Kahit na nakakain naman ako ng maraming pasta ay pakiramdam ko ay hindi ako nabusog! I just literally chewed the food and then swallowed it! Aminado akong masarap ang luto ni Jared. Kahit na wala akong masyadong alam sa kusina at pagluluto ay marunong naman akong maka-appreciate ng masarap na mga luto ng pagkain. Habang kumakain kami ay panay ang lipad ng isip ko. Gwapo siya, mayaman, mukhang may maganda namang trabaho at marunong pang magluto. Iniisip ko lang na kung may girlfriend siya at biglang pumunta sa unit niya at nadatnan ako dito ay ano kaya ang gagawin ko? Paano kayang ipapaliwanag ni Jared ang sitwasyon ko kung sakali? Kung saan-saan na talaga nakaabot ang pag-iisip ko kaya pinili ko na lang na magpaka-busy sa pagkain at nang matapos ay agad akong nagprisinta na maghugas ng