Chapter 7

1000 Words
Nang makauwi sa bahay ni Ridge ay saka namang nagmamadaling pumasok si Pia sa loob. "I thought you, guys, were kidnapped! Nasa gilid lang pala kayo ng kalsada! Umikot-ikot pa ako around the area! Muntik na akong atakihin sa puso! Akala ko kung ano nang nangyari sa inyo!" I kept wincing habang nanenermon si Pia. Isa lamang siyang Personal Assistant ni Ridge na itinalaga niya para sa akin ngunit mas higit pa doon si Pia. Isa siyang tunay na kaibigan kung maituturing. "I'm sorry," ani Ridge sa kanya. "You're clearly upset." "Ano sa tingin mo, ha?" ani Pia at saka pa siya nagpameywang na para bang nanay siya na nanenermon ng anak. "Nagsisimula pa lang tayo sa raket na 'to, Ridge. Nakataya ang dignidad ko rito. Alam mo namang nagsinungaling lang ako sa magulang ko para di ako itapon sa England, eh." "I'm sorry," paumnahin ni Ridge. "It won't happen again," aniya pa. Dahil katabi ko si Ridge ay bumulong siya sa akin. "When she's not around." Tumindig ang balahibo ko sa kanyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin? Nag-playback tuloy sa isip ko iyong nangyari kanina sa kotse. "Oh, bakit ka namumula diyan, Ena. Anong sinabi ng kurikong na 'to?" turo ni Pia kay Ridge. Marunong din palang magsalita ng pangkanto si Pia. Napaka-cool niya talaga. "W-wala," pagsisinungaling ko. "Pia, you should get going. Thanks for today. Send me updates if we have to attend another party or anything." Bumuntong-hininga si Pia. "Alright. Masyado pang maaga para mawala ka sa mundong ibabaw. Remember, ikaw ang heir ng Vallejo Group." "Whatever, go home," ani Ridge sabay lakad paakyat sa hagdan. Ngumiti naman ako kay Pia. "Ihahatid na kita sa labas, Pia. Salamat sa tulong mo sa akin kanina sa pag-aayos." "No worries. That's part of my job." Lumapit siya sa akin at bumulong. "I saw you two kissing inside the car. Unfortunately, masyadong maliwanag iyong ilaw sa poste. I didn't want to see that, but I did." Kinindatan pa ako ni Pia nang lumayo siya sa akin. Isama pa ang malawak na ngiti sa kanyang labi. "N-nakita mo?" Halos sumabog ang pisngi ko sa sinabi ni Pia. Tumango siya ng mabilis bilang sagot. "Kung may gusto kang malaman tungkol kay Ridge, I'm the best person to talk to," ani Pia. "Oh, siya. I'm going. I'll call Ridge kapag may bago nang ganap. Or," kinuha ni Pia ang phone sa kamay ko at nag-dial ng number. "You can call me on my personal number. You know, some girly talks about someone," aniya pa na para bang inaasar ako. "Pia naman, eh." "Alam mo, ang gaan mo kasama. Napakalayo sa ugali ng mga tao at mundong kinalakihan ko. We can be good friends, Ena. I like you," ani Pia. Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Salamat, Pia. Nandito lang din ako kung kailangan mo ng makakausap o kasama." "Thanks, love. I appreciate that." Sinamahan ko si Pia hanggang sa makasakay siya sa kanyang kotse. Nang makalabas na siya ng tuluyan sa gate ay doon na ako pumasok pabalik sa loon ng bahay. Nang ma-lock ko ang pinto ay siya namang pagpatay ng lahat ng ilaw maliban sa LED lights sa likuran ng mga halaman na nakasabit sa may sala at ang malaking smart TV. "Ahh!" Napatili ako nang biglang may yumakap sa akin mula sa likuran at takpan ang bibig ko. "Shh. It's me," pabulong na sambit ni Ridge. "Somebody broke into my house. Stay here." Lalayo sana si Ridge nang hilahin ko ang braso niya. "Teka, sasama ako," natatakot kong sambit. Tumigil si Ridge sa aking ginawa. Sakto namang patakbong pumasok mula sa kusina iyong lalaking nagbigay sa akin ng business card ni Ridge. Lumapit ito sa amin. "Malfunction lang sa generator, Sir," wika ng lalaki. "Are you sure, Mateo?" "Yes, Sir." "Tiningnan mo ba yung mga cctv footages?" tanong ni Ridge. Sakto namang pumasok iyong guard na naka-standby sa gate ng bahay ni Ridge. "Sir, okay naman po ang lahat," tugon ng guard. "Okay. Just make sure everything is okay," ani Ridge. Tumango si Mateo at iyong guard bilang sagot at saka na sila umalis. Humarap si Ridge sa akin. "Matulog ka na. You need to rest." "Okay. Goodnight, Ridge," sambit ko. Lalakad na sana ako nang magsalita siya. "You forgot something," aniya. "Ha?" Napaisip ako. "Parang wala naman akong nakalimutan. Nandito naman yung purse na dala ko." Nakasukbit sa balikat ko iyong purse na may chain na tali. "Not that. But this," aniya at saka niya ako hinalikan sa labi. "You have to do that before you go to sleep. So, you'll get more comfortable to act as my girlfriend in front of everyone." "Ahh... okay," tipid kong sagot. "Pati ba sa umaga?" "Yes.” Napapamura ako sa isip ko. Kakayanin ko ba ang ganitong set-up? Na kay Ridge na lahat ng qualities na hinahanap sa isang lalaki. Isa lamang akong ordinaryo at tipikal na babae na may puso. "Sige..." "Okay, goodnight," ani Ridge at saka na siya umakyat muli pabalik sa kanyang kwarto. Hindi ako nakatulog. Tiningnan ko iyong oras sa phone na binigay sa akin ni Ridge. Malapit nang mag-five AM. Gumulong ako sa kama. Ang daming tanong ang bumabagabag sa isip ko. Bakit kailangang gawin ito ni Ridge? Sa pagkakadinig ko, siya ang heir ng Vallejo Group. Natulala tuloy ako sa kisame bago ko napagtanto kung gaano kalawak ang Vallejo Group dito sa siyudad. Napatayo ako ng mabilis at napa-search sa phone tungkol sa naturang kumpanya. Palagi kong nakikita sa mga billboards ang Vallejo Group noong mga panahong nasa lansangan pa ako. Lumabas sa screen ng phone ang iba't ibang articles patungkol sa Vallejo Group. Napaawang ang bibig ko nang buksan ko iyong latest article at basahin iyong headline. Who Is the Mystery Girl Beside the Third Generation Heir of Vallejo Group? Nasa ibaba nito ay ang malabong picture namin ni Ridge kanina sa party. Mayroon pang nakalagay na question mark sa aking mukha. Nais bang ipaalam ni Ridge sa media na mayroon na siyang girlfriend? Pero bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD