Chapter 5

3223 Words
"Babe, nadala lang ako. Lalaki ako at hindi ko naman sinasadya-" I slapped him hard. Hindi ako nagpigil sa lakas noon. Ibinuhos ko sa sampal na iyon ang lahat ng galit at inis ko sa kanya sa araw-araw na lagi kaming magkasama. "Cut!" sigaw ni direk. "Theo, ayusin mo naman! Tingnan mo si Wendy na parang sobrang nasasaktan ka dahil sa pag-chi-cheat mo! Hindi 'yong tingin na gusto mo s'yang sakmalin at saktan dahil nasampal ka!" pahayag pa ni direk. "Sorry, direk!" Hinging paumanhin ni Theo sabay kamot sa ulo. Lihim akong natawa dahil sa hitsura ni Theo. Buti nga sa 'yong mayabang ka! Nakakatatlong take na kami at pulang-pula na ang kanang pIsngi niya dahil sa mga sampal ko. "Pwede ba ayusin mo naman! Ang sakit na ng kamay ko sa kakasampal sa pagmumukha mo!" reklamo ko. "Ikaw pa ang may ganang magreklamo samantalang ako nga ang sinampal mo ng paulit-ulit! Nakakahalata na akong sinasadya mo talagang sampalin ako nang malakas, eh!" galit na sabi niya. "Wow! Hoy lalaki! Trabaho lang 'to! Kaya 'wag kang magalit sa akin!" taas kilay kong sagot. "Sundin mo na lang si direk para matapos na tayo dito!” "Ang sabihin mo talagang sinasadya mo!" gigil na aniya pa. "Whatever!" sagot ko sabay irap sa kanya. "Bintanggero!" Totoo namang sinasadya ko talaga! At hindi ko aaminin sa kanya 'yon. Makaganti man lang sa mga masasakit na salitang ibinabato niya sa akin araw araw. "Isang malakas pang sampal mo lagot ka talaga sa akin!" banta nito maya maya. "Naku! Nanginginig na ako sa takot!" kunyaring maiiyak na ani ko. May sasabihin pa sana siya nang magtawag na ulit si direk para sa pang apat na take namin. Inulit muli ni Theo ang linya niya at walang alinlangang sinampal ko ulit siya. Nasa eksena ang yayakapin niya ako at iiyak siya pero nang yakapin ako ni Theo ay nanigas ako bigla. Hindi ako sanay na may ibang yumayakap sa akin at worst sa mayabang pa talaga! Nangilabot rin ako ng marinig na umiyak siya sa balikat ko. "I'm sorry, babe." "And cut!" sigaw ni direk. "Excellent! Excellent!" pumapalakpak na saad pa ni direk. Pinagpahinga muna kami dahil tapos na ang taping namin sa araw na iyon. Pagod akong naupo sa isa sa mga silyang naroon. "First time mo bang mayakap?" tanong ni Theo. Nakangisi na ngayon. Tumabi ito ng upo sa akin at kaswal lang na nakikipag usap sa tingin ng iba. Ngunit para sa akin ay nag uumpisa na naman itong mambuwisit. "Hindi ka ba niyayakap ng boyfriend mo at nanigas ka kanina? Yakap pa lang 'yon. Paano kung kissing scene na?" Inirapan ko siya. “Nanigas ako kasi parang bato rin 'yang katawan mo!" balik pang iinis ko. "Talaga ba? Para ka ngang aso na naglalaway sa six pack abs ko!" nakangising saad nito at nagtanggal ng t-shirt sa harap ko. "Mainit!" kagat-labing sabi niya habang nakatingin sa akin. Nang aakit pa ang walang hiya! Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang ilang taong sumulyap sa gawi namin. Lalo na 'yong mga bading na makatingin kay Theo ay parang ulam na nakahain. "Magdamit ka nga!" saway ko. "Bakit? Naglalaway ka na ba?" tanong niya sabay kindat at pinunasan pa ang pawis sa dibdib. "Mukha ba?!" Mataray na turo ko sa aking mukha. "Mas maganda ang katawan ng boyfriend ko kaysa sa 'yo 'no!" Nanlaki ang mga mata ko nang dumukwang palapit sa akin si Theo. Sobrang lapit niya sa akin, isang dangkal na lang yata dahil naaamoy ko na ang kanyang hininga at tumatama na iyon sa aking mukha. Napapikit ako ng unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Naidilat ko ang isang mata ko dahil walang labing lumapat sa labi ko. "Akala mo hahalikan kita 'no? Well, sa part na 'yon hihingi ako ng ka-double kay direk. Ayaw kong mabahiran ng low class na labi ang labi ko!" At iniwan niya akong nakatulala roon. Ilang beses akong napalunok dahil sa pagkapahiya. Bakit ko ba ginawa 'yon? At napairap ako sa hangin dahil feeling naman niya gusto ko siyang maka-kissing scene! Kapal talaga! Bukas ay sa ibang lugar na ang shooting place namin. Ipinatawag kami saglit ni direk dahil may sasabihin daw. At ang hinayupak na Theo nakaakbay pa sa akin nang lumapit kami kay direk. Feeling close! Gusto ko tuloy baliin ang kamay niya! "I saw you two kanina. Mukhang nagpa-practice na kayo for kissing scene," nakangiting saad ni direk. "At hindi talaga ako nagkamali sa team up n'yo dahil kanina nakita ko ang spark n'yo at hoping sa next taping natin sa kissing scene ay matuloy na talaga ang halik," natatawa pang sabi nito sa amin. Nasamid tuloy ako sa sarili kong laway sa aking narinig. Kami may spark? Naku! Kung alam lang ni direk kung paano ako laitin nitong kumag na 'to! Dahil may sariling kotse si Theo ay ako lang ang sinundo ng van. Kasama ko sina Aiko at Junix na make up artist namin ni Theo at P.A na rin kapag nasa set. "Kumusta ang taping?" tanong ni Prima ng makasakay kami. "Naku! Miss Prima. Naka apat na take sila sa sampalan!" natatawang sagot ni Aiko. "Kawawa si Theo dahil pulang-pula 'yong mukha, eh! Gusto ko talagang tumawa nang malakas no'ng sabihan s'ya ni direk na gusto n'yang sakmalin si Wendy," natatawang kwento rin ni Junix. "Masakit rin naman ang kamay ko, ah!" nakasimangot na sagot ko. "Saka trabaho naman 'yon. Ako nga, nang naka eksena ko si Miss Chanda no'ng isang araw nabingi yata ako sa lakas ng pagkakasampal sa akin.” Naka eksena ko na kasi si Miss Chanda sa pangalawang araw pa lang ng taping namin. Isa kasi ito sa mga kontrabida at nasampolan agad ako. Gusto kong maiyak dahil first time ko pero agad namang humingi ng sorry si Miss Chanda sa akin. Naibalita pa nga 'yon sa showbiz news at nakaka over whelmed kasi pinuri ako ng batikang artistang kagaya niya. "Thank you sa paghatid," pasasalamat ko nang makababa ng van. "Don't forget the mall show at five p.m. Three thirty ang call time dahil magpa-final rehearsals pa kayo," bilin ni Prima. Tumango lang ako at kumaway sa kanila ng muling umusad ang sasakyan. Huminga muna ako ng malalim saka nag-doorbell na. Narinig ko ang mga yabag ni Ate Mayeth patungo sa gate namin. Napataas ang kilay ko nang makita ang ayos niya. Medyo magulo ang buhok at inaayos ang gusot na damit. Hindi ko alam kung nakangiti ba ito o nakangiwi sa akin. "Ang mga bata po?" tanong ko nang naupo sa sofa. "Kakasundo lang ng sasakyan sa kanila." Napatingin ako sa aking relo at ten thirty na rin pala. Iniwan ako ni Ate Mayeth para iakyat sa kwarto ko ang aking dalang bag. Nag init na naman ang ulo ko nang makitang umakyat sa itaas si Roman. Bakit narito na naman ang lalaking ito? Pagsasabihan ko na talaga si mama mamaya. Hindi pwedeng labas-masok na lang ito dito sa bahay namin. Inirapan ko lang siya ng ngumisi siya sa akin. Naninindig ang balahibo ko kapag ngumingiti siya sa akin ng ganoon. 'Yong ngiting may pag nanasa. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay tumayo na ako at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Inilagay ko ulit sa tauban ang basong ginamit ko matapos hugasan. Napangiti ako habang pinapasadahan ng tingin ang buong kitchen. Hindi ko akalaing sa halos apat na buwan lang ay ito na ang buhay namin ng pamilya ko ngayon. Hindi ko talaga ini-expect na ganito ang mangyayari sa akin, sa amin. Hangad ko lang dati ay makaraos kami sa gastos ng operasyon ni Wendell. Ang gumaling ang kapatid ko ay isang malaking bagay na. Hindi rin naman ako nagsisi na pumasok ako sa showbiz, malaking opportunity ang hatid noon sa akin. Marami kaming fans sa loob lang ng ilang buwan at s'yempre may mga haters at bashers din. Pero kagaya nga ng sabi ni Ate Janice 'wag na lang pansinin at gawing inspirasyon ang mga negative comments. Dalawang buwan na kami rito sa bagong bahay. Bahay ito ng kaibigan ni Ate Janice at ipinagbibili daw ayon sa kanya. Pinakiusapan ni Ate Janice na kung maaari ay maging rent to own na lang ito at pumayag naman ang may ari kaysa daw nakabakante lang. Nasa London na kasi ito at isa lang ito sa mga properties niya. Umakyat na ako sa itaas para makatulog kahit ilang oras lang. Alas onse palang naman at pwede pa akong matulog hanggang alas dos. Pagpasok ko ay ini-lock ko ang aking pinto. Ayaw kong pakampante dahil labas-masok ang Roman na iyon dito sa amin. Nagising ako sa alarm ko. Gusto ko pang matulog pero kailangang bumangon dahil may trabaho pa. Nakakapagod man ang trabahong ganito pero okay lang dahil malaki naman ang kita. Marami pang kailangang gastusin lalo na sa recovery ni Wendell. Pinag iipunan ko na rin ang paglipat ng mga kapatid ko sa private school dahil ito lang ang malapit sa bago naming bahay. Sa ngayon ay naroon pa rin naman sila sa dati nilang school at sinusundo na lang ng sasakyan. Matapos maligo at magbihis ay bumaba na ako dala ang aking bag. Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko si Wendell na kumakain ng paborito niyang ice cream. "Bawal ang maraming ice cream, ha. After n'yan mag toothbrush" nakangiting sabi ko at hinaplos ang buhok ng kapatid ko. "Work ka ulit, ate?" tanong niya. Tinanguan ko siya at tipid na ngumiti. Ipinaghain ako ni Ate Mayeth ng pagkain ko at tinabihan ko na ang kapatid ko sa mesa. "Napanuod ka namin sa t.v, ate. Ang ganda-ganda mo!" puri pa ng kapatid ko sa akin. "Talaga?" tanong ko sabay pisil sa kanyang pisngi. "Opo! Lagi nga po ikaw tinatanong ng mga teacher ko, eh! Sabi nila ang ganda-ganda mo." Patapos na akong kumain nang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang makitang si Theo ang tumatawag. "Ano na naman ang kailangan mo?" mataray na tanong ko. "Mall show natin ngayon," walang ganang sagot nito. "Alam ko! Bakit?" "Susunduin kita. On the way na ako!" "Wow! Ano ang nakain mo?" pang aasar ko pa sa kanya. "H'wag kang assuming dahil utos ni ate 'to!" Bakas ang inis sa boses. "Wala naman akong sinabi, ah! Ang lakas mo lang talaga mag feeling!" At pinatayan ko na siya ng cellphone. Natawa ako dahil tiyak na nanggagalaiti na naman iyon sa galit dahil ayaw no'n na pinapatayan siya ng telepono. Alas dos na at ready naman na ako para umalis. Naupo na lang muna ako sa sofa para hinatayin si Theo nang tumunog muli ang cellphone ko. Hindi ko na tiningnan ang caller i.d at sinagot na lang iyon sa pag aakalang si Theo. "Theo." "Si Theo na ba ako ngayon?" Napaahon ako sa kinauupuan ko at muling tiningnan ang cellphone ko. Nahilot ko bigla ang aking sentido nang makita ang pangalan ni Fher. "I'm sorry. Kakatawag lang kasi n'ya sa akin, eh," paliwanag ko. "Lagi na nga kayong magkasama pati ba naman sa phone nag uusap pa rin kayo?" Naroon ang selos sa tono nito. "Magka trabaho kami kaya natural na makausap ko s'ya," sagot ko. "Bakit kasi nag artista ka pa, eh!" "Alam mo namang tinulungan ako ni Ate Janice sa operasyon ni Wendell 'di ba. At ito ang kapalit no'n," pag papaintindi ko. "Marami namang paraan. Saka wala ka ng oras sa akin. Kailan ba tayo huling nagkita? Noong operahan pa si Wendell." Bakas ang pagkainis sa kanyang boses. "Intindihin mo naman sana ako dahil para rin ito sa pamilya ako," malungkot na sagot ko. "Para nga ba talaga sa pamilya mo?" sarkastikong tanong niya. "Para kasing enjoy na enjoy kang kasama ang Theo na 'yon. Baka bukas makalawa ibalitang kayo na!" "Ano ba 'yang sinasabi mo?" Nanlaki pa sa gulat ang aking mga mata. Para bang nasa harap ko siya na makikita niya ang reaksyon ko. "Totoo naman 'di ba? At-" "There you go!" Nakaawang ang bibig kong bumaling sa aking gilid at nakita ko pang pinatay ni Theo ng tuluyan ang cellphone ko saka siya na rin ang naglagay noon sa bag ko. "Ano'ng ginawa mo?!" "Eh, 'di pinatay ang walang kwentang cellphone mo!" inosenteng sagot niya. "Kanina pa ako nasa labas at tawag ako nang tawag sa cellphone mo! Kaya pala busy dahil nakikipag landian ka pa sa boyfriend mo!" pang aakusa nito sa akin. "Ano'ng nakikipag landian?!" singhal ko. "Alam mo ba kung anong oras na?" galit ring tanong nito. "Kanina pa ako d'yan sa labas at naka ilang tawag na si Prima!" wika pa niyang nakaturo pa sa labas ang daliri. Nag-panic ako nang makitang alas tres na at three thirty nga pala ang call time. Malapit lang ang SM Ferview pero baka traffic. Nagpa-panic na akong lumabas habang kasunod ko si Theo. Hindi ko namalayan ang oras. Baka makagalitan ako ni Ate Janice nito. "Pa-panic-panic ka ngayon!" "Mag-drive ka na lang! Kung anu-ano pang sinasabi mo!" pairap na saad ko matapos mag-seatbelt. Traffic nga ang sumalubong sa amin at alas kwatro na kami nakarating sa SM Ferview. Maraming tao na ang nakaabang. Halos makuyog kami ni Theo nang makitang paparating kami. Mabuti na lang at may mga security at bouncers na naroon. Nakakabingi ang tilian nang makita ng mga itong niyakap ako ni Theo para iiwas ako sa mga tao. Ngunit may isang nakalusot at hinila bigla ang kamay ko. Nag-bounce back ako dahil doon at kung hindi lang nakapag-balance ng katawan si Theo ay natumba na kaming pareho. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makarating na kami sa back stage at tuluyang makapasok sa dressing room. "TIngnan mo ang nangyari sa atin! Kung hindi ka nagtelebabad hindi tayo mali-late!" galit na sabi ni Theo na naglagay ng alcohol sa kamay. "Sabagay! Aliw na aliw ka sa kasikatan mo at gustung-gusto mo yatang yakap-yakapin ka at hawak-hawakan ng mga basurang 'yon!" litanya pa nitong padabog na ibinalik ang alcohol. "Basura?!" galit na ulit ko sa sinabi niya. "Ang mga basurang sinasabi mo. 'Yon lang naman ang dahilan kung bakit sikat ka ngayon. Ang mga basurang 'yon ang umiidolo sa 'yo at wala ka d'yan sa posisyon mo kung 'di dahil sa kanila!" "Pero nasaan ang hustisya sa mga ginagawa nila? Akala mo ngayon lang nakakita ng artista at kulang na lang halikan ka!" Natigil lang kaming dalawa nang pumasok si Ate Janice at Prima sa dressing room. "Late na nga kayo nakuha n'yo pang mag away, malapit ng magsimula ang show!" Batid ko ang inis sa tinig ni Ate Janice. "Three thirty ang call time four ng mahigit paano pa kayo mag-re-rehearse?" "Bakit kaya 'di mo tanungin 'yang newbie mong alaga?" sagot ni Theo na masama ang tingin sa akin. Dahil alam kong kasalanan ko naman ay napayuko na lang ako. "Sorry po, Ate Janice," wika ko. "Pag uusapan natin 'yan mamaya, Wendy. For now mag ayos na kayo dahil magsisimula na," mahinahon ng sabi nito. "Dahil kapos na sa oras, tandaan n'yo na lang kung ano ang ni-rehearse natin at kung paano pakikiligin ang fans n'yo, okay?" Sabay kaming tumango ni Theo at inirapan lang ako nito ng magtagpo ang mga tingin namin. "Tama na 'yan, Theo!" saway ni ate. "Tss!" ingos lang nito at naupo na sa harap ng salamin at sinimulang ayusan ni Junix. Nag umpisa na ang show at may mga grupong nag-performed ng sayaw. Naalala ko ang dating grupo ni Theo. Ang balita ko ay nasa kabilang istasyon na ang tatlo at nag-abroad naman ang dalawa pa. Sinulyapan ko si Theo at nakaramdam ako ng awa dahil nakikita ko ang lungkot sa mga mata n'ya habang tanaw sa back stage ang grupong sumasayaw sa labas. Tumalim ang mga mata niya nang bumaling sa akin at mahuling nakatingin ako. "H'wag mo akong kaawaan!" asik niya. "Mukha ba akong naawa sa 'yo?" nakahalukipkip na tanong ko. "Nakikita ng dalawang mata ko! Hindi naman ako bulag!" sagot niya. "Miss mo na ang sumayaw?" Hindi siya sumagot at muling nanuod sa maliit na siwang ng back stage kung nasaan kami. Kasalanan rin naman ng grupo nila dahil lumaki bigla ang ulo. "Mag-ready na kayo dahil susunod na kayo d'yan" maya maya ay sabi ni Prima na nasa likod na pala namin. Bumalik na kami sa dressing room at konting re-touch pa at ready na kami. Kumatok ang isang staff para sabihing kami na ang lalabas. Hiyawan ang sumalubong sa amin ng magkahawak kamay kaming lumabas ni Theo. Punong-puno ang first at second floor ng mall. Nakakatuwa dahil nakikita ko ang tarpulin at banners namin na iwinawagayway ng aming mga fans. At syempre naroon rin ang mga bashers namin ngunit mas lamang ang aming supporters. Nag umpisa ng tumunog ang music at kumanta na si Theo. Dinala niya ako sa gitna na hawak pa rin ang kamay ko. Gusto kong masuka dahil ngiting-ngiti siya sa akin. Pinisil niya ang kamay ko at bahagyang pinanlakihan ng mata dahil hindi ako ngumingiti. Turn ko na sa pagkanta kaya ngumiti na ako. Nagtilian ang mga tao sa simpleng paghawi lang ni Theo sa hibla ng buhok kong tumabing sa mukha ko. Nag-duet na kami at halos mag histerya ang mga tao ng akbayan ako ni Theo at ilagay ko ang kamay ko payakap sa baywang niya. Nagkatinginan kami at ngumiti sa isa't isa habang kumakanta. Halos gahibla na lang rin ang lapit ng aming mga mukha na lalong ipinagwawala ng mga tao. Hanggang sa matapos ang kanta ay ganoon pa rin ang ayos namin na magkadikit ang aming katawan. "Ang ganda n'yo talaga panuorin," puri ng baklang host. "Mas maganda sana kung nagdikit, eh!" kinikilig na tudyo nito sa amin. Nagtilian ang audience maging ang host ng pabirong ilapit ni Theo ang labi sa labi ko. Lihim ko namang pinisil ang baywang niya kung nasaan ang kamay ko. Pero ngumisi lang ang loko dahil alam niyang naiinis ako. "Nandito ang boyfriend mo," bulong niya. Naging dahilan ang mga ganoong kilos ni Theo upang magwala muli ang audience. Minsan tuloy ay gusto ko ng maniwala kay Theo sa tuwing sasabihin nitong O.A na masyado ang mga fans. Iginala ko sa first floor ang paningin ko. Wala roon si Fher, naibalik ko sa baklang host ang atensyon ko ng tanungin ako nito. "In case bang manligaw talaga sa 'yo si Theo may chance ba?" Ngumiti lang ako at tumango sa baklang host dahilan ng tilian. Dagdagan pa ng tinginan namin ni Theo na paniwalang-paniwala ang mga tao na may something talaga kami. Napawi ang ngiti ko nang mag angat ako ng tingin sa second floor at naroon si Fher. Kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Umatras siya sa barandilya at tinapik ang isang kasama niya at tumalikod na sa gawi namin. Hahakbang na sana ako pababa ng stage nang mapatingin ako kay Theo ng bahagyang humigpit ang pagkakaakbay nito sa akin. "Sira ba ang ulo mo?" bulong nito sa akin. "Sige! Sundan mo! Kung hindi ka kuyugin ng mga 'yan!" pasimpleng nguso pa nito sa mga tao. Tuluyan na akong nawalan ng pag asang sundan si Fher ng mag-perform kami ulit ni Theo sa stage. Naglalakbay ang isipan ko sa buong show. Naalala ko pang pinatayan nga pala ito ni Theo ng cellphone kanina. Lalo pa akong nanlumo sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang mga mata ni Fher na nasasaktan habang nakatingin sa akin kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD