Chapter 19

1059 Words
Ang akala ko ay tutugunan pa ni Ridge ng maraming halik ang labi ko. Nakaramdam ako ng panlalamig nang lumayo siya sa akin. "Ena, pull yourself together. Why are you doing this? What's the matter?" May halong pag-aalala ang boses ni Ridge. "W-wala." "Tell me," he demanded. Hindi ako umimik. Paano ko sasabihin na nahulog na ang loob ko sa kanya? Natatakot ako sa kung anong pwedeng maging reaksyon niya kapag nalaman niya. Sakto namang kinatok ni Pia ang bintana ng sasakyan ni Ridge sa may driver's seat. "Wait there," ani Ridge at saka siya lumabas ng kotse. Napansin ko pang nagtaka si Pia dahil sa back seat lumabas si Ridge. Lumapit si Ridge kay Pia at saka sila nag-usap. Hindi ko nadidinig kung anong pinag-uusapan nila pero sigurado akong ako ang topic nila. Matapos ang ilang minutong pag-uusap ay pumasok si Ridge sa driver’s seat. Pinaandar niya ang sasakyan at ako naman ay nagtutulug-tulugan. Hindi na niya ako inabalang gisingin pa. Pagkarating sa bahay ay binuhat na lamang ako ni Ridge paakyat sa aking kwarto. Inihiga niya ako sa kama. Ang akala ko ay aalis na si Ridge dahil hinihintay kong bumukas ang pinto ngunit hindi pa nangyayari. Ramdam kong nakatitig siya sa akin. Hanggang sa maramdaman ko ang kanyang amoy mint na hininga sa aking mukha. Dumampi ang labi niya sa noo ko. Pagkatapos ay lumabas na siya sa kwarto. Binuksan ko ang mga mata ko. Naluluha ako. Mas lalo lamang akong napapamahal sa kanya dahil sa ganitong pag-uugali na mayroon siya. Paano ko na ito maiiwasan ngayon? I did this to myself. Hindi ko iniwasang mahalin siya dahil unang-una ay pumayag ako na bilhin niya ako. Dapat ay inasahan ko na ito, eh. Hirap na hirap tuloy ako ngayon. Kinabukasan, araw ng Sabado kaya wala akong pasok. Balak ko sanang magkulong sa kwarto at manood na lamang ng mga pelikula sa netflix ngunit pumasok si Ridge. Nagitla pa ako dahil hindi man lang siya kumatok. “Good morning,” bati niya. Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa labi. Bawat umaga nga pala ay ginagawa namin iyon at tuwing bago matulog. Sinong hindi mahuhulog sa kanya kapag ganito? Napabuntong-hininga na lamang ako sa aking isip. “Good morning,” matamlay kong bati rin sa kanya. “I just came in to check up on you. How’s your sleep?” ani Ridge. “Okay naman,” tipid kong sagot. “Get dressed. We’re going out today,” aniya. “Saan tayo pupunta?” Sa huli ay naligo ako at nag-ayos. Nagsuot ako ng simpleng floral dress. Ibinagay ko ang aking long hair doon dahil nagsuot ako ng ribbon. Nagsuot din ako ng sandals para i-match sa aking damit. Nang bumaba ay naghihintay si Ridge sa living room. Suot niya lamang ay puting polo at khaki shorts. Napakagwapo niya talaga sa kahit anong isuot niya. Mas lalo lamang akong nahuhumaling sa kanya. Napansin niya akong bumababa. Nakatitig lamang siya sa akin hanggang sa makalapit ako sa kanya. “You’re so beautiful,” he complimented me. “Sus, bola ka,” pabiro kong wika. Ngunit hinalikan ni Ridge ang pisngi ko. “Let’s go,” aniya. Nagpunta kami sa isang open area na restaurant. Para bang nasa Paris kami. Madaming halaman at bulaklak ang nakapaligid sa lugar at mga wooden tables and chairs. Tila ba bumagay ang suot ko sa pinuntahan namin ngayon. Tahimik lamang akong kumakain ng pancake na hinihiwa ko sa bread knife at tinidor. Habang si Ridge naman ay nakatingin lamang sa akin. “Bakit hindi mo pa galawin ang pagkain mo?” tanong ko. “I’m just enjoying the view. I’ll eat in a sec,” ani Ridge. “Okay,” saad ko at saka ko na lamang ipinagpatuloy ang aking pagkain. “Nagustuhan mo ba dito?” Ibinaba ko ang mga kamay ko pagkatapos kong isubo ang pancake. Inangat ko ang tingin ko kay Ridge at ngumiti. “Oo, napakaganda. Parang nasa Paris tayo ngayon,” sagot ko. “I’m glad you liked it,” wika ni Ridge, saka na siya nagsimulang kumain. “May gusto ka bang gawin pagkatapos kumain?” “Hmm,” napaisip ako. “Wala naman. Pero dati, gusto kong magpunta sa mall at manood sa sinehan. Madalang ko lang kasing magawa iyon gawa ng mga pangangailangan sa amin.” Pagkatapos naming kumain ng almusal ay dinala ako ni Ridge sa isang napakagandang sinehan. Nagtaka pa ako dahil mga kama ang naroroon at hindi mga upuan. Walang ibang nanonood kung hindi kami lamang dalawa. Nakalimutan ko pa kung anong title ng pinapanood namin. Habang nakahiga at nanonood ay yumakap si Ridge sa bewang ko at saka niya isiksik ang kanyang mukha sa leeg ko. Nakaramdam tuloy ako ng init. Gustung gusto ko kapag ganito siya sa akin. Napakasarap sa pakiramdam. “Ridge, baka hindi mo na matandaan ang flow ng pinapanood natin,” wika ko. “It’s okay,” aniya sa leeg ko. Napakagat ako sa aking labi nang maramdaman kong gumagalaw ang labi niya doon. Hanggang sa tumigil siya at tanging hininga na lamang niya ang nararamdaman ko doon. Nakatulog ba siya? Hinayaan ko siya habang nanonood ako at kumakain ng popcorn. Tsaka ko lamang napagtanto na tuluyan na siyang nakatulog habang ganoon ang posisyon namin. Walang nangyayari sa amin pero napaka-intimate ng ginagawa namin ngayon. Nakayakap siya sa akin habang siya ay tulog at ako naman ay pinagmamasdan siya. Itinabi ko iyong popcorn at saka humiga para yakapin siya. Nagising siya ng bahagya. Hinalikan niya ako sa labi ng isang beses at saka siya sumiksik muli sa dibdib ko naman. Hinalikan ko ang tuktok ng ulo ni Ridge at hinaplos ang kanyang likod. Inangat pa niya ang kanyang hita para ipatong sa bewang ko. Napangiti ako sa kanyang ginawa. Napakasimpleng tao lamang ni Ridge kahit isa siyang bilyonaryo. Nagising na lamang ako nang gumalaw si Ridge at umupo. Papungas-pungas pa ako nang umupo rin ako. “I had a great sleep,” aniya sa akin. “We should do this more often.” “Manood sa sinehan ng ganito?” pagtataka ko. “No. Either you sleep in my bed or I’ll sleep in yours.” “P-paano kung hindi ako pumayag?” pagsasalungat ko. Dahil mababaliw ako lalo kapag ginawa namin iyon. “I’m not asking for your permission. We’ll do this again tonight.”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD