Chapter 6

2617 Words
Pagkatapos ng mall show namin ng araw na iyon ay hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong makausap si Fher. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang sakit na nakita ko sa kanyang mga mata. Napabuntong hininga na lang ako dahil ako man ay walang magawa dahil ito ang pinili kong karera. Matapos ang taping namin kinabukasan ay naging sunod-sunod ulit ang mall shows at t.v guesting namin dahil next week na mag-i-air ang teleserye naming dalawa ni Theo. Halos hindi na nga ako umuuwi sa bahay dahil sa sunud-sunod na trabaho. Pansamantala ko ring nakalimutan ang tungkol sa problema ko kay Fher. At ngayon ay narito ulit kami sa Tagaytay para sa taping. Gabi na natapos ang photo shoots namin sa isang local brands ng damit kaya imbes na umuwi ay dumiretso na kami dito nina Aiko at Junix. Sa van na rin kami natulog dahil madaling araw naman na. Sa sariling kotse na rin niya natulog si Theo. Kahit masakit ang katawan ay bumangon na ako. Binuksan ko ang pinto ng van at humikab na naputol dahil nakita ko sa harapan ko si Theo. "Wala bang pwedeng makita first thing in the morning?" nakasimangot na tanong nito. Kagaya ko ay kabubukas lang rin yata niya ng pinto ng kotse. "As if naman gusto rin kitang makita first thing in the morning!" pairap na sabi ko at tinalikuran siya. Nakita kong dumating na ang care taker ng bahay na gagamitin namin kaya kinuha ko na ang bag ko at pairap siyang iniwan doon. Mabilis akong naligo sa isa sa mga cr na naroon. Busy na ang mga staff at baka maya maya lang ay naroon na si direk at ibang kasama namin. Tinutuyo ko ang buhok ko habang patungo sa kusina. Nakita ko sina direk at Miss Chanda na nasa kusina na rin at nagkakape na. "Breakfast, young lady." Nakangiting alok ni Miss Chanda sa akin sabay taas ng tasa ng kape. Ngumiti ako sa beteranang aktres at naupo sa isa sa mga silya. Kinuha ni Aiko ang towel sa kamay ko at tatayo na sana ako para magtimpla ng sariling kape nang pigilan ako sa balikat ni Theo. "Morning! Here's your coffee," aniya at inilapag sa harap ko ang tasa ng kape. Tumabi siya sa akin at nakangiti akong tinitigan matapos akong abutan ng pandesal na siya rin ang naglagay ng dairy cream. Ngumiti na lang rin ako at sa pagkain na lang itinutok ang atensyon. What a plastic man?! Gusto kong umirap pero hindi ko magawa dahil may mga kasama kami. Kung kami-kami lang kahit alukin ako ng pagkain ay siguradong hindi gagawin ng kumag na 'to! Nahinto ako sa pagnguya nang makitang nakangiti si Miss Chanda habang nakatingin sa aming dalawa. Napalingon ako kay Theo at muntik pang mabulunan dahil nakatingin pala ito sa akin. Tinging parang inlove na inlove. Dinunggol ko sa ilalim ng mesa ang hita niya kaya napaiwas ito ng tingin at uminom na lang ng kape. Ano na naman kayang pakulo nito at panay ang tingin sa akin? "Alam n'yo, nakakatuwa kayong tingnan. Bagay na bagay kayo," kinikilig na saad ni Miss Chanda. Nasamid si Theo at umubo nang umubo. Inabutan ko siya ng tissue at baka sabihin naman nilang wala akong concern sa ka-loveteam ko, kahit wala naman talaga. "You two look great! Naalala ko tuloy no'ng kabataan ko," sabi pa niya habang nakangiti. "Ganyang-ganyan n'ya rin ako alagaan." Nakikita ko pa ang kislap sa mga mata ni Miss Chanda. Sa pagkakaalam ko ay naging asawa niya ang naging ka-loveteam niya noon. Maaga nga lang silang pinaghiwalay dahil namatay na agad ang lalaki. "Hay naku! Kilig na kilig ka nga kaya naging asawa mo, eh!" singit na sabi ni direk na kababalik lang sa mesa. "Yeah, kaya kayong dalawa continue sa ganyang attitude. On cam or off cam man 'yan. D'yan nagsisimula ang magandang samahan." Tumango lang ako maging si Theo. Magandang samahan? Kung alipustahin ako at pandirihan ng kumag na 'to gano'n-gano'n na lang! Kalaunan ay nag umpisa na ang trabaho namin. Nasa isang burol kami malapit sa rest house dahil doon ang susunod na scene. Napanganga ako sa ganda ng tanawin. Palibhasa ay ngayon lang rin ako nakapunta sa Tagaytay kaya hindi ko talaga maalis-alis ang tingin dahil sa ganda ng lugar. Dito kasi magpo-propose si Erickson kay Irish na ginagampanan naming dalawa ni Theo. Ngayon na rin ang kissing scene namin na hindi natuloy noong nakaraan. At isini-set ko na sa utak ko na si Fher ang iisipin ko para damang-dama ko ang eksenang iyon mamaya. Pangarap ko ring mag-propose siya sa akin balang araw at sana sa ganito kagandang lugar din. "Irish." Nilingon ko si Theo at nag ulap ang aking mga mata nang makita siyang may hawak na bulaklak. Nakangiti siyang lumapit sa akin. Kinuha ko mula sa kanya ang bulaklak at napapitlag ako nang yumakap sa baywang ko ang mga braso niya. "Para ka namang natuklaw d'yan!" bulong niya habang gano'n pa rin ang ayos namin. "Wala naman kasi sa script ang yakap!Tyansing ka lang!" ani ko. Naka over all smile pa rin habang nakatingin sa kanya. Iniharap niya ako sa kanya kagaya ng sa original na eksena. Hindi sumigaw si direk kanina kaya palagay ko ay okay iyon sa kanya. He cupped my face and staring at me lovingly. I dreamed Fher at this moment. Gusto kong siya ang isipin para hindi ako ma-concious sa kissing scene na darating. "You know how much I love you." nakangiting saad nito. I held his hands that was still holding both of my cheeks. I smiled back at him with so much loved. I imagined Fher at this moment para hindi masira ang eksenang sinimulan namin. Unti-unti siyang lumuhod sa harapan ko at nag unahan sa pagpatak ang aking mga luha nang makita ang singsing niyang hawak. "Will you marry me?" Pinunasan ko ang aking mga luha at nakangiting tumango. "Yes! I will marry you!" sagot ko. Tumayo si Theo at niyakap ako. Pinakawalan niya ako at unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Bigla akong kinabahan at hindi ko na mahagilap si Fher sa aking isipan. Waring tinabunan bigla ng maitim na ulap at tanging kabog lang ng aking dibdib ang naghahari sa akin dahil sa isiping si Theo talaga ang hahalik sa akin. "Cut!" Napapikit ako dahil inaasahan ko na iyon mula kay direk. "Wendy, nakikita sa camera ang panginginig ng kamay mo! At pipikit ka lang kapag nagdikit na ang labi n'yo ni Theo!" I deep sigh. Tumalim ang tingin ko dahil nakikita ko ang mapang asar na mukha ni Theo, tumaas pa ang sulok ng labi nito. "Tense na tense lang,” mapang asar niyang bulong. “Dampi pa lang 'yon," nakangising sabi pa nito. "Hay naku! Ano kayang mouthwash ang bibilhin ko para maalis ang virus?" tanong nito sa sarili habang kinukutkot ang sariling kuko. "Kapal mo talaga!" naiinis na ani ko. "Baka naman sinadya mo talaga para mahalikan mo ako ulit?" nakangising aniya na inilapit pa ng kaunti ang pagmumukha sa akin. "H'wag ka ngang feeling!" asik kong iniwas ang mukha ko. "Masarap akong humalik. Mas masarap pa sa boyfriend mo!" Saka ako iniwang nakatanga roon. Lalong sumama ang mukha ko. Napaka yabang talaga nitong kumag na 'to! Binigyan kami ng ten minutes break ni direk. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. "Ganyan talaga pag first time. Masasanay ka rin," ani Miss Chanda sa akin. "Kinabahan lang po," sagot ko at bahagyang ngumiti. Totoo naman! At naiinis ako dahil sa kabang naramdaman ko kanina. Kabang hindi ko naman dapat maramdaman. Masyado akong affected sa kissing scene o nagi-guilty ako dahil hindi pa nga kami nakakapag usap ni Fher tungkol sa nangyari noong mall show ay heto na naman at may kissing scene na naman siyang makikita. Nagtawag na muli si direk after ten minutes at matapos kaming i-re-touch nina Aiko ay bumalik na ulit kami sa gitna ng burol. Maganda na ang unang eksena at doon na kami sa part ng kissing scene. Naglapat na ang labi naming dalawa at napapikit na ako. Gumalaw ang labi niya at ginaya ko iyon. Buong puso kong ginawa ang parte ko sa eksenang iyon. Walang ibang laman ang isipan ko kundi si Fher. At ng maghiwalay ang mga labi namin ni Theo ay para akong bumalik sa reyalidad. Ngiting tagumpay ang nakikita ko sa mga mata niya. Kung hindi lang ito parte ng palabas ay iisipin kong totoo ang nakikita kong reaksyon sa kanyang mukha. "Cut!" Napapaso akong biglang bumitaw sa hawak ni Theo. Maging siya ay naglilikot na rin ang mga mata at hindi na makatingin sa akin nang maayos. "Very nice shots!" puri ni direk sa amin. Napatingin ako sa paligid at nakitang nag tumbs up sina Aiko at Junix. Ganoon rin si Miss Chanda sa akin. Turn na ni Miss Chanda at isang co stars namin. Na-late ito at katakut-takot na sermon ang ginawa ni direk sa babae. Napatingin pa ako sa babaeng 'yon dahil wala ito sa meeting namin noon. Maganda ito, pero parang masungit. Binalewala ko na lang iyon at muling tinanaw ang over looking view sa burol. "Feel na feel mo ba?" Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang boses ni Theo sa tabi ko. Nasisira tuloy ang magandang view sa paningin ko. "Magaling ka, ha. Hindi na masama para sa isang newbie. Lagi n'yo ba 'yong ginagawa ng boyfriend mo?" Batid ko ang panunuya sa boses niya. "Eh,, ano naman sa 'yo?!" nakasimangot na sagot ko. "Ka lalaki mong tao masyado kang tsismoso!" "Pagiging tsismoso na ba ang magtanong?" Tinaasan niya ako kilay. "Oo!" Naiiritang baling ko sa kanya. "Saka pwede ba! Maghanap ka na lang ng ibang bubwisitin mo!" "Sino naman?" Nakikita ko ang mapaglarong kislap ng kanyang mga mata. May binabalak na naman itong hindi maganda. Napapaatras ako dahil lumalapit siya ng unti-unti sa akin. Napatili na lang ako dahil sa pag atras ko ay pababa na pala iyon. "Uy!" Hinabol ni Theo ang braso ko. Hinawakan ni Theo ang kamay ko para hindi ako tuluyang mahulog, pero dahil pababa na nga ang side part na iyon ng burol ay kasama ko siyang natumba. Nagpagulong-gulong kaming dalawa ni Theo pababa sa burol. Naririnig ko pa ang mga tilian at sigawan ng mga kasama namin sa itaas. "Ouch!" daing ni Theo. "Aray!" daing ko rin. Para akong nalamog ng mahinto kami sa paggulong. Tiningala ko pa ang itaas at nakadungaw sa amin ang mga taong naroroon. "Look what you've done!" galit na saad ni Theo. Tumayo ito at pinagpagan ang sarili dahil sa mga kumapit na dumi sa kanyang damit at pantalon. "Ako na naman?!" galit ring sigaw ko. "Kung hindi ka lumalapit d’yan hindi ako aatras!" litanya ko pa. "Wala naman akong gagawin sa 'yo, ah!" depensa niya. Tiningnan ko siya ng masama. "Walang gagawin!" Matalim ko siyang tiningnan matapos ulitin ang sinabi niya. "Sa hilatsa ng mukha mo. Hindi ako naniniwala!" "Sa gwapo kong 'to?!" Turo niya pa sa sarili. "Wala ka naman talagang ginawang maganda!" Tinukod ko sa tuhod ang isang kamay ko para tumayo. "Ah!" daing ko habang napapangiwi pa dahil sa sumigid na sakit sa binti ko. Kanina ko pa nararamdaman ang hapdi sa aking binti pero hindi ko na binigyang pansin. "May sugat ka!" bulalas ni Theo nang mapatingin sa binti ko. "Alam ko!" angil ko dahil tinitingnan ko na iyon. "Ah!" Napadaing ako at bumagsak ulit sa damuhan dahil sa sakit. Parang malalim ang sugat. Napatingin ako kay Theo nang ibalot niya sa binti ko ang kanyang t-shirt. Topless tuloy siya ngayon sa harap ko. "Come here!" Napakapit ako sa leeg niya nang buhatin niya ako. Tumingala siya sa taas kaya ganoon rin ang ginawa ko. "Sa right way may daan doon!" sigaw ni Junix sa amin. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang titigan si Theo, ang daming babaeng nababaliw dito dahil gwapo namang talaga. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko sa mga oras na ito, para bang kinukuryente ako dahil sa pagkakadikit ng mga katawan namin. Lihim kong ipinilig ang ulo ko. Ano naman kung magkadikit kami? Hindi ako dapat kabahan ng ganito! "What are you staring at?" masungit na tanong niya. "Uh... wala naman," naiilang kong sagot at itinuon na lang sa unahan ang aking tingin. "Ang bigat mo naman!" reklamo niya pa. "Ibaba mo na lang ako!" "Mukhang malalim ang sugat mo kaya 'wag na, baka dumugo nang dumugo," Hindi na ako sumagot pa dahil tama naman siya ramdam ko ngang malalim iyon at sumisigid ang kirot sa kaloob-looban ng binti ko. Nakarating kami sa taas at hingal na hingal siyang inilapag ako sa upuan. Dinaluhan kami nina Aiko at Junix dala ang first aid kit at tubig. Kinuha niya ang bottled water at ibinuhos sa binti ko matapos tanggalin ang flat shoes kong suot. Napapikit pa ako nang buhusan niya ng tubig ang sugat ko dahil sa hapdi noon. Kinuha niya ang bulak at nilagyan ng betadine saka inilagay sa sugat ko. "Oh, my!" tili ni direk. "Dalhin n'yo kaya s'ya sa hospital," suhestyon ni direk sa mga kasama namin. "Tapusin ko lang po ito," sagot naman ni Theo. Seryosong-seryoso siya sa kanyang ginagawa sa sugat ko. Binalot niya ng gasa ang sugat ko at nag aalalang napatingin sa akin. "Dadalhin na kita sa hospital?" "S-sige," nauutal na tugon ko. Bigla na naman kasing lumakas ang t***k ng puso ko, hindi ko rin alam kung bakit. Binuhat ako ulit ni Theo at sa kotse na niya ako isinakay. Nagbilin pa siya kina Junix na sumunod sa amin. Wala naman na kaming gagawin kaya hinatid na kami ni direk doon sa parking area dahil naka-break naman daw sila. "Ingat kayo," ani Direk Carlos nang buhayin ni Theo ang makina. Napatingin ako sa labas ng rest house at nakitang nakatingin sa amin iyong co-star naming babae. Napaawang ang labi ko ng magkatinginan kami at irapan niya ako saka pumasok na ulit sa loob. Nakarating naman kami agad sa malapit na hospital at agad inasikaso dahil nga celebrity. Tumawag na si Theo kay Ate Janice para sabihing puntahan kami dito. Maraming nakakita sa amin at hindi na kami magtataka kung pagkumpulan kami ng mga tao sa labas. Naupo siya sa bangko nang matapos ang pagtahi sa sugat ko. "Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" tanong niya. "Okay na." Muli akong napatingin kay Theo dahil sa nakikita kong pag aalala sa kanya. Hindi ako sanay na ganito siya dahil sanay akong nagyayabang at pagalit ang tono niya sa akin. "Ano naman?!" Napabuntong hininga ako dahil bumalik na ang kasungitan sa boses niya. Sinasabi ko na nga ba at pakitang tao lang ang ginawa nito kanina. "Kung hindi ko lang alam na great pretender ka. Maniniwala na akong nag alala ka talaga sa akin," naiiling na sabi ko. "Nag alala naman talaga ako ah!" sagot niya. "Talaga?" Sabi ko na nga ba! May kabaitan rin talaga ito. "Bakit anong akala mo sa akin? Wala akong puso?" Bahagya niya pa akong pinandilatan. "Ikaw may sabi n'yan hindi ako!" nakangising sagot ko. "Nag alala ako kasi... baka mawalan ako agad ng partner kasi baka nabaldado na!" Biglang kabig niya. Nailing na lang ako sa sinabi niya. Natawang bahagya dahil bigla yata siyang kinabahan. "May nakakatawa ba?" naiinis na tanong niya. "Wala!" Ayaw pa kasing aminin na nag alala talaga siya sa akin. Medyo matagal rin kaming naghintay kay Ate Janice at sa mga oras na iyon ay si Theo lang ang binabantayan ko dahil sa himalang nangyayari dito ngayon. Concern kasi itong masyado sa akin at hindi lilipas ang minuto na hindi niya ako tatanungin kung okay lang ba ako. Natatawa ako kapag nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya at bigla siyang sisimangot at iirapan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD