PARA akong patay na muling nagising nang imulat ko ang aking mga mata at ang puting kisame ang bumungad sa 'kin. Naramdaman ko ang matinding sakit sa aking ulo at parang binugbog ang buong katawan ko sa pangangalay na hindi ko maipaliwanag kung bakit.
Bigla ay nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong hindi pamilyar ang kwarto. Napabalikwas ako agad ng bangon at nakita kong panlalaking damit ang suot ko! Isang puting T-shirt na mas malaki pa yata kaysa sa 'kin, at itim na boxers!
"Hala! Anong nangyari, Yen?!" nagpa-panic kong tanong sa aking sarili. Iginala ko ang tingin sa paligid. Gano'n na lang ang pagngiwi ko nang wala talaga akong maalala sa nangyari kagabi, tila panaginip ang lahat, hindi gaanong malinaw at...
Bigla akong napakapa sa katawan ko nang maramdaman kong muli ang mga labi na tila humalik sa 'kin kagabi—
"Oh, you're awake!"
Halos mapatalon ako sa kama nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang isang lalaking may dala ng isang brown paper bag. At bigla ay pumasok ng sunod-sunod ang ilang senaryo na tingin ko'y totoong nangyari kagabi.
Rumehistro sa isip ko ang mukha niya, ang katawan niya at ang... sunod-sunod akong napalunok nang hindi sinasadya'y napatingin ako sa kaniyang ibaba.
"Anong ginawa mo sa 'kin?!" I yelled, I even pointed him.
Inosente naman niya akong tiningnan, tumaas naman ang kaniyang kilay at napabuntong-hininga tyaka pumasok nang tuluyan sa kwarto at isinara 'yon.
"M-May nangyari ba sa 'tin kagabi?" kinakabahan kong tanong sa kaniya.
"Wala," tipid niyang sabi.
"Wala?" tanong kong muli, naninigurado.
"Why do you sound disappointed?" walang ganang tanong niya sa 'kin. "I don't bed brokenhearted women."
"Hindi ako brokenhearted!" I blurted out. "You... You touched me! Are you sure na walang nangyari kagabi? Like... s*x?"
Umangat ang gilid ng kaniyang labi at imbes na sagutin ako'y tinalikuran niya pa ako at inilagay niya ang laman ng paper bag na dala niya sa maliit na mesa.
"Home run?" he asked like it was just nothing, then he shook his head. "Nah. Just foreplay..."
Nakahinga ako nang maluwag, as if? Hello! Gano'n na rin 'yon! Hindi nga namin 'yon nagawa ngunit muntik na! N-Natikman niya ako kagabi! Napakapangit ng term na 'yon, but... literally speaking, tama 'yong term na 'yon! Bakit hindi ako nag-isip?!
"Here, you have to eat," aniya tyaka siya lumapit sa 'kin at ibinigay ang pancake na tingin ko'y i-t-in-ake-out niya.
"Ayaw ko n'yan!" nag-iinarte kong sabi. "Kailangan ko nang umuwi—"
"You're sick, you can't go home, I won't let you," dire-diretsong sabi niya at malakas pang bumuntong-hininga.
"At sino ka para magdesisyon para sa 'kin?" taas-kilay kong tanong sa kaniya.
"You have to listen to me," aniya. "Eat, so you can take your medicine."
"Ayaw ko nga!" singhal ko sa kaniya. "Wala akong tiwala sa 'yo! Iyang mukha mo!"
Nakita ko siyang napatingin sa kaniyang relo, matunog siyang napabuntong-hininga na tila nauubusan na siya ng pasensya.
"Come on! I really wasted my time for this?" tanong niya sa kaniyang sarili. Binalingan niya akong muli. "Nag-absent ako sa trabaho ko, Miss, para lang maalagaan ka. Don't waste my time, I'm a busy person!"
Napasimangot ako. Talagang nagawa niya pa akong sumbatan? Sinabi ko bang mag-absent siya?
Kinuha ko na lang ang pagkain na ibinigay niya. Parang wala akong ganang kumain, pero pinilit ko pa rin. Tama siya, mabigat nga ang pakiramdam ko, ginihinaw ako, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, parang tuluyan akong namanhid, di ko na gaanong mapakiramdaman ang katawan ko dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin ang puso ko.
"Oh! Ubos na!" sabi ko sa kaniya. "Bakit pala iba na ang damit ko? Saan mo kinuha ang mga damit na 'to?"
"Akin 'yan," sabi niya. "Nagpahatid ako ng damit sa sekretarya ko kagabi. Bakit?"
"Binihisan mo ako?!" hindi makapaniwalang sabi ko sa kaniya. "Ikaw ang nagbihis sa 'kin?!"
Napabuntong-hininga siya at nag-iwas ng tingin. Napailing na lamang.
"Hoy! Kinakausap kita!"
"Nagawa kitang hubaran kagabi, ano sa tingin mo?" pabalang na sabi niya sa 'kin. Kinuha niya ang isang basong tubig mula sa mesa at inabot niya sa 'kin. "Here, take your medicine."
"Napakasungit mo naman!" reklamo ko. "Ako na nga 'tong naagrabyado mo!"
Nanlaki ang mga mata niya't umangat ang kilay, tila tutol sa aking sinabi.
"Bakit? Totoo naman 'di ba?"
"Wow! Just, wow!" sarkastikong sabi niya. "Let me remind you that what happened between us last night was consensual. I just refused to make things happen beyond that because you were drunk and brokenhearted."
"Pumayag nga ako! Oo na!" sabi ko sa kaniya. "Iyong tono mo, parang ako pa ang namilit ah!"
"Whatever," sabi niya. "Inumin mo na 'to."
Kinuha ko ang gamot at tubig na ibinigay niya at agad kong ininom, tyaka ko ibinalik sa kaniya ang baso Inilagay niya naman ang baso sa mesa at nilapitan niya akong muli, napairap pa ako nang pinakiramdaman niya ang leeg ko at noo.
"You still have fever," sabi niya sa 'kin. "Next time, wag kang iinom nang mag-isa sa bar kung hindi mo naman pala kaya. Mabuti na lang at tayo ang nagkasama kagabi—"
"Coming from you!" angal ko. "Hindi ba't muntik nang may mangyari sa 'tin kagabi?! Nakita mo akong walang saplot! Dapat ko bang ipagpapasalamat 'yon?!"
"Whatever," sabi niya tyaka nagkibit-balikat bago lumapit sa couch, umupo nang naka-de-kwatro tyaka kinuha ang libro na nasa isang maliit na mesa tyaka nagsimulang magbasa.
Napabuntong-hininga na lang din ako at imbes na humiga ay napasandal na lamang ako sa headboard. Mukhang mamahalin 'tong suite na pinili niya, malaki kasi at may receiving area pa. Siguro ay mayaman ang lalaking 'to... Attorney? Tama ba ang pagkakaalala ko? Siya 'yong tinawag na attorney no'ng lalaking nagtitimpla ng alak kagabi?
"Attorney!" I called him. Lumingon naman siya sa 'kin. Oh! So, abogado nga talaga siya? Bumalik siya sa pagbabasa. "Abogado ka pala?"
"Hmm? So?"
Napabuntong-hininga ako at napasimangot. "Pwede bang kasuhan ang boyfriend na nag-cheat?"
Baliw na yata ako. Kung ano-ano na lamang ang naiisip ko. Masakit pa rin hanggang ngayon ang ginawa nila sa 'kin, hindi ko alam kung kailan mawawala ang pinagsamang galit at sakit na nararamdaman ko... Siguro dahil wala rin naman akong pinagsasabihan. Sino naman kasi ang pwede kong makausap? Wala akong mga kaibigan... at ayaw kong makaabala ng kahit sinong kakilala para lang pag-usapan ang nararamdaman ko.
"Why? Your boyfriend cheated?"
Malungkot akong napatango. Bigla ay nag-init na naman ang gilid ng mga mata ko. Pinaglaruan ko na lamang ang mga daliri ko, malalim na huminga.
"Eight years... sinayang niya ang eight years na pinagsamahan naming dalawa." Biglang nabasag ang boses ko. "Bakit gano'n? May mali ba sa 'kin? May kulang ba?"
Napakurap-kurap ako at napakamot sa aking ulo kahit hindi naman makati.
"Nagtiwala ako! Nagmahal ako nang matindi. Sa buong walong taon, wala akong ibang minahal kundi siya lang! Binigay ko naman siguro ang lahat sa kaniya... Pero bakit nagawa niya pa rin akong lokohin?"
Mapakla akong natawa at tiningnan ko siya. Ngunit nagulat ako nang makita ko siyang naglakad muli at lumapit sa 'kin, umupo siya sa kama.
"Iyon ba ang dahilan kung bakit mo ako tinanong kung may girlfriend ako kagabi?" he asked calmly. "You didn't want me to cheat, hmm?"
Tumango ako habang tuloy na ang pag-agos ng luha ko.
"Kasi alam ko kung... gaano kasakit mapagtaksilan," mapait kong sabi. "Grabe, napakagaling nila! Gaano na kaya katagal nila akong niloloko? Sa dami ng babae... pinsan ko pa talaga?!"
Hindi siya nagsalita, pero napansin kong tinitingnan niya lamang ako na para bang nakikinig siya sa mga sinasabi ko. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at ngumiti ako sa kaniya.
"Wag kang maawa sa 'kin, ah," sabi ko sa kaniya. "Hindi ako kawawa."
Huminga siya nang malalim at tumango, hindi man lamang ngumiti.
"Alam mo... simula nang maging kami ni Marvin, akala ko talaga siya na 'yong lalaking para sa 'kin. I really believed that he's the perfect hero for my very own love story." Mapakla akong natawa. "Pero sa isang iglap, parang gumuho lahat... lahat ng plano ko para sa 'ming dalawa, lahat ng magagandang memories namin, mga pinagsamahan namin... p-parang natapon na lang lahat na para bang wala lang halaga sa kaniya."
Muling tumulo ang luha ko kaya mabilis ko na namang pinunasan.
"Iyong Daddy ko kasi... pinagpalit kami sa ibang babae. In good terms naman na sila ng Mommy ko ngayon, pareho silang nasa Canada pero hindi magkasama sa iisang bubong, kasi may ibang pamilya na si Daddy," bigla ko pang nabalikan ang pait ng kahapon. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong napakwento nang ganito sa kaniya. "Kaya sabi ko sa sarili ko, hinding-hindi ako tutulad kay Mommy, kaya ginawa ko lahat para hindi 'yon mangyari sa 'min ni Marvin... k-kaya mas lalong masakit... kasi ginawa ko lahat eh, ginawa ko lahat kaya hindi ko tuloy alam ngayon kung anong kulang."
Bumuntong-hininga siya at may dinukot siya sa kaniyang bulsa at iniabot niya naman sa 'kin—panyo, kulay puti.
"Just cry..." sabi niya. "I'm not good at sugarcoating words... so I don't know how to spit such to make you feel better."
Ginamit ko ang panyo niya, mahina akong natawa. "Thank you... and pasenya ka na, nasungitan kita."
"It's okay," sabi niya at tipid na ngumiti.
"Ikaw pala? Anong ginawa mo sa bar kagabi?" tanong ko nang maalala, hindi ko na muna inisip ang nararamdaman ko, medyo curious ako sa kaniya eh. "May abogado palang umiinom?"
"Of course," sabi niya na parang logic na 'yon. "We also make some fun... Anong tingin mo sa 'min? Robot?"
Napangiwi ako, napakasungit niya talaga! Para siyang galit na parang hindi.
"So... routine mong pumunta sa bar tapos humaharot ka, tapos dinadala mo sa hotel, ginagawa niyo ang milagro—parang one night stand gano'n?" tanong ko sa kaniya. "Woah! Akala ko sa mga fiction lang nangyayari 'yon? Totoo pala talagang may mga f*ck boys 'no?"
"Hey!" angal niya sa 'kin. "You're judging me too harsh! I'm not a f*ck boy, alright?"
"Eh anong tawag mo sa ginagawa mo? Siguro kung nakuha mo ako kagabi, hindi na kita nakita dito. Kayo talagang mga lalaki—"
"Kung sinaktan ka ng isa, wag mo kaming idamay lahat," sabi niya. Nagkibit-balikat siyang muli tyaka tiningnan na naman ako, 'yong tingin na parang sinusuri ang buong mukha ko. "Going to Barista is my routine after a long stressful work. You know, being a lawyer that deals with a lot of cases is not easy, it's very stressful. So, I have to loosen up a bit sometimes, and fun includes night out, girls and drinks... of course, I'm doing such carefully, abogado ako eh."
Napangiwi ako sa sinabi niya. "Wala ka bang girlfriend or asawa na mauuwian? Ilang taon ka na ba?"
"I'm thirty-two," sabi niya sa 'kin. Matanda pala s'ya sa 'kin ng ilang taon, kaya siguro medyo mas matured na siyang tingnan at mas lumilitaw na ang itsura niya. Well, I couldn't deny the fact... he's really hot and masculine. Parang isang modelo, 'yong klase ng lalaking pinag-aagawan sa mga teleserye, iyong gwapo na nga, mayaman pa at matagumpay sa buhay—gano'n na gano'n siya. "And... I don't do girlfriends... my last relationship was three years ago."
"Nag-cheat ka 'no?" nang-aakusang sabi ko.
Mahina siyang natawa, 'yong maikli lang at tipid na tipid, pero, grabe, napakagwapo niya!
"I didn't," sabi niya. "I'm practicing my loyalty dahil kapag kinasal ako at nagloko, matatanggalan ako ng lisensya, I don't want that to happen... I love my job."
"Eh anong dahilan?" tanong ko sa kaniya.
"I was too busy," sagot niya. "My past relationships never worked out the way we expected it... because I couldn't invest more time for it... and you know immature girls... too demanding, too clingy, and they need more love. I don't have enough time to waste for that."
"So, nag-settle ka na lang maging f*ck boy ng Barista?" sabi ko sa kaniya.
"Hindi nga ako f*ck boy," angal niya sa 'kin. Tumayo siya. "Magpahinga ka na nga. You should rest so you'll get better, may trabaho pa akong aasikasuhin."
Napairap ako at humiga na lang muli sa kama. Pakiramdam ko'y gumaan ang kaninang mabigat na parang nakadagan sa aking dibdib at nakahihinga na ako ngayon nang maluwag.
"Good. Sleep now," sabi niya. Tumingin ako sa kaniya muli.
Akmang lalayo na naman siya kaya tinawag ko siya, "Attorney?"
Tumingin siya sa 'kin. "Hmm?"
"Ako nga pala si Yen," pagpapakilala ko. "Yenshandi Sanchez... Thank you nga pala sa concern mo... a-at salamat kasi nakinig ka sa mga pinagsasabi ko kahit na hindi naman talaga tayo magkakilala."
Tumango siya, nakakibit-balikat pa rin. Hindi na siya sumagot ngunit nakita kong umangat ang gilid ng kaniyang labi bago siya naglakad pabalik sa couch at bumalik sa pagbabasa na naudlot ko kanina.