Chapter 2

2260 Words
Maaga ang call time namin ngayong friday dahil sa gaganaping birthday party sa bar. Six o'clock pa lang ay nasa bar na kami para maagang mag ayos para sa gaganaping party mamaya. Dinig kong usapan ng mga kasama ko ay celebrity daw ang may pa-party. Kaibigan yata ng anak ng boss namin at paniguradong babaha na naman ng mga celebrities ngayong gabi. High end na bar ang pinapasukan ko at halos gabi-gabi naman ay bumabaha talaga ng artista dito. Kaya naman hindi na ako ignorante kapag nakakakita ng artista kagaya no'ng una kong tapak dito na halos hindi ko sila lubayan ng tingin. At dahil bawal ang mga paparazzi sa loob ng bar na intensyon ay makakuha ng scoop. Makikita mo ang tunay na ugali ng mga artistang ito dahil walang camera dito sa loob. 'Yong akala mo anghel at saksakan ng bait sa t.v ay demonyita pala sa personal. At iyong mga hindi makabasag pinggan ay wild na wild sa dance floor kung sumayaw. Six thirty ay padami na nang padami ang mga tao sa bar. Okupado ng celebrant ang buong bar at tama nga ako dahil kaliwa't kanan ang nakikita kong bigating young artists may mga members ng banda, singers at mga grupo ng mga sikat na dancers. "Wendy, pwede bang ikaw muna ang mag-served sa taas ang sakit na kasi ng paa ko, eh!" reklamo at pakiusap ni Mercy sa akin. Nasundan ko ng tingin ang pagtatanggal niya ng high heels at nakitang pulang-pula na nga ang kanyang sakong. Ikaw ba naman ang akyat baba galing sa itaas. Kaya naman nang may magpaakyat ng inumin sa itaas ay ako na ang gumawa dahil busy rin ang ibang kasama ko sa kaliwa’t kanang bisita dito sa ibaba. Naglalakad ako paakyat sa itaas ng may makasabay akong grupo ng kalalakihan. Nasa likod ko lang sila at nang huminto ako sa isang couch para sa inumin ay doon rin pala ang tungo ng mga ito. "Theo!" Dinig kong bati ng mga naroon sa mga bagong dating. Habang naglalapag ako ng mga inumin sa table ay pinagkakaguluhan naman ang mga ito ng mga kakilala nila para bumati. Napabuntong hininga pa ako nang sa aking pagtayo at pagpihit ay wala na akong madaanan dahil kaliwa't kanan na ang mga taong aliw na aliw sa mga bagong dating. "Excuse me!" Dahil malakas ang music ay kinailangan ko ring lakasan ang aking boses. Ngunit hindi ko inaasahang lilingon silang lahat sa akin. Bigla akong kinabahan dahil nasa akin na ang kanilang atensyon ngayon. Gusto ko lang naman makadaan at wala akong intensyon na kung ano kaya napayuko na lang ako dahil sa pagka pahiya dahil nga nakatingin na silang lahat sa akin. Nakarinig ako ng bulung-bulungan sa paligid ko at dahil sa hiya ay hindi ko na magawang mag angat pa ng tingin. "One of your fan again, Theo," ani ng isa sa mga kasama nito sa grupo. "Ibang klase talaga ang mga fans mo! Everytime na lang, gagawa ng eksena mapansin mo lang!" naiiling ring saad ng isa pa galing sa grupo nila. Para akong natauhan dahil sa aking narinig. Sino ang tinutukoy nila? Ako ba? At anong fan? Oo, kilala ko sila dahil madalas ko silang makita sa t.v at may billboard rin sila sa EDSA. Pero, ni minsan wala akong inidolong artista kahit isa! "Autograph lang naman ang katapat n'yan at hihimatayin na 'yan sa kilig kaya bigyan mo na!" anang isang kasama pa. "Mga cheap die hard fan nga naman!" iiling-iling na sagot no'ng Theo at may dinukot na kapirasong papel sa kanyang bulsa. "Oh! Heto!" sabi pa nitong itinapon pa sa mukha ko ang papel na pinirmahan saka ako iniwan. Balik sa old business ang mga socialite na nakatumpok kanina matapos lumayas ang mayabang na Theo na iyon sa harapan ko. At bago lumayo ang mayabang na 'yon ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi nito. "Bakit ba mga hampaslupa ang karamihan sa fans natin? Everytime na makita tayo parang hayok lagi sa atensyon!" saad nito. Halos mamula ako sa galit dahil sa aking narinig. Ako fans? Hampaslupa? Hayok? Halos mag-palpitate ako sa kinatatayuan ko. Kung hindi lang ako kinalabit ni Mercy ay hindi ko na maiisip na kanina ko pa pala gustong umalis doon. Bad trip tuloy ako ng mga sumunod na oras at halos sumimangot na habang nagsi-served sa ibat ibang table. Lalo pa akong na badtrip dahil nasa ibaba na ang grupo at nagsasayaw na sa gitna ng dance floor. "Kung may kutsilyo kang hawak malamang naihagis mo na sa kanila," naiiling na sabi ni Mercy. "Ganyan talaga kapag mga baguhan at sikat lumalaki agad ang ulo wala pa man sa tuktok." Napabuntong hininga na lang ako pero hindi mawala-wala ang inis ko. Ang nakakaasar pa ay 'yong pagkamalan kang fans na hindi mo naman sila kilala para idolohin. The party went on habang palalim nang palalim ang gabi. May ibang umuuwi na, ang iba ay susuka muna at kakalmahin ang sarili bago tuluyang umalis. Napapailing pa ako dahil ang iba sa kanila ay kahit saan na lang pupwesto basta makaraos ng init ng mga katawan kahit sandali. Nagpaalam na rin ang may pa-party. Kami-kami na lang ang naiwan para maglinis at magsara sa bar dahil nauna ng umuwi ang boss namin dahil may emergency yata. Habang naglilinis ako sa isang table ay may napansin akong nakahiga sa couch. Lagi itong nangyayari sa bar at ginigising namin sila dahil baka masaraduhan sila dito. "Sir, close na po kami." Yugyog ko sa balikat ng lalaki. Hindi ito natinag at iwinaksi nang pagalit ang braso ko. Umahon ang iritasyon sa dibdib ko ng makita ko kung sino iyon. "Hindi po ito hotel para mag-overnight ka! At kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga bouncers at ipatapon sa labas tumayo ka d'yan at umuwi ka na!" sigaw ko malapit sa tenga nito. "What the hell is your problem?!" galit na sigaw nito sakin. "Don't shout at me! Dahil hindi ako bingi at hindi mo ako kilala!" Napaatras ako at nanlalaki ang mga matang napatitig sa kanya dahil sa biglaan niyang pag sigaw. Ang yabang! Hindi ko naman talaga siya kilala! "I hate all of you! All of you!" bigla itong nagsisigaw. "s**t this f*****g life!" At pagalit na sinipa ang table sa kanyang gilid dahilan para bumagsak at mabasag ang mga boteng inipon ko. "Kung may problema ka! 'Wag mong idamay ang mga bote sa galit mo! Deduction 'yan sa sweldo namin baka akala mo!" pinamewangan ko talaga siya habang tinatarayan. Maliit na nga ang kita ko dito sa bar tapos mababawasan pa dahil sa mga nabasag niyang bote ng alak. "Alam ko 'yang mga modus mo eh!" duro niya sa akin. "Gagalitin mo 'ko para kapag nasaktan ka madali mo akong mapi-perahan!" sigaw nito sa mukha ko. Napaiwas pa ako ng mukha dahil sa hininga nitong amoy alak! Nagpanting muli ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Bangag ba ang lalaking 'to? Ang daming alam sa buhay, eh! "Magkano ba 'yan, ha?!" singhal niya sa akin na dinuro-duro pa ang mga nabasag na bote. "Oh, hayan! Nang matahimik 'yang kaluluwa mo!" At saka ako tinalikuran matapos ibato ang ilang libong pera sa harap ko. Walang nagawa ang mga kasama ko at hinayaan na nilang umalis si Theo dahil maging sila ay natulala sa sagutan naming dalawa ng mayabang na lalaking iyon. Akala mo kung sino s'ya! Kagaya ng dati ay muli akong sinundo ni Fher sa trabaho. Hindi ko na rin ikinuwento sa kanya ang nangyari kanina sa bar dahil bukod sa tapos na ay wala rin naman siyang magagawa. Mula nang umalis kami sa bar hanggang ngayong nakauwi na ay kapansin-pansin ang pagiging tahimik niya at parang ang lalim ng kanyang iniisip. "May problema ka ba?" untag ko. Nandito na kami sa harap ng gate namin. Humarap ako sa kanya saka hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi. Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya at sumandal sa pader saka namulsa. "Gusto akong dalhin ni papa sa Laguna," panimula niya. "May itinayong negosyo ang isang kapatid niya at kailangan ng trabahador kaya dadalhin niya ako doon," kwento ni Fher. "Ano'ng problema do'n? Kung malaki ang kita tanggapin mo na," sabi kong hinawakan ang braso niya saka pilit siyang iniharap sa akin. "Natuwa nga ako dahil pag aaralin raw ako ng tita ko. Pero... ang katotohang malalayo ako sa 'yo parang ayaw ko ng pumayag." malungkot na saad ni Fher. "Fher, matutupad na ang pangarap mong makapag aral ulit. May cellphone naman, may internet. Maraming paraan para makapag usap tayo sa araw araw, saka 'di naman gano'n kalayo ang Laguna at hindi abroad ang pupuntahan mo," paliwanag ko. “Tanggapin mo na at 'wag mo akong isipin. Pangarap mo ang isipin mo." nakangiting sabi ko pa. "Pag iisipan ko," anito saka bumuntong hininga. "Huwag mo ng pag isipan, dahil ako na nagsasabi sa 'yo." At tinapik-tapik pa ang kanyang balikat. “Para rin sa ‘yo ‘yon.” Nagpaalam na rin siya kalaunan dahil nag-text na ang isang kasamahan niya at may trabaho pa siya sa palengke. Talagang pumuslit lang siya para masundo ako at maihatid sa aking pag uwi. Tatlong taon na ang relasyon naming dalawa, schoolmates kami noong elementary lumipat sila ng bahay at nauwi lang ulit dito sa Navotas noong makatapos siya ng senior high school. Mabait na nobyo si Fher at wala akong masabi. Noong unang taon namin ay laman kami lagi ng tsismis, na kesyo hindi maglalaon at mag aasawa rin ako sa batang edad tulad ni mama. Pero umabot kami ng tatlong taon na hindi siya nagbago. Iginagalang niya ako at lagi niyang sinasabi na hindi niya hihingin ang bagay na iyon hangga't hindi niya ako naihaharap sa altar. Makalipas nga ang tatlong araw ay text na lang ang natanggap ko mula kay Fher. Nasa Laguna na ito at hindi na nagpaalam ng personal sa akin dahil baka raw magbago ang isip niya at hindi na umalis. Malungkot rin ako dahil nasanay na akong may Fher na laging hatid sundo ako sa trabaho araw araw. Nasanay na akong kapag may free time ay nagdi-date kami. Pero kailangan kong magtiis dahil ayaw kong maging hadlang sa mga pangarap niya. Mga bata pa kami at opportunity na ang lumalapit para sa pangarap niya kaya kahit labag sa loob ko ay pumayag na ako dahil alam kong kailangan niya iyon. Kung sa akin din mangyari ang ganoong pagkakataon ay susunggaban ko na rin ang opportunity na iyon, pero nakakalungkot lang isiping mailap ang swerte sa akin. Nahugot ko na lang ng pagka lalim-lalim ang aking paghinga at nagbihis na ng uniporme para sa aking trabaho. As usual puno ang bar, maingay at magulo na naman ang paligid ko. Pero pabor naman dahil kapag maraming tao maraming tip, at madalas sa mga lalaking costumers iyon galing pero hindi ko alintana basta hindi kami umaabot sa bastusan ay okay lang. Habang paroo't parito ako para sa pagsi-served ay panay din ang sunod ng tanaw sa akin ng ilang mga naroon. Ang ilan pa sa mga iyon ay animong kinikilatis ang kaloob-looban ko at tataasan pa ako ng kilay kapag natitigan ako. Problema ng mga ito? "Kapagod! Grabe!" saad kong napasalampak nang upo sa upuan. Busy ang mga kasama ko sa kung anong pinanunuod sa cellphone ni Mercy. Hindi ako maka-relate dahil di-keypad lang ang phone ko. Napataas ang kilay ko kay Abeth ng tingnan niya ako at ibalik sa cellphone ang tingin, tatlong beses niya akong tiningnan ng ganoon kaya nairita na ako at tumayo na para lapitan siya nang bigla akong kuyugin ng ilang tao. Halos manlaki ang mga mata ko ng umatras ako, dahil ipinagduldulan nila sa akin ang hawak nilang cellphones. Mga paparazzi ang mga ito! Pero bawal sila dito, ah! At paano silang nakapasok? "Miss, ikaw ba ang bagong girlfriend ni Theo?" "Ano'ng masasabi mo sa video quarrel na kumakalat ngayon?" "Ilang buwan na kayo ni Theo? At totoo bang nag-away kayo dahil nakatulog s'ya dito sa bar at sinundo mo?" Halos mahilo ako sa mga tanong ng mga ito sa akin. Ano bang pinagsasabi ng mga ito? Napaatras ako sa aking kinatatayuan at agad ding napatili ng bigla na lamang akong buhatin ng kung sino na para bang isang sakong bigas lang. "Tulong!" sigaw ko. "Ibaba mo 'ko! Ibaba mo sabi ako!" Patuloy kong sigaw habang pinagsusuntok ang likod nito. Ngunit tuloy-tuloy lang itong naglakad palabas at hindi ako pinakinggan, ang bilis pa niyang maglakad. Nang mag-angat ako ng tingin mula sa pinanggalingan namin ay napanganga pa ako dahil hinahabol na pala kami ng mga paparazzi. Hindi lang kami maabutan dahil sa mga bouncers na humaharang sa kanila. Napa igik ako sa sakit ng pwet ko ng parang manika akong ihagis ng lalaki sa passenger seat. Mabuti na lang at malambot iyon, dahil kung hindi ay baka bali-bali na ang aking mga buto. Pero masakit pa rin iyon! Ikaw ba naman ang ihagis! Mabilis na pumasok ang lalaki nang makarinig ng ingay. Napalingon ako sa likod at gahibla na lang ang layo ng mga paparazzi sa amin. Bigla nitong pinaharurot ang kotse palayo at nakita ko pa kung paano madismaya ang mga ito dahil sa hindi kami naabutan. Ang ilan pa ay nagpapadyak dahil siguro sa inis. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan kaming makalayo sa mga taong iyon. Ngunit agad nag init ang ulo ko nang mapag-sino ang kasama ko. Tinanggal niya ang hoodie'ng nakatakip sa kanyang ulo at masama ang tingin sa akin ng sulyapan ako sa rare view mirror. It was Theo! Kung mamalasin ka nga naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD