Prefer

1514 Words
Hindi ko alam kung ano ang una kong dapat na maramdaman sa kasalukuyang sitwasyon na kinakaharap ko. Kanina lang ay kabang-kaba ako at halos manginig ang buong katawan sa takot habang palabas ako sa Cocktailify restaurant dahil sa ginagawang paghabol sa akin ng ex-boyfriend kong si Colt. Hindi ko akalain na mas may masaklap pa pala na pangyayari na dapat kong harapin dahil sa pagiging padalos-dalos na desisyon ko. Sa tindi ng kabang nararamdaman ko kanina ay hindi ko na nagawang mag-isip pa ng maayos. Sa kagustuhan kong tuluyang matakasan ang ex-boyfriend kong si Colt ay basta-basta na lang akong pumasok sa sasakyan ng kung sino. Ni hindi ko naisip ang posibleng consequences ng gagawin ko. Ang mahalaga lang sa akin kanina ay ang makatakas ako kay Colt. Hindi ko naman akalain na mapupunta ako sa isang sitwasyon na kagaya nito. “Get the hell out before I drag you out myself!” Iritadong-iritado ang boses ng lalaking may-ari ng sasakyan kung saan ako basta na lang na pumasok kanina para lang makapag tago kay Colt. Hindi ko lubos akalain na may kung ano silang ginagawa sa loob ng sasakyan kaya mukhang nakalimutan na nilang i-lock ang pinto. “Didn’t you hear me?!” Mas iritadong bulalas ng lalaki nang katukin ang bintana sa backseat kung saan ako nakaupo ngayon. Bumuntonghininga ang babaeng kasama nito na kasalukuyang nakaupo pa rin sa harapan ng sasakyan. Nilingon niya ako at maarteng inikutan ng mga mata matapos niya akong suriin ng tingin mula ulo hanggang paa. “Can’t you wait for your turn?” nakataas ang kilay at mataray na sambit nito kaya napakurap ako dahil hindi ko naintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. “Come again?” kunot ang noo at nalilitong tanong ko pero sa halip na sagutin ako ay muling inikutan niya ako ng mga mata at mataray na nagmura bago inayos ang sarili at tuloy-tuloy ang ginawang pagbaba sa sasakyan. Kitang-kita ko pa ang ginawang paghabol ng lalaki sa babae pero hinawi lang ng babae ang kamay ng lalaki at saka tuloy-tuloy na iniwan. Napasinghap ako nang makitang muling binalingan ng lalaki ang sasakyan nito matapos guluhin ang buhok at malalaki ang mga hakbang na lumapit sa gilid ng sasakyan nito at muling kinatok ang bintana dito sa backseat. “Hindi ka ba bababa d’yan para kausapin ako?!” muling bulalas nito matapos katukin nang paulit-ulit ang bintana ng sasakyan nito. Kagat ang ibabang labi na binuksan ko ang pinto at saka bumaba sa sasakyan niya. Kitang-kita ko ang panlilisik ng medyo singkit na mga mata ng lalaki habang nakatingin sa akin nang tuluyang nakababa ako sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung bakit pamilyar ang mukha niya sa akin. Parang hindi ito ang unang beses na nakita ko siya pero wala akong oras na alalahanin pa iyon dahil kailangan ko nang harapin ang galit niya. “Can you fūcking tell me who you are and what the hell are you doing in my car?” muling tanong niya ilang sandali matapos akong suriin ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya ilang sandaling hindi ako nakapag react sa sinabi niya. Kung hindi pa siya nagmura ulit ay hindi pa ako matatauhan. “I’m sorry–” “Did I reject you or something in the past?” narinig kong tanong ng lalaki habang mukhang naguguluhan na nakatingin sa akin. Napasinghap ako at agad na umiling. “No. Hindi gano’n–” “Then what? Why are you here and even tried to interfere with my business? Hindi ako pumapatol sa mga bata. Nagbago na ako. Kahit na anong gawin mo ay hindi kita papatulan. Even if you voluntarily strip in front of me, I won’t budge,” arogante at mukhang kampanteng-kampante ito sa sinasabi kaya mas lalo akong napamaang sa mukha nito. Oo nga at gwapo ito pero hindi naman ako interesado sa mga gwapo. At hindi ako ang tipo na magpapapansin sa lalaki para lang magka gusto ito sa akin. “Anyway, what you did to me isn’t really right, Miss. Hindi ka na dapat pa na umulit kung ganito ang style mo para makuha ang gusto mo. I can’t let you interfere with my business again. Irereport kita–” “No!” mariing pigil ko sa sinasabi niya. Kunot ang noong napatingin siya sa akin nang pigilan ko ang gagawin sana niyang pagtawag sa kung sino para i-report ang ginawa ko. I can’t let myself get in any trouble especially now that our final exams are coming! “Please… let’s just settle it on our own. Hindi ko talaga sinasadya. I’m really sorry. I won’t do it again,” tuloy-tuloy na pakiusap ko. Kung kinakailangan na lumuhod pa ako sa harapan niya para lang ‘wag na niyang palakihin ang gulong ito ay gagawin ko. Nanliliit ang mga matang tinitigan niya ako at tinaasan ng kilay. Mas lalo ko lang naisip na nakita ko na siya sa kung saan nang muling mapatitig sa mukha niya. “And how the hell are you going to settle this huh? It’s not like I can let you take advantage of my body. Baka mamaya ay pikutin mo pa ako pagkatapos mo akong matikman. Mahirap pa naman akong kalimutan–” Mabilis na umiling ako. Nawiwirduhan ako sa kung anong sinasabi niya pero dahil may atraso ako sa kanya ay kailangan kong pakitunguhan siya ng maayos. “You can ask me for anything except for… that…” sambit ko na halos hindi masabi ang salitang iyon. Mas lalong tumaas ang kilay niya at nakapamewang na hinarap ako. “Anything?” tanong niya. Napalunok ako at mabilis na tumango kahit na kabado sa kung anong hihilingin niya. “Yes. Anything…” mahinang sagot ko. Ngumisi siya sa akin. “Jace!” May sumigaw sa likuran ko kaya halos sabay kaming napalingon doon. Halos umawang ang bibig ko nang mamukhaan ang lalaking ngayon ay palapit na sa gawi namin! Oh, God! What the hell is that guy doing here again?! Mabilis ang ginawa kong pagtalikod sa gawi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit palagi kaming nagtatagpo ng lalaking kanina lang ay laman ng isip ko dahil sa ginawa kong hindi pagpansin sa pakiusap niya nang nasa escalator kami sa arcade. Kung hindi pa nagmura ang lalaking kausap ko ay hindi pa matatapos ang pag-iisip ko. Kunot ang noong napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang magkabilang braso ko. “You said you want to settle this, right?” mabilis na tanong niya sa akin kaya sunod-sunod na tumango ako kahit na wala akong ideya kung ano ang balak niyang hilingin sa akin. “Oo–” “Then I want you to lure that guy…” mabilis na utos nito habang nakatingin sa likuran ko. Nang muling lumingon ako sa likuran ko ay naglalakad pa rin palapit sa gawi namin ang lalaki sa arcade kaya mabilis na binaling ko ulit sa lalaking kausap ko ang tingin. “You mean… that guy?” naninigurong tanong ko. Tumango siya ng sunod-sunod. “Yes! Lure him. Gawin mo lahat para lang hindi niya ako sundan. Are we clear?” mariing utos nito. Umawang ang bibig ko at litong-lito sa inuutos niya sa akin. “Pero–” “No more buts! Ikaw ang may atraso dito kaya dapat ay gawin mo ang gusto ko,” mariing sambit niya. Napalunok ako at wala sa sariling pumayag sa gusto nito. “H-how can I lure him? Anong gusto mong gawin ko–” “Anything! Just do anything to stop him from chasing me!” mabilis na sagot niya at saka humigpit ang kapit sa magkabilang braso ko. “Kapag inabutan niya ako ay irereport talaga kita!” mariing pananakot pa niya sa akin bago nagmura ng mariin nang muling tawagin ng lalaking mukhang tinataguan nito! “Nothing is fūcking going my way today! Fūck it!” mariing mura ng kausap ko bago niya ako binitawan at mabilis ang kilos na sumakay sa sasakyan niya. Napasinghap ako habang pinapanood siyang mabilis na pinapaharurot ang sasakyan dahil palapit na nang palapit ang lalaki na nasa arcade kanina! “This bastard!” narinig kong bulalas ng lalaki sa arcade at nakita ko ang ginawa niyang pag pindot sa key fob para sundan ang lalaking kausap ko kanina! “Kapag inabutan niya ako ay irereport talaga kita!” Parang tukso na bumalik sa isip ko ang bilin ng lalaki sa akin kaya hindi ko na nagawang mag-isip pa. Kahit na nahihiya ako at nag-aalangan na lapitan ang lalaki sa arcade ay humakbang ako palapit sa kanya matapos kuhanin ang atensyon niya. Bahala na nga! “Hi! Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ko nang tuluyang makalapit sa kanya. Kunot na kunot ang noo niya habang titig na titig sa akin. Sa itsura niya ay mukhang nakikilala naman niya ako pero mukhang mainit talaga ang ulo niya sa lalaking tumakas sa kanya kaya hindi siya nakangiti ngayon! Oh, God! I suddenly prefer seeing him smiling at me rather than looking so serious and intimidating like he is right now!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD