Chapter 6

1225 Words
Dinig ko ang pagsinghap ng mga taong dumaan sa hallway. Marahil ay nakita kaming naghahalikan ni Ridge. Nakakahiya mang aminin pero ayaw ko pa sanang matapos ang ginagawa namin ni Ridge. Napakasarap niyang humalik. Hindi ko mawari itong pakiramdam ko ngayon. Tila ba sasabog ang dibdib ko. At itong mainit na pakiramdam sa aking katawan. Ganito ba talaga ang nangyayari kapag ginagawa itong intimate moment na ito? Inilayo ng dahan-dahan ni Ridge ang kanyang mukha. Katulad sa akin ay kita ko kung gaano kapungay ang kanyang mga mata. Para ba itong inaantok. Hindi pa rin mawala ang pagkakakapit ko sa kanyang batok, nagbabaka-sakaling matuloy pa ang aming ginagawa. Gusto kong sampalin ang aking sarili dahil naalala kong parte ang lahat ng ito sa plano. Isa lamang itong act na kailangang kong gampanan. Kailangan ko lamang maging isang mahusay na aktres sa pagiging isang girlfriend ni Ridge. Ngunit wala naman sigurong masamang mangarap. Gusto kong maramdaman na totoo ito. Kay sarap palang maranasan ng ganito. Tsaka na lamang siguro ako mag-iisip kapag natapos na ang aming kasunduan. Sa ngayon, nais kong sulitin ang lahat ng nangyayari. Dahil alam kong sa huli, itatapon lamang niya ako ulit. Napansin ko sa aking periphery na nagtakbuhan iyong mga nakakita sa amin paalis ng hallway. Sumenyas si Pia sa amin ng thumbs up, marahil ay tagumpay ang nangyari. “O-okay na ba?” nauutal kong tanong habang nakatingin sa dibdib ni Ridge. Ramdam ko pa rin ang pamumula ng aking mga pisngi. Hindi nagsalita si Ridge kaya naman napaangat ang mukha ko. Napaawang ng bahagya ang aking bibig dahil nakatitig pa rin pala siya sa akin. Seryoso ang kanyang gwapong mukha. Tila may nagtatalo sa kanyang isip. “A-anong problema? M-may dumi ba sa mukha ko?” “You said you haven’t had any romantic partner in your life. How come you know how to kiss?” mahinahong wika ni Ridge. “H-ha? H-hindi ko alam…” napaiwas ako ng tingin ngunit ibinalik ni Ridge ang aking tingin sa kanyang mukha nang hawakan niya ang aking baba gamit ang kanyang hintuturo. “S-sinusundan ko lang iyong labi mo…” Tinitigan lamang ako ni Ridge sa hindi ko malamang dahilan. Gusto ko sanang magtanong ngunit pinili ko na lamang na manahimik. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan ay saka muling nagsalita si Ridge. “That’s it for tonight. Let’s go home,” aniya. Lumayo na siya ng tuluyan sa akin kaya naman kinailangan kong ibaba ang mga kamay kong nakapulupot pa sa kanyang batok. Dumaan kaming muli sa kung saan kami pumasok kanina. Ngunit hindi katulad kanina, mas ramdam ko ang titig ng mga tao sa paligid. Bulungan pa iyong iba hanggang sa makalabas na kami ng tuluyan. Pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan ni Ridge ngunit siya pumasok kaagad. Sinundan ng mga mata ko ang paglakad niya papunta kay Pia. Nag-usap silang dalawa bago siya bumalik sa kotse. Sumakay si Ridge sa passenger seat at saka niya piaandar ang sasakyan. Tahimik kaming pareho habang siya ay nagmamaneho. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ng usapan. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang kanyang malambot na labi. Para bang hinahanap-hanap ko ito… Napasampal tuloy ako sa sarili ko. Tsaka ko na lamang napagtanto ang ginawa ko. “Why would you slap yourself like that?” ani Ridge habang nakapokus sa kalsada at sa pagmamaneho. “Ah, wala! M-may lamok!” pagdadahilan ko. Natawa si Ridge. “Seriously? There are no mosquitoes here. Napakalalim ng iniisip mo. What’s the matter?” “W-wala.” Yumuko ako ng bahagya dahil ayaw kong makita ni Ridge ang pamumula ng pisngi ko. Kahit yata madilim sa kotse ay mapapansin niya ito. “Tell me,” pag-i-insist pa niya. “Something is bothering you. Tell me.” “W-wala talaga.” Itinigil ni Ridge ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Mabuti na lamang ay walang gaanong sasakyan na papagawi rito. Tinanggal ni Ridge ang kanyang seatbelt at humarap sa akin. Seryoso ang kanyang gwapong mukha ngunit hindi ko makita iyong galit. Hindi nga lang siya nakangiti. “You sold yourself to me. Nasa pinirmahan mong agreement ang pagsasabi mo sa akin kung may problema so I can fix it sooner. Now, what’s bothering you?” Napalunok ako sa kanyang sinabi. Bakit ba hindi ko binasa iyong pinirmahan kong agreement?! Napokus kasi ako sa benepisyo kaya hindi ko na naisip na basahin pa. Napakagat ako sa aking labi dahil ayaw kong malaman niya na siya at ang halikan namin kanina ang nasa isip ko. Ganito ba ako karupok? Siguradong marami nang dumaan na babae kay Ridge. Napasarap niyang humalik, eh. At hinding hindi niya papansinin ang isang katulad ko. Kahit sagutin ko pa ang kanyang tanong ngayon ay wala rin namang magbabago. Siguradong tatawanan niya lamang ako. At siguradong ipapaalala niya sa akin na umaakto lamang kami. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. “Wala namang bumabagabag sa akin. Naisip ko lang yung nangyari kanina,” sagot ko. Hindi nawala ang tingin ni Ridge sa akin. “Which part of what happened earlier were you thinking about?” “Uh, lahat. Pero yung sa hallway…” “The kiss? Or the people who saw us?” Ngayon ko lamang napagtantong specific si Ridge. “I-iyong kiss…” nahihiya kong sambit at naiwas pa ng tingin. Ngunit napalunok ako nang bumalik ang atensyon ko kay Ridge. Pumungay na naman ang kanyang mga mata habang hindi nawawala ang tingin niya sa akin. “Can I ask you something?” tanong ni Ridge in a husky tone. “Who owns you?” “I-ikaw…” “Then, I want you to kiss me right here, right now,” he commanded me. Hindi ko naramdaman ang demand sa kanyang boses. Para bang nais niya lamang sabihin iyon sa akin at nais niyang gawin ko. Napakagat ako sa aking labi dahil nahihiya akong lumapit. Magsasalita sana ako para sabihing nahihiya ako ngunit hindi na nangyari pa. Hinila niya ang aking kamay at saka niya ako hinalikan. Napaung*l ako ng bahagya dahil sa impact ng aming mga labi. Bilang tugon niya sa tunog na lumabas mula sa akin ay kinagat ni Ridge ang aking pang-ibabang labi. Napaung*l akong muli dahil sa mainit na sensasyong nararamdaman ng aking buong katawan. Tumugon ako sa halik ni Ridge sa akin. Mas lumalim pa ang paghalik niya sa akin at sinusundan naman ng labi ko ang bawat hagod ng kanyang labi. Dinig sa loob ng sasakyan ang bawat masasarap na hagod ng aming mga labi. Napakainit ng pakiramdam ko. Nakakabaliw pala ito. Hindi na ako magtataka kung bakit hinahanap-hanap ito ng mga taong may karelasyon. Parang droga. Nakaka-adik. Lalayo sana ako para makasinghap ng hangin ngunit hindi iyon hinayaan ni Ridge. Hinawakan niya ang batok ko at mas lumalim pa ang halik niya sa akin. Nalulunod ako sa kanyang ginagawa. Hanggang sa magitla kaming pareho sa bumusinang sasakyan sa likod. Si Pia. Lumayo kaming pareho ni Ridge sa isa’t isa. Isinukbit niyang muli ang seatbelt niya at pinaandar ang sasakyan. Inayos ko naman ang aking sarili. Siguradong naubos na iyong lipstick na nakakabit sa labi ko. Tumingin ako sa bintana at napangiti sa nangyari. Wala namang masama kung hahayaan kong maging maligaya ang sarili ko. Alam kon temporary lamang itong nangyayari kaya nais kong sulitin. Huwag lamang sana akong mahulog ng tuluyan kay Ridge.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD