"SO, hindi mo tinatawagan ang parents mo kahit sa ganitong okasyon?" tanong ko sa kaniya habang nililigpit niya ang pinagkainan namin.
"For what?" kunot-noong tanong niya sa 'kin. "They're busy, they should call me when they have time, not the other way around."
Napalabi ako sa kaniyang sinabi. Hindi na lang ako nagsalita. Pakiramdam ko tuloy ay hindi siya close sa pamilya niya, kung titingnan nga ay parang wala siyang pamilya, itong condo niya nga ay walang kalitra-litrato, baka tingnan ko ulit mamaya baka meron.
"Alam mo? Kailangan mo rin sigurong tawagan sila, hindi naman pwedeng sila lang ang tumawag sa 'yo," sabi ko.
"They're busy all the time," aniya. "Isturbo lang kung ako ang tatawag, besides if they want to see me, they all know where to find me."
Napabuntong-hininga ako.
"Napakahirap naman ng sitwasyon ng pamilya mo," wala sa sariling sabi ko. "Kahit nasa iisang bansa kayo, parang napakalayo niyo."
"That's life," aniya at napabuntong-hininga. "It's not all about cuddles and being clingy... We all have our priorities, and priorities don't always match."
Napatango-tango ako bilang pagsang-ayon. Kung sabagay, kung halimbawa, siya ang may gustong makasama ang parents niya, pero iba naman ang priority ng parents niya, balewala rin.
"Kami, kahit malayo kami ng Mommy ko tyaka ng kapatid ko, kahit papaano nag-uusap naman kami," wala sa sarili kong sabi ulit. "Kayo? Nagkikita pa ba kayo ng family mo?"
Tumango siya nang tipid. "Once or twice a month? I don't know, I don't count. ?Most of the time, we don't communicate at all."
"Eh paano kayo nagsi-celebrate ng ganito? Sila? Sama-sama sila doon sa hospital tapos ikaw naman mag-isa?"
"Yes," sagot niya. Kinuha niya ang mga pinagkainan namin tyaka inilagay sa lababo.
"Ako na ang maghuhugas," nakangiting presenta ko. "Ikaw naman ang nagluto eh."
"Ako na," sabi niya tyaka siya nagsimulang maghugas ng pinggan, mukhang sanay na sanay naman siya.
"How long have you been living alone?" tanong ko sa kaniya bigla.
"Since I was eighteen," tipid niyang sagot sa 'kin. "My parents were both busy doing their profession, my siblings were both busy studying as well. Kaya no'ng naging legal age na 'ko, that's when I ask my parents if I could live in a separate place, wala naman silang nagawa eh."
Napatango-tango ako sa mahabang sinabi niya. Nakakapanibago kasi para sa 'kin na kahit sa edad niya ngayon ay wala pa siyang sariling pamilya, siguro ay nasanay lang din ako sa nakagawian namin na bago mag-thirty ay kasal na kami't may mga anak na, kung may mga kamag-anak man kaming nasa edad trenta na wala pang asawa, inaabot na talaga hanggang sa pagtanda 'yon. Kaya nga kahit noong nag-live in kami ni Marvin ay normal na para sa lahat ng kamag-anak namin at malugod nilang tinanggap ang desisyon namin.
"Wala ka bang planong mag-asawa?" tanong ko sa kaniya.
"Sino naman ang aasawahin ko?" simpleng tanong niya. "Baka hindi ko lang rin mabigyan ng oras, iwan lang din ako. I don't have any plans on entering new relationship for now, I don't think I can take good care of the relationship well, I'm not really good at it."
"Paano mo naman nasabi?" I asked curiously.
Bumuntong-hininga siya. "I'm not affectionate... I'm not good at making surprises, doing efforts and all that. I'm a boring boyfriend according to my exes. So, I don't think someone will stay with me for long."
"Judgmental ka naman masyado," nakangusong reklamo ko. "Baka hindi mo pa nakikilala 'yong taong ikaw mismo ang hanap. Malay mo naman all this time naghahanapan lang pala kayo. Maybe you were looking for someone who can appreciate you, and someone might be looking for a man who's like you."
"Whatever," sabi na naman niya. "I don't care if there's a woman for me or whatsoever. I'm happy and contented with what I have. No lovelife, no heartbreak."
"Eh paano kung sa pagiging f*ck boy mo sa Barista ay may mabuntis ka?" tanong ko sa kaniya kasabay ng pagtawa. "Hindi ka pa rin magsi-settle down?"
"Kung nagkakaintindihan kami ng babae, why not?" tanong niya. "I mean, for me, I don't have to marry a woman I love so much."
Napaawang ang labi ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit namamangha ako sa mga sagot niya. Dire-diretso kasi siya magsalita, 'yong parang alam na niya kung ano talaga ang sasabihin niya, halatang matalino.
"So, okay ka sa arranged marriage?" nanghahamon kong tanong sa kaniya. I guess where so out of the topic, kung saan-saan na kami napupunta. Siguro dahil sobrang sarap niyang kausap, naiintindihan ko at may natututunan ako.
"Why not?" simpleng sagot niya. "I can respect marriage. I may not be saint but I never tried cheating or doing something funny with other woman while I'm still in a relationship, and that's what we call respect... respect is what we always need in marriage. Kahit pa gaano mo kamahal ang asawa mo, kung hindi mo siya nirerespeto, balewala rin lahat."
Napangiti ako nang bahagya, hindi ko nga namalayan eh. Pakiramdam ko'y may humaplos sa puso ko nang malaman kong may lalaki pa palang gano'n, o baka naman sinasabi niya lang ito ngayon dahil wala pa siya sa relasyon na sobrang tagal na? Baka sa huli ay katulad lang din pala siya ng iba na nagsasawa, nanloloko, at nang-iiwan?
Wala sa sariling napawi ang ngiti ko at napabuntong-hininga, nakaramdam na naman ako ng lungkot nang may maalala na naman kahit na hindi naman dapat.
Hindi ko na napansin na matagal na pala akong natahimik, nabalik lang ako sa reyalidad nang makita kong muli si Attorney sa harapan ko na tapos nang maghugas.
"Are you okay?" tanong niya.
Ngumiti naman ako para sa kaniya bago tumango bilang sagot.
"You're not," aniya, siya na rin mismo ang sumagot sa tanong niya, at kumpara sa sagot ko, alam kong mas tama siya.
Hindi ako okay, kailangan kong tanggapin na hindi ako okay, at hindi ko pa alam kung kailan ako magiging okay. Sobrang bigat sa pakiramdam, saglit kong nakakalimutan ang sakit ngunit wala yatang oras na lumilipas nang hindi ko naaalala ang pinagdadaanan ko.
Hindi ko alam kung bakit at kung anong nangyari, bigla na lang akong lumapit sa kaniya at napahagulhol na lang ako. Hinayaan ko na lang ang sarili kong umiyak, hinayaan ko na lang ang sarili kong maging mahina sa harapan niya, sa mga bisig niya, sa dibdib niya.
Siguro kailangan ko rin 'to, siguro kailangan ko rin ibuhos ang luha ko nang hindi nagsasalita, siguro kailangan ko rin na pakawalan ang mabigat na nararamdaman ko, siguro ay mas mabilis akong magiging maayos sa paraang 'to.
Naramdaman ko na lang rin ang mga braso niyang niyakap ako, bagaman ramdam ko ring nanigas ang kaniyang katawan na para bang naiilang siya at hindi alam ang gagawin, na para bang nabigla rin siya at nangangapa. Sunod ay unti-unti ko rin naramdaman ang kamay niyang hinahaplos ang buhok at likod ko, inaaalo ako.
"Cry," mahinang sabi niya. "Cry until you feel better."
Imbes na tumahan, mas lalo lang akong naiyak. Sobrang tagal ko rin palang nagtatapang-tapangan. Mula pa noong mawasak ang pamilya namin, pinilit ko ang sarili kong maging matatag. I protected my relationship with Marvin that's why I stopped myself from breaking down in front of him. Si Marvin kasi ayaw no'n ng drama, gusto niya palaging masaya lang, kaya pinilit kong ipakita sa kaniya noon na ayos lang ako. Dala-dala ko mapahanggang ngayon ang sakit, marahil dahil hindi ko lubusang nailabas noon. At ngayon ay nadagdagan naman, triple pa yata ang sakit. Parang naghalo-halo, natipon ang lahat ng sakit, hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin, ang manatili bang matatag, lokohin ang sarili ko na ayos lang ako, o ang aminin sa sarili ko na hindi ko na kaya, na hindi ako okay, na wasak na wasak na ako.
Naramdaman ko ang yakap niyang mahigpit. I never thought I could find this kind of comfort with someone I don't really know. Pakiramdam ko ay safe na safe ako sa kaniya, na kahit nakikita niya akong mahina ngayon ay hindi ako natatakot.
Nang kalaunan naging magaan ang pakiramdam ko ay tuluyan akong tumahan sa pag-iyak. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at nahihiyang tumingin sa kaniya.
"S-Sorry ah... b-bigla pa akong nagdrama," sabi ko kasabay ng mahinang pagtawa. "Hindi mo dapat nakita 'yon... o-okay lang naman ako."
Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. Matunog siya napabuntong-hininga at sumandal siya sa counter. "Roadtrip tayo?"
Bigla akong nagulat sa kaniyang biglaang pagyaya. Hindi ko akalain na matapos kong magbuhos ng balde-baldeng luha ay yayayain niya akong mag-roadtrip. Grabe talaga ang lalaking 'to, mahirap basahin, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip at palagi na lamang akong nasusurpresa sa kaniya.
"Roadtrip?" mahina na lang akong natawa. "Saan mo naman nakuha ang ideyang 'yan? Tyaka hello?! Attorney, anong oras na oh! Naisipan mo pa talagang mag-roadtrip?"
"Mas masayang mag-roadtrip ng ganitong oras, wala na gaanong sasakyan," sabi niya tyaka napakibit-balikat. "Ano? Sama ka?"
Nahihiwagaan akong napatingin sa kaniya, at wala sa sariling napatango na lang. Umangat ang gilid ng kaniyang labi at akala ko'y didiretso na kami sa labas, ngunit nagulat ako nang lumakad siya paalis ng kusina.
"Teka saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ko nang makitang hindi naman palabas ng unit ang punta niya.
"Hintayin mo ako sa sala," sabi niya tyaka umakyat sa hagdan.
Masyadong malaki itong condo niya para sa isang bachelor na kagaya niya. Pang-isang buong pamilya na yata ang unit na 'to, may second floor pa. Dumiretso na lang ako sa sala gaya ng sabi niya. Hindi ko na naman napigilan ang sarili kong mapatingin sa bawat detalye ng desenyo. Hindi naman gano'n kabongga, ngunit totoong kahit simple lang ay nagmumukha pa ring elegante. Tila lahat ng bagay na nadadapuan ng paningin ko'y nangingintab sa linis.
Nakuha ng nag-iisang picture frame na naroon sa isang divider ang atensiyon ko. Napaawang ang labi ko habang tinitingnan ko ang mga taong naroon sa litrato. Lima sila, may dalawang medyo may katandaan nang ginang at ginoo nakaupo, ang lalaki ay halata ang dugong banyaga habang ang babae naman ay halatang pinay bagaman maputi, nasisiguro kong ito ang mga magulang ni Attorney. Sa likod naman ng mga magulang ni Attorney ay may tatlong nakatayong tao, napapagitnaan ang isang babae, sa kaliwa ay nakilala kong si Attorney bagaman medyo mas bata ang itsura niya, kung hindi ako nagkakamali ay nasa early tweenties lang, sa kanan naman ng babae ay isang lalaki na mas matangkad pa kay Attorney.
So, tatlo pala silang magkakapatid? Pare-pareho silang nagmamalaki talaga ang itsura, mga gwapo't maganda, siguro dahil na rin sa dugong banyaga, at hindi rin naman nahuhuli sa ganda ang itsura ng kanilang ina.
"Let's go." Bahagya pa akong nagulat nang bigla siyang magsalita, sobrang tahimik kasi nitong unit niya.
Natigilan siya nang magtama ang paningin namin, tyaka siya napabuntong-hininga at lumapit sa 'kin.
"Family mo?" I asked while pointing the picture in the frame even though it's already obvious.
"Yeah, family of... doctors—except me," aniya at mahinang natawa ngunit mapakla 'yon. "This is my Dad, Doctor Aristotle Seeholzer, a neurosurgeon; my mom, Blytherine, also a neurosurgeon; our oldest, Arphiodex Blade, a pediatrician; and the middle child, Arciandra Blythe, an oby."
Napaawang ang labi kong muli sa paghanga. Grabe, siguro matatalino talaga ang bawat myembro ng pamilya nila. Hindi birong mag-aral ng medisina.
"And me," aniya sabay turo sa kaniyang sarili na nasa litrato. "The black sheep of the family."
"Hoy! Grabe ka naman sa black sheep!" angal ko, ngunit may kung anong bumigat sa dibdib ko. "Hindi naman porque iba ang tinahak mong propesyon eh black sheep ka na."
Mahina lang siyang tumawa. Tyaka ko lang napansin na may hawak pala siyang dalawang itim na helmet kaya naman napakunot-noo ako.
"Aanhin mo 'yan?" tanong ko sa kaniya na ang tinutukoy ay ang helmet.
"Magro-roadtrip tayo," sabi niya tyaka ibinigay sa 'kin ang helmet, napatingin ako doon, hindi ko alam kung tatanggapin ko.
"M-Magmo-motor tayo?" hindi makapaniwalang tanong ko. "A-Ayaw ko nga! Baka hindi safe?"
Bumuntong-hininga siya at kinuha ang kamay ko at pilit na ipinahawak sa 'kin ang helmet.
"Let's go!" aniya, at mas lalong nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Bigla akong kinabahan, marahil dahil takot akong mapahamak?
"T-Teka lang!" nauutal kong pagtutol. "Baka malaglag ako!"
"You haven't tried riding a big bike ever?" tanong niya.
Napalunok ako nang ilang beses, kabado, napabuntong-hininga, bigla'y parang nanginginig ang tuhod ko.
"Try it with me then," aniya gamit ang malalim na boses habang ang gilid ng labi ay nakaangat.