Chapter 11

2548 Words

HINDI na ako nakapagsalita sa sinabi niya dahil pakiramdam ko’y nabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko na hindi ko maintindihan kung bakit. May kung ano akong naramdaman na humaplos doon na parang gusto kong maulit nang maulit dahil tunay na masarap ‘yon sa pakiramdam. Bumalik lamang ako sa reyalidad nang sa wakas ay dumating na rin ang order niyang pagkain na hindi ko rin alam kung ano. Plating pa lang halatang mamahalin na, kaya naman hindi na ako nagsalita, mas lalo lang akong natahimik nang matikman ko ang pagkain na i-s-in-erve, parang natutunaw lang sa bibig ko sa sobrang sarap. “How’s it?” biglang tanong niya habang nasa gitna kami ng pagkain. “Masarap ba?” Ngumiti ako at tumango, wala akong masabi, sobrang sarap. Saan ba niluto ‘tong mga ‘to? Kahit ang karne ng baka na ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD