Turn Off

1664 Words
Dahil isang sikat at high end na bar ang Cocktailify ay hindi nga gano’n kadali na makapasok ng trabaho kahit na part timers lang. May trusted employment agency sila kung saan iyon ang nagpoprocess ng mga application ng mga empleyado. Bukod pa doon ay mataas ang qualification sa Cocktailify lalong-lalo na sa restaurant nila. Hindi pa ako graduate sa course ko na Hotel and Restaurant Management kaya imposible rin sana na makuha ako sa restaurant. Nasa ikalawang taon pa lang ako sa college kaya kahit na waitress ay hindi ako pasado sa qualifications nila kung sakaling nag-apply ako. “Paano ‘yan, Blessie? Kung may employment agency na sila ay dapat ba na doon ako dumiretso kung gusto kong mag-apply?” kunot ang noong tanong ko nang makalabas kami sa restaurant at makaupo sa waiting shed kung saan kami mag-aabang ng bus pauwi. “Pwede ka namang mag walk-in lang,” sagot niya at saka hinila ako sa gawi kung saan mas konti ang tao para makapag-usap kami ng maayos. “Walk-in? Pwedeng mag walk-in sa kanila?” kunot ang noong usisa ko. Naisip ko na bihira naman kasi ang gano’n. Sa tagal ko nang nag-aapply ng trabaho sa kung saan-saan ay pamilyar na ako sa kalakaran ng ibang kumpanya. Kapag may trusted employment agency na ang mga ito ay hindi na sila tumatanggap ng mga walk-in applicants. At kapag naman direct kang mag-aapply ng trabaho sa kumpanya nila ay mas maganda ang magiging benefits ng mga empleyado. “Oo naman, Lady! Walk-in applicant rin naman ako noong nag-apply sa restaurant nila. Iyon nga lang, may backer kasi ako,” nakangising sagot niya. Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. Ang sabi niya sa akin kanina ay hindi pwede ang palakasan sa Cocktailify kaya hindi pwede ang mga recommendations. “Akala ko ba ay bawal–” Bumungisngis siya at saka ngiting-ngiti na tiningnan ako bago nagpaliwanag kung paanong nangyari na nakapasok siya sa restaurant ng Cocktailify. “Ganito kasi ‘yon…” simula niya at saka nagpatuloy sa pagkukwento sa akin kung paano siya nakapag simula na magtrabaho sa restaurant. “May naging ka-close kasi ako na VIP customer sa dating restaurant na pinapasukan ko,” kwento niya. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya at hindi nag react hangga’t hindi natatapos ang kwento niya. “Eh nagkataon na VIP at regular customer siya sa Cocktailify. Kaya sinwerte ako at nakapasok dahil sa kanya,” nakangising sambit niya. Napapahawak pa siya sa mukha na parang kilig na kilig habang inaalala ang tungkol sa pangyayaring iyon. “Paano ‘yan? Wala naman akong kakilala na pwedeng tumulong sa akin na makapasok doon?” komento ko. Tsaka lang siya tumigil sa kakangisi at muling hinarap ako. Ilang sandaling tumitig siya sa akin bago unti-unting namilog ang mga mata. “Eh yung kausap mo kanina na lalaki?” nakataas ang kilay na tanong niya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya. “Huh?” nalilitong tanong ko. Naglapat ang mga labi niya. “Yung kausap mo kanina sa restaurant! VIP customers ang mga ‘yon sa Cocktailify bar. Pati sa restaurant ay madalas na doon nila dinadala ang mga kliyente nila,” tuloy-tuloy na sambit niya. Nang sa wakas ay nakuha ko kung sino ang tinutukoy niya ay sunod-sunod na umiling ako. “Hindi ko kilala ‘yon, Blessie. Ngayon ko nga lang nakita ang lalaking ‘yon. Aksidenteng nabangga niya lang ako kaya saglit kaming nakapag-usap,” tuloy-tuloy na paliwanag ko. Hindi ko akalain na akala niya na kilala ko ang mga lalaking ‘yon kaya pala hinayaan niya lang ako na makipag-usap kanina at hindi na nag-usisa. “Talaga? Sayang naman, Lady. Akala ko pa naman kakilala mo. Isang sabi lang no’n sa manager ay pasok ka na kaagad at hindi mo na kailangan na dumaan sa mahabang proseso ng pag-aapply…” paliwanag niya. Umiling ako. Ayaw ko rin naman na magkaroon ng backer kung sakali. Baka mamaya ay kung ano pa ang hilingin ng lalaking ‘yon sa akin. Sa itsura pa lang ng lalaking ‘yon ay mukhang hindi na mapagkakatiwalaan pagdating sa mga babae. Gusto kong makapasok agad sa trabaho pero hindi sa ganoong paraan. Dangal na lang ang natitira sa akin sa ngayon at iyon na lang ang maipagmamalaki ko. Hindi ko hahayaan na mawala pa ‘yon dahil lang kailangang-kailangan kong makapasok sa trabaho. “Dadaan na lang ako sa tamang proseso, Blessie. Alam mo naman na ayaw kong mainvolve sa kahit na sinong lalaki…” sambit ko. Nakakaintindi na tumango naman siya at nagsabi sa akin na tatawagan na lang niya ako para sa mga qualifications na kailangan para makapasok sa bar ng Cocktailify. Plano sana namin ng kaibigan kong si Blessie na dayain ang educational attainment ko para makapasok ako bilang part-time waitress sa bar ng Cocktailify. At least two years in college kasi ang kailangan at kasalukuyan pa lang akong nag-aaral ng second year kaya hindi pa ako nakaka dalawang taon sa kolehiyo. Isa pa ay masyado pa akong bata. Pero ang sabi ni Blessie ay hindi naman daw magiging problema ang edad ko dahil hindi na ako minor at hindi naman talaga ako mukhang batang-bata pa kaya hindi ko daw magiging problema ang edad ko. “Sabihin mo na lang na college undergrad ka. At kapag tinanong kung may experience ka sa bartending, sabihin mo ay meron dahil related sa course mo…” tuloy-tuloy na bilin ni Blessie sa akin nang mag-lunch break sa eskwela at pinuntahan ko siya dito sa Cocktailify restaurant para makausap tungkol sa gagawin kong pag-aapply ng trabaho. Ngayong linggo na magsisimula ang exams namin kaya malapit na ring magsimula ang sembreak. Kailangan ko nang makapag-apply para pag nagsimula ang sembreak ay may trabaho na ako. “May skills naman ako kahit papaano sa bartending,” nakangiting sambit ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya at saka tumango ng sunod-sunod. “Maganda ‘yan, Lady. Kapag sinwerte kang makapasok sa bar ay pwede kang um-extra at maging barmaid doon. Mas malaki ang kita at may oras lang ang shift. Hindi ka mapupuyat ng sobra kaya pwede mong isabay sa pag-aaral mo,” paliwanag niya. Napasinghap ako at agad na na-excite sa sinabi niya. Kung gano’n ay mas maganda pala kung magiging regular ang pasok ko sa bar ng Cocktailify. Kung totoo ang sinabi ni Blessie na may oras lang ang shift sa gabi ay pwedeng-pwede kong pasukan ‘yon dahil hindi na gano’n kaaga ang pasok sa third year dahil hindi na gano’n karami ang major subjects. “Talaga, Blessie? Sana nga ay makapasok ako doon…” nakangiting sambit ko. Ilang sandali pa kaming nag-usap doon dahil naka-break rin si Blessie. Maya-maya ay may dumating na grupo ng mga lalaki. Pare-parehong nakasuot ng suit ang mga ito at halatang mga regular na sa restaurant dahil agad na nilapitan at inasikaso ng mga staff. “Sandali lang, Lady. Kumain ka lang d’yan. May kakausapin lang ako…” Nawala ang tingin ko sa grupo ng mga lalaki na pumasok nang magpaalam si Blessie sa akin. Tumango lang ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain. “Fūck, Jared… You know that I cannot just eat anywhere…” Kung hindi ko pa narinig ang pamilyar na pangalan na binanggit ng isa sa mga lalaking kakapasok lang sa restaurant ay hindi pa ako mapapatingin sa gawi ng table nila. I roamed my eyes around their table and immediately found that familiar face. Bumagal ang pag nguya ko nang mamukhaan ang lalaking nakausap ko noong nakaraang pumunta ako dito sa restaurant ng Cocktailify. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko nang maalala ang pagkahulog ng key fob niya sa dibdib ko. Nang ibalik ko ang tingin sa gawi ng table nila ay nakangiti siya sa mga lalaking kaharap sa table. Ilang beses na napakurap ako dahil nanibago ako na makita siyang nakangiti ngayon. Mabilis na inalis ko ang tingin sa gawi ng table nila nang makita kong lumapit si Blessie doon at kinausap ang isang lalaki na nakaupo sa tapat ng lalaking nakahulog ng key fob sa dibdib ko. Ipinagpatuloy ko ang pagkain pero dahil maingay sa table nila ay hindi ko maiwasan na mapasulyap doon. At sa tuwing susulyap ako doon ay automatic na nahahagip ng tingin ko ang lalaking nakabangga ko. Gwapo naman lahat ang mga kasama niya sa table pero ibang-iba ang charm niya kaya sa kanya talaga napupunta ang tingin ko. Kapag ngumingiti ay lumilitaw ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin. Gwapo na siya kapag hindi nakangiti pero dahil mukhang palangiti at mukhang mabait siya ay mas lalong lumalakas ang dating. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang posibilidad na baka dahil sa pagiging palangiti niya ay maraming babae ang lumalapit at kumakausap. I can already imagine how stressful that would be for his girlfriend! Panigurado na hindi madali ang magkaroon ng boyfriend na ganyan ka-gwapo at mukhang mabait. Baka araw-araw ka lang mag-iisip ng masama dahil hindi mo maiiwasan na magselos sa mga ngingitian at kakausapin niya. Sa kakalingon at kaka sulyap ko sa gawi ng table nila ay isang beses na nasalubong niya ang tingin ko. Muntik pa akong masamid dahil nalunok ko kaagad ang kinakain ko kahit na hindi ko pa natatapos na nguyain ng mabuti! Mabilis ang ginawa kong pagkuha sa baso ng tubig sa tabi ko at agad na uminom. Bumuntonghininga ako matapos makainom. Sa muling pagsulyap ko sa gawi ng table ng mga lalaking ‘yon ay nasalubong ko ulit ang tingin ng lalaking nakabangga ko. “W-what the hell?” kabadong bulong ko at agad na napalunok nang mapansin ang titig niya. Hindi ko alam kung natatandaan niya ba ako kaya siya nakatingin sa akin. Ilang sandali pa ay unti-unti siyang ngumiti sa akin kaya napasinghap ako at hindi makapaniwala na nag-iwas ng tingin sa gawi niya. Ano ba ‘yan?! Kahit na hindi naman kami magkakilala ay nginingitian ako! Nakaka-turn off para sa girlfriend niya huh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD