Chapter 7

2816 Words
Naging headlines hindi lang sa telebisyon at radyo kundi maging sa mga tabliod at higit sa lahat ay sa pinakamalawak at iba’t ibang social media flatform ang nangyaring aksidente sa amin sa Tagaytay. May mga reporters na dumating pero hindi kami nagpaunlak ng interviews. Nakita ko pa sa t.v na nakuhanan ang pagsakay ko sa kotse habang palabas kami ng hospital at nakaalalay si Theo sa akin. Nagpaabot ng get well soon greetings ang ilang nakasama namin sa ginagawa naming palabas. At katulad ng inaasahan namin, dinagsa na naman ng mga solid fans at bashers ang comment section ng social media post ni Prima na kami ang naka-features. Kinabukasan ay 'yon pa rin ang balita sa celebrity news at naka-ambush interview ng mga ito sina Ate Janice at Theo na kapwa sinabing okay naman na ako. At kung may mga fans na kinilig sa amin dahil sa pag aalaga ni Theo sa akin ay marami pa ring mga negative comments akong nababasa. Marami rin ang nagpaabot ng mensahe nila at pag aalala sa kalagayan ko at iyon naman ang importante sa akin. Itinabi ko na lang ang cellphone ko dahil puro nega lang ang nababasa ko sa mga comments tungkol sa nangyaring aksidente. Sumasakit ang ulo ko sa mga taong walang magawa sa buhay makapag comment lang. Publicity lang daw iyon para sa up coming teleserye namin. Some says na baka idinahilan lang ang aksidente at buntis daw ako. Meron namang good comments at puring-puri nila ang kumag na Theo dahil they find it sweet daw sa pag aalaga sa akin. Nakadagdag pa ng inis ko ang hindi makontak na si Fher. Wala na akong balita sa kanya simula ng nangyari sa mall show namin ay wala na siyang paramdam pa. Bumuntong hininga na lang ako at napatitig sa kisame. Mabuti na lang at next week pa ulit ang t.v guestings namin. Next week na rin ang last taping namin. Kung nagkataon mahihirapan akong gumalaw sa kalagayan ko ngayon. Nag ring ang cellphone ko at agad kong sinagot ng makitang si direk 'yon. "Okay naman po ako, direk," sagot ko ng kumustahin niya ako. "Sige po. Ingat din po, salamat," ani ko pa matapos siyang magpaalam. Kanina rin ay tumawag na sina Ate Janice sa akin at kinumusta ako. Samantalang ang kumag na Theo kahit i-seen ang in-upload kong picture sa social media accounts ko ay wala. Ano pa bang aasahan ko sa mayabang na 'yon? Baka kagabi lang talaga siya nag alala sa akin at baka kapag nagkita na naman kami ulit ay balik na naman kami sa dati. Bumangon na lang ako dahil alas dyes na, at mas lalo akong tinatamad kapag nakahiga lang. Nakaramdam ako ng gutom kaya bababa na lang ako ng ma-excircise ang paa ko para madaling gumaling. Iika-ika akong lumabas ng kwarto ko. Umahon ang inis ko nang makitang dumaan si Roman sa harap ko. Nilingon niya ako habang binubuksan niya ang pintuan ng kwarto ni mama. "Sa baba ka ba pupunta, Wendy?" tanong nitong nakangisi ng bahagya. "Tulungan kita," alok pa niya sa akin. "Kaya ko!" Tinaas ko ang aking kamay para mahinto siya sa tangkang pag lapit sa akin. Matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya at iika-ika akong tumalikod. Nanindig pa ang balahibo ko dahil kakaiba talaga itong tumingin. Naglilinis si Ate Mayeth sa ibaba at ng makita ako sa hagdan at agad niya akong tinulungang makababa. "Tinawag mo na lang sana ako ng hindi ka na bumaba pa," aniya pa. "Okay lang po ako. Saka gusto kong sanayin ang paa ko para hindi sumakit," tugon ko. "Sa kusina ka na at ipaghahanda kita ng meryenda." "Sige po." Pinaupo niya ako sa upuan pagdating namin sa dining at pinagsalin ng juice. "Kailan pa po si Roman dito?" tanong ko. Napatingin ako kay Ate Mayeth ng mahulog ang bread knife na pinanghiwa niya ng cake. Alanganin siyang napangiti sa akin nang magtagpo ang aming mga mata. Agad niyang inilagay sa harapan ko ang platitong may cake at inilagay sa lababo ang nahulog na bread knife. "Mama mo na lang ang tanungin mo sa bagay na 'yan. Ayaw ko namang makialam." Hindi na ako umimik at sinulyapan ko lang ulit si Ate Mayeth. Matapos mahugasan ang nasa lababo ay lumabas na rin ito ng kusina. I smell something fishy. At sisiguraduhin kong hindi lang siya ang aalis sa bahay na ito kapag nagkataon. Pinili ko na lang magpahangin sa gilid ng pool pagkatapos kong kumain, mas masarap pa rin talaga lumanghap ng sariwang hangin kaysa sa aircon. Paidlip na ako ng mag message alert tone ang cellphone ko, nakamot ko ang ulo ko dahil nakalimutan kong patayin iyon kanina pagkatapos ng tawag ni Direk Carlos. Naiinis akong bumangon sa pagkakahiga ko sa lounge at inabot ang cellphone ko. "How are you?" kunot noong basa ko. Inignora ko ang text ni Theo at muling humiga. Tumunog muli ang cellphone ko at tumatawag naman siya ngayon. "Ano?!" naiinis kong tanong. "I'm out side." "Huh?" "Huh!" panggagaya niya sa akin. "Nandito ako sa labas ng bahay n'yo. Pwede ba papasukin mo na lang ako!" Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pagiging bossy nito. "Ate Mayeth, nasa labas po si Theo. Papasukin n'yo po," utos ko kay Ate Mayeth pagdaan nito. "Theo? Theo Ferrer?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Opo," tugon ko na sinabayan pa ng pagtango. Nakita ko ang excitement sa kanyang mga mata ng taluntunin ang gate namin para pagbuksan si Theo. Hindi naman maipinta ang mukha ni Theo habang papunta sa gawi ko. Panay ang baling nito kay Ate Mayeth na akala mo ay susunggaban siya nang susunggaban. Mabilis siyang naupo sa katabi ng lounge na hinihigaan ko. Nagsasalubong na ang mga kilay nito dahil naiirita na sa presensya ni ate. "Pwede bang paalisin mo na to?!" nakabusangot na sabi ni Theo na itinuro pa ang tulalang si Ate Mayeth. Natawa ako dahil sa hitsura nito kaya bumangon na ako. "Ate Mayeth," tawag ko dito pero natulala na talaga yata. "Hoy!" Tinapik ko na ang braso nito. "Ay! Ano 'yon?" gulat na baling niya sa akin. "Paki bigyan po ng maiinom si Theo," utos ko pa sa kanya habang natatawa. "Sige! Sige!" aligagang sagot ni ate. "Ang gwapo-gwapo mo talaga!" At pinisil pa ang mukha ni Theo bago tuluyang umalis. "Saan mo ba nakuha 'yang kasambahay mo? Nakakatakot s'ya!" litanya niya habang nagsi-spray ng alcohol at nilinis pa ng wet wipes ang mukha. "Ano'ng masamang hangin ang nagdala sa 'yo rito?" pag iiba ko sa usapan. "Boring sa bahay," tipid na sagot nito. Nangalumbaba pa ito at inilibot ang tingin sa paligid. "Maganda 'tong bahay n'yo, ha," puri pa niya. Napairap ako. "Bored ka? Bakit dito ka pumunta?" taas kilay na tanong ko habang naka halukipkip. "Bakit hindi ka mag-bar." "As if naman magagawa ko 'yon ngayon," aniyang nahiga na sa lounge. Sabagay, mahigpit nga pala ang bilin ni Ate Janice sa amin, lalo na sa kanya na 'wag gagawa ng kalokohan. Kaya pati ang relasyon ko kay Fher ay itinatago na rin dahil baka makaapekto daw iyon sa loveteam namin. "Juice po, Sir Theo." Inilapag ni Ate Janice ang baso ng juice at natulala na naman ito kay Theo. Kahit kasi masama ang ugali nito ay gwapo pa rin naman. Kaya hindi ko masisi si Ate Mayeth kung ganito ang maging reaksyon niya. First time rin kasi niyang makita si Theo. "She's creepy," anitong binabantayan na naman ang galaw ni ate. "Paalisin mo na nga!" utos niya sa akin dahil naiinis na. "Fan mo kasi 'yan," nakangising sagot ko. Taas baba pa ang dalawang kilay ko at may naiisip na kalokohan. "Gusto mong mawala ang pagka-boring mo 'di ba?" "No way!" At parang hangin na lumipat agad sa tabi ko. "Paalisin mo na nga! Kinikilabutan ako eh!" Tawa naman ako nang tawa sa reaksyon nito. Akala mo naman lalapain siya ni Ate Mayeth kung maka-react. "Ate, parating na po ang mga bata. May tangahalian na po ba?" "Magluluto pa lang ako. Bye, Theo." Nakahinga nang maluwag si Theo at bumalik sa dating kinauupuan nang umalis na si Ate Mayeth. "So, bakit nandito ka nga?" seryosong tanong ko. He sighed deeply, at napatingin ako sa kanya dahil sa lalim noon. Parang may problema. Pero ano pa nga ba ang po-problemahin ng isang Theo Ferrer? "Can I stay here for a while?" tanong nito. Tumingin pa ito sa suot na relo. "I have photo shoot at four. Ayaw kong umuwi sa bahay eh." Gusto kong magtanong pero ayaw ko namang isipin niyang nang uusisa ako. Baka bigla pa itong bumuga ng apoy kapag nagalit kaya hinayaan ko na lang. "Nariyan na ang mga kapatid mo, Wendy. Kain na kayo," ani ate sa akin nang lapitan kami sa pool side. "Kumain ka na ba?" baling ko kay Theo. "Dito ka na kumain." "I'm not hungry," tanggi niya. Napangiti ako dahil may naiisip na namang kalokohan. "Ate Mayeth, paki-intertain naman si Theo habang kumakain kami. Hindi daw s'ya nagugutom eh." I teased him and I laugh so hard because of how he looks to Ate Mayeth. Ganoon na ba katakut-takot si Ate Mayeth? O.A lang talaga 'tong lalaking 'to! Hindi pa pasalamat at iniidolo siya ng karamihan kahit basura at kung anu-anong indearment ang itawag niya sa mga fans na sumusoporta sa kanya. "Gutom pala ako! Tara na!" aniyang nauna pang tumayo sa akin. May pang hihinayang naman sa mukha si Ate Mayeth na pumasok na sa loob. Sumunod na rin kami sa kanya papasok. "Nalungkot tuloy si ate!" sabi ko pa. "Stop it, okay!" saway niya sa akin. "Kung hindi mga dugyot! Mga gurang naman!" bulong-bulong niya. "Grabe s'ya! Chossy?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Ang daldal mo! Ang bagal mo pang maglakad!" Napatili ako nang bigla akong buhatin ni Theo in bridal style. Bigla na namang gumapang ang kuryente sa buong katawan ko nang magdikit ang aming mga katawan. Kuryenteng hindi ko alam kung naramdaman ko ba no’ng si Fher ang kasama ko at nagkakadikit ang aming mga balat. Naliliyo ako sa pabango niyang ipinaliligo niya yata sa kanyang buong katawan. Sobrang bango niya, at ngayong natititigan ko siya nang malapitan sa pagkakabuhat niya sa akin ay hindi ko maiwasang humanga sa kanyang kagwapuhan. Naipagkukumpara ko pa ang hitsura nilang dalawa ni Fher. Nakagat ko na lang ang loob ng aking pisngi dahil sa mga naiisip ko. Ibinaba niya ako nang makarating kami sa dining area. Natulala ang mga kapatid ko at maging si mama ay gan'on din. Umirap lang ako sa hangin dahil nakita ko na naman ang manyakis na si Roman. "S-salamat. Tara na kumain ka na," I said after clearing my throat. Walang imik ang hapag habang kumakain kami. Panay lang ang sulyap ng tatlong kapatid ko kay Theo at maging si mama rin. Ngayon lang nga pala nila nakita si Theo. Sina Ate Janice at Prima pa lang ang nakikita nila. Pati sina Aiko at Junix. Madalas naman nilang mapanuod si Theo n'ong kasagsagan ng dancing carrer nito sa t.v. Pero iba pa rin talaga ang impact nito kapag sa personal na. Tahimik kaming nag umpisang kumain at tahimik rin kaming natapos. Pinaakyat ko na si Wendell sa taas para makapag pahinga. Binati nito si Theo at nakita ko namang bukal ang ngiti nito sa kapatid ko. Kukutusan ko talaga ito kung pati bata ay pa-plastic-in rin ng kumag na ito. Bumalik na rin sa school ang kambal matapos makipag usap kay Theo. At nawala na rin sa paningin ko sina mama at Roman. Bumalik kami ni Theo sa pool side. Panay ang ring ng cellphone niya pero kina-cancel niya iyon. Nang hindi na makatiis ay isi-nilent mode na niya iyon, ilaw lang ito nang ilaw habang nasa ibabaw ng glass table. "Bakit ayaw mong sagutin?" curious kong tanong. "Wala lang 'yan!" Nahiga siya sa lounge na katabi ng sa akin. Ipinikit ang kanyang mga mata at hindi na ako pinansin pa. Muli kong nilingon ang kanyang cellphone at nagsawa na rin siguro ang tumatawag dahil hindi na umilaw ulit. Nahiga na rin ako sa lounge and I took us picture and put it on my day. Paniguradong bobombahin na naman kami ng issue nito. But I dont care! Wala naman kaming ginagawang masama and it added in our publicity ika nga ni Prima. Naka idlip rin pala ako at naalimpungatan lang ng makarinig ng mahihinang bungisngis. Iminulat ko bahagya ang aking mga mata at nakita kong nagkukumpulan ang apat kong kapatid kasama si Ate Mayeth at kinukuhanan ng picture ni Wella si Theo habang tulog. Ipapakita kay Ate Mayeth at titili ng mahina saka tititigan ulit si Theo. Tuluyan na akong nagmulat ng mga mata. Magsasalita sana si Wendell ng ilagay ko sa labi ang aking hintuturo. Sinenyasan ko silang pumasok na sa loob. Friday nga pala ngayon kaya maaga ang uwi ng tatlo. Mag aalas tres pa lang at maya maya ko na gigisingin si Theo. Alam kong pagod rin ito dahil sa dami ng trabaho. "Ipaghahanda ko lang kayo ng meryenda," paalam ni Ate Mayeth. "Ang gwapo ni Kuya Theo, ate!" kinikilig na sabi ni Wella. "Pwede ba akong magpa-picture sa kanya mamaya?" umaasang tanong nito. "Ano ang ginagawa ni Theo Ferrer dito?" singit ni mama. "Bawal na ba akong puntahan ng katrabaho ko?" tanong ko. "Hindi naman sa gano'n," dipensa ni mama. "Nasaan s'ya?" "Nasa labas tulog," sagot ni Wella. "Sa kwarto mo na lang sana s'ya pinatulog," ani mama pa sa akin. "Kwarto?" naiinis akong tumawa. "Wella, dalhin mo na sila sa kusina." Agad namang tumalima ang kapatid ko at inakay na ang tatlo paalis. "Kakasalta lang sa bahay tapos papapasukin ko agad sa kwarto ko?" wika ko ng balingan si mama. "Ganyan ba ang lagi mong ginagawa sa mga lalaking dumaan sa buhay mo?" Natahimik si mama at parang baliktad yata ang sitwasyon naming dalawa. "Matagal na kitang gustong kausapin tungkol sa Roman na 'yan-" "Bigyang galang mo naman ang Tito Roman mo, Wendy!" saway niya sa akin. "Dito na ba nakatira ang Roman na 'yan?" "Tito Roman, Wendy!" muling paalala ni mama sa akin. "Dito ko na s'ya pinatira dahil wala kaming kasama dito. Puro kami babae at buntis ako, anak." Natulala ako dahil sa aking narinig buhat kay mama. Nahilot ko ang aking batok dahil para akong aatakihin. Buntis na naman s’ya! "Tito?" Napangiti ako ng mapait. "Hindi ko s'ya kamag anak. At buntis ka na naman? Pang ilan na ba 'yan, ma?" Naiiyak na ako sa galit. "Si papa! Ang tatay ni Wella! Ang tatay ng kambal! Ang papa ni Wendell!" Bilang ko sa aking daliri. "Tapos ito ka naman! Paano kung iwan ka na naman n'yan?!" Bumuhos na talaga ang galit ko. "Iba si Roman, anak!" giit ni mama. "Mahal n'ya ako at hindi n'ya ako iiwan katulad ng iniisip mo!" pagtatanggol pa ni mama sa lalaking 'yon. "Gasgas na 'yan, ma!" asik ko. "Kapag nagkatotoo na naman ang sinasabi ko sa 'yo! Bahala ka na sa buhay mo!" Kahit masakit ang paa ko ay nagmartsa ako pabalik sa pool side. Hingal na hingal ako nang maupo sa lounge napalingon ako kay Theo dahil gising na pala ito. Nakatulala lang ito at malayo ang tanaw. "Bakit kaya baliktan ang mundo, 'no?" tanong niya bigla. "Kung sino pa ang magulang s'ya pa ang pasaway," naiiling na saad pa niya. "Narinig mo ba kami?" "Aksidente lang," tugon niyang napabuntong hininga pa. "Magpapaalam na sana ako, pero narinig ko kayong nag uusap," nakayukong pahayag niya. "Sorry for eavesdropping. Pero, totoo bang iba-iba ang tatay n'yo?" Mahina akong natawa dahil sa tanong niya. "Oo, at hindi ko alam kung ano ang mali kay mama at lagi s'yang iniiwan. Pero walang kadala-dala at umulit pa!" litanya ko. "I hate parents like them. My dad is womanizer, naghiwalay sila ng mom ko because of that," kwento niya. "Lagi s'yang may ipinakikilalang babae sa amin ni ate. Kapag pinagsasabihan s'ya ng kapatid ko, he always says that we can't give him his needs." Akala ko si mama lang ang ganoon, pareho pala kami. Pero mas masakit sa part ko dahil babae si mama at tiyak na mamomroblema na naman ako in case iwan na naman ito ng Roman na iyon. Umalis na rin si Theo kalaunan at umakyat na ako sa aking kwarto. Tinawag ako ni Wella ng makita akong paakyat para sa meryenda pero nawalan na ako ng gana kaya tumanggi ako. Kakahiga ko lang ng mag ring ang cellphone ko. Sinagot ko agad dahil si Ate Janice ang caller. "Is Theo there, Wendy?" bungad agad ni ate ng sagutin ko ang tawag niya. "Kakaalis n'ya lang, ate. May photo shoot daw s'ya eh," sagot ko. "Okay, thank you." Wala na sa linya si Ate Janice pero nakatingin pa rin ako sa screen ng cellphone ko. Parang problemado rin ang boses ni Ate Janice. "Buhay nga naman ng magulang na anak," kausap ko sa aking sarili at napatulala na lang sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD