What the hell is going to happen now? Punong-puno ng pag-aalala ang isip ko habang nakasakay ako sa sasakyan ng estrangherong lalaki na nag magandang loob na maghatid sa akin sa bahay nila Tita Larra. Kung alam ko lang na balak akong palayasin ni Tita sa bahay nila ngayong gabi ay hindi na sana ako nagpahatid pa sa kanya. Hiyang-hiya ako pero hindi ko magawang isalba ang pride ko dahil alam kong wala ako sa lugar para tumanggi sa tulong na inaalok niya. Kahit ang umiyak ay hindi ko maisip na gawin. Pakiramdam ko ay kung iiyak pa ako sa harapan ng lalaking kasama ko ay mas lalo lang akong mapapahiya. Wala na nga akong pride dahil nakisakay ako sa sasakyan niya dahil sa takot ko sa ex-boyfriend ko at nagpahatid sa bahay nila Tita para lang mapalayas dahil nahuli ako ng dalawang oras sa din