FINALLY, a week had passed successfully and I’m so glad I made it. It was hard to adjust at first, anghirap maging independent lalo’t higit walong taon akong nasanay na may kasama sa bahay, at inaamin ko, minsan may mga umagang nagigising akong nakakalimutan kong nasa apartment na ako at hindi na nakatira sa condo. Hindi pa rin ako bumabalik sa work ko sa publishing house, wala akong ganang magtrabaho, wala pa rin akong ganang magsulat, writer’s block is real. Kaya naman kinailangan kong mailipat sa ibang mga bagay ang atensiyon ko. Gaya ng sabi ni Attorney, mag-try daw akong gumawa ng panibagong bagay. So, I had to try changing my daily routines. Kung dati-rati, maaga akong nagigising para magluto ng breakfast namin, ngayon ay maaga pa rin akong nagigising ngunit para mag-workout na, me