Hindi ko inasahang ganito pala kabigat ang mga ipagagawa sa akin ni Ridge bilang isang acting girlfriend niya. Ni wala akong experience sa ganong mga klaseng bagay. Napatulala tuloy ako sa salamin habang nakasulpak ang toothbrush sa bibig ko. Bumubula pa ang aking bibig dahil sa toothpaste.
Hindi ko alam kung paano ko papabanguhin ang aking bibig. Uminom kaya ako ng bactidol?
Sa huli ay ginamit ko lahat ng nakahilerang mga mouthwash sa banyo ng kwarto ko. Nahihiya ako kay Ridge dahil first time kong makakahalik kapag nagkataon.
Habang nagpupunas ako ng mukha ay sakto namang may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Pinagbuksan ko ng pinto iyong kumatok habang hawak ko pa rin ang tuwalya na nakapatong sa balikat ko.
Bumulaga sa akin ang isang babaeng naka-bob cut ang blonde na buhok at saka nakasuot ng black suit. Kitang kita ko ang pigura niya dahil body hugging iyong suot niya. May hawak pa itong folder na kulay puti.
Nakangiti niya akong sinalubong at inilahad pa ang kamay para kamayan ako.
“Hi, ako si Pia. Ang Personal Assistant ni Ridge na ngayon ay PA mo na,” pakilala nito sa akin.
Mukhang mabait naman itong si Pia dahil magaan ang loob ko sa kanyang presensya kaya naman kinamayan ko rin siya.
“Hello, ako si Enchantress. Tawagin mo na lang akong Ena,” bati ko pabalik sa kanya.
“Bakit ang unique ng pangalan mo?” aniya habang kunot ang kanyang noo. Napangiti na lamang ako ng bahagya. Napa-flick siya sa kanyang mga daliri na tila may pumasok na ideya sa kanyang isip. “Alam ko na kung paano kita babaguhin from rags to riches! Halika! We don’t have much time!”
Hinila ni Pia ang kamay ko at pumasok sa walk in closet. Inabot kami ng mahigit dalawang oras doon simula sa paghahanap ng aking maisusuot para sa party hanggang sa paglalagay ng make-up.
“H-hindi ko akalain na kaya mong gawin ito lahat, Pia. Hindi ka lamang isang PA kung ‘di makeup artirst at stylist na rin.”
Nagkibit-balikat si Pia habang pinaplantsa niya ang aking buhok. “Ridge won’t hire anyone who doesn’t have skills like me. Also, he’s a friend of mine from college.”
“Siguradong mataas ang antas ng tinapos mo, Pia. Bakit ganito ang trabaho mo?” pagtataka ko.
“Ouch. That hurt, girl,” ani Pia. “I mean, yeah, you’re asking a valid question. But, I love what I’m doing. Mind you, my parents doesn’t know that I do this kind of sh*t or else they would throw me back to England.”
“Paano mo naitatago?” kunot-noo kong tanong. Tumigil sa pagpa-plantsa si Pia sa aking buhok na para bang may inaalala sa nakaraan.
Huminga siya ng malalim bago sumagot. “No one has ever asked me that. Uhm, I just told them I work privately on my own. They kept pestering for answers until they got tired,” aniya at saka na nagpatuloy sa pagpaplantsa ng buhok ko.
“Also, I’m doing this with six months contract only. I’m just trying to help Ridge.”
“Bakit?” pagtataka kong muli.
“Ang dami mong tanong, girl. Oh, ayan. Tapos na. You can look in the mirror.” Pinaikot ni Pia ang upuan ko at doon ako napanganga.
“A-ako ba ‘to?” hindi makapaniwalang saad ko sa salamin.
Nakangisi si Pia na tila ba nakagawa na naman siya ng bagong masterpiece. Tunay naman iyon. Para bang ibang tao ang nakikita ko sa salamin.
Mas nadepina ang aking facial features dahil sa makeup na inilagay ni Pia. Napakaganda ng pagka-flowy ng aking mahabang buhok. At ang eleganteng semi-formal dress na kulay pula ay talagang inilabas ang ganda ng hugis ng aking katawan. Isama pa ang itim na stilletos.
“You look like a real model,” ani Pia sa akin. Lumapit siya sa akin at bumulong. “Don’t you think ma-fall sayo si Ridge niyan?”
Uminit ang aking mga pisngi. “A-ano bang sinasabi mo, Pia. P-parehas lang tayong nagta-trabaho para kay Ridge,” paliwanag ko.
“Don’t deny it, Ena. Ridge is hot, isn’t he? But you know what? No girlfriend since birth yang lalaki na yan. Let’s try to tease him a bit. Baka kumagat,” ani Pia at saka bumungisngis.
“Pia naman, eh. Malabo iyang sinasabi mo. Masyadong sopistikadong tao si Ridge. Alam mo rin naman siguro na pinulot lamang niya ako sa lansangan.”
“I don’t judge based on economic status, Ena,” nakangiting saad ni Pia. “Mas lalo tuloy akong ginanahan sa trabaho ko. Don’t worry, I’ll make sure he’s going to notice you before my contract ends,” determinadong saad pa ni Pia at tumawa pa ito ng malakas.
Umiling na lamang ako at saka tinitigan muli ang aking sarili. Napangiti ako sa sarili ko. Napakaganda ng ginawa ni Pia sa akin. Kahit ako ay hindi ko maiisip na isa lamang akong palaboy.
Bumaba kami ni Pia papunta sa living room at napansing wala pa roon si Ridge.
“Maupo ka muna diyan, tatawagin ko si Ridge. We still have one and a half hours to get to the venue,” ani Pia. Ngunit sakto namang pababa si Ridge sa hagdan.
Napanganga ako nang mapansin ang kanyang suot. Itim na plain shirt at formal coat ang kanyang suot na pang-itaas at saka itim na pants at puting sneakers. Bumagay sa kanya ang bagsak niyang buhok na medyo ginulo ng bahagya.
“Ena, tumayo ka bilis!” bulong ni Pia sa tabi ko. Parang robot ako sa nangyari dahil awtomatiko ang pagsunod ko sa sinabi ni Pia.
Sa paglapit ni Ridge sa amin ay natuod ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko akalain na isang tulad ni Ridge ay nasa harapan ko. Para bang hindi ko deserve. Napakaperpekto niyang tingnan.
“What can you say to my work, Ridge?” may halong pagmamalaki ni Pia.
“Brilliant as always. You never cease to amaze me, Pia,” ani Ridge sa kanya.
“Thanks, brother,” satisfied na sambit ni Pia.
Isang beses lamang aking sinulyapan ni Ridge habang ako ay halos nakadikit ang mga mata ko sa kanya.
Nagustuhan ba niya talaga? Bakit hindi ko maramdaman?
At bakit ganito ang nararamdaman ko? Trabaho ito at hindi isang romantikong date, saad ko sa sarili ko.
“Okay, bago tayo umalis, alam mo na ba ang protocol, Ena?”
“Ahh… oo. Nasabi na ni Ridge kanina,” sagot ko.
“Basic pa lamang iyon, Ena. Sa ngayon, ngiti-ngiti ka lang at huwag makikipag-usap. Kapag may bumati sayo ng ‘hi’, greet them back. That’s it. Huwag kang lalayo kay Ridge. Sasaglit lang kayo doon sa event. Parang iso-soft launch ka ni Ridge bilang girlfriend niya to get some curiosity out of the crowd.”
Tumango ako kay Pia sa mga direksyon niya para sa akin.
“Ready? Let’s go,” ani Pia at saka na namin tinahak ang pinto palabas ng bahay.
Dumiretso ako sa kotse ni Pia ngunit nagitla ako nang hawakan ni Ridge ang kamay ko. “No, you’re going to go with me.”
Wala akong nakagawa kung ‘di ang magpatianod kay Ridge papunta sa kanyang mamahaling sports car. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto. Ngayon ko lamang naransan ang ganito kaya naman nagpasalamat ako sa ginawang kabutihan ni Ridge.
Nang makapasok siya sa driver’s seat ay pinaandar niya kaagad ang sasakyan. Tahimik lamang ako habang siya ay nagmamaneho. Nilalaro ko lamang ang aking mga daliri habang nakapokus sa kalsada. Amoy na amoy ko ang napakabangong perfume ni Ridge.
Ridge suddenly moved his right hand para abutin ang kamay ko. Napaawang ang bibig ko sa kanyang ginawa habang nakatitig sa kamay namin na magkahawak.
“You have to get used to this. We’re gonna hold hands like this in front of the people and behind. Have you kissed somebody before?”
“H-ha? Uh… ano…” nauutal kong saad. Hindi pa ako nakaka-move on sa biglaang paghawak ni Ridge sa kamay ko at heto may panibago na naman siyang nakakasindak na tanong. “W-wala.”
“Then, it would be me who is going to be your first,” aniya habang nakapokus sa pagda-drive.
Natulala ako sa sinabi ni Ridge. Ito na nga ang simula ng araw na sasabog ang mga pisngi ko sa sobrang pula ng mga ito.