WEEKS turned to months. Unti-unti rin akong nagging okay, hindi ko na naiisip ang ex ko, lalo na’t naging abala ako sa mga gimik ko. Natutunan kong gawin ang ibang mga bagay nang mag-isa at hindi na nakadepende sa kaniya. Malaki ang naging tulong sa ‘kin ng pagputol ng komunikasyon sa kahit sino mang maaring makapanakit sa ‘kin. Naging abala na rin ako sa work ko online. Since I have experience naman sa writing, naging freelance proofreader ako at editor sa mga freelance or online writer, malaki naman ang natulong sa ‘kin ng pinagsamang experience at educational background ko sa sideline ko. I enjoy doing my current sideline job because I also love reading. Hindi man gano’n ka-stable ang income pero pwede na habang wala pa akong trabaho na permanente, kahit papaano hindi ko gaanong nagagal