Chapter 5

1218 Words
Natameme ako na parang ewan sa kinauupuan ko nang sambitin iyon ni Ridge. Isang gwapo, mayaman, karespe-respetong tao ang unang hahalik sa akin. Deserve ko ba iyon? Pinisil ng marahan ni Ridge ang kamay ko. “Feeling nervous?” “H-ha? H-hindi, ah..” pagsisinungaling ko. Halos maubusan na nga ako ng dugo sa katawan dahil napunta na yata lahat sa pisngi ko. Hindi ko maipinta ang aking mukha kaya naman tumingin ako sa labas ng bintana at pinanood ang mga dumadaan na sasakyan. Matapos ang mahigit isang oras na byahe ay nakarating din kami sa tapat ng isang puting building na para bang kapitolyo ang dating. Ipinarke ni Ridge ang sasakyan sa reserved space. Lumabas siya ng kotse at saka niya ako pinagbuksan ng pinto. Napaka-gentleman naman ng lalaking ito. Nagtataka pa rin talaga ako kung bakit ako ang pinili niya na gawin ito. Kung tutuusin ay maraming magkukusang-loob na gawin ito para sa kanya at libre pa. Hindi ko pa rin makuha ang logi behind this. Inilahad ni Ridge ang kanyang kamay at inabot ko naman iyon. Tinulungan pa niya akong makalabas ng maayos. Ano pa bang hahanapin? Isa siyang boyfriend material, eh. “Let’s get going so we can go back home early,” ani Ridge. Home? Napaka-sweet na lalaki. Nakakaintindi naman ako ng Ingles at kaya ko naman magsalita ng ganoon pero hindi gaano katulad niya. Ngunit sa pagsabi niya niyon ay nakaramdam ako ng comfort. Hindi na ako isang palaboy ngayon… may matatawag na akong ‘home’. Si Ridge. Dahil doon ay napangiti ako at sinabi sa sarili na gagawin ko ang lahat para kay Ridge dahil napakabuti niya sa akin. Sinong mag-aakalang may isang katulad niya na isang bilyonaryo at gwapong lalaki ang tatanggap sa akin ng ganito? Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya bago ako makalabas mula sa kanyang sasakyan. Sakto namang lumapit sa amin si Pia. “Ready, Ena? Just be natural. Ngumiti ka lang ng simple kapag may bumati sayo. Let me see the smile first before we get inside,” ani Pia. Ginawa ko naman ang kanyang sinabi. Ngumiti ako ng simple. “Perfect! No need to pressure yourself on this, got it?” Tumingin si Pia kay Ridge at kinindatan niya ito. Mukhang satisfied si Pia sa aking ginawa at approve kay Ridge “Let’s get going!” dagdag pa ni Pia. Pinauna niya kami ni Ridge habang siya ay nasa likuran namin. “Put your hand around my arm,” ani Ridge habang papasok sa malawak na pinto ng building. Napatitig ako sa kanya bago ko ginawa ang kanyang sinabi. Ipinulupot ko ang aking kamay sa braso niya. Nang makapasok ay nag-bow sa amin iyong tila security guards sa magkabilang pinto ng building. Bumungad sa amin ang cozy ambience ng party. Cozy ang music na para bang nasa lounge ng hotel. Mayroong mga maliliit na pabilog na mesa sa buong paligid. Mayroon ding mga waiters na palakad lakad dala ang bilog na tray na mayroong nakapatong na mga wine glasses. “Hey, Ridge! Long time no see!” ani isang lalaki na nakapansin kay Ridge habang ito ay naglalakad. Lumapit siya sa amin. Mukhang magkasing-edad lamang sila ni Ridge. Mababatid sa kanyang hitsura at galaw na hindi siya lumaki rito sa Pilipinas. “Hey, what’s up?” saad ni Ridge at saka sila nagyakapan saglit. “Haven’t seen you in ages, man. My parents got invited here. They dragged me here with them, it’s so annoying,” ani ng lalaki pagkatapos ay nagawi sa akin ang kanyang tingin. “Well, well, well. Care to share who is this beauty beside you?” “My girlfriend,” sagot ni Ridge. “Really? Don’t fool me. I haven’t seen you with any girls since then! But, who am I to judge?” Inilahad ng lalaki ang kanyang kamay sa akin. “By the way, I’m Fin. Ridge’s friend.” Ngumiti lamang ako sa kanya ng simple gaya ng sinabi ni Pia. Natulala si Fin sa akin. Pagkatapos ay nagsalita kaagad si Ridge. “We’re actually looking for somebody, Fin. Actually baka nakaalis na. We’re gonna roam around so we can find him. May we?” ani Ridge. “Of course,” ani Fin habang nakatitig pa rin sa akin. Nagsimulang lumakad si Ridge kaya nahila niya ako. Nang makalayo na ng tuluyan kay Fin ay doon lamang ako nakahinga ng maluwag. “T-tama ba yung ginawa ko, Ridge?” “Yeah,” tipid na sagot naman niya. Bawat daanan naming mga tao ay napapalingon sa amin ni Ridge. Iyong iba naman ay nakikipagbulungan pa sa katabi. Ganoon ba ka-popular itong si Ridge? “Sinong hinahanap natin?” tanong ko. “No one. Nag-reason out lang ako kanina kay Fin. He’s gonna ask a lot of questions kapag hindi pa tayo umalis kaagad.” Nakarating kami sa isang hallway na walang gaanong tao. Tumayo naman si Pia sa corner sa di kalayuan marahil ay binabantayan ang lugar namin. “Anong gagawin natin dito?” pagtataka ko. “Have you seen the people? You just got enough exposure so they would talk about you being with me.” “Pwede ko bang malaman kung para saan itong ginagawa natin?” Hindi sumagot si Ridge. Umiwas lamang siya ng tingin saglit ngunit bumalik din sa akin pagkatapos. “Just do as I say and you follow it.” “Okay,” sagot ko naman. Ayoko namang mangulit at baka magalit si Ridge. Trabaho naman itong maituturing kaya hindi na dapat ako magtanong ng kung anu-ano. Ang importante ay nagagampanan ko ng maayos ito. Ngunit alam kong kakainin rin ako ng mga tanong sa isip ko kapag naglaon. Ilang minuto rin kaming nakatayo ni Ridge sa may hallway nang sumenyas si Pia na may paparating. Nagulat na lamang ako nang hatakin ni Ridge ang bewang ko palapit sa kanya. Nang mapansin ang pigura ng tatlong taong papunta sa hallway ay siya namang paglapit ng mukha ni Ridge sa mukha ko. Tinitigan niya ako. Napatitig rin ako sa kanya. Bumaba ang mga mata ni Ridge sa labi ko. “I’m going to kiss you. Don’t budge.” Natuod ako sa kinatatayuan ko. Napakabango ng bibig ni Ridge. Amoy mint. Nakakahumaling ang titig niya sa akin na parang nalulunod ako. “A-anong—“ hindi ko na nagawang makapagsalita pa nang lumapat ang labi ni Ridge sa labi ko. Narinig kong napasinghap pa iyong mga taong nagawi dito sa hallway. Hindi ko magawang pumikit. Para bang naparalisado ako sa nangyari. Ramdam ko sa aking labi kung gaano kalambot ang labi ni Ridge. Lumayo siya ng bahagya at nagsalita. “Kiss me back,” he whispered before sealing my lips again with his. Hindi ko alam kung anong elemento ang sumapi sa akin. Bigla ko na lamang ipinulipot ang aking mga kamay sa batok ni Ridge at saka tumugon sa kanyang halik. Nagsimulang humagod ang kanyang labi. Bawat hagod ay sinusundan naman ng labi ko. Hinayaan kong damhin ang bawat galaw ni Ridge. Hindi ko namalayan na nawawala na pala ako sa sarili. Ine-enjoy ko lamang ang halik niya sa akin. Ganito pala ang pakiramdam ng mahalikan. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit nanghihina ang mga tuhod ko at para bang ayaw ko nang matapos ito. Ganito pala kasarap humalik… ang isang Ridge.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD