Chapter 3

1312 Words
Sinabihan niya ba akong mabaho? Umaalingasaw ba ako? Napaamoy tuloy ako sa aking kilikili at nawindang ako sa naamoy ko. Amoy basang lupa na nabungkal. "Your room is beside mine on the left. May wardrobe ka na doon. Go take a shower and change," saad pa ni Ridge. "Kapag tapos ka na, meet me in my office right there," turo niya sa isang wooden door na mayroong karatula na office room. "Salamat," tipid kong wika. "Lilinisin ko na lang iyong mga pumatak na basa dito sa flooring pagkatapos kong maligo." "No need. I have a housekeeper. She's gonna clean it." Tumango-tango ako. "Okay. Sige, aakyat na ako. Salamat ulit." Sa pag-akyat ko sa hagdan ay ramdam ko ang titig ni Ridge sa likuran ko. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit niya ito ginagawa. Kung tutuusin ay kaya niyang makabingwit ng mga babaeng katulad ng estado niya. Bakit kailangan niyang maghanap ng palaboy? Pagkapasok ko sa loob ng aking magsisilbing kwarto ay sinagot ko ang aking tanong at ngumiti ng mapait. "Siguro kaya binili niya ang palaboy na katulad ko ay dahil madali lang akong idispatiya kapag tapos na siya sa akin. Walang bahid ng pagkakakilanlan. Parang binili sa ukay-ukay. Gusot na at hindi manghihinayang na itapon kapag hindi na nagagamit." Sumandal ako sa pinto at pinagmasdan ang napakagandang interior ng kwarto. "Ano pa bang aasahan ko. Masyado naman akong ambisyosa kung bibigyan ako ni Ridge ng special treatment. Hindi ko naman iyon deserve. Sa kaso ko, amo ko siya. Kapalit niyon ay ang pagkain, tirahan, safety, at mga maayos na gamit." Ngunit sa kabila niyon ay may nais akong hingin na pabor sa kanya. Sana ay mapagbigyan niya ako. Naligo ako at ninamnam ang bawat minutong nakababad ako sa shower. Kay bango ng shampoo, conditioner, at sabon. Matapos kong maligo ay nagpahid ako ng lotion at kung anu-anong mga nakikita kong naka-display sa banyo. Talagang pinaghandaan ang laman ng buong kwarto. Sa madaling salita, kumpleto. Tuwang-tuwa ako nang gamitin ko rin iyong hairdryer sa mahaba kong buhok pagkatapos kong maligo. Nakangiti pa ako sa tapat ng salamin habang pinagmamasdan ko ang sarili ko. "Mukha na ulit akong tao," saad ko sa sarili ko. Kay dungis ko kasi bago ako naligo. Itinapon ko na rin iyong suot kong bestida sa basurahan sa banyo. Pagkatapos kong patuyuin ang aking buhok ay binuksan ko iyong drawer. Nakakamangha iyong mga makeup set! Ngunit hindi ako marunong maglagay ng ganoon kaya wala rin. Iyong lipstick na kulay natural pink ang ginamit ko. Napangiti akong muli sa salamin nang pagmasdan kong muli ang aking sarili. Mas nadepina ang aking facial features kahit simpleng lipstick lamang ang aking ginamit. "Kamukhang-kamukha kita, Mama," wika ko habang naiiyak na katitig sa salamin. Binuksan ko iyong walk-in closet at bumulaga sa akin ang napakaraming damit. Halos hindi ako makapili. Ngayon lamang ako nakakita ng ganito sa totoong buhay. Parang ayaw ko na ngang lumabas. Pinili ko iyong simpleng damit lamang. Puting tank top at kulay khaki na cardigan. Ipinares ko rin sa puting high waist na shorts. Inilugay ko na lamang ang aking mahabang buhok, tsaka na ako bumaba at dumiretso sa tapat ng office room. Kumatok ako ng dalawang beses bago ko marinig iyong boses ni Ridge. "Come in," aniya sa loob ng office room. Pumasok ako ng dahan-dahan ngunit laking gulat ko nang mapansing naglalaro lamang siya sa playstation. "Akala ko nagta-trabaho ka," wika ko. "Yeah. I got bored waiting for you. At last, you're here. Have a seat." Naupo ako sa single couch at naupo naman siya paharap sa akin. "I won't make this meeting long. Now that I own you, I want you to follow my orders anytime, anywhere. No ifs, no buts. I take 'no' for an answer. Always remember that I own you. You're basically mine." "A property of yours," saad ko. Tinitigan lamang ako ni Ridge. "Alam ko naman itong pinasok ko. Sasayangin ko pa ba? Mas masahol pa ako sa mahirap dahil napulot mo lang ako sa lansangan. Bilang boss ko, susundin ko lahat ng gusto mo katulad ng sinabi mo." "I think I found the right person who is suitable for the role. Have you had a boyfriend before you became homeless?" diretsang tanong ni Ridge. "W-wala. No boyfriend since birth," nahihiya kong sagot. "Better," komento ni Ridge. "Bakit mo natanong?" "I just asked," aniya. "Ano palang itatawag ko sayo? Boss? Sir?" tanong kong muli. "Just call me by my name." Tumango ako bilang sagot. Pagkatapos ay mayroong kinuha si Ridge sa ilalim ng mesa at ipinatong iyon doon. Isang box. "You'll need this." Inabot niya sa akin iyong box at binuksan. Iphone 15! "Ang mahal naman nito, Ridge! Kahit yung mumurahing phone lang okay na sa akin!" "You're gonna act as my girlfriend. I can't afford people looking at you with a cheap phone. Aralin mong gamitin. Binuksan ko na yan at inayos. I saved my phone number there. May sim card na rin. Always bring that phone with you." "Okay," sagot ko habang nakapokus sa phone. “You have any questions?” Ibinalik ko iyong phone sa box at sinara iyon. Huminga muna ako ng malalim bago ang lahat. “Uhm, may hihingin sana akong pabor. Alam kong sobra na ito kung iisipin pero…” nilaro ko ang mga daliri ko at nais umurong ng dila ko dahil nahihiya ako ngunit nilakasan ko na rin ang loob ko. “Kakapalan ko na ang mukha ko. Gusto ko sanang ituloy ang pag-aaral ko. Oo na’t masyado na akong napag-iwanan ng panahon pero gusto ko kasing makapagtapos ng pag-aaral. Alam kong may hangganan itong set up natin kaya bago sana dumating yon, gusto kong makatapos ng pag-aaral para makapagtrabaho ako sa maayos na kumpanya at hindi na bumalik pa sa pagiging palaboy sa lansangan.” Pagtingin ko kay Ridge ay napansin kong nakangisi siya na tila ba na-amuse siya sa aking sinabi. “Where do you wanna study and what are you gonna study?” simpleng tanong niya habang nakahilig ang kanyang ulo. “Kahit saang pampublikong unibersidad. Gusto ko sanang ipagpatuloy yung kurso ko para may ma-credit kahit papaano. Business Administration major in Marketing.” “This is gonna be my welcome gift for you. You’re gonna study to a well known university around here and the p*****t is all on me until you graduate. Just make me proud as your boyfriend. I mean, fake boyfriend.” Napanganga ako sa sinabi ni Ridge. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Kung kilig ba o tuwa. O pareho? Sakto namang tumunog ang phone niya. Nang tingnan niya iyong caller ay saka siya nagsalitang muli. “It’s Pia. My personal assistant you’re going to meet tomorrow,” ani Ridge sa akin pagkatapos ay sinagot na niya iyong tawag. “Yes, Pia.” Tahimik lamang ako habang hinihintay si Ridge ngunit napansin kong unti-unting kumukunot ang kanyang noo. “What? Ngayon mismo?” Tila hindi nagustuhan ni Ridge ang naririnig mula kay Pia. “Alright.” Binaba niya ang phone at bumalik ang tingin niya sa akin. “Ano raw?” Tumayo si Ridge. “We’re going to a semi-formal party tonight. Wear something red. Make it sexier. Pia is on her way to help you.” “Ha?! Teka, h-hindi ko alam paano—“ “As what I have just said, Pia will help you out. She’s gonna tell you what to do.” Mukha akong constipated dahil natatae ako sa kaba. “O-okay…” “One more thing, if I kiss you there, you gotta kiss me back,” ani Ridge at saka nagsimulang lumakad papunta sa pinto ngunit tumigil siya nang hawakan niya ang doorknob. “Kiss me like we’ve been together for years. Don’t ever get shy when you’re with me. Make me proud as your boyfriend.” With that, he left me blushing like hell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD