Pagdating sa arcade ay hindi ko inaasahan na madaratnan namin doon ang mga dati kong kaibigan. Mukhang kahit sila ay nagulat nang makita ako kaya hindi ko tuloy alam kung paanong kikilos dahil nasa paligid lang sila.
Kung sabagay ay ngayon na lang naman ulit ako pumunta dito. I almost forgot that this place is where me and my elite friends used to hang out. Sa tagal kong hindi pumunta dito ay muntik ko nang makalimutan ang tungkol doon.
“I’m sorry, Lady,” narinig kong paumanhin ni Wela nang makita siguro na natigilan ako nang makita ang mga dati kong kaibigan. Humakbang siya palapit sa akin bago nagpatuloy sa pagsasalita. “If you aren’t comfortable, we can go somewhere else—”
Mabilis na umiling ako at pinigilan siya sa pagsasalita. “It’s okay, Wela. It’s not like I can’t come here whenever they are around,” sambit ko at saka nginitian siya pero miling kaagad si Wela at hinawakan ang braso ko at hinila palayo sa grupo ng mga dati kong kaibigan. Kumunot ang noo ko at nagtatakang napatingin sa kanya. “Are we really leaving? Wela, okay lang naman sa akin kung—”
“We are not leaving yet. Ano ka ba? Nandito na tayo ay aalis pa ba tayo? Sayang ang oras,” mabilis na pigil niya sa sinasabi ko at tuloy-tuloy na hinila ako palapit sa escalator. Sumakay kami doon kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan na lang siya sa gusto niyang gawin.
Habang nasa escalator kami papunta sa taas ng arcade ay wala sa sariling iginala ko ang tingin sa paligid. It’s been really a while. Hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling pumunta dito at nagpakasaya sa kakalaro ng kung anu-anong arcade games kasama ang mga kaibigan ko.
Well, those were the good days. Ngayon ay halos hindi na nila ako kilala.
“Dito na lang tayo kasi hindi naman sila tumatambay dito sa itaas,” narinig kong sambit ni Wela nang nasa taas na kami ng arcade. Karamihan sa mga games dito sa itaas ay computer games pero meron ding basketball arcade machine na siyang madalas na puntahan namin ni Kuya Larwin kapag sumasama siya sa akin dito.
Nang maalala ko si Kuya ay wala sa sariling napatingin tuloy ako sa gawi ng machine at agad na natigilan nang makita ang isang pamilyar na mukha doon.
Hindi ko alam kung dahil ba malapit lang ang school namin at ang arcade na ito sa Cocktailify kung saan ko siya unang nakita kaya ko siya parating nakikita pero hindi ko nagugustuhan ang parati naming pagkikita ng hindi inaasahan.
Why the hell is this guy always around?
Kung si Blessie siguro ang kasama ko ngayon dito ay baka isipin na naman niya na kakilala ko ang lalaking nakabangga ko sa Cocktailify noong nakaraang linggo at nakahulog ng key fob sa dibdib ko.
“What’s the matter, Lady?”
Kung hindi pa nagsalita si Wela ay hindi ko pa siguro aalisin ang tingin sa gawi ng basketball machine at sa lalaking nakabangga ko sa Cocktailify restaurant. Siguro ay nasa malapit lang dito ang kumpanya kung saan siya nagtatrabaho kaya napapadalas ang pagkikita namin ng hindi inaasahan.
“Nothing, Wela. Ano bang lalaruin mo dito?” Tanong ko at tuluyang hinarap na siya. Umiling siya at saka tinuro ang bilihan ng mga finger foods sa gilid kaya doon kami pumunta.
She ordered a food platter with sushi and other finger foods. Dala-dala na namin ang mga pagkain nang bumalik kami sa table hindi kalayuan sa basketball machine kaya kitang-kita ko sa pwesto ko ang lalaking nakabangga ko sa Cocktailify.
Ngayon ay may kasama na siyang isang babae na naka-uniform ng pang nursing student. And I am pretty sure that the girl is also from our school!
Napalunok ako at muling inalis ang tingin sa gawi nila nang marinig na nagsalita si Wela. Nagsasalita siya at nagkukwento tungkol sa kung ano pero nahahati ang atensyon ko lalo na sa tuwing maririnig ko ang tawa ng babaeng kasama ng lalaking nakabangga ko sa Cocktailify.
The guy is trying to teach the girl how to shoot a ball! Ngiting-ngiti siya at mukhang enjoy na enjoy sa ginagawang pagtuturo sa babaeng kasama. Hindi tuloy ako makapag concentrate sa kung anong sinasabi ni Wela dahil napapatingin ako sa gawi nila.
They look good together. Are they dating? Well, mukhang mas bata talagang hamak ang babaeng kasama niya sa kanya pero hindi naman imposible na girlfriend niya ‘yon dahil mukhang sobrang close sila.
Well… I am not really against the idea of dating someone who is way younger or older. Siguro ay hindi lang ako sanay na makakita ng gano’n kaya nakakapanibago.
“Lady!”
Muntik pa akong mapahawak sa dibdib dahil sa gulat nang magsalita si Wela. Nang lingunin ko siya ay bahagya pang namimilog ang mga mata ko kaya halos matawa siya nang makita ang reaksyon ko.
“B-bakit?” Tanong ko dahil hindi ko talaga alam kung bakit niya ako tinawag at kung ano ang sinasabi niya sa akin kanina.
God! Why the hell am I spacing out just because a couple is obviously dating in front of me?!
“Tulala ka kasi. Sino bang pinapanood mo?” Natatawang usisa ni Wela at tumingin rin sa gawi ng basketball machine at naabutan ang dalawa na ngayon ay inaalalayan na ng lalaki ang babae na mag shoot ng bola. “Why are you watching them? Miss mo na bang magkaroon ng boyfriend?” Narinig ko pang kantyaw niya sa akin kaya agad na napasimangot ako at inalis ang tingin sa dalawa.
“Di bale na lang, Wela. Men are men. Pare-pareho lang ang mga ‘yan at iisa lang ang habol sa mga babae,” naiiling na sambit ko at ipinagpatuloy ang pagkain. Tumawa siya kaya napatingin ako sa kanya.
“Hindi naman lahat ay katulad ng ex-boyfriend mo, Lady. Tsaka nakaka-isang boyfriend ka pa lang naman ‘di ba? How could you judge men just because your ex-boyfriend did something horrible to you?” Tuloy-tuloy na komento niya at halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko. Bumuntonghininga ako at saka muling tiningnan siya.
“Is it really usual to give yourself to someone just because you two are dating?” Hindi ko na napigilan ang usisain siya tungkol doon. Matapos ang nangyari sa amin ni Colt ay si Blessie pa lang ang nakausap ko tungkol doon kaya hindi ako sigurado kung gano’n ang majority na opinyon ng lahat ng babae na nasa isang relasyon.
“It is really not necessary to do that just because you are together, Lady. Pero kung gusto mong ibigay ang sarili mo sa boyfriend mo ay pwede naman. It is just a matter of choice,” komento niya kaya napatitig ako sa kanya at inisip kung may naging boyfriend na ba siya at kung binigay ba niya ang sarili niya doon.
Mukhang nabasa naman ni Wela ang kung anong nasa isip ko kaya tumawa siya at saka humilig palapit sa akin. “I am not a virgin anymore, Lady. Me and my boyfriend are doing that…” pag-amin niya. Hindi ko inaasahan ang gagawin niyang pag-amin kaya natulala ako sa mukha niya at hindi nakapag react.
“Are you… dating someone right now?” Usisa ko matapos ang ilang sandaling pagkatulala dahil sa sinabi niya. Tumango siya at saka nahihiyang ngumiti sa akin. Napasinghap ako at hindi na nag-usisa pa. The fact that she said that she has a boyfriend is enough. Ayaw ko nang mag-usisa pa tungkol doon. Isa pa ay mukhang masaya naman siya kaya hindi ko na dapat pakialaman ang paniniwala niya sa mga lalaki.
Nang maubos ang kinakain namin ni Wela ay nagyaya na ako sa kanya na bumalik na kami sa school. Pumayag naman siya pero tumunog ang phone niya kaya saglit na nagpaalam sa akin para sagutin iyon. Tumango ako at saka hinintay siya sa tapat ng escalator.
Ilang sandali lang ay may narinig akong mga hikbi ng kung sino kaya nag-angat ako ng tingin at nakitang naglalakad palapit sa escalator ang babaeng kasama ng lalaking nakabangga ko sa Cocktailify. Pinupunasan niya ang pisngi niya habang may kausap sa phone.
“No, Jen. He didn’t say that he has a girlfriend. He just straight up told me that we can’t be together because I’m younger than him…” narinig kong sumbong ng babae sa kausap nito sa kabilang linya. “Dapat ba hindi na lang ako nag-confess sa kuya mo? Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Wala na. I can’t hangout with him na. How can I still hangout with you and go to your house like nothing happened, Jen? Nakakaiyak!”
Marami pang sinabi ang babae sa kausap niya sa phone pero dahil nakasakay na siya sa escalator ay hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi.
Nagkibit balikat ako at hindi na inisip ang tungkol doon lalo na at dumating na si Wela. “Let’s go?” Nakangiting anyaya niya sa akin kaya tumango ako at sabay na kaming sumakay sa escalator. “Basta mamaya ha, Lady? Sa Cocktailify…” paalala pa ni Wela sa akin habang nakasakay kami sa escalator. Tumawa ako ng mahina at saka tumango sa kanya.
“Oo na nga—”
Natigil lang ako sa pagsasalita nang may lalaking nagsalita sa likuran ko. “Excuse me, ladies…” magalang na bati niya kaya napalingon kami ni Wela.
Nahigit ko ang hininga nang mamukhaan ang lalaking nakabangga ko sa Cocktailify. Kumunot pa ang noo niya nang mapatitig sa akin. Hindi ko tuloy alam kung natatandaan niya rin ako base sa naging reaksyon niya.
“Uhm… If you don’t mind, can you please step aside? I am really in a hurry…” magalang na pakiusap niya habang titig na titig sa akin. Hindi tuloy ako agad nakapag react dahil agad na lumipad ang isip ko sa kung bakit siya nagmamadali at kung sino ang hinahabol niya.
Hinahabol niya ba iyong babaeng kasama niya kanina? What for? Sinaktan na niya ang babae dahil ni-reject niya. Kaya bakit niya pa kailangang habulin? It is not like you can actually comfort someone you just hurt!
“Sure!” Narinig kong sagot ni Wela kaya natigil ako sa kung anong iniisip.
Pero dahil hindi ako sang-ayon sa gagawin niyang paghabol sa babaeng sinaktan niya ay hindi ako pumayag na tumabi para makadaan siya. Pang-isahan lang kasi ang escalator at masyado siyang matangkad para magkasya doon kung hindi kami magmamadali ni Wela sa pagbaba.
“Lady, ano ba?” Narinig kong reklamo ni Wela sa akin nang hindi ko pinansin ang pakiusap ng lalaki. Bumuntonghininga siya at nakita kong nahihiyang napatingin sa lalaki sa likuran ko. “I’m sorry. Wala kasi sa mood ang kasama ko…” hinging paumanhin niya pa bago tinaasan ako ng kilay.
Humalakhak ng mahina ang lalaki na para bang balewala lang ang hindi ko pagpansin sa pakiusap niya. “It’s okay. I understand…” marahang sambit nito. Kahit ang boses niya ay sobrang hinahon kaya mas lalo akong napairap. Masyado rin siyang mabango at gustong-gusto ko ang amoy niya. Pilit ko pang iniisip kung saan ko iyon naamoy pero hindi ko kayang alalahanin iyon agad.
Nang tuluyang makababa kami sa escalator ay hindi ko naiwasang lingunin ang lalaki at nakita ko pa ang ginawa niyang marahang pag ngiti sa amin ni Wela bago tuluyang naglakad palabas sa arcade.
How the hell could he still smile genuinely at me after I ignored him? Paraan niya ba ‘yon para makonsensya ako sa ginawa ko?!