UMIIKOT na ang paningin ko habang nakatanaw ako sa labas mula sa bintana ng taxi na sinasakyan ko. Kahit wala na ako sa Barista, amoy na amoy ko pa rin ang alak sa katawan ko na tila kumapit na sa 'kin. "Dito lang po, Kuya," sabi ko sa driver, maski ang boses ko ay hindi ko na din halos marinig nang malinaw. Ang gusto ko na lamang ay matulog dahil pagod na pagod ako. Ramdam na ramdam ko sa aking pisngi ang lagkit ng luhang natuyo kasama na ng pawis, pati na rin sa aking katawan. "Salamat." Pasuray-suray akong naglakad papasok ng building, parang umaalon na 'yong nilalakaran ko sa paningin ko sa labis na pagkaliyo, at ilang sandali pa'y naduwal ako, sakto naman na sa kanal napunta na may mga bakal. "Miss? Ayos lang po ba kayo?" narinig kong tanong ng isang boses ng lalaki. Paglingon ko,