“SALAMAT,” nakangiting sabi ko sa kaniya nang matapos akong umiyak. Palagi na lamang siya ang iniiyakan ko, palagi ko na lang nababasa ang T-shirt niya, palagi niya na lang akong inaalagan, palagi niya na lang akong iniintindi. Siguro nga sadyang ipinagtagpo ang landas naming ni Attorney kasi alam ng nasa taas na kailangan ko ang isang katulad niya, kailangan ko ng taong matatakbuhan ko. “Tuloy ba tayo doon sa Arsaya Farm,” tanong niya sa ‘kin. Oo nga pala! Nawala tuloy sa isip ko na may lakad pala kami dapat ngayon dahil sa hindi ko inaasahang pangyayari kahapon. Kung alam ko lang na magkikita kaming dalawa ng kupal doon, sana pala hindi na lamang ako pumunta at tiniis ko na lang ang gutom ko. Nakalimutan ko na paboritong café niya rin pala ‘yon. Akala ko din kasi hindi na siya pumupunt