita masisisi kung nagkagusto ka kay Ridge. He is really the guy who you would fall over heels for.” Pinanood lang akong malasing ni Pia. May awa sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan niya ako ngunit hindi ko na ininda. Sa loob ng isang oras ay hilo na ako at medyo hindi na alam ang nangyayari. “Tara, Pia! Sayaw tayo!” anyaya ko kay Pia. Sakto namang nag-ring ang kanyang phone. “Teka, tumatawag si Ridge,” aniya kaya sinagot niya iyon kaagad. “Hello…? Yes, magkasama pa kami. Bakit maingay? Ano…wala nasa ano lang kami—“ Hinablot ko ang phone ni Pia. “Hello? Nasa bar kami. Whoo! Tara punta ka dito!” lasing kong sambit. “Nandito kami para makalimot! Ay, ako pala!” “Where the hell are you?” seryosong tanong ni Ridge. “You’re drunk, Ena.” “Nasa bar kami! Syempre umiinom kami ni Pia. Anong ginagawa sa bar? Natutulog? Syempre nagsasaya!” “Give the fvcking phone to Pia.” Nakangiti kong inabot kay Pia ang phone niya. Nakita ko ang pangamba sa ekspresyon niya. “Yes, Ridge?” ani Pia. “I’m sorry. She wanted to come here. I’m doing this for her as a friend and not her PA.” Tumayo ako at kahit nahihilo ako ay nakayanan ko pa ring bumaba at magpunta sa dance floor. Ewan ko kung paano ako nakasabay sa mga taong nandito. Then, somebody grind himself on my back. Sumunod ako sa galaw niya. Hinayaan kong magpakasaya ang sarili ko under the influence of alcohol. Parang hindi ako si Ena ngayon. Parang ibang tao ako. Ganito pala kapag nasasaktan dahil sa one sided love. Bakit ba kasi nagkaroon ako ng pagtingin sa lalaking iyon. Humarap ako sa lalaking nakikipagsayaw sa akin. Hinawakan niya ako sa bewang habang patuloy kami sa pagsunod sa tugtog ng DJ. May sumulpot pang isang lalaki sa gilid ko na tila ba nais akong agawin nito sa kasayaw ko. Hinayaan ko lamang ang sarili ko na magpakasaya. Hanggang sa may humila sa braso ko. “Aray!” “Hey! What the hell!” ani nung lalaking nakikipagsayaw sa akin ngunit wala naman siyang nagawa. Hinila ako ng lalaki hanggang sa labas ng bar. Nalanghap ko ang simoy ng malamig na hangin ngayong gabi. Isinandal ako ng lalaki sa pader kung saan walang gaanong tao at ni-corner niya ako sa kanyang isang kamay. Napaawang ang bibig ko nang mapagtantong si Ridge pala ito. Kitang-kita ko sa kanyang gwapong mukha na hindi siya natutuwa sa nakikita niya sa akin ngayon. “Pia told me you’re here to get wasted. Why?” seryosong tanong ni Ridge. “W-wala… gusto ko lang maranasang mag-bar,” pagsisinungaling ko. Iniwas ko ang aking tingin dahil ayokong makita niyang malungkot ako dahil sa kanya. Para bang wala akong karapatan maging malungkot dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito ako. “What’s wrong?” ani Ridge. “You have to tell me. I’m your boyfriend.” “Hindi kita boyfriend. Hindi naman totoo ang lahat ng ‘to, eh. Nagpapanggap lang tayo,” patama ko. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob para sabihin iyon sa harapan ni Ridge. Marahil ay binibigyan ako ng confidence ng alak. Hindi umimik si Ridge. Ibinaba niya ang kanyang kamay na naka-corner sa akin na para bang napagtanto niya rin ang aking sinasabi. Pero naisip ko rin na huwag kong sayangin ang pagkakataon na makapiling si Ridge habang pwede pa. Kahit ako lang ang may pagtingin sa kanya ay okay na siguro. Gusto ko na lang namnamin ang mga sandaling makakasama ko siya. Hanggang sa matapos ang pagpapanggap namin. “Ridge,” sambit ko sa kanyang pangalan. Ngayon, gusto kong maging totoo sa nararamdaman ko. Gusto kong umakto bilang totoong girlfriend niya. Ayoko nang isipin na nagpapanggap lang ako sa nararamdaman ko. Dahil totoo ang nasa puso ko. “Pwede mo ba akong… halikan?” saad ko. May pangamba ako na baka maramdaman ni Ridge ang tunay kong nararamdaman. Kahit totoong mahal ko siya, ayokong malaman niya ito. Ayokong mawala siya kaagad at baka palitan niya ako. “I can’t, you’re drunk.” Nalungkot ako sa kanyang sinabi. Ngunit wala naman akong magagawa. Napayuko lamang ako at hindi ko alam kung bakit nangingilid ang mga luha ko. “Get in car,” aniya. Sumunod lamang ako sa sinabi niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Pagkapasok ko sa sasakyan niya ay nagtaka ako dahil nasa back seat pala ako. Pumasok siya sa kabila at ngayon ay nakaupo kaming pareho sa backseat. Hinawakan niya ang pisngi ko para ihiga sa kanyang balikat. Lalo lamang akong naiiyak dahil ganito siya umakto. Napaka-gentleman niyang lalaki. Paano ako makaka-move on nito? “What’s wrong?” malambing na tanong ni Ridge. Umiling lamang ako sa balikat niya sabay punas sa luha ko ng mabilis gamit ang kamay ko. “What do you want?” Hindi ako nagsalita dahil nasabi ko naman na kanina ang gusto ko. Tila ba nabasa niya ang nasa isip ko. Humarap si Ridge sa akin at hinawakan niya ako sa aking baba. “I don’t like seeing you crying. Your eyes look so sad,” aniya pa. Hindi ko alam kung bakit hinawakan ko siya sa batok at bigla siyang hinalikan sa labi. Ang akala ko itutulak niya ako ngunit baligtad ang nangyari. He kissed me back as if he missed me so much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD