Pormahan

1714 Words
Final examination week na para sa second semester ng second year kaya sa tuwing may bakanteng oras ako sa school ay wala akong ginawa kundi ang mag-advance review. Hanggang ngayon kasi ay wala pa akong natatanggap na tawag mula sa kaibigan kong si Blessie kung kailan ako pwedeng mag walk-in sa Cocktailify para mag-apply ng trabaho. Bago kami maghiwalay noong nakaraan sa restaurant ay sinabihan niya ako na ihanda ang mga basic requirements na kakailanganin ko sa pag-aapply sa trabaho kaya iyon na muna ang inasikaso ko habang naghihintay sa go signal ni Blessie. “Ano na naman ‘yan, Lady? Nag-aadvance review ka na naman? Tara sa arcade! Wala naman tayong klase ng dalawang oras. Ipahinga mo rin ang utak mo. Sige ka, kapag nag-overlap pa ang mga nireview mo ay baka ma-mental block ka pa sa exams tapos ay bumagsak ka pa sa halip na pumasa!” Tuloy-tuloy na pananakot ng kaklase at kaibigan kong si Wela. Sa totoo lang ay medyo sumasakit na nga ang mga mata ko sa kakabasa at kaka-review dahil kulang rin ang tulog ko kagabi dahil ginising ako ni Tita Larra para ipagtimpla siya ng gatas dahil hindi raw siya makatulog. Pasado alas dose na iyon ng hating gabi at halos kakatulog ko lang nang abalahin niya ang tulog ko. At nang matapos ko siyang ipagtimpla ng gatas ay akala ko ay makakabalik na ako sa pagtulog pero pinaghintay niya pa ako sa labas ng kwarto niya ng ilang oras para hintayin at ibaba ang ginamit niyang tasa dahil ayaw daw niya na may kalat sa kwarto niya. Inabot yata ako ng alas dos ng madaling araw bago nakabalik sa kwarto para ipagpatuloy ang naudlot na pagtulog. Ilang oras lang ay kailangan ko na ulit na gumising para tumulong sa paghahanda ng agahan. Kaya kahit na alas nuebe pa ng umaga ang pasok ko ay gumising pa rin ako ng maaga para lang walang masabi si Tita Larra na pinapabayaan ko na ang obligasyon ko sa bahay nila dahil sa pag-aaral ko. Sa totoo lang ay nakakapagod na ang gano’n na routine sa araw-araw pero wala naman akong choice dahil kahit na pilitin ko ay hindi ko pa talaga kayang umalis sa poder nila. Hirap na hirap na akong suportahan ang pag-aaral ko kaya kung aalis pa ako sa bahay nila Tita ay madadagdagan pa ang aalalahanin ko katulad ng upa sa bahay at pagkain sa araw-araw. Kung hindi lang ako nag-aaral ay kayang-kaya kong umalis sa poder nila. Pero dahil nag-aaral pa ako ay kailangan kong magtiis na muna. Just for the meantime. Kapag nakatapos ako sa pag-aaral ay kahit wala pa si Kuya Larwin ay aalis na ako sa poder nila Tita. “Ano na, Lady? Ayaw mo talagang sumama sa amin sa arcade? Manonood lang tayo ng mga naglalaro at mag memerienda doon…” patuloy na pangungumbinsi ni Wela kaya tumango na ako at agad na niligpit ang mga gamit ko para sumama sa kanya. “Kumain tayo sa restaurant mamaya Lady…” narinig kong sambit ni Wela habang naglalakad na kami palabas sa school. Nilingon ko kaagad siya at agad na tinanggihan. “Hindi ako pwede mamaya, Wela—” “Hindi naman kita pagbabayarin, Lady. Treat ko ‘yon sa’yo. Ngayon lang naman. Alam ko naman na ayaw mo nang nagpapalibre pero gusto kong i-treat ka kahit minsan lang. Please don’t turn me down this time…” mabilis na pigil niya sa pagtanggi na gagawin ko. Madalas kasi siyang magyaya na lumabas pero ako ang kusang tumatanggi dahil alam kong kahit hindi ako magsabi ay ililibre niya ako dahil alam niyang limitado lang ang pera ko. Wela’s parents are actually one of our investors in Rosswin Realty. Kung tutuusin ay hamak na mas mayaman ang pamilya namin sa pamilya nila pero ngayon ay ibang-iba na ang sitwasyon. Kahit na hindi nagtatanong si Wela ay alam kong naiintindihan niya ang sitwasyon ko at baka nga naaawa siya sa sinapit ko simula noong namatay si Daddy at nawala sa amin ni Kuya Larwin ang possession sa kumpanya. “I’m sorry, Wela but—” “You don’t consider me as someone you can rely on, do you?” Mabilis na pigil niya sa gagawin kong pagtanggi sa alok niya. Napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako at sinalubong ang seryoso niyang tingin sa akin. Napasinghap ako nang makita ang kakaibang titig niya sa akin. “Wela, hindi naman sa gano’n—” “Then how do you explain those rejections, Lady? Kahit sumabay sa akin sa pag-uwi para hindi ka na mag commute ay tinatanggihan mo,” tuloy-tuloy na sambit niya na halatang-halata ang pagtatampo sa mukha. Bigla tuloy akong na-guilty dahil sinadya ko talagang iwasan ang mga dati kong kaibigan lalo na ang mga ka-level ng buhay namin noon. Bago pa nila ako iwasan ay ako na ang umiwas sa kanilang lahat. At sa kanilang lahat ay si Wela lang ang natira dahil kahit anong iwas ko sa kanya ay hindi siya lumalayo sa akin. Iniisip ko noong una na magsasawa rin siya habang tumatagal at nadadamay siya at madalas na napapaaway dahil sa kakatanggol sa mga nanghuhusga sa akin at sa pamilya ko. But she never leaves my side. Hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin kami at hanggang ngayon ay wala pa akong naririnig na kahit na ano sa kanya katulad ng pag-uusisa sa mga nangyari sa akin at sa pamilya ko. “Nevermind, Lady. I just thought that you are also treating me as friend. Nagkamali pala ako…” narinig kong sambit ni Wela at kitang-kita ko ang paglamlam ng mga mata niya nang humakbang palayo sa akin. Mariing pumikit ako bago nagawang humakbang para sundan siya. “Wela, it’s not really what you are thinking,” mabilis na paliwanag ko pero hindi man lang siya tumigil sa paglalakad para pakinggan ang sinasabi ko. Hindi ako tumigil sa kakasunod sa kanya dahil pakiramdam ko ay hindi ako matatahimik kung sakaling hindi kami magkakaayos ngayon. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa paglalakad. “Wela, please…” marahang pakiusap ko. Mabuti na lang at tumigil naman siya sa paglalakad pero nanatili lang na nasa harapan ang tingin. Napalunok ako at agad na humakbang sa harapan niya para tuluyang magkaharap kaming dalawa. “I’m sorry for not relying on you like I used to, Wela,” simula ko at saka bumaba ang tingin sa kamay ko na nakahawak sa braso niya. Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya dahil sobra akong naguguilty sa mga iniisip ko sa kanya. Sa totoo lang ay halos lahat ng mga kaibigan ko noon ay tinalikuran ako noong nalaman ang nangyari kay Daddy. Ngayon na wala na silang mapapala sa pakikipagkaibigan sa akin ay tinalikuran na nila ako at itinuturing na hindi kakilala. Kahit ang sulyapan ako kapag nagkakasalubong kami dito sa school ay hindi nila magawa. Samantalang dati ay malayo pa lang ako ay bumabati na sila sa akin. Sobrang laki ng pinagbago ng pakikitungo nila sa akin matapos ang nangyari sa pamilya ko. Kaya ayaw ko nang mag-expect na may matitira pa sa kanila. Kaya kahit na ang intensyon ni Wela ay pinagdudahan ko rin at sobrang naguguilty ako dahil doon. “We are friends, Wela. I’m really sorry for doubting your intention…” mahinang pagpapatuloy ko at mas lalong napayuko. Narinig kong bumutonghininga siya at saka humawak sa kamay ko na nakahawak sa braso niya. “Kung iniisip mo na ang yaman at impluwensya ng pamilya n’yo noon ang dahilan kaya ako nakipagkaibigan sa’yo ay nagkakamali ka, Lady…” paliwanag niya. Napalunok ako at hindi nakapagsalita. “If that was my intention, I shouldn’t have wasted my time hanging around with you until now,” pagpapatuloy niya kaya napasinghap ako at nag-angat ng tingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin at saka pinisil ang kamay ko. “Kaya please lang, Lady. Kung kailangan mo ng tulong ay magsabi ka naman sa akin. Magkaibigan tayo kahit na ano pa ang mangyari…” pagpapatuloy niya. Ngumiti ako at saka tumango sa kanya. Hinila niya ang kamay ko at agad na kinawayan ang driver nila na naghihintay na sa labas ng school. “So, papayag ka nang i-treat kita mamaya sa Cocktailify?” Ngiting-ngiti na sambit ni Wela habang hinihintay namin ang paglapit ng sasakyan nila. Umawang ang bibig ko at agad na natigilan nang narinig ang pangalan ng restaurant na binanggit niya. “Ahm—” “Ah basta! Kahit na ayaw mo ay isasama pa rin kita! Don’t worry, hindi naman talaga ako ang manlilibre sa’yo!” Bulalas niya at saka hinila na ako pasakay sa likuran ng van nila. “Sa arcade po,” narinig kong bilin niya sa driver nila nang makapasok na kami sa loob ng sasakyan. “What do you mean, Wela? Kung hindi ikaw ang manlilibre sa akin ay sino?” Hindi ko na napigilang usisa nang umandar na ang sasakyan papunta sa arcade. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at saka natatawang sumagot. “Ang Kuya Wyatt ko!” Bulalas niya at saka pinisil ang magkabilang palad ko. “Sorry, Lady! Aamin na ako sa’yo!” Natatawang bulalas niya kaya maang na napatingin ako at natigilan habang pinapakinggan ang sinasabi niya. “May kailangan kasi ako kay Kuya Wyatt at sasabihin ko ‘yon sa kanya mamaya kaya isasama kita para hindi siya makatanggi sa akin!” Tuluyang napasinghap ako nang marinig ang sinabi niya. Ang alam ko ay may gusto sa akin ang Kuya Wyatt niya pero dahil tinatakot ng Kuya Larwin ko ay hindi na ulit pumorma pa. Hindi ko akalain na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang tingin ng kuya niya sa akin. Pero kahit na gano’n ay hindi pa rin tama na isama ako ni Wela para lang mapapayag ang kuya niya sa kung anong hihilingin niya dito. “Pero, Wela—” Mabilis na umiling siya nang makita ang naging reaksyon ko. “Don’t worry, Lady. Hindi ko naman hahayaan na pormahan ka ulit ni Kuya. Trust me, okay?” Paninigurado niya pa kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa sinasabi niya. Isa pa ay wala rin namang mapapala ang kuya niya kung popormahan man niya ako dahil wala akong interest na makipaglapit sa kahit na sinong lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD