Chapter 9

2322 Words
PARA niya akong kinakaladkad palabas ng kaniyang condo unit. Hindi ko talaga kayang magtiwala lalo na’t ilang beses na rin akong nakasagap ng mga hindi magagandang balita tungkol sa mga nagmo-motor na nauuwi lamang sa pagkaaaksidente. Kung sa four wheels nga ay may naaksidente pa rin paano pa kaya sa motor bike na dalawa lang ang gulong. “Let’s go,” aniya, ilang beses na niyang sabi sa ‘kin habang hinihila niya ako. Hanggang sa nakarating na lang kami sa baba ng building at nakalabas na lang. Huminto kami sa harap ng malaking motor na kulay itim. “Safe ba talaga ‘to?’ nag-aalangan kong taong sa kaniya. Kinakabahan pa rin ako. “Yeah, It’s safe, bakit ka ba kinakabahan?” tanong niya na para bang matatawa na. “Ako naman ang magda-drive eh.” “Kahit na, eh sasakay pa rin naman ako d’yan,” nakanguso kong sabi. “Kapag ba namatay ako, may extra kang life na ibibigay sa ‘kin?’ “Well, at least you die happy,” sabi niya tyaka mahinang natawa, in fairness, hindi na siya masungit ngayon, nabawasan yata 'yon. Pero siraulo, walang sense of humor ang lalaking ‘to, napakapangit niya magbiro. “Bahala ka d’yan,” sabi ko sa kaniya at nagkibit-balikat matapos siyang irapan. “Ganito ka ba sa mga muntik mo nang naka-one night stand? Niyayaya mong mag-motor para mamatay sa nerbyos?’ Mahina na naman siyang natawa. Ilang sandali pa’y kumunot ang kaniyang noo at hinila ang helmet na hawak ko na agad niya naman nakuha. Matunog siyang napabuntong-hininga at akmang isusuot na niya sa ‘kin ang helmet pero umiwas ako. “Uy, ano ba!” sabi ko at itinulak ang kaniyang braso palayo sa ‘kin. Tiningnan niya ako ng seryuso, diretso sa mga mata ko. “Trust me like I’m the only ally you have,” aniya sa malalim na boses. “Pero—" “Do you really think that I will put myself in danger?” aniya. “Come on, trust me on this one, this will make you happy.” Napabuntong-hininga ako, naikuyom ko ang dalawa kong palad tyaka huminga nang malalim. Siguro naman walang masama sumubok ng bagong bagay. Tyaka hindi niya naman siguro hahayaan ang sarili niyang mapahamak ‘di ba? “Fine,” sabi ko matapos ang medyo mahabang pag-iisip. “P-Pero dahan-dahan lang ha?” Ngumiti siya nang tipid tyaka tumango bago niya isinuot sa ‘kin ang helmet. Sobrang seryuso niya habang nila-lock niya ang helmet, hindi ko na naman tuloy napigilan ang sarili ko na mapatitig sa kaniyang mukha lalo na’t sobrang lapit niya. Siguro kung kasalanan ang magkaroon ng gwapong mukha, malamang nasistensyahan na ang lalaking ‘to ng parusang kamatayan. “Loving the view?” biglang sabi niya na halos ikatalon ko sa gulat, hindi ko kasi namalayan na tapos na pala siya sa pagkabit ng helmet. Napapahiya tuloy akong nag-iwas ng tingin. Nakita ako siyang isinuot ang kaniyang helmet. Napatikhim ako upang mawala ang pagkailang ko, medyo nakaka-intimidate ang kaguwapuhan niya, mas lalo naman ang kaniyang confidence, pero hindi ko naman ‘yon madalas maramdaman, sa katunayan nga gaya ng sabi ko, komportable ako sa kaniya kahit hindi ko pa siya gaanong kilala. “Ilang taon ka na palang nagmo-motor?” tanong ko sa kaniya upang kahit papaano ay mawala naman ang kaba ko. I’m trying my best to distract myself and worry less. “Since I was nineteen,” sagot niya kaya napatango-tango ako habang tahimik na binibilang ang taon. “This is more fun.” “Feel ko nga,” sabi ko sabay ngiwi. He smirked and suddenly ride his big bike. Ilang sandali pa ay binuhay niya ang makina, nagulat pa ako ng biglang tumunog ‘yon tyaka umilaw, nilingon niya naman ako matapos no’n tyaka tinanguan bilang pagtawag sa ‘kin. Napalunok ako ng ilang beses tyaka dahan-dahan na lumapit sa kaniya at maingat na sumakay, hindi ko pa nga alam kung anong paa ang iuuna kong iangat, masyado kasing mataas eh. Humawak ako sa kaniyang balikat tyaka sumampa sa motor. “Dahan-dahan lang ah,” sabi ko. “Oh, humawak ka na sa ‘kin,” sabi niya na ikinakunot-noo ko. Napatingin ako sa isa kong kamay na nakahawak nang bahagya sa kaniyang balikat. A-Anong hawak ba ang gusto niya? Hinigpitan ko bigla ang pagkakahawak ko sa kaniyang balikat. “F*ck!” bigla niyang sigaw kasabay ng kaniyang pagliyad kaya napabitaw ako sa kaniya. “O-Okay ka lang?” tanong ko sa kaniya. “D*mn!” aniya at bahagyang lumingon sa ‘kin. “That’s painful!” “S-Sorry,” sabi ko sabay ngiwi, hirap naman kausap ng lalaking ‘to! “Sabi mo kasi humawak ako.” “Yes!” aniya, mataas pa rin ang boses. “But not here!” dagdag niya sabay turo pa sa kaniyang balikat na hinawakan ko. “Saan ba?’ tanong ko at bahagya nang natawa. Hindi ko alam, parang ang cute niya lang, at medyo natawa na rin ako sa sarili kong katangahan. “Here!” sabi niya kasabay ng pagturo sa kaniyang katawan. “Hug me.” “Ano?!” sigaw ko bilang pag-angal, tyaka ako bumulalas ng tawa. “Gusto lang yata mangtsansing sa ‘kin, Attorney eh. Gusto mo lang ng yakap ko!” “Okay then,” aniya at gano’n na lang ang biglaan kong pagtili at pagyakap sa kaniya nang bigla niyang paandarin ang motor. “Ano ba?!" sigaw ko. “Bakit mo pinaandar bigla?!” “Oh, I thought you're not going to hold me,” aniya habang nasa daan ang buong atensiyon. Narinig ko siyang mahinang natawa at bahagyang yumuko kasunod nang bahagyang paglingon niya sa ‘kin. “Tsansing ka, Miss.” “Kapal ng mukha mo!” singhal ko tyaka napanguso ata napalunok ng ilang beses. “Wala lang talaga akong choice!” Dahan-dahan lang ang takbo namin, ilang sandali pa ay nagsimula akong igala ang paningin ko sa bawat madadaanan namin. Palibhasa hating-gabi na kaya kaunti lamang ang mga sasakyan. Pero madami kaming nadadanan sa kalsada na mga bata. Hanggang ngayon ay nariririnig ko ang kaliwa’t kanan na pagbati ng mga tao para sa bagong taon. Sunod kong napansin ay ang mga sasakyan na kasama naming dumadaan, may ilan ring mga motorbike, nagro-roadtrip rin yata dahil halatang masasaya sila’t sumasagot pa ng pagbati sa mga nadadanang mga tao. Napangiti ako nang bahagya, ang malamig at preskong hangin na sumasalubong sa balat ko, napahinga ako nang maluwag at wala sa sariling natawa. Ang sarap sa pakiramdam, tama nga si Attorney. Napansin kong medyo bumilis ang takbo naming, nakikipagsabayan na siya sa ibang mga motorista bagaman ramdam ko pa rin ang kaniyang pag-iingat. Nang magkatabi na namin ‘yong isang motor Nakita ko siyang lumingon at bahagyang tinanguan ang driver. “Uy sino ‘yon?” narinig kong pasigaw na tanong ng back ride no’ng isa. “Attorney!” biglang sigaw naman ng isa. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang bitawan ng isang kamay ni Attorney ang manubela upang kumaway kaya napasigaw ako sa nerbyos. “Uy! Ano ba?! Wag ka ngang ganiyan!” Tumawa lamang siya at ilang sandali pa ay binilisan niya ang takbo bago nagdahan-dahan ang at huminto siya sa gilid ng kalsada. Tyaka ko lang nalaman kung bakit nang ilang sandali pa ay huminto rin ‘yong ibang nagmo-motor. “Attorney! Long time no rides ah,” narinig kong sabi ng lalaki tyaka sila nagkamay dalawa. Ilang sandali pa’y sabay silang nagtanggal ng helmet. Gusto ko rin sanang tanggalin ang akin kaso hindi ko alam paano, sinubukan kong hilain ‘yong ikinabit niya sa ibaba ng baba ko kaso hindi ko matanggal kaya napanguso na lamang ako. “Oo nga,” sabi niya tyaka mahinang tumawa. “I got busy with work, ngayon lang nagkaroon ng oras.” “Oo nga, medyo miss ka na ng grupo,” sabi ng lalaki sabay tawa. So, grupo pala sila ng mga riders? Napalingon ako sa iba pang mga driver na huminto. It made sense, medyo marami nga sila. “Girlfriend mo, Attorney?” tanong ng lalaki matapos akong sulyapan. Akmang sisingit na ako at tatanggi, baka magkaroon pa ng kung anong issue ‘to eh, kaso naunahan niya ako. “Yeah.” Napasinghap ako, hindi inaasahan ang sagot niya. “Babe, mga kasama ko sa rides dati, sina Rocco with his wife Yancy, and the rest.” “Guys! May girlfriend na si Attorney!” biglang sigaw no’ng Rocco kaya nagsigawan ang mga kalalakihan. “Kaya ka pala bumalik sa pagra-rides kasi may angkas ka na ulit,” pabirong sabi ni Rocco na mahina lamang na tinawanan ni Attorney. “So, paano? Same old habits?” tanong niya pa kay Rocco. Tumango naman si Rocco at ngumiti tyaka tumawa. “Guys! Dating gawi daw! Game!” Nakita ko silang nagsuot ng helmet muli at agad na pinaandar ni Attorney ang motor kaya naman mabilis rin akong napayakap sa kaniya nang mahigpit. “Nakakainis ka talaga! Wag ka ngang pabigla-bigla! Paano kung nahulog ako?” singhal ko sa kaniya. “U-Uy… t-teka! Bakit parang bumibilis? “Kumapit ka lang,” aniya tyaka imbes na bagalan ay mas binilisan niya pa dahil nalalampasan na kami ng ibang mga nagmo-motor. Napapasinghap na lamang ako upang mawala ang aking kaba. Yumakap ako nang mahigpit sa kaniya. Kung hindi lang ako natatakot bumitaw sa lalaking ‘to, malamang ay kanina ko pa siya binatukan. Ilang beses ko kayang inulit kanina na dahan-dahan lang, tapos ngayon ay parang nakikipaghabulan na siya kay kamatayan! “I-Ibaba mo na nga ako!” sigaw ko sa kaniya ngunit tumawa lamang siya. “Stop thinking about bad things ang enjoy this moment, Miss,” aniya. “Hindi Miss ang pangalan ko, okay? Siraulo ka! Pinakilala mo akong girlfriend kanina eh hindi mo naman masambit-sambit ang pangalan ko! Bakit mo nga ba ako pinakilalang girlfriend? Eh hindi mo naman ako girlfriend?” Nawala na sa isip ko ang takot na baka maaksidente kami, tila nagiging abala na ako sa paghihintay ng kaniyang sagot sa tanong ko. Aba! I need to know the reason, bakit kailangan niyang magsinungaling? Pwede niya naman sabihin na friends kami, right? Well, medyo hindi naman kami friends, pero at least mas medyo honest na sagot ‘yon, right? “Who would want to be single in a group full of couples, tell me,” sabi niya na tutok sa pagda-drive. “Ngayon lang naman, let’s just assume that we’re both taken today, maybe both of us will not be single for the rest of the year, right?’ Napangiwi ako. “Akala ko ba wala kang oras sa lovelife?” “Did I say that?” painosente niya pang tanong, ang sarap niya talagang dagukan. “Oo! Sabi mo, you don’t have much time to waste for immature girls, gano’n? Limot mo na?” Naramdaman kong bumagal ang kaniyang takbo kaya nauna na ang ibang mga motorista. “Habulin mo sila, bilis! Nahuhuli na tayo!” utos ko sa kaniya na maingat pang itinuturo ang mga motorista na nakalampas na sa ‘min. “Dalian mo! Bilisan mo pa!” “Let them,” aniya, mas seryuso na ngayon ang tono ng boses. “I don’t have much time to waste for some romance, yeah, I meant it when I said that, but I know, one of these days, someone will just come into my life, who knows? That someone will surely rock my world that I will end up wasting all my time thinking about her.” Natigilan ako sa kaniyang sinabi, hindi ko napigilan ang mag-isip, at wala sa sariling bigla na lang napangiti. Siguro ang sarap sa pakiramdam isipin na may nag-iisip tungkol sa ‘yo sa lahat ng oras. “So, naniniwala ka rin pala sa love?” curious kong tanong sa kaniya. “Maybe,” sabi niya. “But, it's not really my priority,” dagdag niya tyaka muling binilisan ang takbo upang mahabol ang ibang motorista dahil kami na yata ang nasa pinakadulo. Nanatili naman akong tulala at malalim ang aking iniisip, hanggang sa tuluyan kong naisaboses ang aking iniisip. “M-May tao nga ba talagang nakalaan para sa ‘tin?” natatawa kong tanong bagaman mapakla. “Paano kung wala pala talaga?” “Does it matter? It’s not that being in a relationship is a must. In this life, you don’t have to be in a relationship to be happy… you just have to happy and enjoy the perks of living here, don’t let anything stop you from being happy, always remember that.” Napahinga ako nang malalim, ang malamig na hangin na sumasalubong sa ‘min ang tila nanuot sa ilong ko, sobrang sarap sa pakiramdam. Sobrang sarap sa pakiramdam na maging malaya, kaya simula ngayon, sisimulan kong palayain ang sarili ko sa sakit at galit. “Attorney…” sambit ko. “Yes?” aniya, nasa daan pa rin ang atensiyon. “Salamat ah,” seryuso kong sabi. “Salamat kasi kahit hindi naman tayo gano’n ka-close sinamahan mo ako ngayon, hindi ako mag-isa sa bagong taon.” Hindi ko siya narinig na sumagot, sa halip ay naramdaman kong bumilis ang takbo naming at nahabol naming ang pinakaunang motorista, si Rocco. Hanggang sa hindi ko na napansin na huminto kami sa isang park. Nakita kong huminto rin ang iba at nagtanggal ng helmet. “Baba ka na,” sabi niya kaya maingat ko naman na ginawa ‘yon. Nailibot ko ang tingin ko, hindi pa tinatanggal ang mga Christmas decoration kaya maliwanag na maliwanag sa park na hinintuan namin. Natigil lang ang pagtingin ko sa paligid nang humarang sa view si Attorney, tumayo kasi siya sa harapan ko. “Bakit?” Ngumiti siya ng tipid at mahinang natawa sa pinakaguwapong paraan. “Tanggalin natin ang helmet mo, nang makita nila kung gaano kaganda ang girlfriend ko,” aniya at kinindatan pa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD