Chapter 7

2134 Words
"IS this your place?" tanong ko kay Attorney habang iginagala ko ang aking paningin nang makapasok kami sa isang condo unit. Hindi naman siya sumagot, inilapag niya ang card key sa isang counter tyaka niya hinubad ang kaniyang sapatos, nagsuot ng panibagong medyas bago nagsuot ng tsinelas. May kinuha naman siyang isang tsinelas sa lalagyan at ibinigay niya sa 'kin. Wala akong ideya kung bakit niya ako dito dinala, hindi ko rin naman sinabing dalhin niya ako kahit saan. "What do you want to drink?" tanong niya sa 'kin. "May alak ka?" tanong ko sa kaniya kasabay ng pagngisi, kumunot naman agad ang kaniyang noo. "Nagtatanong lang eh." Bumuntong hininga naman siya at lumakad na naman kaya sumunod ako sa kaniya habang panay ang pagtingin ko sa paligid. Napakatahimik ng unit at napakalinis, parang napakalungkot, maganda naman pero sobrang plain lang. "Napakalungkot naman nitong bahay mo," nakanguso kong sabi. "Nilagyan mo sana ng ibang kulay, gaya ng red, orange, yellow, green, mga gano'n? Puro puti kasi, parang hospital." Hindi na siya nagsalita hanggang sa napansin kong huminto siya sa paglalakad at napansin kong nasa kusina na pala kami. Nakita ko siyang binuksan ang fridge, napasilip naman ako, grabe punong-puno. "Magluluto ka?" tanong ko sa kaniya. "Baka naman hindi ka marunong? A-Ako na lang magluluto, gusto mo?" Umangat ang gilid ng labi niya tyaka ako tiningnan. "Baka kapag natikman mo ang luto ko, pakasalan mo ako bigla." Umawang ang labi ko, hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Nang maka-recover ako sa pagkabigla ay tyaka ako ngumuso. "Napakayabang mo!" Hindi na niya ako pinansin. Basta na lang siya naglabas ng karneng manok mula sa fridge tyaka niya 'yon inilagay sa counter. Mukhang seryuso talaga siya na magluluto siya. "Anong lulutuin mo?" tanong ko sa kaniya. "Uy! Seryuso ka talagang ipagluluto mo ako, Attorney? Baka masunog 'tong condo mo, mukhang mahal pa naman—" "You're so noisy," aniya. "Ano bang gusto mong kainin? Lulutuin ko." Tiningnan ko siya nang hindi makapaniwala. Mukha naman siyang seryuso at hindi nagbibiro, kaso hindi lang ako makapaniwalang marunong siyang magluto, wala kasi sa itsura niya. "Sige nga, lutuan mo ako ng... adobo," sabi ko. "Madali na 'yan ah, baka i-search mo pa kung paano gawin." Matunog siyang bumuntong-hininga at agad siyang kumilos, binabad niya sa tubig ang karne ng manok na frozen tyaka siya kumuha ng mga kailangan niyang ihalo gaya ng paminta, bawang, toyo at iba pa. Nagsimula siyang magluto matapos niyang mahiwa ang karne ng manok habang ako naman ay nakakibit-balikat na pinapanood siya. Seryusong-seryuso siya sa ginagawa, hindi man lang ako nilingon, hindi man lang siya ngumiti, walang nagbago da ekspresyon ng kaniyang mukha. "Baka magtampo ang manok sa pagsusungit mo," sabi ko sa kaniya nang pabiro, ngunit hindi naman siya tumawa, para ngang hindi ako narinig eh. Hanggang sa dumapo ang tingin ko sa kaniyang mukha, napangiti na lamang ako nang wala sa sarili nang mapansin ang gwapo niyang mukha. Nawala na sa niluluto niya ang atensiyon ko. Napalunok ako ng ilang beses nang makita kong nagtaas-baba ang buto sa kaniyang lalamunan. Hindi ko na tuloy napansin na tapos na pala siyang magluto. "Here, taste it," aniya na tama lang ang lakas upang marinig ko. Umawang ang labi ko, hindi agad nakuha ang ibig niyang sabihin. "H-Huh?" Binaba niya ang tingin niya kaya napasunod din ako, tyaka ko lang napagtanto na ang adobong manok pala ang kaniyang tinutukoy. Napapahiya akong ngumiti sa kaniya at kinuha ko ang tinidor tyaka kumuha ng kaunti at tinikman. Nanuot ang lasa ng manok, hindi maalat, hindi rin naman matabang, kung tutuusin ay masarap, timpladong-timplado. "How's it?" tanong niya na tila inaabangan ang komento ko. "Okay lang," sabi ko sa kaniya. "Medyo masarap lang." Bumuntong-hininga siya at nagulat ako nang bigla niyang kinuha ang hinain niyang adobo. "Uy! Teka lang! Saan mo dadalhin 'yan?" "I'll throw this out and we'll just call a food delivery," aniya na walang emosyon. Umawang ang labi kong muli, hindi na naman ako makapaniwala, siguro nga'y gano'n ko siya hindi kakilala para paulit-ulit akong mamangha at magulat sa mga reaksiyon niya. "Teka lang, sayang naman 'yan," nakangusong sabi ko. "Sabi mo hindi masarap," aniya. "Hindi kaya 'yon ang sinabi ko, sabi ko... m-medyo masarap lang," sabi ko sa kaniya. "That's it, medyo masarap... para mo na rin sinabing hindi talaga masarap," sabi niya. "Oo na, masarap na," sabi ko sa kaniya, napapahiya. Sino ba naman kasing maniniwala na marunong pala siyang magluto? "Thank you." Hindi na siya nagsalita pa. Nakita ko na lang siya na naghain ng kanin tyaka niya inilagay sa harapan ko. Kumuha rin siya ng dalawang plato. Ngunit hindi pa man kami nagsisimulang kumain, natigilan kami nang sunod-sunod naming narinig ang mga putok, napalingon kami nang sabay sa bintana at nakita namin ang makukulay na fireworks. Narinig ko rin ang mga sigaw ng mga tao, kaniya-kaniyang pagbati at paggawa ng ingay sa bagong taon. Muntik ko na tuloy makalimutan na bagong taon nga pala. "Happy new year!" nakangiti kong pagbati sa kaniya. Hindi ko inaasahang siya pa na hindi ko naman talaga kilala ang makakasama ko ngayon. Siguro ay gano'n rin siya, o baka naman gawain niya na talagang mag-uwi ng babae sa condo niya upang may makasama siya sa ganitong klase ng okasyon. "Happy new year," sabi niya gamit ang malalim na boses, wala man lang kabuhay-buhay. "Anong new year's resolution mo?" tanong ko sa kaniya. "Wala," tipid niyang sagot. "Wala akong dapat baguhin sa sarili ko." Napangiwi ako, napaka-boring niya naman, hindi man lang nakapag-isip ng kahit anong baguhin? Perfect ba siya? Napairap tuloy ako nang wala sa oras. "Ako? Hindi mo ba ako tanungin kung anong new year's resolution ko?" tanong ko sa kaniya, hindi naman siya sumagot kaya ako na lang rin ang nagsalita. "Gusto kong maging better pa, para sa susunod na magkaroon ako ng karelasyon, hindi na ako lokohin, hindi na ako ipagpapalit—" "Kahit pa ayusin mo nang ayusin ang sarili mo, kung hindi ka sasapat sa isang tao, iiwan at ipagpapalit ka talaga," wala sa sariling sabi niya bagaman seryusong-seryuso. "I've been there... even how much you invest efforts and feelings—you'll never be enough for a person who's not contented." Napanguso ako, parang may kung anong bumigat sa aking dibdib dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko rin naman maipagkakaila, tama siya. Sa tuwing nag-iisip ako nang malalim tungkol sa kung saan ako nagkulang at kung saan ako nagkamali, wala akong maisip. Ibinigay ko naman ang lahat, wala naman akong naging pagkukulang sa pagmamahal at pag-aalaga kay Marvin. I've been a good girlfriend, I strive to be the best because I thought he deserves the best version of myself, but still my best wasn't enough. "Time will come, I will meet someone who's willing to love me for who I am... and it'll be soon my choice to change myself for the better the way that she will really deserve," dagdag niya. "Darating pa kaya 'yong taong 'yon 'no?" nakangusong sabi ko. "Iyong taong handa tayong mahalin sa kung ano talaga tayo, at hindi na maghahanap ng wala." Hindi na siya nagsalita, nagsimula na lamang siyang kumain. Naghain na lamang ako ng kanin at kumuha ng ulam tyaka nagsimulang kumain, kahit wala akong gana kanina dahil sa alak na nainom ko, ngayon ay bigla akong nagutom, paano naman kasi, itong niluto niya, amoy pa lang ay nakatatakam na. "In fairness ah, masarap talaga 'tong niluto mo," sabi ko. "Pero hindi naman 'yong napapaisip akong pakasalan ka dahil lang dito." Narinig ko siyang mahinang natawa kaya mabilis akong napalingon sa kaniya upang tingnan siya ngunit agad siyang tumigil at itinikom ang bibig tyaka napatikhim. "Alam mo? Napakagwapo mong tumawa, gwapo ka rin ngumiti, kaso parang ang hirap mo naman pangitiin at patawanin," nakanguso ko na namang sabi. "You know what? Lahat na lang napapansin mo," sabi niya. "Syempre naman," sagot ko sa kaniya. "Writer kaya ako, I give attention to details, alam mo na, nag-o-observe para mai-apply ko naman ang ilan sa mga nangyayari sa mga fiction books ko." "Hmm, so you're a fiction writer," tatango-tangong aniya. Tumango naman ako bilanh sagot at biglang napasimangot. "Kaso parang nawawalan na akong ganang magsulat," nalulungkot kong sabi nang maisip na umabot na ng linggo na wala akong nasusulat, dati-rati kasi ay nagsusulat talaga ako araw-araw. Kahit mga random scenes lang na pumapasok sa isip ko, isinusulat ko bago ko pa man makalimutan. Pero ngayon, wala man lang akong maisip. Pakiramdam ko, kapag nagsulat ako ng story, baka puro cheating na lang din ang tema, at hindi doon umiikot ang hilig ko. I got used to writing stories with perfect male leads with Marvin as my reference, eh manloloko rin pala siya, di ko na talaga alam kung saan ako magsisimulang muli. "Mahilig ka bang magbasa ng fiction?" tanong ko sa kaniya. "Iyong may mga happy endings gano'n?" "I'm more on stories with cases and mystery solving," aniya. "Stories connected to my career path... but... I know few... people who loves reading romance books so much." Napanguso na naman ako. "Sayang, wala pa akong nasusulat na story na attorney ang bida. Pero malay mo, makagawa ako, ikaw ang gawin kong inspiration sa bidang lalaki." "Whatever," aniya at nagpatuloy sa pagkain. Natahimik kaming muli, tanging tunog lang ng plato at kutsara ang naririnig ko. Hanggang sa muli akong nakaisip ng pwede naming mapag-usapan. "Bakit nga pala dito mo ako dinala? Tyaka condo mo ba talaga 'to?" tanong ko sa kaniya. "Do I need to answer that?" tanong niya. "Oo naman," sabi ko sa kaniya. "Close ba tayo? Hindi naman 'di ba?" "Let's be close then," simpleng sabi niya na ikinagulat ko na naman. "Bakit?" nagtataka kong tanong. "Gusto mo akong maka-close? Bakit?" "Nothing," tipid niyang sagot. "Kailangan may rason," pamimilit ko pa. "Gusto mong maging mag-best friends tayo? O baka naman gusto mo maging friends with benefits—" Natigilan ko nang bigla siyang napaubo nang sunod-sunod, kaya atomatiko akong kumilos at kumuha ng tubig sa refrigerator niyang pangmayaman. Nang maging okay naman siya ay napatikhim siya't tiningnan ako. "Your mouth is too... blunt," reklamo niya. "Mabuti nang malinaw," sabi ko. "Malay ko bang 'yon pala ang gusto mong arrangement kaya hindi ka naggi-girlfriend, 'di ba? Sabihin mo lang, maging honest ka sa 'kin, open-minded naman ako, pero hindi ibig sabihin no'n ay pumapayag na ako ah." "Napakarami mong sinasabi," reklamo niya. "Where did you get that idea?" "Sa isip ko lang," sagot ko. "Baka kasi matindi na ang pangangailangan ng katawan mo, Kuya—" "Kuya?" "Mas matanda ka sa 'kin 'di ba?" nakangisi kong sabi tyaka tumawa. "Joke lang!" Nag-iwas siya ng tingin at uminom muli ng tubig. "Hindi ko naisip 'yong setup na 'yon," aniya. "Baka ikaw ang may gusto no'n?" "Uy, hindi ah!" mabilis at malakas kong tanggi. "Angkapal naman ng mukha mo! Hindi porque gwapo ka maganda ang katawan ay maiisipan ko na ang gano'n—isang lalaki lang kaya ang pinagbigyan ko ng sarili ko—well, maliban sa 'yo ah, di naman n-natuloy 'yong atin." Napalunok-lunok akong muli dahil sa kahihiyan, hindi ko na naman siya matingnan nang maalala ko ang nangyari noon sa pagitan namin, nakita niya na ang buo kong katawan, gano'n rin naman ako sa kaniya, pero nakakahiya pa rin, hindi ko nga alam bakit ko pa kinausap 'to eh. "Mabuti nang malinaw," aniya. Ngumiti naman ako, sobrang komportable ko talaga kapag kasama siya, hindi ko rin alam kung bakit, basta ang alam ko lang, panatag ako at wala akong nararamdaman takot o pangamba na baka may gawin siya sa 'king masama kahit pa medyo hindi ko rin makuha ang ugali niya. "Pwede ba kitang maging best friend na lang, Attorney?" tanong ko sa kaniya na hindi man lang pinag-isipan. "Why?" Napaisip ako saglit, bakit nga ba? Wala rin akong maisip na magandang dahilan. "Para kapag may ginawa akong labag sa batas ay may magtatanggol sa 'kin?" pabiro kong sabi kasabay ng pagtawa. "No," mabilis niyang sagot. "Balak mo pa talagang gamitin ako?" "Hoy! Grabe ka naman, gamitin?! Napakapangit naman ng term mo," reklamo ko nang iba ang maisip na kahulugan no'n. "Gamitin ang propesyon ko," diin niya. "You and your dirty mind!" Tumawa ako nang malakas. "Joke nga lang, di ka naman mabiro, Attorney! Gusto ko lang maging best friend ka, feel ko magkakasundo tayo," nakangisi ko pang sabi kasabay ng paggalaw ng kilay. "I don't think so, I hate loud and noisy people," masungit na sabi niya. "Gusto ko ng katahimikan." "Ay naku, kailangan mo talaga ako sa buhay mo, Attorney, nang sumaya-saya ka naman," pang-uuto ko pa. "Hmm, says the woman who's sad and brokenhearted," aniya. Inirapan ko siya. "Makaka-move on rin ako 'no?! At least kahit brokenhearted ako, ngumingiti pa rin. Ikaw 'tong 'di naman brokenhearted pero parang pasan lahat ng mabigat sa mundo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD