Kuya

1432 Words
I can’t properly breathe! Hindi ko maintindihan ang kung anong kaba na nararamdaman ko habang nakikipag titigan sa estrangherong lalaki na kaharap ko ngayon. Ang bilin ng lalaki na nagawan ko ng atraso ay libangin ko ang lalaking kaharap ko ngayon para hindi siya nito masundan. Pero bakit para bang hirap na hirap ako sa pinapagawa niya samantalang hindi naman ito ang unang beses na nakaharap at nakausap ko ang lalaking ito? “Is that important?” tanong ng lalaki habang nananatili ang titig sa akin. Hindi ko naiwasang mapakislot nang marinig siyang nagsalita. Shìt! Mukhang seryoso siya ngayon at parang hindi ako komportable na hindi siya ngumingiti sa akin! Hindi ko maintindihan kung ako nakakaramdam ng kung anong tensyon dahil lang seryosong-seryoso ang itsura niya habang nakikipag-usap sa akin. Does he usually like this? Hindi ba talaga siya palangiti kagaya ng ilang beses na nakita ko siya? Litong-lito tuloy ako at hindi mapigilan ang sarili na mag-isip ng malalim dahil lang sa nakakapanibago na ekspresyon ng lalaking kaharap ko. Mukhang mali ang first impression ko sa kanya na mabait at palangiti. Hindi kaya maganda lang ang mood niya noong mga nakaraan kaya sa tuwing makikita ko siya ay nakangiti siya sa akin? How about today? Is he having a really bad day that’s why he is not even smiling? Kung saan-saan na nakarating ang isip ko dahil lang sa nakakapanibago na ekspresyon ng lalaking kaharap ko. If he didn’t clear his throat, I would still be lost in my thoughts! Nang tingnan ko siya ay kunot na kunot pa rin ang noo niya habang nakasilip at nakahawak sa suot na wristwatch. Hindi ko tuloy naiwasan na mapatingin sa mga kamay niya. His hands are big and his fingers are long. Malinis na malinis din ang mga kuko niya sa kamay na para bang hindi sanay sa mabibigat na trabaho. Well… he seems pretty loaded. Sa pananamit at itsura niya pa lang ay halatang mayaman na siya. Kaya imposible nga naman na mabigat ang trabaho niya. “You said you want to talk to me. I wonder why you aren’t saying anything until now,” muling sambit niya na para bang nauubusan na ng pasensya pero pinipilit lang na maging kalmado. Napalunok ako at agad na umayos ng tayo para gawin ang kailangan kong gawin kaya ko siya nilapitan. “Ahm… do you still remember me?” tanong ko kahit na ilang na ilang ako ngayon na mukhang naka-focus talaga ang buong pansin niya sa akin. His eyes are so expressive but I cannot exactly tell what he is thinking right now. Dahil ba naiilang ako sa titig niya kaya hindi ko mabasa ang nasa isip niya? “You were the girl from the restaurant and you were also the girl from the arcade,” sagot niya habang diretso pa rin ang titig sa akin. Napasinghap ako nang walang pagdadalawang isip na sinagot niya ang tanong ko. Well… hindi naman sa nag eexpect ako na hindi niya ako matatandaan dahil masyado namang unfair iyon dahil siya ay tandang-tanda ko. Pero ngayon na malinaw na sinasabi niya sa akin na natatandaan niya ako ay parang kakaiba ang naging dating sa akin. It made me feel a bit… excited. “Ah… So, natatandaan mo nga ako…” wala sa sariling sambit ko matapos marinig ang sinabi niya. Hindi siya nagsalita kaya nang muling salubungin ko ang titig niya ay kitang-kita ko ang kalituhan sa mukha niya habang nakatingin sa akin. “Is that only the reason why you approached me? Para lang itanong sa akin kung natatandaan kita?” kunot ang noong tanong niya. Dahil doon ay napasinghap ako at agad na napamaang sa mukha niya. “Ahm–” Natigilan ako nang ngumisi siya at saka naiiling na inayos ang buhok na tumakip sa mga mata gamit ang kanang hintuturo. Nang muling sinalubong niya ang tingin ko ay halos hindi tuloy ako makapag-isip ng sasabihin dahil nakangiti na ulit siya sa akin. “To be honest, you are quite a sight so it’s almost impossible for me not to remember you,” sambit niya at saka ngumiti ulit sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ako nakahinga ng maayos habang pinapanood siyang nakatingin at nakangiti sa akin! And what is really strange is that… It's not really the first time that someone boldly praised me. Sa totoo lang ay sanay na sanay ako na makarinig ng mga papuri lalo na sa pisikal na katangian ko. But this guy praised me like praising me is the most genuine thing he did in this lifetime! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang nakikipag titigan sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung ano pa ang dapat kong sabihin para lang tumagal ang pag-uusap namin at tuluyang makalimutan niya ang gagawing paghabol sa lalaki na nagawan ko ng atraso kanina. Kung hindi pa siya gumalaw at marahang hinawakan at tinapik ang ulo ko ay hindi pa ako makakapag-isip ng maayos. “I’ll get going. I hope I answer your question right,” nakangiti at marahang paalam niya matapos tapikin ang ulo ko na para bang nagpapaalam siya sa nakababatang kapatid niya! Umawang ang bibig ko at hindi nagawang magsalita habang nakatingin sa kanya na naglalakad na palapit sa sasakyan niya! Pakiramdam ko ay na-blangko ako at hindi alam kung ano na ang susunod na gagawin! “Wait–” Agad na natigilan ako sa gagawing pagsunod sa lalaki nang mamataan ko sa di kalayuan sa akin ang ex-boyfriend kong si Colt. Parang napako ako sa kinatatayuan ko nang makitang titig na titig siya sa akin at mukhang hinihintay lang na mapag-isa ako bago niya ako muling lapitan. Ilang mura sa isip ang nabanggit ko nang makita ko ang mabagal na paglingon niya sa gawi ng lalaking kausap ko kanina. Sunod-sunod na napalunok ako at kahit na kabado ay humakbang ako at mabilis ang kilos na tinawid ang pagitan namin ng lalaking kausap ko sa kanina. Nakasakay na siya sa sasakyan niya at mukhang handa nang umalis pero pilit na hinabol ko siya at basta na lang na binuksan ang pinto sa harapan at walang paalam na tinabihan siya sa harapan ng sasakyan! Halos mapapikit ako nang tuluyang maisarado ko ang pinto ng sasakyan ng lalaki. Pakiramdam ko ay safe na safe na ako dahil hindi ako magagawang lapitan ni Colt dahil may kasama ako. Hindi ko alam kung ilang sandali akong nanatiling nakapikit habang dinadama ang unti-unting pagbalik sa normal ng kabog ng dibdib ko. Nang idilat ko ang mga mata ko ay mga mata ng lalaking kausap ko kanina ang agad na bumungad sa akin. Bakas na bakas na naman sa mga mata niya ang pag seryoso habang nakatitig sa akin. Handa na sana akong magpaliwanag sa kanya kung bakit basta na lang akong sumakay sa sasakyan niya pero nauna na siyang magsalita. “Do you have this peculiar habit of getting in and out of any man’s car?” kunot ang noo at seryosong paratang niya sa akin. Umawang ang bibig ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Katulad kaninang unang nakita ko siya ay hindi na naman siya nakangiti at seryosong-seryoso na naman ang ekspresyon sa mukha. He looks intimidating again and it’s really hard to tell what’s on his mind! “What–” Umiling siya at agad na nagpaliwanag. “I just saw you getting out of my brother’s car just a while back. Ngayon naman ay sasakay ka sa sasakyan ko na parang walang nangyari sa inyo ng kapatid ko?” tuloy-tuloy na sermon niya na para bang alam na alam niya ang mga nangyari sa amin ng lalaki kanina na nagkataon pa pala na kapatid niya! “I am just saying this out of concern, Miss…” muling sambit niya kaya wala akong nagawa kundi ang harapin siya at pakinggan kung anong sasabihin niya. “We have a younger sister who is probably your age or you’re even way younger than her,” pagpapatuloy niya at mukhang walang balak na magpapigil sa ginagawang panenermon sa akin. Kulang na lang ay umikot ang mga mata ko. It is clear that he is scolding me for something he wasn’t even sure of! “You think what would I do if I see my sister getting out of a bastard’s car? Kung may kuya ka, you would understand why I am scolding you right now…” tuloy-tuloy na sermon niya kaya wala akong nagawa kundi ang mapamaang sa mukha niya! How dare he act like a brother to me! Hindi naman kami magkapatid at hindi ko naman gugustuhin na magkaroon ng isa pang kuya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD