Chapter 2

1441 Words
Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng pakagandang bahay. Lahat ng gamit ay halatang mamahalin ot moderno. Sinong mag-aakalang makakapasok ako sa ganitong klase ng bahay? Iyong woden door pa lamang ay siguradong mas mahal pa sa buhay ko. "Maupo ka muna, Miss..." "Enchantress," wika ko sa lalaking nakasuot ng black suit. Tinitigan niya ako ng mahigit tatlong segundo na tila ba hindi niya mawari kung tama ba iyong narinig niyang pangalan mula sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon ang ipinangalan sa akin ni mama. Napakaganda ko raw kasi na para bang isa akong anak ng diwata. Oo na't mahirap lamang kami ngunit hindi maikakaila ang kaputian na taglay namin ng kapatid kong si Treasure. Namana namin iyon kay mama. Minsan ay napagkakamailan pa kaming mga anak ng kano. Inaasar pa kami noon na 'hilaw'. Naiiyak man ako sa inis kapag inaasar kami ng ganoon ay hindi na lamang ako gumaganti dahil hindi iyon ang itinuro ni mama sa amin. "Teka, hindi pala ako pwedeng maupo. Baka marumihan ko ang mamahaling sofa--" hindi ko na naituloy pa ang aking sinasabi nang magsalita ang isang lalaki na pababa ng hagdan. Sabay pa kaming napatingin ng lalaking nais akong paupuin. "Take a sit," wika ng matipunong lalaki na nasa terrace kanina. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya ng mas malapitan. Hindi ko maalis ang titig ko sa kanya. Napakaganda ng kanyang katawan na tila ba batak sa pag-ehersisyo sa gym. Napakatangkad niya rin. Kung lalapit siya sa gawi ko ay makikita talaga na hanggang balikat niya lamang ako. Bagsak rin ang kanyang maitim na buhok na mas lalong nagpadepina sa kanyang napakagwapong mukha. Simpleng itim na shirt at kulay gray na jogging pants lamang ang kanyang suot ngunit napakaperkekto na niyang tingnan. Nakakalungkot lamang na sa kanyang napakaperpektong pigura ay siya namang kabaligtaran ng kanyang ekpresyon. Walang emosyon. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pakikipag-usap sa kanya. Napaka-intimidating niyang tingnan. Iyong bang hindi karapat-dapat ang isang tulad ko na kausapin siya dahil isa lamang akong dumi kung ikukumpara sa kanya. Nang makakababa ng tuluyan iyong matipunong lalaki ay lumapit siya sa lalaking nakasuot ng black suit. May binulong ito sa matipunong lalaki bago siya tuluyang umalis palabas ng magandang bahay. Ngayon, kaming dalawa na lamang ang natira. Nagsimulang maghuramentado ang aking isip. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko namalayang nakakapit ako ng mahigpit sa harapan ng bestida ko. Napaiwas ako ng tingin nang mapansing nakatitig sa akin iyong matipunong lalaki. "Nakakaintindi ka ba ng English?" panimula niya. Kasabay ng kanyang pagtatanong ay ang siya namang paglakad niya papunta sa single couch na nakatapat sa akin. Umupo siya doon at nagde-kwatro pa. "O-oo..." tipid kong sagot. "Anong natapos mo?" aniya pa. Teka, ini-interview ba niya ako? Hinayaan ko lamang ang sarili ko na sagutin ang kanyang mga tanong. "Hanggang second year college lang ang natapos ko," sagot ko. "Any awards or certificates during those years?" dagdag niya habang matiim na nakatingin sa akin. "Consistent dean's lister ako hanggang sa tumigil ako sa pag-aaral." "Why?" "Lumipat kasi kami ng matitirhan ng pamilya ko. Pinalayas kami sa unang tirahan namin na pagmamay-ari ng tiyahin ko. Nagkasakit kasi ang papa ko kaya wala kaming maibayad. Napilitan akong magtrabaho para makatulong sa pamilya. Hanggang sa nakalipat kami sa bagong nilipatan namin noong mga panahon na iyon." "Where are your parents now?" kunot-noong tanong niya. Napangiti ako ng mapakla. "Patay na sila. Lagpas dalawang taon na ang nakakalipas. Pinalayas na rin ako sa tinitirhan namin. Inuupahan lang namin iyon. I lost myself during those difficult times. Kaya ngayon, isa na lamang akong palaboy," kibit-balikat kong wika. Wala akong narinig na tanong mula sa matipunong lalaki. Nakatitig lamang siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil ngayon ko lamang nakwento ang buhay ko sa ibang tao. At sa lahat ng mga taong mapagsasabihan ko ay iyong pang tao na bibili sa pagkatao ko. "Have you tried looking for a job?" "Oo. Maraming beses. Kaso... ewan ko. Hindi ako pinalad. Halos mga bar ang nais tumanggap sa akin. Tapos... heto ako ngayon. Ganoon din pala." Natawa iyong matipunong lalaki. "Anong nakakatawa?" kunot-noo kong tanong. "Nothing," aniya. Huminga siya ng malalim at inayos ang sarili. He crossed his arms over his chest. "How old are you?" "Twenty-eight." "Still a virgin?" Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang tanong at ramdam ang matinding pamumula ng aking pisngi. Nakangisi siya ng pasimple sa akin habang hinihintay niya ang aking sagot. "A-anong klaseng tanong yan?" hindi makapaniwalang saad ko. I was really taken aback to his silly question. "Just answer. Yes or no?" Napakagat ako sa aking pang-ilalim na labi dahil hindi ako makapaniwala. "O-oo..." sa wakas ay naisagot ko rin. Napapikit pa ako ng mariin dahil sa hiya. "Good. Just making sure you're clean and no one has ever touched you." Maiinsulto sana ako ngunit naisip ko rin na may punto siya. "Marumi lang ako sa panlabas pero malinis ako sa loob,"may halong pagmamaktol kong saad. And he bursted out laughing. Napakunot ang noo ko sa kanyang ginawa. "Anong nakakatawa? Tinatawanan mo ang p********e ko?" "No," aniya habang patuloy sa pagtawa. Napahawak pa siya sa kanyang tiyan. Mangiyak-ngiyak pa nga siya. "Oh, God... I lost tracks since the last time I laughed that hard," dagdag pa niya habang pinupunasan ang gilid ng kanyang mata. "Anong nakakatawa?" nakasimangot kong tanong. "I wasn't sure if you were telling a joke. My bad." Umayos siyang muli ng upo. He then cleared his throat. "Mukha ba akong nagbibiro. Literal na marumi ako hindi mo ba nakikita? Pero kahit na gano'n, hindi ako--" "Yeah, I'm sorry," aniya. Marunong naman pala siyang humingi ng patawad. "Your name?" "Enchantress," sagot ko. "Enchantress Salvatore. Pero Ena ang palayaw ko." "Unique name," aniya. "I'm Ridge Antoine Vallejo. Ako iyong may-ari ng business card. I'm the one who is going to buy you." "P-pwede ko bang malaman kung bakit binigay mo iyong business card sa akin? Wala bang iba? Mayaman ka, maraming babae diyan na pwede mong--" "Are you going to accept the good life that awaits you or not?" diretsong tanong ni Ridge. Hindi ako kaagad nakasagot. "A-anong kapalit kapag binili mo ako?" "Act like my girlfriend. A real girlfriend who does girlfriend things. I meant everything. And you should follow what I order you to do. And do not forget that I own you," ani Ridge. Napaawang ang bibig ko sa kanyang sinabi. Ganoon lamang ba ang dahilan kung bakit niya ako bibilhin? Ang umakto bilang girlfriend niya? Ako naman ngayon ang tumawa ng malakas. Napahawak pa ako sa tiyan ko at mangiyak-ngiyak. "Seryoso? Grabe!" saad ko sa pagitan ng aking pagtawa. Hindi ko namalayang napaupo ako sa sofa dahil sa panghihina sa katatawa kaya mabilis akong napatayo. "Ay! Sorry! Pasensya na, lilinisin ko na lang. Pasensya na talaga," nahihiya kong wika. "Let that be. May I ask what is funny?" ani Ridge habang nakataas ang isang kilay niya. "Eh, kasi naman," panimula ko habang nagpipigil ulit tumawa. "Sa yaman mong iyan, bibili ka ng pulubi para maging girlfriend mo? Okay ka lang? Deserve mo yung mga ano eh, yung mala modelo ganyan! Ano ka ba!" dagdadg ko pa at saka humagalpak ng tawa. "Hindi ko alam na sa lahat ng nakikita kong mga homeless na tao sa kalsada, ikaw iyong mapanghusga at madaldal," pokerface na saad ni Ridge. Mas lalo akong tumawa sa kanyang sinabi. Ewan ko, nakakatawa kasi talaga para sa akin. "Napaka-weird lang kasi. Ang gwapo mo, nasa iyo na ang lahat. Tapos sa isang katulad ko lang ikaw--" "Napakadaldal mo, Ena. Tatanggapin mo ba o hindi?" "Syempre tatanggapin ko! Grasya na ang lumalapit, aayaw pa ba ako? Yes na yes!" nakangiti kong wika, ngunit mabilis ko ring itinikom ang aking bibig dahil matagal na akong hindi nagto-toothbrush. "Sige," aniya. Kinuha niya iyong laptop na nakapatong sa mesa at binuksan ito sabay iniharap sa akin. "Sign this so you can start today as my girl." "Okay," maligalig kong wika. Gamit ang aking hintuturo ay nilagdaan ko iyong softcopy ng agreement sa kanyang laptop. Nang matapos ay iniharap ko kay Ridge iyon. Nilagdaan niya rin ang kasunduan at saka niya ito sinara. "Now that you're my official girlfriend, I want you to meet my personal assistant tomorrow. She's going to visit here to pick you up," ani Ridge nang siya ay tumayo. "Anong gagawin?" walang muwang kong tanong. "First things first. You need a thorough hygiene," wika ni Ridge sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Sumabay pa ang ekspresyon ng kanyang mukha na tila may naamoy na nakakasulasok. "You stink."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD