Chapter 1

1586 Words
"Ayan na si jowa!" tudyo ni Mercy ng dumating si Fher, ang boyfriend ko. "Uwi na rin ako, beh," paalam pa nito sa akin at saka bumeso bago ako iwan. Sinalubong ako ni Fher nang yakap at halik sa noo nang tuluyang makalapit sa akin. "Tara na?" aya niya sa akin matapos kunin ang bag ko. Tumango ako at ngumiti sa kanya saka ikinapit ko ang aking braso sa braso niya saka kami naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Mabuti na lamang at hindi traffic kaya umabot lang ng isang oras ang byahe namin pauwi. Dahil sa dadaanan pang eskinita ay bumaba na kami sa kanto at naglalakad na lang papasok sa amin. "Thank you sa paghatid," sabi ko nang tumapat na kami sa gate ng aming bahay. "Para kang bago nang bago," saad niyang pinisil pa ang tungki ng ilong ko. "Alis na ako, love you." At hinalikan ako sa pisngi. May trabaho pa kasi siya. "Love you. Ingat ka." Kaway ko pa kay Fher ng palayo na ito. Nang tuluyang mawala sa paningin ko si Fher ay saka ako pumasok ng bahay. Alas kwatro ang kadalasang uwi ko tuwing araw ng biyernes at sabado. Araw kasi iyon ng mga trabahante para mag-unwind, at mga estudyanteng excited gumimik at walang pakialam sa pagwaldas ng perang pinagpapaguran ng kanilang mga magulang. Minsan nga ay naiinggit ako sa kanila dahil sa edad kong katulad nila ay heto ako at nagta-trabaho na. Junior high school lang ang tinapos ko at hindi na nakapag senior high dahil sa financial problem. Kakahiwalay lang kasi noon ni mama sa pang-apat niyang asawa at maliliit pa ang iba kong kapatid kaya nagtrabaho na lang ako sa bar bilang waitress sa tulong na rin ng dati kong kaklaseng si Mercy. Pagpasok ko ng bahay ay nagkagulatan pa kami ni Mama ng magka-hawakan kami ng kamay dahil sa pagsasabay naming pagbukas ng switch ng ilaw. Sinuyod ko ng tingin si Mama nang bumaha ang liwanag sa loob. Naka red itong nighties at ng makita ang nang-uusig kong mga mata ay nagbaba ito ng tingin at tumikhim pa. Dumako ang tingin ko sa lalaking nasa likod ni Mama. Gusto kong masuka sa paraan niya ng pagtitig sa akin. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa at dinilaan pa ang kaniyang labi na animo'y manyakis lang. Kinilabutan ako sa hitsura nito kaya agad akong pumasok sa aking kwarto at nag-lock ng pinto. Simula nang mag-asawa si Mama ng iba-iba ay nag-iingat na ako lagi. Lagi akong nagla-lock ng aking pintuan at kapag wala si Mama ay hindi ako nagsi-stay sa bahay at lagi kami sa labas ng mga kapatid ko. Ayaw kong magpaka kampante dahil iba na ang panahon ngayon at aware naman ako sa mga napapanuod ko sa t.v. Araw ng sabado at pananghalian na akong nagising mamayang alas syete pa naman ang pasok ko kaya may time pa akong matulog ulit. Naghain ako at mauupo na sana sa hapag nang tumatakbong lumapit si Wendell sa akin. "Ate! Ate!" nakangiting tawag nito ng makita ako. "Tingnan mo ang star ko, oh!” At excited na inilahad sa akin ang kanyang dalawang braso. Hindi lang isang star 'yon kundi marami. Napangiti ako at saka hinila siya palapit sa akin para yakapin. “Very good ka talaga, baby!" sabi kong pinupog siya ng halik. "Dahil d'yan, ano'ng premyo ang gusto mo?" tanong ko at kinandong siya. "Pwede bang ice cream?" sagot niyang nag puppy eyes pa. "Iyon lang naman pala, eh! Bukas day off ni ate kaya magsisimba tayo at bibili tayo ng ice cream!" nakangiting pangako ko. "Talaga? Promise?" tanong pa ng aking kapatid na itinaas pa ang kaliwang kamay niya na parang nanunumpa. "Promise!" nakangiting sagot ko at itinaas rin ang isang kamay ko tanda ng panunumpa. "Yehey!" pumapalakpak na sigaw ni Wendell at muli akong niyakap. "I love you, ate," malambing na saad nito. "I love you," tugon kong ginulo pa ang kanyang buhok. "Ang daya! Si Wendell lang?!" sabay na sabi ng kambal. Lumingon ako sa gawi nila at inilahad ko ang aking braso. Nakangiting lumapit sina June at Jane sa akin at yumakap. "Ang babaho n'yo! Hindi kayo naliligo ano?" saad kong kinaskas ang dulo ng aking ilong upang asarin sila. "Ako, hindi pa kasi hinintay kitang magising para makita ang star ko." nakangusong sagot ng aming bunso. "Sabay na tayo, Dell" aya ni June sa aming bunso. Tumango ang bunso namin at nagpa-akay sa kanyang kuya. Naupo naman sa katabing plastic na bangko si Jane at tumingin sa akin. "May problema ka ba?" puna ko ng mapansing nakatingin lang siya sa akin at tila may gustong sabihin. "Ate, mag aasawa ba ulit si mama?" Napatigil ako sa pag-nguya ko ng marinig ang tanong niya. "Bakit?" kunut-noong tanong ko. "May kasama kasi ulit si mama kagabi. Si Tito Roman daw sabi n'ya. Sana hindi na s'ya mag-asawa para 'di ka mahirapan, ate," malungkot na saad ng kapatid ko. Ginulo ko ang buhok ni Jane at saka ako pilit na ngumiti. "Hayaan mo pagsasabihan ko si mama." I assured her. Kalaunan ay iniwan din ako ni Jane at nasundan ko na lamang ito ng tingin. Mabuti pa ang kapatid ko inaalala ang paghihirap ko, samantalang si mama parang wala lang. At hindi ako magtataka kung isang araw may titirang lalaki ulit dito sa bahay. At madadagdagan na naman kami. Pagkatapos kong kumain ay saglit akong nagpahinga at naupo sa luma naming sofa para manuod ng t.v. Siyang pagdating naman ng kapatid kong si Wella may dala itong bag pack at alam ko na kung saan na naman ito galing. "Iniwan mo ang tatlo dito sa bahay na may kasama na namang ibang lalaki si mama kagabi?" pangaral ko nang maupo siya sa tabi ko. "Umalis ako kagabi... si mama lang naman ang nandito. Nag sleep over lang naman ako sa barkada ko kasi dumating ang mommy n'ya galing abroad at binigyan kami ng pasalubong," paliwanag niya. "Pero totoo? May dinala na naman si mama dito?" pangungumpirma pa ni Wella. "Oo," tugon ko. "Kaya 'wag mong basta-basta iniiwan ang mga kapatid natin, lalo na si Jane," saad ko pa. Tinuruan ko na rin kasi sila kung ano ang mga dapat gawin kapag wala ako at nag uuwi ng lalaki si mama dito sa bahay Malay ko ba kung manyak iyon at gawan ng hindi maganda ang mga kapatid ko? "S'ya nga pala, ate. Kailangan ko ng scientific calculator sa monday. Exams namin at sa chemistry subject namin ‘yon, terror pa naman ang madam ko do'n," nakangusong sabi ni Wella. "Magkano ba 'yon?" tanong ko. "Five hundred." "Five hundred?!" Halos mabitawan ko ang remote ng aming t.v nang marinig ang presyo ng calculator na iyon. "Original kasi 'yon, ate." nakasimangot na sagot niya sa akin. "Original o nakikipagsabayan ka na naman sa mga kaibigan mong sosyal?" Taas kilay kong tanong. "Wella, hindi tayo mayaman. Kung hindi ako nagtatrabaho baka 'gaya ko huminto ka na rin ng pag aaral," pangaral ko sa kanya. Nasa senior high school na kasi ito. Ang kambal ay grade five na at ang aming bunso ay kinder. Nag-i-extra si mama sa paglalabada at kapag nagkakaasawa ng bago ay parang poon na narito lang sa bahay at anytime ay mangingitlog. "Sige! Titingin tayo bukas," sagot kong nahilot ang aking sentido. May pera naman ako dahil kapag friday at saturday ay malaki ang tips ng mga customer namin sa bar. Dumating ang araw ng linggo at dahil puyat ay sa hapon na kami nagsimba at dinala ko sila sa bagong bukas na ice cream parlor. "Wendy!" tawag ng babaeng ka-edad ko lang. Ngumiti ito at lumapit sa amin. "Bibili ba kayo ng ice cream namin?" magiliw pang tanong nito. "Ah... Sorry, hindi kasi kita matandaan." kakamut-kamot kong saad. "My God!” maarteng sabi nitong napatakip pa kunyari sa bibig na pulang pula ang lipstick. "Rochelle Diaz!" Napanganga ako dahil sa itsura niya. Last time na nakita ko ito ay hindi pa ganito ang itsura niya. Hindi ko matandaan kung classmate ko ba ito noon o batchmates ko. But I know her name. "Jane, June, isama n'yo na si Wendell at mamili na kayo ng flavors ng ice cream na gusto n'yo," utos ko sa tatlo na agad namang sumunod kasama si Rochelle. "Ang balita, hostess daw 'yan sa Palawan," bulong ni Wella ng makalayo si Rochelle. "Kaya instant yaman dahil hindi lang doble, kundi triple ang kita," kuwento pa ng tsismosang kapatid ko. Nasundan ko ng tingin si Rochelle at ibang-iba na nga ito maging sa pananamit at make ups. Nilibot ko ang aking paningin sa buong tindahan nila at bumalik ulit kay Rochelle ang tingin ko. Kung gano'n lang din ang kita ko kahit ma-doble lang malaking ginhawa na 'yon. Pero hindi ko yata kaya ang ganoong uri ng trabaho. Saka iniisip ko ang sasabihin ng iba dahil sa estado ni mama na kahit hindi naman hostess ay natatawag ng pokpok dahil sa papalit-palit ng lalaki. Ano pa kaya kung luminya ako sa ganoong uri ng trabaho? Sa bar nga lang na pinapasukan ko ay marumi na ang tingin sa akin. Kahit na nga matinong trabaho naman talaga ang pagiging waitress. At syempre, ayaw kong maging dahilan iyon ng hindi namin pagkakasundo ni Fher. Iyong mag trabaho nga lang ako sa malayo ay pinagtatalunan na namin. How much more kung malaman pa nitong pati katawan ko ay ibinebenta ko. Kahit maliit ang sahod ko bilang waitress ay hindi ko ipagpapalit iyon sa pagbi benta ng katawan para lang umangat sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD