God! Why the hell do I feel so awkward when I’m with this guy? Ramdam na ramdam ko ang hindi maipaliwanag na pagkailang habang nakasakay ako sa sasakyan ng lalaking maghahatid sa akin sa bahay. Kahit ang pangalan niya ay hindi ko alam! Hindi ako makapaniwala na nakasakay ako sa kotse niya at hinahayaan ko siyang ihatid ako pauwi sa bahay nila Tita! Sa halip tuloy na kabahan ako dahil sobrang late na akong makakauwi ay hindi ko magawang isingit ang kaba na dapat at nararamdaman ko ngayon dahil sa takot kay Tita. Mahigpit ang bilin niya na dapat ay nasa bahay na ako bago magsimulang magluto ng hapunan ang mga kasambahay. That’s the agreement we had when she let me continue my studies. Titira ako ng libre sa bahay nila habang nag-aaral pero dapat ay tutulong ako sa mga gawaing bahay. Well