Chapter 8

2729 Words
Naging successful ang airing ng una naming teleserye ni Theo on national television. Sa halos tatlong buwan nitong airing ay trending lagi ito online at number one sa lahat ng palabas maging sa kalabang istasyon. Simula rin ng maging successful ang aming palabas ay mas dumami ang t.v guestings at mga indorsements namin. Kaliwa’t kanan pa nga na hindi na alam ni Ate Janice kung sino ang uunahin. Kinukuha rin kami ng ilang sikat na clothing lines para maging model nila. Pati ang isang sunday show ay kinuha na rin kami bilang regular talent nila. Kakatapos lang ng taping ko para sa isang panghapong palabas ng lapitan ako ni Aiko para ipaalam na kakatawag lang ni Ate Janice. Matapos magpaalam sa direktor ay bumalik na kami sa tent na nagsilbing dressing room para maghanda na sa pag alis. Si Aiko lang ang kasama ko ngayon dahil nag-guest lang naman ako sa palabas na iyon. Madalas kasi ay gano'n ang set up namin, kung hindi magkasama ay magkahiwalay kami ni Theo ng guestings. Kahit mall shows ay sumasabak kami na solo lang. Nagliligpit na ako ng ilang gamit ko at tinutulungan na ako ni Aiko para matapos agad. Nag mamadali siya sa hindi ko malamang dahilan. "Nariyan na ang sundo natin. Sabi ni Miss Janice ay sa main office building daw tayo dumiretso," imporma ni Aiko sa akin. "Bakit daw?" tanong ko habang naglalakad na kami paalis doon. "Bye, Wendy!" Kaway ng isang artistang nakasama ko sa set. "Bye! Mauna na ako!" Kumaway ako at tumango lang ito sa akin. "Hindi ko naitanong, eh," sagot lang nito. “Bilisan na lang natin kasi mukhang importante ang meeting at pinagmamadali tayo ni Miss Janice.” Tahimik ang buong byahe namin. Busy si Aiko sa kanyang cellphone at ako ay pagod rin dahil sa halos kalahating araw na taping. "I want a main role for Laila," ani Miss Apple. "Magaling umarte ang alaga ko. Sikat rin s'ya sa kabilang istasyon. Nararapat lang naman sa kanya ang main leading lady role. Because she is one of the most promising stars sa dati n'yang network," dagdag pa ni Miss Apple. Iyon ang nabungaran ko nang makapasok sa conference room. Tumabi ako kay Prima ng tuluyang makapasok. Nasa tabi ko naman si Theo at si Ate Janice sa dulo. Nasa harap naman namin sina Miss Apple at Laila. Nakatrabaho na namin si Laila sa unang teleserye namin at siya iyong babaeng iniirapan ako kapag nagkakatinginan kaming dalawa. Naroon si Direk Joan Matte sa long table at kasama ang team nito. Ang alam ko ay siya ang magiging direktor namin sa next project na gagawin. "Hindi ka pa ba kontentong kasama sa main cast ang alaga mo?" matabang na tanong ni Ate Janice. "Loveteam ang mga talents ko. Hindi ka ba nanunuod ng t.v at hindi ka ba gumagamit ng social media? Patok ang loveteam nila sa masa, malakas ang hatak sa tao dahil sa chemistry nila sa harap o likod man ng camera," pahayag pa ni Ate Janice. "Maingay sila sa fans, hindi ba't parang inalisan mo ng kaligayan ang mga fans nila kung ipipilit mong palitan si Wendy na nakilala na nila?" dagdag pa niya. "May point si Miss Janice. Hindi natin basta-basta pwedeng i-partner sa iba si Theo dahil baka makaapekto iyon sa palabas," sang ayon naman ni Direk Joan. "Si Direk Carlos ang nagrecommend sa akin ng loveteam nila. Hanga s'ya sa dalawa dahil sa husay nila sa trabaho. At tiyak na magiging top rated ulit ang next project nila. Kaya hindi na dapat baguhin,” pahayag ni Direk Joan. "Kung gano'n lang rin pala iba-back out ko na ang alaga ko sa project na 'to!" pananakot pa ni Miss Apple. "Ano pa't kukunin n'yo ang alaga ko kung extra lang rin pala ang ganap n'ya!" "It does'nt matter. Marami namang pwedeng ipalit sa alaga mo. Hindi ka pa pasalamat at hindi natitingga ang alaga mo sa paglipat niya ng ibang istasyon!” mataray na saad ni Ate Janice. “Let me correct you. Second lead ang alaga, not an extra.” Sumama ang mukha ni Miss Apple dahil sa sinabing iyon ni Ate Janice. I saw Theo and he stared at Laila with anger in his eyes. Sinulyapan ko rin si Laila at nakikipagtitigan rin ito kay Theo ngunit nagbawi rin ng tingin dahil hindi yata kaya ang talim ng titig nito sa kanya. "Ano bang nangyayari?" pabulong na tanong ko kay Prima. Tahimik lang rin itong tulad ko. Hindi ako na inform sa biglaang meeting na ito. "Ipinaglalaban kasi ng Apple na 'yan ang hindi pwede. Ang lakas ng loob, hindi naman kagalingan ang alaga!" tugon ni Prima. "Hindi na natin pwedeng i-delay ang project na ito. At ang solusyon ay palitan si Laila- Yes Theo." Nahinto si Direk Joan sa pagsasalita ng magtaas ng kamay si Theo. Napatingin ang lahat maging ako at naghihintay sa sasabihin niya. "Can I ask Miss Apple?" "Go ahead. What is it?" mataray na tanong ni Miss Apple sa kanya. "Sikat ang alaga mo sa kabilang istasyon, bakit nilipat mo s'ya dito? Sabi mo nga promising star ang alaga mo," naroon ang sarkasmo sa tinig niya. "Lahat tayo ay nag uumpisa sa ibaba. Sikat ka man o hindi sa pinanggalingan mo matuto naman sana tayong umapak sa lupa. Tama si Miss Janice, at si Direk Joan, maraming pwedeng ipalit sa kanya kaya hindi kawalan ang talent mo. Ganyan rin ba ang attitude n'yo sa inalisan n'yong network? Kapag hindi pabor sa inyo, panay kayong reklamo?" Namutla roon si Miss Apple at hindi na mapakali si Laila dahil mukhang natumbok sila ni Theo. Masyado nga naman silang demanding. Nagkatinginan sina Ate Janice at Theo saka nakangising sabay rIng tumingin sa dalawang nasa harapan. Bakit pakiramdam ko may personalan sa mga kilos nila? O, guni-guni ko lang iyon? "I'm sorry, but we need to go now," paalam ni Miss Apple. "Nagkamali yata kami ng punta dito, at ng taong nilapitan," pahayag pa nito. "Ikaw ang lumapit sa akin para kunin ko ang alaga mo, Miss Apple. Bakit parang baliktad yata ang interpritation ko at parang sinisisi mo yata ako?" sansala ni Direk Joan. "Excuse me po," magalang na singit ni Laila. Nakita ko ang iritasyon sa mga mata ni Theo. Nako-concious naman si Laila dahil hindi siya nilulubayan ni Theo ng masamang tingin. "Tatanggapin ko po ang project," pahayag ni Laila. "But, Laila!" protesta ni Miss Apple. "It's okay, Miss Apple," awat ni Laila sa manager niya. Nakangiti siya sa lahat habang iginagala ang tingin mula kay Direk Joan hanggang sa mga staff nito. Pinasadahan niya rin ng tingin ang mga kasama ko at umirap ito pagdating sa akin na ikinagulat ko. Napairap lang sa hangin si Ate Janice at nagkatinginan pa sila ni Direk Joan. Makahulugang tingin na sila lang ang nakakaalam. "Plastic!" bulong naman ni Prima. "Okay," ani Direk Joan na nagkibit balikat na lang. "Na-settle na ang problema, let's continue this meetings para masimulan na rin ang taping natin." Itinuloy na nga ang meeting at maging ang story conference kalaunan. Wala na sa mood ang manager na si Miss Apple samantalang ngiting tagumpay naman si Laila at napapataas lang ang kilay kay Ate Janice. Iirapan naman ako ng katakot-takot sa tuwing titingin siya sa akin. Natapos rin sa wakas ang naturang meeting at nagpaalam na rin ang ibang staff ni Direk Joan. At bago umalis ang mga ito ay binati pa kami dahil sa magandang feedback ng aming palabas, at nakipag-picture taking pa muna sa amin. Maasim naman ang mukha nina Miss Apple at Laila habang nakatunghay sa mga nangyayari. Problema ba ng dalawang ito? Lalo na itong Laila na kung irapan ako ay wagas! Hindi ko naman inaano! "Mauna na rin ako," paalam ni Direk Joan. "See you guys!" At isa-isa kaming niyakap. Nakatanggap pa ulit kami ng papuri sa magaling na direktor. Muling nag usap sa tingin sina direk at Ate Janice saka tuluyan ng umalis. Hindi man lang tinapunan ng tingin ang nasa harapan namin. "Umuwi na rin tayo," yaya na sa amin ni Ate Janice. "May salu-salo sa bahay. Wendy, sumama ka na sa amin," anyaya pa nito sa akin. "Sige po." Nauna na sina Ate Janice at Prima palabas ng pinto. Nasa harap ko si Theo at nakasunod ako sa likod niya. "Theo, wait!" tawag ni Laila dito. Huminto si Theo at muntik na akong sumubsob sa likod niya kung hindi ako umatras. Nilingon niya ako bago tapunan ng tingin si Laila. Hinila ako ni Theo papunta sa kanyang tabi saka inakbayan. "I don't wanna talk to you!" matalas na sagot nito. Tumalim pa ang tingin nito kay Laila na maluluha na at nasa mata ang pagmamakaawa na kausapin siya. Inakay na ako palayo roon ni Theo at hindi na nakuha pang magsalita ni Laila. "Artistang artista talaga ang drama ng dalawang 'yon!" Naiinis na saad ni Ate Janice habang nasa kotse kami. "Ganyan talaga kapag despirada na, palaos na kasi ang alaga," ani Prima. "O, baka naman hinahabol talaga si Theo," makahulugang saad pa ni Prima at napatingin kay Theo. "Tss!" ingos lang nitong katabi ko. "Drop me on my condo," sabi pa nitong tumutok na ang tingin sa labas. "Uuwi tayo sa bahay 'di ba?" Bahagya pa siyang nilingon ni ate. "Rain is expecting you to come home." "Kayo na lang. Ikaw na rin ang magbigay ng gift ko," sagot ni Theo. "Family dinner natin 'to! Ano ka ba?" paalala pa ni ate. "Kailan ba tayo naging family?" makahulugang tanong ni Theo sa kapatid. "I won't come. Ayaw kong makita si dad!" Walang nagawa si Ate Janice at napabuntong hininga na lang saka tumutok na lang sa pagmamaneho. Napilitan ring ibaba si Theo sa harap ng building ng condo nito. Muli naming binaybay ang kahabaan ng Makati matapos ibaba si Theo. "Kumusta ang taping?" tanong ni ate sa akin. "Ayos naman po," tipid na sagot ko. "Free ka bukas kaya may time kang magpahinga. Prima will discuss your schedule na lang sa next day." Tumango lang ako kay ate at hindi na rin kami muling nag usap nang huminto kami sa malaking gate. Bumusina si ate ng dalawang beses at bumukas ang malaking gate. Namangha ako sa laki ng bahay nila. Mansyon yata ito dahil sa laki. Mas maganda siguro ito kapag umaga. Pumasok na kami sa loob at lalo akong nalula dahil sa ganda ng loob. Mansyon ngang talaga dahil sa laki at nagmamahalang gamit. Agaw pansin ang malaki at magarang chandelier. Sinalubong kami ng isang kasambahay at kinuha ang dala ni Ate Janice. "Ako na nito," sansala ni ate ng tangkang kunin ang paper bag na hawak niya. Muling naglakad si ate kaya sumunod naman kami ni Prima sa kanya. Hindi ko talaga maiwasang iikot ang tingin sa bawat madaanan namin. Sa magazine, t.v o 'di kaya ay internet ko lang nakikita ang ganito kagarang bahay. May isang kasambahay ulit na lumabas at ngumiti ito sa amin. "Nasa dining po si Rain, Senyorita." "Ang daddy?" "Nasa library pa po. Kausap ang attorney n'yo," magalang na sagot nito sa kanya. "Ate!" matinis na sigaw ng isang batang babae. Tumakbo ito kay Ate Janice at yumakap sa leeg niya nang maupo ito upang pantayan ang bata. Nasundan ko ito ng tingin dahil hindi yata nalalayo ang edad nito sa kapatid kong si Wendell. "Akala ko hindi ka na darating eh!" sabi pa nito matapos kumalas sa yakap ni ate. "Pwede ba naman 'yon. It's your birthday kaya!" Saka pinupog ng halik sa pisngi at leeg ang bata. Nakakahawa naman ang matinis na tawa nito kaya maging ako ay napangiti na rin. "Hi, Ate Prima!" magiliw na bati nito kay Prima habang iwas nang iwas sa pamumupog ng halik ng nakakatandang kapatid. At ang bakla! Feel na feel ang pagtawag sa kanya ng ate at may pahawi effect pa ng buhok at inipit pa sa likod ng kanyang tenga. "Kaya sa 'yo ako, baby eh!" palatak nito. "Gift ko for you!" Sabay abot rin ng isang paper bag. Nakangiting binalingan ako ng tingin ng batang si Rain ang pangalan sa pagkakarinig ko kanina. Napayuko ako dahil birthday pala ang pupuntahan namin at wala man lang akong dalang regalo. "Hello, ate ganda." Napaangat ang tingin ko dahil sa itinawag nito sa akin. Dahil sa nakakahawa nitong ngiti ay napangiti na rin ako. "Hello," bati ko at bahagyang ikinaway ang palad. "You're beautiful po. I saw you always on t.v with Kuya Theo po," magalang na sabi nito sa akin. "Ako po si Rain," pakilala pa niya sa kanyang sarili. "Taray! May pa po effect ang bata!" nagugulat na bulong ni Prima. "Hayaan mo na at baka mausog mo pa!" mahina ring saway ni Ate Janice sa kanya at bumaling na ulit sa kapatid. Nagugulat ako dahil sa tatas nitong magsalita, samantalang ang kapatid ko ay uutal-utal pa kahit nag aaral na. Bahagya pang nanlaki ang mata ko ng maglahad siya ng kamay sa akin upang magpakilala. "A-ako si Ate Wendy," nakangiting pakilala ko at inabot ang maliit niyang palad. "Nice to meet you po, Ate Wendy," bungisngis na saad nito. "Si Kuya Theo, ate?" biglang tanong nito kay Ate Janice. "He is busy right now, baby. Pero may gift s'yang pinadala para sa'yo," ani ate, at iwinagayway pa ang malaking paper bag na kanina pa niya hawak. "Wow!" bulalas nito habang nagniningning pa ang mga mata. "Open it later, together with your other gifts okay," Ate Janice said. "Yes po! I'm hungry na po," reklamo ni Rain na hinimas pa ang tiyan. "Manang Meds, pakitawag na po si dad sa library, please," utos ni Ate Janice. Naupo na sila sa hapag kaya uupo na rin sana ako nang hilahin ni Rain ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at kay ate sa huli. Tinanguan lang ako ni Ate Janice kaya naupo na ako sa tabi ng bata. Ngiting-ngiti ito sa sa akin ng tingnan ko. "Ay! S'ya!" nangingiting bulalas ni Prima. "Gusto ka n'yan kaya pagbigyan mo na!" anito pa sa akin. Mangha akong bumaling kay Rain. Ganito pala ito kapag nagustuhan ka niya, nakakatuwa siya sa totoo lang. "Ingat ka maldita 'yan," natatawa pang bulong ni Prima sa akin. Tumingin ako kay Ate Janice para kumpirmahin pero ngiwi lang ang tugon nito sa akin. Habang hinihintay ang daddy nila ay ikinuwento ni Manang Azon ang naganap na birthday party ni Rain sa school. Masayang-masaya daw ito at hindi lang talaga maalis ang kamalditahan dahil mayroon daw siyang inaway na kaklase at hindi pinayagang pumasok sa kwarto kung saan ang party niya. Maya maya ay nakarinig na kami ng mga yabag na papunta sa kung nasaan kami. Dalawang lalaki ang natanawan ko. Ang isa ay naka coat pa at pormal na pormal. "Kumain ka muna," anyaya nito sa lalaking may dalang attache case. Naka white long sleeve ang lalaking nagsalita na tinupi hanggang siko. Nakatalikod ito sa gawi namin, marahil ay iyon ang daddy nila Theo. "Sa bahay na lang. My wife is expecting me for dinner.” Sa huli ay nagkamayan ang dalawa at umalis na rin ang isang lalaki na abogado yata. Humarap ang lalaki sa gawi namin at tumigil ang pag ikot ng mundo ko. Nawala ang nakahandang ngiti ko ng tuluyang makalapit sa lamesa ang lalaki. Panaginip ba ito? Si papa! Ang papa ko! Hindi ako pwedeng magkamali! Pero paano? Paano naging tatay nina Ate Janice ang papa ko? Ten years old ako nang iwan niya kami ni mama, but still kilala ko pa rin siya! Malinaw na malinaw sa akin ang kanyang mukha. "Papa..." sigaw ng isipan ko. Napatingin siya sa akin at kitang kita ko ang kanyang pagkagulat ng magtama ang aming paningin. Tumanda man siya pero hindi nagbago ang kanyang mukha. Siya nga ang papa ko! "May bisita pala tayo," wika nito ng maupo sa kabisera at tumikhim pa. "Talent ko s'ya, dad," ani Ate Janice. "She's not allowed. So, back off!" makahulugan nitong saad. Muli kong nilingon si papa at nakatingin rin ito sa akin pero sa huli ay ito mismo ang bumawi ng tingin. Ang sakit lang dahil parang hindi niya ako kilala, o baka naman iniiwasan niya ako. Gusto kong umiyak, gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Sinulyapan ko si Ate Janice, pati si Rain, naisip ko rin si Theo. Kung siya ang daddy ng tatlo at papa ko siya. Ibig sabihin mga kapatid ko sila?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD