Chapter 6

2137 Words
"MGA hayop kayo!" sigaw ko sa kanila, atomatiko akong tumayo at sinugod ko si Maine, hinablot ko ang buhok niya, ngunit agad na umawat ang lahat, inilayo kami agad. "Ano bang nagawa kong mali sa inyong dalawa?!" "Oh my gosh! Ano ba, Yen?! Hindi mo ba narinig ang sinabi ng anak ko?! She's pregnant!" sigaw ni Tita Ashley sa akin na siyang pumagitna sa 'min. "Paano na lang kung makunan siya?! Papatay ka talaga ng baby para sa isang lalaki?!" "Hindi mo naiintindihan, Tita!" lumuluhang sigaw ko sa kaniya, lahat ay nakasaksi, mahihimigan ang panunumbat sa boses ko at ang pagkamiserable. "Niloko nila ako! Pinagtaksilan! Pinagkaisahan nila ako! Inagaw ng malandi niyong anak ang boyfriend ko!" "How dare you call my daughter like that?!" nagtatagis ang bagang na sabi niya. Akmang susugurin niya na ako ngunit hinarang siya ng mga Tito ko. "That's it?! Hindi porque ex boyfriend mo si Marvin na boyfriend ng anak ko ngayon ay pinagtaksilan ka na nila! Ano ba 'yang isip mo?! Umakto kang edukada, sayang lang ang pinaaral ng mga magulang mo sa 'yo!" "Hindi niyo kasi alam ang mga nangyari!" sigaw ko. "Nadatnan ko sila sa condo ni Marvin—" "Enough!" Tita Shanaya said. Huminga siya nang malalim, natahimik ang lahat dahil sa kaniyang pag-awat, naninikip pa rin ang dibdib ko. "Whatever it is, Yen, I'm so sorry to tell you but I agree with Marvin and Maine's wedding. Pinili ni Marvin na panindigan ang baby nila, wag nating ipagkait sa magiging anak nila ang kompletong pamilya—" "That's it?!" hindi makapaniwalang tanong ko kay Tita Shanaya. "Just because Maine is pregnant you're now invalidating my feelings? Tita, sinaktan nila ako! Anong gusto niyong gawin ko? Magparaya at maging masaya para sa kanila?!" Para akong tinanggalan ng lakas, pakiramdam ko'y wala akong kakampi sa oras na 'to, sa tuwing tinitingnan ko ang mga mukha ng mga Tita at Tito ko pati na ng mga pinsan ko, tila hindi pabor sa 'kin ang opinyon nila. Hindi ba... Ako naman ang naagrabyado dito?! "Yen, marami pa namang iba—" "Gano'n lang?! Dahil marami pang iba, ipapaubaya ko na lang? Sana gano'n rin kadaling tanggalin 'yong sakit, 'yong trauma! Tita!" I screamed while crying really hard. "Tita, naiintindihan niyo ba na niloko nila ako at sinaktan?! Ako ang biktima dito pero bakit si Maine ang kinakampihan ninyo?!" "Yen, it's not that we're invalidating your feelings... Pero mawawala rin 'yang sakit, magbakasyon ka lang, mag-isip—" "Ilagay niyo ang mga sarili niyo sa sitwasyon ko!" sigaw ko sa kanila. "Sana maintindihan niyo kung saan ako nanggagaling—" "Ano bang gusto mong mangyari, Yen?!" sigaw ni Tita Ashley sa 'kin. "Itong babaeng 'to talaga ang malandi eh! Manang-mana sa ama niya, masyadong makasarili!" "Wag niyong isasali si Daddy dito! Magkaibang sitwasyon 'to!" "Tama na 'yan!" si Tito Wilson, kapatid rin ni Mommy, siya naman ang pumagitna. "Wag niyo nang banggitin ang hindi naman kasali. We can't blame Yen, matagal silang magkarelasyon ni Marvin, hindi niya 'to basta-bastang matatanggap—" "Eh alangan naman tutulan natin ang kasal dahil lang sa hindi tanggap ni Yen! That's rediculous!" reklamo ni Tita Ashley. "Ayaw kong lumabas na bastardo ang apo ko!" "Let's ask Marvin, sino ba talaga ang mahal niya?" tanong ni Maine na ngayon lang nagsalita. She smiled evily at me bago niya binalingan si Marvin. "Babe, mamili ka... Ako o si Yen?" Napalunok-lunok ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung bakit pipi ko pa ring hinihiling na ako ang pipiliin niya kahit na may malaki siyang kasalanan sa 'kin. Nakabubulag ang pag-ibig, parang handa ko yata siyang patawarin basta piliin niya lang ako. Nagkatinginan kami ni Marvin, panay ang pagtulo ng luha ko, akala ko ay ako ang pipiliin niya nang magtagal ang aming titigan, ngunit gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang umiwas siya ng tingin at binalingan si Maine. "Pasensya na po kayo sa gulo na nagawa ko," sabi niya sa lahat. "Pero buo na po talaga ang desisyon ko, nag-usap na kaming dalawa ni Maine, mahal ko po siya... At papanagutan ko po siya at ang magiging anak namin." Halos marinig ko ang muling pagkabasag ng puso ko dahil sa sinabi niya. Tumulo nang sunod-sunod ang luha ko. Wala na akong masabi, kinuha ko na lang ang mga gamit ko at agad na tumalikod. Akala ko'y tatawagin ako ng kahit isa man lang sa kanila, o di kaya'y susundan upang damayan man lang nila, pero sa pagkadismaya ko, hindi 'yon nangyari, bagkos ay boses ni Tita Ashley ang narinig ko. "Let's continue the party! Cheers for Maine and Marvin!" Tumakbo na lang ako upang hindi na sila tuluyang marinig pa. At nang makarating ako sa labas ay tyaka ako napahagulhol at napaupo na lang dahil wala na akong maramdaman pang lakas. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari, akala ko ay masakit nang nahuli ko silang pinagtataksilan ako... may mas masakit pa pala doon. Bakit gano'n? Ako naman ang nasaktan, ako ang biktima rito... Pero tila wala akong kakampi... Wala ba talagang nagmamahal sa 'kin? Mag-isa lang ba talaga ako? Bakit kay bilis naman yatang pumabor sa kanila ang sitwasyon, dahil lang sa isang tinuturing nilang biyaya, tila nakalimutan nilang may natapakan silang tao. Hindi ko na alam kung paano ako nakabalik sa aking apartment, basta pumara lang ako ng taxi at hindi na ako lumingon pa sa kung saan-saan. Nang makarating ako sa apartment ko ay wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak na lamang. Noong pasko ay umiyak ako, pati ba naman ngayon na bagong taon... iiyak pa rin ako? Pinunasan ko ang luha ko at napatingin na lang sa kabuohan ng aking apartment. Walang kasingtahimik naman ng bagong taon ko, tahimik pero gulong-gulo ang isipan ko. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari o kung ano ang susunod kong gagawin, tila nawalan ako ng direksiyon. Lahat kasi ng plano ko sa buhay ay... k-kasama ko na si Marvin. I've been planning my future with him—no, we've been planning our future... together. Pero sa iba niya tutuparin ang pangako niya—sa pinsan ko pa. Matunog akong napabuntong-hininga, isipin pa lang na ikakasal sila'y para na akong pinapatay—ako dapat 'yon eh—kami dapat ni Marvin 'yon. Sa isang iglap nagbago ang lahat, ngunit bakit parang ako lang yata ang naapektuhan? Bakit parang ako lang yata ang nasaktan? Bumangon ako at tinigil ang pagmumokmok. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone. Ayaw kong abutan ako ng alas dose ng hating-gabi dito nang mag-isa, dapat masaya ako, kung nagawa nilang maging masaya, dapat gano'n din ako, hindi ba? Sa isiping 'yon, agad kong kinuha ang maliit kong bag at muli akong lumabas sa apartment. Hindi na ako nagbihis pa dahil tama naman na ang suot ko. Naisip ko agad ang Barista, at least sa bar, kahit mag-isa man akong pumunta, may nakikita akong kasama, may nakikita akong mga tao, sumasaya ako doon—o sumasaya nga ba? Hindi ko alam, basta ang gusto ko lang ay uminom at makalimutan ang lahat. Agad akong pumunta sa barista, gaya ng una kong punta rito, naninibago pa rin ako. Grabe, kahit pala sa bagong taon ay maraming pumupunta rito—malungkot rin ba sila sa bahay nila kaya naghahanap sila ng saya sa ganitong lugar? "Ano pong gusto niyo, Maam?" tanong ng bartender sa 'kin. Hindi muna ako nakasagot, iginala ko muna ang paningin ko sa paligid. Para akong nakahinga nang maluwag nang makitang hindi lang naman pala ako ang mag-isa—marami pala kami. Siguro nga'y ang bar ang puntahan ng mga taong malungkot at nag-iisa... pero marami rin namang nandito na may kasama, pero hindi ba't sa mga ganitong kaespesyal na okasyon dapat ay pamilya ang kasama at hindi mga kaibigan? Siguro ay malungkot nga lahat ang nandito, at nandito sila upang tumikim ng saya. "Maam?" "Ah... bigyan mo na lang ako ng alak na pinakagusto mo," sabi ko sa bartender. I still don't have any idea about alcoholic drinks. I've been so naive about these things. Basta ang alam ko lang, gusto kong malasing. "Here, Maam," nakangiting sabi ng bartender at inilapag ang isang baso, hindi naman puno ng alak kaya sa unang pagtungga ko ay naubos agad. Gumuhit ang anghang at pait na may halong tamis sa aking dila at lalamunan. Mabango ang alak na ito, mas mabango kumpara doon sa nainom ko noon. Ilang uri ba meron ang alak? Kung sino man ang nag-imbento nito, siguro ay gano'n niya na lang kagustong tulungan ang mga taong sawi na lumimot. Ang alak ay nagpapaalala sa 'kin ng buhay... Mapait, mapakla, maanghang, ngunit may nalalasahan pa ring tamis. "You're here again." Napatigil ako sa pag-inom sa ikatlong order ko na alak nang marinig ko ang pamilyar na boses sa aking likuran. Napaharap ako sa taong 'yon habang hawak ko ang baso na may alak pa. "Attorney!" tawag ng bartender, nakita kong ngumiti lang siya at tumango. "Still alone, I see, hindi ka pa rin talaga nadadala," aniya sa 'kin. "Wala kang pakialam," sabi ko kasabay ng pag-irap. "Mag-isa ka rin naman ah, pinakialaman ba kita?" Si Attorney Shad. Nandito rin pala siya. Bakit? Malungkot rin ba siya at mag-isa? "Still brokenhearted?" "I don't want to talk about it, I just want peace," sabi ko. Sarkastiko siyang natawa. "How ironic. You want peace but you're here." Ininom ko ang alak sa isang tungga ulit at muli akong humarap sa bartender, tinalikuran ko na si Attorney. Bakit ba siya lumapit sa 'kin? "Isa pa, please—" "No, stop giving her that, she's done." Napaharap akong muli sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin, bakit ba siya nangingialam? Ano ko ba siya? Magkaibigan ba kami? Hindi naman 'di ba? He's still a stranger to me, so why is he acting like we're... something? "No, bigyan mo pa ako, ako naman ang magbabayad eh," matapang na sabi ko sa bartender. "No, stop," sabi niya na may diin na. Nakita ko ang bartender na niligpit ang baso na pinag-inuman ko, at talagang hindi na ako binigyan pa ng alak. Sa inis ko'y hinampas ko ang dibdib ng lalaking kaharap ko. "Ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kaniya. "Nandito ako kasi gusto kong uminom! Bakit ba nangingialam ka?! G-Gusto ko lang naman—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana nang bumuhos na nang tuluyan ang luha ko. Umiyak na lamang ako sa harapan niya. Napakabigat na kasi eh, hindi ko na kaya. "Let's go," sabi niya at naramdaman ko na lang na hinawakan niya ako sa palapulsuhan at hinatak. "T-Teka lang! H-Hindi pa ako nagbabayad—" "It's all on me," aniya sa 'kin at hindi man lang tumigil sa paglalakad, mabilis kong pinunasan ang luha ko at sumunod na lamang sa kaniya. Narinig ko siyang binati ng mga bouncer... Gano'n ba siya karegular dito para makilala na siya ng lahat? Tyaka hindi ko naman siya nakitang magbayad, paano niya babayaran ang mga alak na nainom ko? "Sakay," utos niya sa 'kin nang makarating kami sa tapat ng isang mamahaling sasakyan na kulay itim. Hindi ko alam kung ito rin ba 'yong sasakyan na ginamit niya dati. Binuksan niya pa ang pinto ng sasakyan para sa 'kin bago siya umikot at pumunta sa kabila. Tahimik akong naupo. "Bakit ba pinapakialaman mo ako?" mahina kong sabi kasabay ng pagbuntong-hininga. "Akala ko ba busy kang tao? Bakit mo ako pinag-aaksayahan ng oras?" Napansin kong natigilan siya saglit. Matunog siyang napabuntong-hininga at binalingan ako. "Iuuwi na kita, saan ba ang bahay mo?" "Ayaw kong umuwi," matigas na sabi ko. "Mag-isa lang naman ako doon eh—kaya nga ako pumunta sa bar para hindi naman gano'n kalungkot ang bagong taon ko." Napabuntong-hininga siya at pinaandar ang makina ng kotse niya. "Mag-seatbelt ka," utos niya sa 'kin. "Saan ba tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Tyaka... Hindi ba bagong taon? Dapat pamilya mo ang kasama mo sa pagsalubong ng bagong taon, nasaan ba ang pamilya mo?" "Nasa hospital," sagot niya nang napakasimple. "May sakit silang lahat?" I asked curiously, grabe naman yata 'yon? "Silly," sabi niya at hindi napigilan ang mahinang tawa. "They're doctors, my parents are doctors, pati na ang mga kapatid ko." "Eh bakit nag-abogado ka?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. He shrugged and said, "Dito ako masaya eh." Napatitig ako saglit sa kaniya. "Masaya ka ba talaga?" Natigilan na naman siya ulit at matunog siyang napabuntong-hininga tyaka tumango at tumingin sa 'kin. "This is what I love to do... I should be happy." Napaisip ako saglit, at bigla na lang napatango-tango. Tama nga naman siya, ako nga, nagtapos ng education, pero pagiging isang nobelista ang sinunod ko... dahil doon ako masaya. "Let's go..." "Mag-isa ka rin pala ngayon," malungkot na sabi ko. "Well, at least I'm not brokenhearted," aniya. "Bwesit ka!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD