Chapter 5

2699 Words
PARA mapaghandaan ang paparating naming reunion, pumunta ako sa mall upang makapaghanap ng pwede kong isali sa exchange gift namin. Hindi ko alam kung anong bibilhin ko lalo't hindi ko naman alam kung lalaki ba o babae ang pagbibigyan ko, mahirap humanap ng bagay na babagay sa babae at sa lalaki. Wala naman masyadong ganap sa buhay ko. Habang dumadaan ang araw ay parang nakakalimutan ko na ang sakit kaya naman magaan ang pakiramdam kong maglibot-libot. Inaabala ko rin kasi ang aking sarili upang hindi na gaanong maisip ang mga bagay-bagay lalo na ang mga senaryong hindi ko na gustong maalala. Nang makapasok ako sa isang boutique, imbes na pangregalo lang ang bibilhin ko, napabili na rin ako ng iilang karagdagang damit at mga gamit dahil nandoon pa sa condo ang aking mga gamit, hindi ko rin alam kung makukuha ko pa ba 'yon, basta ang pinakahuling gusto kong mangyari ay ang magkita kami dahil hindi ko pa yata kayang makita siya at ang pinsan kong taksil. Pumunta ako sa section ng mga underwear, ito talaga ang pinakakailangan ko sa lahat lalo na't wala namang air-condition ang apartment ko, mainit masyado kaya natutulog akong nakadamit-panloob lang. Matapos kong makapili, agad akong nagbayad at nagpatuloy sa pamimili. Sa huli ay isang unis*x wristwatch ang napili kong bilhin, lumampas nga lang sa budget, pero ayos lang, total regalo naman eh. Isa pa, kilala ko ang nga kamag-anak ko, galante masyado magregalo kaya hindi rin masusunod 'yong limit nilang limang daan. Umuwi akong muli sa aking apartment at nagluto ng aking pananghalian, tyaka ako na mismo ang nagbalot ng regalo ko. Matapos kong magbalot ng regalo, naglinis ako ng apartment ko upang hindi lang mabakante. Nang gumabi, sinubukan ko naman na tawagan sila Mommy. Umaga na ngayon sa kanila, kung hindi ako nagkakamali ay alas singko ng umaga. "Hello, Mommy!" nakangiti kong sabi sa kaniya habang naghihiwa ako sibuyas para sa lulutuin kong ulam. Napansin kong napakunot-noo siya at tiningnan ako, nandoon kasi siya sa screen, video call. "Yen?" patanong niyang sambit. "Bakit parang wala ka yata sa condo ni Marvin? Nasaan ka?" Napalingon ako sa paligid ko. Mabilis na tumibok ang puso ko. Oo nga pala! Nakalimutan kong hindi pa pala nila alam ang nangyari! Hindi ko rin naman alam kung paano ko sasabihin sa kanila lalo na't malaki ang tiwala ni kay Marvin. "A-Ahh—nasa bahay ako ng kasama ko s-sa trabaho, Mommy," pagsisinungaling ko. "Nagkayayaan kaming mag-food trip eh." Alinlangan siyang tumango at ngumiti na lamang, mukhang nakumbinsi ko naman. "Ganoon ba? Kamusta ka naman d'yan?" Hindi ako okay, Mommy. Gusto ko sana 'yon sabihin sa kaniya. Gusto kong magsumbong tungkol sa mga nangyari sa 'kin, gusto kong ipaalam sa kaniya na niloko ako ni Marvin at ng pinsan ko pero—hindi pwede. Ayaw ko nang dumagdag pa sa iniisip ni Mommy. Matamis akong ngumiti sa kaniya. "Okay naman ako, Mommy." "Hindi ka namin natawagan no'ng pasko ah, kamusta naman ang pasko niyo ni Marvin?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Mabuti na lang, agad akong nakapag-imbento ng kwento. "Okay naman, Mommy, m-masaya," sabi ko at pilit kong pinatamis ang ngiti ko kahit na nararamdaman kong parang kinurot ang puso ko. Mukhang maling desisyon na tumawag ako sa kaniya. Ayaw ko na sanang pag-usapan at banggitin ang lalaking 'yon eh. "Mabuti na lang nakahabol ako sa pasko, akala ko sa Cebu na ako magpapasko eh. Mabuti na lang may slot ang amo ko kaya nakauwi ako. Kayo? Kamusta naman ang pasko niyo, Mommy?" Ngumiti naman si Mommy. "Masaya naman kami ni Yosh... Inimbita kami ng Daddy mo para magpasko sa kanila... Okay naman." Nawala ang ngiti ko at nakaramdam ako ng awa kay Mommy nang makita ko ang ngiti sa labi niya ngunit hindi naman umabot sa mga mata. Hanggang ngayon, alam kong mahal na mahal niya pa rin si Daddy, alam kong nasasaktan pa rin siya pero pilit niyang tinitiis para lang maipagpatuloy ang magandang koneksiyon namin sa ama namin kahit na nasasaktan siya. Napaka-martyr ng nanay ko, ako ang nasasaktan para sa kaniya—kaya ayaw kong matulad sa nangyari sa kanila ni Dad—pero parang gano'n na rin naman ang nangyari sa 'min eh. "Kinakamusta ka pala ng Daddy mo, Anak," sabi niya. "May ipinabibigay siyang regalo sa 'yo, pera, ikaw na raw ang bahalang bumili ng gusto mo. Alam mo ba? Na-promote ang Daddy mo, kaya medyo lumaki-laki ang sahod niya." Pilit akong ngumiti sa sinabi niya. "Gano'n ba, Mommy? That's good for him." Hindi ko mabago ang tono ng aking pananalita, pilitin ko mang gawing masigla, hindi ko pa rin magawa. Huminga siya nang malalim at tiningnan niya ako. "Anak, hanggang ngayon ba naman ay hindi mo pa rin napapatawad si Daddy mo? Matagal na 'yon, Anak, kalimutan mo na." Tipid akong ngumiti sa kaniyang sinabi. Nag-iwas na lang ng tingin. Huminga ako nang malalim. Iyon nga... matagal na, pero 'yong sakit, nandito pa rin. "Sige, Mommy, ikamusta mo na lang ako kay Yosh. May gagawin pa po kasi ako," sabi ko sa kaniya at agad na pinatay ang tawag namin. Nang tuluyang matapos ang tawag ay bumuhos agad ang luha ko sa mga mata ko. Parang nagdoble ang sakit. Sobrang dismayado ako. Parang nagkonekta na naman ang lahat at naisip ko na naman siya—si Marvin. Buong akala ko kasi talaga ay iba siya—katulad lang pala siya ni Daddy—manloloko, hindi nakokontento sa isa. Hindi ko alam kung darating pa ba ang araw na may makikilala akong isang lalaki na kayang magmahal ng isang babae lang. Parang lahat na lang kasi sila ay nagloloko, lahat na lang ay nananakit. Napabuntong-hininga na lamang ako, pakiramdam ko'y parang hindi naman espesyal ang pagsalubong ko sa bagong taon, parang wala lang. Maliban sa reunion namin, parang wala na akong nakikitang magaganap pa, kahit sa susunod pang mga araw. Ang hirap pala kapag may nangyayari na wala sa plano, parang lahat ay nawasak sa isang iglap at hindi na kailanman tumutugma ulit ang lahat ng nasa paligid ko. Hindi ko maipaliwanag, basta, pakiramdam ko, panaginip lang ang lahat, sobrang bilis kasi ng pangyayari kaya di ko lubos maisip na mag-isa na lang ako ngayon. Imbes na maging maayos, umiyak na naman ako ulit hanggang sa makatulog. KINABUKASAN nagising ako dahil sa ring na nagmumula sa cellphone ko. Napapadyak ako sa inis, inaantok pa ako. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa kama lang naman at agad na sinagot ang tawag, hindi ko na tiningnan kung sino. "Hmm?" "H-Hello, Yen?!" Nakilala ko agad ang boses ng tumawag. Si Tita Shanaya lang pala. Huminga ako nang malalim, napahikab. "Hello, Tita. G-Good morning!" "Good morning, may gagawin ka ba ngayon?" tanong niya. "Baka naman pwedeng agahan mo ang pagpunta mo dito sa bahay? Magpapatulong sana ako sa paghahanda. Wala kasi ang ilang mga kasambahay, umuwi dahil nga bagong taon." Umupo ako sa kama, at napahinga nang malalim, parang hindi pa rin nawawala ang antok ko, hindi ko gaanong naiintindihan ang sinabi niya. "Wala ka naman bang lakad ngayon?" "Wala naman, Tita," sabi ko. Huminga ako nang malalim nang maintindihan ko ang naunang dinabi niya at agad nagdesisyon. "Sige po, pupunta na 'ko d'yan." "Ay salamat naman. Oh sige na, dalian mo, ha? Mamayang alas sais magdadatingan na ang iba, kailangan makapaghanda tayo bago 'yon," mabilis na sabi niya, halatang aligaga. "Sige na, kahit umuwi ka d'yan mamaya para magbihis, o dalhin mo na lang mga gamit mo dito." "Sige po, Tita. Maliligo lang ako, punta rin ako d'yan." Matapos ang tawag, imbes na magmadali, tamad na tamad akong pumunta sa banyo. Umaga pa lang parang pagod na pagod na 'ko. Hindi na ako nag-agahan, pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako agad sa bahay ni Tita Shanaya, medyo malayo-layo ang bahay nila. "Mabuti't pinayagan ka ni Marvin 'no? Hindi ba siya sumama?" tanong agad ni Tita Shanaya sa 'kin pagdating ko. Abalang-abala siya, halos napuno ang bar counter niya sa kusina sa puro ingredients ng lulutuin niya. Lahat ng kamag-anak ko, kilalang-kilala na si Marvin, of course, we've been together for eight years, we're living together, he was even considered by everyone as my husband. Kaya naman, hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin sa kanila na wala na kami ni Marvin at kadugo lang din namin ang umahas. Ayaw ko naman na masira ang pangalan ni Maine sa pamilya namin, matapos ang lahat ng nangyari, nirerespeto ko pa rin siya dahil pareho kaming babae at pinsan ko pa rin siya. Paano kaya ako makaka-move on? Lahat na lang ng nakakakilala sa 'kin, binabanggit ang pangalan ng ex ko. Wala man lang akong ideya kung paano ko ipapaliwanag ang lahat, nakagugulat din kasi ang lahat—maski ako, hanggang ngayon at may parte pa rin ng sarili ko na hindi pa rin tanggap ang lahat. "Hoy, Yen?!" biglang tawag ni Tita Shanaya sa 'kin na s'yang nagpabalik sa 'kin sa katinuan, hindi ko na pala namalayan na natutulala na ako. "Ayos ka lang?" Huminga ako nang malalim upang pakalmahin na naman ang sarili ko bago ako tumango at tipid na ngumiti. "Stress lang siguro, Tita," sabi ko. "Ay naku, kalimutan mo muna 'yan, bagong taon ngayon, pangit kung 'yan ang paiiralin mo, baka buong taon ka ring stress," sabi niya na may halong pagbibiro, mahina na lang din akong natawa. Tinulungan ko siya sa pagluluto, kaya naman pala punong-puno ang bar counter niya, ilang putahe ng pagkain ang niluto niya, hindi pa kasama ang dessert. Bilib din naman ako kay Tita Shanaya, kapag reunion na talaga pinag-uusapan, hindi talaga siya pahuhuli. Hapon na nang matapos namin maihanda ang lahat ng pagkain, tutulong pa sana ako sa pag-aayos ng garden kung saan gaganapin ang event pero sinabihan na ako ni Tita na umuwi na upang makapagpahinga at makapaghanda para mamaya, hindi kasi ako nagdala ng damit. Pagkarating ko sa apartment ay umidlip na muna ako, napagod ako sa matagal na pagtayo doon sa kusina, hindi ako komportableng umupo kapag gumagawa ng mga gawain sa kusina gaya ng pagluluto, nahihirapan ako. Nag-set na lang ako ng alarm upang magising ako sa tamang oras. Kahit naman medyo late ay ayos lang dahil siguradong hindi naman darating ang lahat sa tamang oras. Pagkagising ko'y agad akong nag-asikaso ng aking sarili, nagsuot ako ng isang pulang dress, nakaugalian na kasi namin na magsuot ng kahit anong pula tuwing may ganitong mga pagtitipon, hindi nawawala ang ganitong kulay kahit pa hindi pasko o new year. Wala naman masyadong nakababahala, hindi ko rin naman nasasabing excited ako, sabi ko nga, nagkaroon ng lamat ang relasyon ko sa aking mga kamag-anak nang lokohin ni Daddy si Mommy, ewan ko sa kanila, siguro ay may mga tao lang talagang iba kung mag-isip, kaya't ang kasalanan ng magulang ay napapasa sa anak kahit na wala namang kinalaman. Gayunpaman, nananatili ang respeto ko sa kanila, ayaw kong magtanim ng sama ng loob, ako lang rin naman ang kawawa sa gano'n... kay Daddy lang talaga ako pinakanasaktan—siguro dahil nag-expect ako nang malaki galing sa kaniya. Isn't that ironic? Sa ama ko pa mismo unang naranasan ang pagkabasag ng puso ko—and yes, Marvin helped me get fixed—and now, he broke me into a more million pieces. Matapos kong makapaghanda ay bumalik ako sa bahay ni Tita Shanaya. Medyo marami nang tao, nakita ko agad ang ibang mga kapatid at pinsan ni Mommy, tyaka ang mga pinsan ko, of course bumati ako sa kanila, minsan lang din kasi kami magkita-kita kaya normal nang manabik. "Oh, Yen!" tawag sa 'kin ni Tita Ashley, nanay ni Maine, at hindi ko gustong isipin ang kasalanan na nagawa ng anak niya, pero nang tingnan ko siya ay si Maine agad ang naalala ko. Sa lahat ng in-laws ni Mommy, ito si Tita Ashley ang pinakamalayo yata sa kaniya, pero lumaki kami ni Maine na malapit sa isa't-isa dahil close naman si Tito Sherwin at Mommy. It's a long story, but to make it short, halos sabay na kaming lumaki ni Maine, medyo nalayo lang kami no'ng pumunta na si Mommy sa Canada at hindi na sa bahay namin tumira si Maine. Kaya nga mas lalong masakit ang ginawa nila—hindi ko kailanman naisip na si Maine pa talaga ang magiging anay sa relasyon namin ni Marvin. Hindi ko kailanman 'yon napansin dahil tuwing bumibisita sa Yen sa condo, hindi naman sila halos nagpapansinan. Napakahusay nila talaga. "Hello, Tita," sabi ko at nakipagbeso na lamang sa kaniya. "Hiwalay na pala kayo ni Marvin 'no?" aniya nang nakangiti. "Tamang-tama, may big announcement mamaya. Sana naman naka-move on ka na kay Marvin, Hija." Napakunot-noo ako sa kaniyang sinabi, hindi ko gaanong maintindihan. Nang ilibot ko naman ang tingin ko'y hindi ko naman nakikita si Maine. Aba dapat lang na mahiya siyang magpakita rito dahil ako na sarili niyang kadugo ang tinraydor niya! "Kumain na tayo!" anunsiyo ni Tita Shanaya. Kaya naman nagkaniya-kaniyang kuha na ng plato ang lahat. Ngunit gano'n na lang ang pagkapako ng mga paa ko nang matanaw ko sa entrance—si Maine... hindi nag-iisa, kasama si Marvin. Napalunok ako nang ilang ulit, diniinan ko ang pagkakalapat ng mga labi ko dahil pakiramdam ko'y para na naman akong pinatay nang makita kong magkahawak ang kamay nila. Ang kapal ng mga mukha nila! "Oh, bakit magkasama si Maine at Marvin?" "Sabi ni Ashley ay hiwalay na raw sina Marvin at Yen." Narinig ko ang iba't-ibang reaksiyon mula sa mga tita, tito at mga pinsan ko. Naiintindihan ko naman ang pagkabigla ng mga walang ideya. Eight years, sa loob ng mga panahong 'yon, walang pagtitipon ng pamilya namin ang hindi namin nadaluhan ni Marvin nang magkasama. Nagtama ang paningin namin ni Marvin bigla, at para akong nawawalan ng lakas dahil sa kirot sa 'king dibdib. Paano nila nagagawang umakto nang normal na para bang wala silang sinaktang tao?! Sinaktan nila ako! Nakita kong bumati si Maine sa lahat, si Marvin naman ay panay lamang ang pagtango at pagngiti. Huminga na lamang ako nang maluwag at hindi na lamang sila tiningnan, umakto na lang rin ako nang normal kahit na sobrang sakit na. Ayaw kong sirain ang gabing 'to. Nagsimulang kumain ang lahat, hindi naman gano'n kasosyal ang pagkain, parang normal na pamilyang Pilipino lang na nagtitipon-tipon, wala gaanong arte. "Everyone, can we borrow a little of your attention please?!" Napalingon ako kay Maine nang bigla siyang tumayo sa gitna habang abala sa pagkain ang lahat. Lahat naman ay napatingin sa kaniya. "Nandito na rin naman lang tayo, so I want to inform everyone a very good news for tonight," malaki ang ngiting sabi niya. Tiningnan niya si Marvin. "Babe, halika dito." Huminga ako nang malalim, hinanda ko na ang aking sarili. Kahit na pakiramdam ko'y alam ko na ang sasabihin nila, parang hindi ko pa rin matanggap. "Marvin and I are getting married!" nakangiting sabi ni Maine, halata ang excitement sa mga mata niya pati na sa buong mukha, nagkatinginan sila. Natahimik ang lahat, tila hindi naproseso sa kanilang mga isip ang sinabi ni Maine. Mas lalo naman ako. Napalunok ako nang ilang beses, parang pinagtataga ako sa dibdib, tumulo nang sunod-sunod ang luha ko nang makita ko ang singsing ni Maine. Eight years! We were together for eight long years, pero hindi niya ako kailanman inalok ng kasal! At ngayon—kay Maine! Kay Maine siya nag-propose? Gaano na ba sila katagal?! "Come on, Everyone! Hindi ba kayo masaya?" nakangiting sabi ng pinsan ko—hindi! Hindi ko siya pinsan Wala akong pinsan na ahas! "Paano si Yen?" narinig kong tanong ni Tita Shanaya. "Marvin and Yen were together for eight years, right? I mean, isn't that too fast for you and Marvin to settle down, Hija? Kailan ba sila naghiwalay? Kailan kayo nagkaroon ng relasyon? Oh my God! This is so complicated!" Nakita kong ngumiti si Maine—no, she smirked! Iyong parang nagmamalaki nang sulyapan niya ako. "Come on, Tita, sa 'kin nga nag-propose oh," aniya at itinuro pa ang engagement ring niyang suot. "Isn't that enough for all of you to believe that Marvin and I, love each other so much... And! Why would we delay the wedding?! I'm pregnant!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD