Tahimik na nakasunod lang ako sa lalaking tumulong sa akin habang binubuksan niya ang unit niya. Napapatitig ako sa likuran niya habang nilalagay niya ang daliri niya sa biometrics. He is really tall and his shoulders are wide. Kahit na nakatalikod siya ay halatang gwapo! Napasinghap pa tuloy ako at nahigit ang hininga nang bigla siyang lumingon sa akin! Sa kakatitig ko sa likuran niya at sa kung anu-anong pumapasok sa isip ko ay muntik niya pa akong mahuli na naninitig sa kanya! Napalunok ako nang umangat ang tingin niya sa likuran ko at saka binalingan din ang unit na katabi ng unit niya. “VIP 006 and 007 are my brother’s suits,” maya-maya ay sambit niya. Mas lalo akong napasinghap. Kulang na lang ay umawang ang bibig ko. Tama ba ang narinig ko? Ang dalawang unit dito sa VIP floor ay p