“LUTO na ang cookie ko, pwede mo nang tikman, Attorney,” sabi ko kasabay nang pagpalakpak, huminga pa ako nang malalim upang masinghot ang mabangong amoy ng bini-bake ko. Nakangisi ko naman siyang nilingon, pero nagtaka ako nang makita ko siyang nakapikit at ilang beses na napapalunok. “Bakit?” inosente kong tanong at tuluyan kong inilapag ang tray sa counter, nasa likod ko naman siya. “Can you please be careful next time?” tiim-bagang niyang sabi sa ‘kin na ipinagtaka ko. Tumingin siya sa kaniyang baba at ganon’n na lang ang hiya ko at pagsisisi nang sumunod rin ako ng tingin doon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang malaking umbok sa shorts niya. Mabilis akong nag-iwas ng tingin, pakiramdam ko parang sinilaban ang mukha ko sa init. “Your behind just touched my front, Miss,” reklam