Chapter 3

2128 Words
Hindi ko na natanaw pa ang mga paparazzi na humahabol sa amin dahil tuluyan na kaming nakalayo. Muntik pa akong masubsob sa biglaang pag hinto ng kotse ni Theo. "Get out of my car now!" utos nito na hindi man lang ako nilingon. Napaawang ang labi ko at naitikom ulit dahil sa nagbabadyang inis. Habol ko rin ang aking paghinga sa biglaang pangyayari. "Hindi mo ba ako naririnig? Ang sabi ko-" "Pagkatapos mo akong tangayin pabababain mo ako?" wika ko sabay turo sa aking sarili. "Ibalik mo ako sa bar dahil may trabaho pa ako!" naaasar na saad ko. "Bumalik kang mag isa mo! Basta bumaba ka sa kotse ko at baka marumihan pa!" siring niya sa akin. Tiningnan pa niya ako na tila ba isa akong nakakadiring bagay. Pinaghahampas ko siya dahil sa inis ko. "Ang kapal ng mukha mo! Ano'ng tingin mo sa akin virus?!" galit kong sabi at hinampas ko ulit siya. "Oo!” sigaw niya sabay hawi sa aking mga kamay. “Saka ‘wag mo nga akong mahawak hawakan! Baka mahawa pa ako ng virus na dala mo!” “Abat-“ “Ang mga katulad n'yo parang mga virus! Kaya kung hindi ka pa bababa, dadalhin kita sa police station at sasabihin kong holdaper ka!" banta nito sa akin. "Ang kapal talaga ng mukha mo!" ani kong pinaghahampas ulit siya. "Walang hiya ka talaga!" nanggigigil ko pang sabi. "Bumaba ka na!" sigaw nito sa akin nang hulihin ang pulsuhan ko. "Well, kung ayaw mo namang bumaba... madali naman akong kausap." Nakangising pang dagdag nito sabay pasada sa katawan ko. "Bastos!" sigaw ko sabay sampal sa mukha niya. Lalo akong naasar at nag apoy sa galit dahil kumuha pa talaga siya ng alcohol saka nilagyan ang parte ng mukhang sinampal ko. "Hindi ka ba talaga bababa? Sige, ikaw rin. Bahala ka.” Pananakot pa niya sa akin. At saka binuhay ang makina ng kanyang sasakyan. Napapikit ako sa inis at napatingin sa labas. Madilim masyado at malayo-layo rin ito sa pinapasukan ko. "Ihinto mo!" naiinis na sabi ko nang pausarin niya ang kanyang sasakyan. Ayaw kong makulong 'no! At mas lalo na ang mawalan ng puri! Kawawa ang pamilya ko. "Mabangga ka sana!" sigaw ko ng layasan ako nang mayabang na Theo'ng iyon. Mangiyak-ngiyak ako sa inis. Madilim pa naman sa parteng ito at palagay ko ay alanganing oras pa lang dahil walang dumadaang tao. Malayo pa ang sakayan ng jeep pauwi sa amin. Gustuhin ko mang umuwi ay hindi naman pwede dahil nasa bar ang mga gamit ko. Huminga pa ako ng malalim bago tinahak ang daan pabalik sa bar. Natatakot talaga ako dahil walang taong dumadaan. Napatalon pa ako sa gulat at napapikit na lang nang tumalon mula sa tambak ng basura ang pusang kalye. Mas binilisan ko pa ang aking lakad dahil sa takot. Madilim kasi at feeling ko anytime ay may lalabas na multo sa harapan ko. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko ng may makitang tao sa jeep na nakaparada sa isang gilid. Madilim kasi talaga at kung may ilaw man ay malayo ang agwat ng mga iyon. Medyo binagalan ko na ang aking lakad dahil hiningal ako sa bilis ng lakad ko kanina. Nasa kalagitnaan na ako ng jeep nang mapaatras ako dahil biglang bumaba ang lalaking sakay noon. "Saan ang punta mo, miss?" nakangising tanong nito sa akin. "Pa- pauwi na po!" nauutal kong sagot. Napaatras ako nang humakbang ito palapit sa akin. Natakot pa ako dahil amoy alak ito. "Ihahatid ka na namin." Napatalon ako sa gulat ng may magsalitang isa pang lalaki sa aking likod. Amoy alak din ito at ngayon ay napapagitnaan na nila ako. "Oo nga, miss. Masaya kaming kasama." Napatili akong muli at lumayo sa jeep dahil may lalaki pa pala sa loob na siyang dumungaw sa bintana. Nakahinga ako ng bahagya dahil nawala na ako sa pagitan ng dalawang lalaking nakaharang kanina. "Tinakot mo naman si miss beautiful," natatawang sabi ng lalaking unang nagsalita kanina. Panay lingon ko sa kaliwa at kanan ko. Kung babalik ako sa pinag iwanan sa akin ni Theo malayu-layo na iyon at walang pag-asang may makakita sa akin doon. Kung tatakbo naman ako sa way ng trabaho ko, may chance na maraming tao pero sure ako na bago pa ako makarating naabutan na ako ng mga ito. Nawawalan na ako ng pag-asa dahil nasa kalagitnaan palang ako. Gusto kong maiyak dahil unti-unti na silang lumalapit sa akin. Nakita ko pang bumaba na rin ang isa pang lalaki mula sa loob ng jeep. Bago pa man makalapit ang mga ito sa kinatatayuan ko ay nagtatakbo na ako palayo sa kanila. Hindi ko alam kung saang direksyon iyon basta ang mahalaga ay makatakas ako sa kanila. "Tulong! Tulong!" sigaw ko. Halos maputol na ang mga litid ko sa aking pagsigaw para lang may makarinig sa akin. Walang tigil akong tumakbo at pakiramdam ko ay napakalayo nang tinatakbo ko dahil wala pa rin akong makitang tao o kahit batang kalye man lang na tutulungan ako. "Hhmm! Hhmm!" nagsisigaw ako kahit pa tinakpan ng kung sino ang aking bibig. Nagpumiglas ako dahil sa takot na baka isa iyon sa mga lalaking humahabol sa akin. Takot na takot ako at parang lalabas na ang puso ko dahil sa kaba. "Sshh..." pagpapatahimik nito sa akin. "Hayop! Nasaan na?" tanong ng lalaki. "Ang bilis tumakbo! Babae na naging bato pa!" wika rin ng isa pang hinihingal pa. Diyos ko! Mabuti na lang talaga at nakatakbo ako. Paano na lang kung hindi? "Tara! Habulin na natin at hindi pa 'yon nakakalayo. Walang tao ng ganitong oras kaya walang tutulong do'n!" Lumagpas na ang tatlo at unti-unti akong hinila palayo ng kung sino sa lugar na iyon. Binitiwan na rin nito ang bibig ko at natanaw ko na ang isang sasakyan sa 'di kalayuan. Nang huminto na kami doon ay bigla ko siyang niyakap at napahagulgol ako dahil sa magkahalong takot at pagod. "Ang mahal-mahal ng damit ko tapos tutuluan lang ng luha at sipon mo." Automatic na huminto ang mga luha ko at natigil ang boses ko sa malakas na pag-iyak. Para akong napaso na biglang lumayo mula kay Theo. Naging matunog ang pag buntong hininga niya. Lumapit na ito sa sasakyan at pinatunog iyon at saka bumaha ang liwanag sa paligid ng buksan niya ang headlights ng kanyang kotse. "Tatayo ka na lang ba d'yan hanggang makita ka ng mga humahabol sa 'yo?" tanong nitong pumasok na sa loob. Nang marinig ko ang salitang humahabol ay mabilis akong pumasok sa loob ng kotse ni Theo at ayon na naman ang matunog nitong buntong hininga bago tuluyang paandarin ang sasakyan palayo sa lugar na iyon. Tiningnan ko ang suot kong relo at quarter to one na pala. Wala talagang dumadaan ng ganitong oras dito. Nangilid muli ang luha ko ng maalala ang nangyari kanina. Naisip kong, kung hindi ako nakatakbo baka bukas patay na ako. Baka pinagpipyestahan na siguro ng mga lalaking iyon ang katawan ko. Baka itinapon lang ako sa kung saan pagkatapos. Ipinarada ni Theo ang kanyang sasakyan sa bakanteng space sa parking area. Bumaba na rin ako at parang nabunutan ng tinik dahil narito na ako sa bar. Naglakad ako papunta sa exit at hindi naman pwede sa entrance dahil bilin iyon ng boss namin. Napahinto ako nang maramdamang sumusunod si Theo sa akin papasok. "At saan ka pupunta?" mataray na tanong ko na pinamewangan pa siya. "Hindi mo ako pwedeng sundan dito. Doon ka sa entrance pumasok!" sigaw ko pa. "Ano bang ipinuputok ng butsi mo d'yan? Hindi ka pa pasalamat niligtas kita do'n kanina!" sagot nitong wala man lang mababasa sa ekspresyon ng mukha kundi puro kayabangan. "Iniligtas? Wow!" sarkastikong sagot ko. " At bakit kita pasasalamatan? Ikaw nga ang dahilan ng muntik ko ng pagkaka-rape sa daan?!" galit na turan ko, kasabay ng pangingilid ng aking luha dahil sa galit. Hindi siya nakaimik sa sinabi ko at nag iwas lang ng tingin. Iniwan ko na siya at dumiretso sa c.r para ayusin ang sarili bago tuluyang bumalik sa loob. Pumasok na ako ng tuluyan at pumunta sa bar counter para magpakita kay Benjo na bartender namin at para mag abang rin ng mga orders. "Nand'yan ka na pala, Wendy," nakangiting ani Benjo ng mapansin ako. Tinanguan ko lang siya at may itatanong pa sana ito nang magtawag ang isang babaeng costumer para sa isang inumin. Nakita kong palapit si Mercy sa bar counter at lalo pa siyang nagmadali nang makita ako. "Saan ka dinala ni Theo?" tanong niya agad ng tuluyang makalapit. "Ang daming nagulat kanina dahil sa mga paparazzi na 'yon. Ano? Saan ka n'ya dinala?" usisa pa niya sa akin. "D'yan lang," walang ganang sagot ko. Ayaw kong magkwento dahil naiiyak lang ako kapag naiisip ko ang mga posibleng nangyayari na sana sa akin sa mga oras na ito sa kamay ng mga masasamang taong iyon. At namumuo ang galit ko sa mayabang na Theo na 'yon dahil siya ang may kasalanan ng lahat. "Ay! Oo nga pala! May naghihintay sa iyo sa VIP room," maya maya ay turan ni Mercy sa akin. "Papuntahin ka raw doon if ever na bumalik ka," dagdag pa nito. Napabuntong hininga ako habang tumatayo. Ang bigat ng mga hakbang ko dahil pakiramdam ko pagod na pagod ang katawan ko. Sabagay, sino nga ba naman ang hindi mapapagod na para akong nasa marathon kanina. Pati ang lalamunan ko ay masakit rin dahil sa pag sigaw ko. Binuksan ko ang pintuan ng makarating sa VIP room. Nakita kong nilingon ako ng apat na naroon. Isang babae at tatlong bakla. Ngumiti ang mga ito nang makapasok ako sa loob at lumapit sa kanila. "Maupo ka." Nakangiting anyaya sa akin ng babae. "You are Wendy, right?" tanong nito. Tumango ako matapos maupo sa couch. "Ano po'ng kailangan n'yo sa akin?" Sinuyod ko pa sila ng tingin. "Ako nga pala si Janice Ferrer.” Pakilala ng babae. "Ito si Prima, assistant ko at ang nasa tabi mo sina Aiko at Junix. Mga make up artist ko sila," aniya pa. Nakalahad pa ang kamay sa mga kasama. Tiningnan ko sila isa-isa, sabay ngiting bahagya. Hindi ko naman kilala ang mga ito. At ano ba ang kailangan nila sa akin? "Manager ako ng Black and White Crew. At nandito ako para makausap ka tungkol sa kumakalat na video ninyo ni Theo." Nangunot ang noo ko. Isa pa 'yon! Dahil doon kaya muntik na akong kuyugin kanina ng mga paparazzi'ng nakalusot dito sa loob. At iyon din ang dahilan ng muntik ko ng pagkakapahamak sa daan kani kanina lang. At lahat ng iyon ay si Theo ang pinagmulan. Kasalanan niya itong lahat! “I know Theo, and he does’nt have a girlfriend,” naiiling pang sabi ng babaeng Janice ang pangalan. “What really happened between you two?” "Lasing po s'ya at nakatulog dito kaya ginising ko," paliwanag ko. "Pero sinigawan n'ya po ako at pinagbintanga'ng peperahan s'ya dahil sa sinabi kong salary deduction ko ang mga boteng binasag n'ya," kwento ko pa. Napahilot sa kaniyang sentido si Miss Janice matapos magkatinginan ang mga ito nang marinig ang salaysay ko. "Two years pa lang ang grupo nila at dahil mga pasaway. Kaliwa't kanan rin ang mga intriga," wika ni Miss Janice at seryosong tumingin sa akin. Tahimik lang ako dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko doon? "May posibility na mabuwag ang grupo nila dahil wala na silang guestings. May indorements pero halos kalahati na ang nag back-out at baka tuluyan ng mawala," anito pa na parang sakit na sakit na ang ulo sa mga problema. "Kung kasing yabang lang din naman nila. Sino pa nga bang magtitiwala?" wala sa sariling sagot ko. Nagkatinginan ang mga ito dahil na naman sa sinabi ko. At ng mapansing tinitingnan ko sila ay napatikhim pa ang dalawang baklang make-up artist sa magkabilang gilid ko. "Sa kanilang anim si Theo ang may potensyal sa pag arte. Minsan na ring na-extra sa ilang shows. At alam kong malayo ang mararating n'ya sa larangang iyon," kwento pa ni Miss Janice. "Ano naman po'ng kinalaman ko do'n? At saka sa isyu pong kumakalat... wala po kayong dapat-" "No! That's not it!" putol ni Miss Janice sa akin. "Maganda ka, Wendy, at sa palagay ko, malayo rin ang mararating mo," nakangiting saad niya sa akin. Napalunok ako at umayos ng pagkakaupo. Clueless ako sa mga kaganapan ngayon sa buhay ko. Wala akong ideya kung saan patutungo ang aming usapan. "Wendy, ikaw lang ang makakatulong sa amin." Bakas ang pakikiusap sa kanyang boses. Napatingin ako sa kamay ni Miss Janice na humawak sa magkabilang braso ko. "Ano pong tulong?" tanong ko nang mag angat ng tingin at salubungin ang kanyang mga mata. "Gusto kong pumasok ka sa showbiz. Ka-loveteam ni Theo Ferrer!" “P-po?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD