Chapter 4

2265 Words
NAGISING akong muli sa parehong kwarto. Akala ko ay iniwan na ako ni Attorney, hindi ko rin alam kung gaano katagal ang naging pagtulog ko, basta pagkagising ko ay nakita ko pa rin siya. "Kumain ka na ng dinner," sabi niya sa 'kin. "Bumaba na ang lagnat mo. You can finally go home tomorrow." Tumango ako at tinanggap na ang ang pagkain na bigay niya. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagtitiwala sa lalaking 'to. Siguro dahil hindi naman siya mukhang may balak na masama? Or siguro dahil alam kong abogado siya at ikasasama ng trabaho niya kung gagawa siya ng hindi maganda? "Do you have a family here?" tanong niya sa 'kin. "Maybe they're worried about you?" Umiling ako at tipid na ngumiti. "Nasa Canada ang family ko. Si Mommy at 'yong nakababata kong kapatid, magkasama. Si Daddy naman ay nandoon rin..." "I see," tatango-tangong sabi niya. "So you're alone here?" Natigilan ako sa kaniyang tanong. Ngayon ko lang din na-realize na mag-isa na nga pala ako dito—dahil hindi na kami ni Marvin. "M-May mga kamag-anak naman ako dito sa Pilipinas," sabi ko at tipid na ngumiti. "Nagkakaroon kami ng reunion palagi at bumibisita rin ako sa mga Tita at Tito ko, pati na sa mga pinsan..." "Pero hindi ka sa kanila nakatira?" patanong niyang sabi sa 'kin. Tumango ako at ngumiti. "Medyo, nasira rin kasi ang mga relasyon namin nang magloko si Daddy... basta, mahabang istorya. Pero maayos naman ang pakikisama naming lahat ngayon." "So, ayos lang pala ang pag-stay mo dito?" sabi niya. "No one will sue me. I want to make it clear to you, I didn't kidnap you, alright?" Inirapan ko siya. Naaasar ako sa ganda ng accent ng english niya, mas sexy pa yata sa katawan niya ang paraan ng pagsasalita niya ng english. Mukha rin naman siyang foreigner, pero hindi naman slang ang tagalog niya, sadyang napakaganda lang sa pandinig ng english niya. "Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko sa kaniya nang maalalang ako lang ang nagpakilala sa kaniya kanina. "Why do you wanna know?" tanong niya sa 'kin. "You'll stalk me?" "Ang kapal naman ng mukha mo!" reklamo ko sa kaniya. "Gusto ko lang malaman, masama ba?" "Shad," tipid niyang sabi. "Just call me Shad." "Iyon talaga ang pangalan mo?" tanong ko ulit sa kaniya. "Napakaikli naman, parang hindi pinag-isipan ng mga magulang mo!" "Mas mabilis mong matatandaan, mas mabilis mong mababanggit," sabi niya. "Bilisan mo na ang pagkain mo." "Hindi ka ba kakain?" tanong ko sa kaniya. "I'm good," aniya at bumalik na sa couch niya at nagbasa muli ng libro. Sobrang seryuso niya naman yata sa buhay niya? Kung titingnan parang hindi kapani-paniwalang pumupunta siya sa bar para magsaya. He looks like a boring nerd who prefers books than girls and liquor. I can't help but get curious about him. "Stop looking at me and continue eating your food," masungit na sabi niya nang hindi man lang ako tinitingnan. Napangiwi ako at nagsimula na lamang kumain ulit. Hindi ko na lang din siya pinansin lalo pa't nakaramdam na rin ako ng gutom. Matapos kong kumain ay muli siyang lumapit sa 'kin, pinainom ako ng gamot. "Pwede mo naman akong iwan na lang dito, hindi mo naman ako responsibilidad, hindi mo ako kailangan alagaan," sabi ko sa kaniya matapos kong maibalik sa kaniya ang baso na may laman pang tubig. "Sabi mo ay busy ka, bakit hindi ka pumasok?" "I'll do whatever I want... I'm an independent person, I'm my own boss," aniya at ibinalik muli ang baso sa mesa. "Rest so you can finally go home tomorrow. Kailangan kong pumasok bukas sa trabaho, may malaking kaso akong iniintindi." Napatango na lang ako. "S-Salamat." I felt the urge to say it to him. Na-appreciate ko kahit papaano ang effort, o kung 'yon ba ang tingin niya sa kinikilos niya ngayon. Basta para sa 'kin, parang nakagagaan ng loob na may isang tao naman palang may pakialam sa 'kin kahit di kami gaanong magkakilala. In fairness, komportable ako sa kaniya. Siguro dahil sa nangyari? Pero hindi ba dapat akong mahiya sa kaniya dahil doon? I don't know how to describe it... but somehow, I really feel safe with him, kahit pa hindi siya gaanong nagsasalita. Kampante akong nakatutulog, mahimbing na mahimbing kahit na alam kong hindi ko naman kilala ang buong pagkatao niya. NATULOG akong muli dahil tingin ko'y kailangan ko pa lalo ng pahinga. Hindi ko pa rin alam kung gaano katagal ang naging tulog ko, basta nang magising ako, maliwanag na sa labas at wala na 'yong guwapong attorney. Nag-iwan lang siya ng agahan sa mesa kasama ng note niyang nagsasabi na maaga siyang umalis para sa trabaho, kumain daw ako ng breakfast at nabayaran niya na daw ang hotel room na ito para ngayong araw. Magaan na ang pakiramdam ko kaya hindi ko na kinailangan pa ng tagasilbi. Kinain ko ang breakfast na iniwan niya at hinanap ko ang damit ko, ayaw ko naman ma-eskandalo, siguradong pagchi-chismisan ako kapag may nakakita sa 'kin na nakasuot ng panlalaking T-shirt at boxer shorts. Kahit naman hindi pa ako gano'n kasikat na author, posible pa rin na may makakilala sa 'kin. Isa pa hindi talaga maganda ang ideyang 'yon. Nakita ko ang dress ko sa banyo na naka-hanger, kasama na ng... undies ko! Oh my! Don't tell me, nilabhan niya ang mga damit ko? Sa isiping 'yon ay agad kong kinuha ang mga damit ko at inamoy! Mabango! Halatang bagong laba! Nakakahiya! Nilabhan niya talaga ang mga damit ko? Pati na ang underwear ko?! Mariin akong napapikit, para akong tangang napapadyak nang kusang pumasok sa isip ko ang itsura niyang nilalabhan ang undies ko! Napakapangit ng senaryong pumasok sa isip ko, napakadumi ng utak ko! S-Siguro naman, hindi niya inamoy-amoy 'no? "H-Hindi naman siguro siya manyak?" patanong kong sabi sa aking sa aking sarili. Huminga na lamang ako nang malalim upang makakalma. Mabilis akong nagbihis, tinupi ko ang T-shirt at boxer shorts niya tyaka ko binalot ng plastic na nakita kong nakapatong sa mesa. Bibitbitin ko na lang 'to, hindi ko naman inaasahan na magkita ulit kami, pero lalabhan ko pa rin 'to, in case magkita kami ulit, isusuli ko na lang. Matapos kong mag-ayos ay tyaka ko lang kinuha 'yong card key na iniwan pala ni Attorney, tyaka ko kinuha ang mga gamit ko kasama na 'yong damit ni Attorney. Ibinalik ko sa staff ng hotel ang card key, at kompirmadong bayad na nga ang suite dahil hindi na ako siningil. Umalis ako ng hotel at pumara ng taxi upang umuwi sa hotel suite ko. Siguro dapat ngayon na lang ako maghanap ng apartment, wala naman akong naiisip na gawin eh, para na rin makapagtipid naman ako. Hindi ko pa alam kung kailan ako magkakaroon ng income ulit, kaya dapat ko talagang i-budget nang mabuti ang pera ko. Ngayon ko lang din na-realize na tama pala ang naging desisyon namin dati ni Marvin na magkaniya-kaniya ng bank accounts, ngayon ay may kalayaan akong gawiin ang sarili kong pera at hindi ko na siya kailangan pang kausapin tungkol doon. Kapag nagkataon na iisang bank account lang ginamit namin, malaking problema talaga, hindi pa ako handang makita siya sa tindi ng ginawa niya sa 'kin... at talagang natiis niya pa ako! Hindi kami nagkaroon ng official break up pero para sa 'kin, gano'n na rin 'yon, he cheated, at hindi man lang siya nag-effort na magkaayos kami—well, I don't think kaya ko pang makipag-ayos—break na talaga kami. I have to accept it, I have to acknowledge that our relationship is a failure, he failed me! Maybe it'll be easier to accept everything if I'll think this way. Hindi naman siguro ako nagkulang? Siya... ang hindi nakontento. "Hindi naman siya kawalan," sabi ko sa aking sarili. Nang makababa ako ng taxi, agad akong pumasok sa hotel at pumunta ako sa suite ko tyaka nag-impakeng muli ng mga gamit. Matapos kong mailagay sa maleta ang lahat ng mga gamit ko ay tyaka ako nag-search ng apartment sa cellphone ko. Hindi pa man ako nakakahanap ng hotel, nakatanggap ako ng message mula kay Tita Shanaya, kapatid ni Mommy, na magtitipon-tipon daw kaming magkakamag-anak sa bahay nila sa darating na bagong taon. Napaisip ako saglit. Paano kung makita ko ang taksil kong pinsan doon? Napakakapal naman ng mukha niyang um-attend pa sa aming family reunion matapos niya akong saksakin nang patalikod?! Sa isiping 'yon, napagdesisyonan kong pumunta na lang, minsan ko na lang silang makasama, ayaw ko naman na tuluyang putulin ang ugnayan namin lalo't magkakadugo kami. Kahit wala si Mommy dito, ako ang tatayo para sa pamilya namin. Tinawagan ko agad si Tita Shanaya para pag-usapan ang reunion namin. Tatlong ring pa lang ay sinagot na niya agad. "Oh, Yen? Punta ka sa pagsalubong sa bagong taon ha?" sabi niya sa 'kin bilang bungad. "Opo, Tita," nakangiti kong sabi. "Ano pong dadalhin ko?" "Napag-usapan namin na magkakaroon ng exchange gift kagaya ng dati, kaya magdala ka ng regalo, any amount not less than five hundred, okay?" aniya sa kabilang linya. May kaya sa buhay sina Tita Shanaya, palibhasa masipag sumampa sa barko si Tito p*****n, magaling naman humawak ng pera si Tita kaya hindi nasasayang ang pagsisikap ng asawa niya. Kaya naman sa mga kamag-anak namin, si Tita ang madalas na magplano sa mga ganitong klase ng event, sa pamilya naman namin ako lang yata ang palaging uma-attend ngunit minsan lang mag-ambag. Bukod kasi sa nasa Canada sina Mommy at ang kapatid ko, hindi rin kami gano'n kayaman kaya wala kami gaanong naiaambag sa mga ganitong okasyon, lalo na't hindi naman regular na nagsusustento si Daddy dahil sapat lang ang kaniyang kita sa bagong pamilya niya. Kaya nga ayaw ko na rin na ginugulo si Mommy doon, kapag namomroblema ako sa kahit ano, lalong-lalo na sa pera, hindi ko pinapaalam aa kaniya dahil sobrang dami niya nang iniisip. At mas lalong hindi ako lalapit kay Daddy, it's none of my choice. Siguro nga'y dapat ko nang ikonsidera ang pag-apply sa isang school upang magturo. Hindi rin kasi stable ang income sa writing, hindi naman gano'n kalaki ang kinikita ko lalo't hindi naman ako gano'n kasikat. Matapos kong makipag-usap kay Tita Shanaya, pinagpatuloy ko ang paghahanap ko ng matutuluyan na apartment, tamang-tama naman na nakakita ako ng isang post. Room talaga ang hanap ko dahil gusto ko ng privacy, ayaw kong mag-bed space bagaman mas matipid 'yon, hindi ako komportable nang may kasama sa kwarto. Medyo mura na ang renta, mas makatitipid talaga ako kaysa sa hotel suite na bawat gabi ang babayaran ko. At least, sa apartment, buwanan ang bayaran. Agad akong nag-check out sa hotel at nagpara ako ng taxi para magpahatid sa apartment na nakita ko online. Hindi naman gano'n kalayo kaya mabilis rin akong nakarating. "Tamang-tama ang dating niyo, Maam, may tatlo pa kaming bakante," sabi sa 'kin ng landlady. Nakipag-usap ako sa kaniya tungkol sa mga fees at patakaran niya sa apartment niya, at nang maging maayos na ay tyaka ako nakapasok sa kwarto, hindi naman kalakihan, pero at least may matitirahan ako. Napahiga na lamang ako sa higaan at sinubukan kong magtingin-tingin sa social media accounts ko, gusto ko sanang magsulat pero wala akong maisip na magandang isulat ngayon, baka mapatay ko pa ang mga characters ko sa sobrang pait ng nararamdaman ko ngayon. Tuloy ang pag-scroll ko sa social media account ko nang biglang sumagi sa isipan ko si Attorney. Nakaka-curious talaga ang lalaking 'yon, may social media accounts kaya siya? Out of curiosity, I tried searching his name, Shad. Tyaka lang ako nagsisi na hindi ko siya kinulit sa buong pangalan niya nang makita kong wala naman siya sa results. Siguro nickname niya lang 'yong ibinigay niya? Nabasa ko kasi dati, kapag may mga nakikilala daw sa bar, dapat hindi ibinibigay ang real name upang hindi ma-stalk o mahabol. Mautak rin talaga ang lalaking 'yon. I tried searching Attorney Shad on the search bar... At gano'n na lang ang pagtalon ng puso ko nang makita ko ang post ng isang sikat na school dito. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang buong pangalan niya. "A-Arphaxad Blake Seeholzer?" patanong kong basa sa kaniyang pangalan. "Talaga palang mahaba ang buong pangalan niya." Napatango-tango ako, tyaka ko naman binasa ang post. Medyo mahaba-haba, pero ang umagaw sa atensiyon ko ay ang unang nabasa ko. "Batch valedictorian?" patanong kong sambit. Tila nalaglag ang aking panga, hindi ako makapaniwala. Ilang ulit ko pang binasa. "Grabe! Gano'n siya katalino?" Hindi ko alam kung anong mararamdaman, pumasok muli sa isip ko ang guwapong itsura ng lalaking 'yon. "Hindi," iiling-iling kong sambit. "Baka naman, hindi siya 'to. Imposible naman yata 'yon! Well, m-mukha naman siyang matalino pero—imposibleng siya 'to." Huminga ako nang malalim, nagpatuloy ako sa pag-scroll, tyaka ko nakita ang isang shared post na t-in-ag si Blake Seeholzer. Bumilis ang t***k ng puso ko at napalunok-lunok ako. Pinindot ko 'yon at gano'n na lang ang init na nararamdaman ko sa aking mukha nang makita kong siya nga 'yon. "T-Teka!" awat ko sa aking sarili. "Inii-stalk ko ba si Attorney?" Napasinghap ako sa aking sinabi. Nanlaki ang mga mata ko, patay-malisya kong ini-exit ang nasa cellphone ko, parang tanga pa akong napalingon sa paligid na para bang may nanonood sa 'kin. Umalingawngaw sa pandinig ko ang boses niya no'ng sinabi niya sa 'kin na i-stalk ko siya. "Hindi ah!" binitawan ko ang cellphone ko. "Curiosity lang! Hindi kita inii-stalk, Attorney 'no?! Feeling ka d'yan!" Napairap ako at muling tiningnan ang cellphone ko. Ano nga ulit pangalan ng account niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD