This guy is so judgemental! Buong biyahe yata na hindi ako kumikibo habang nakasakay sa sasakyan ng estrangherong lalaki na ilang beses ko nang nakikita. Hindi ako makapaniwala na pinag-iisapan niya ako na may kung anong namamagitan sa amin ng kapatid niya dahil lang nakita niya akong bumaba sa sasakyan nito! I want to defend myself. Gusto kong sabihin sa kanya na mali ang iniisip niya sa akin. Na hindi ako ang babaeng kasama ng kapatid niya sa sasakyan nito. Na naroon lang ako dahil tinatakasan ko ang ex-boyfriend ko na hindi ko alam kung bakit humahabol sa akin. I really wanna explain myself to him but I couldn’t find enough reasons to do that. Ni hindi naman kami magkakilala ng personal kaya bakit naman ako mag-aaksaya ng oras para sabihin sa kanya ang mga ‘yon? Besides, I am fully