Hanggang sa nakasakay na kami ni Wela sa sasakyan nila pabalik sa school ay tuloy-tuloy pa rin ang pag-uusisa niya sa akin tungkol sa hindi ko pagpansin sa lalaking nakiusap na makikiraan kanina sa escalator.
“Did you know that guy, Lady?” Hindi pa rin matapos-tapos ang pag-uusisa niya kaya bumuntonghininga ako at saka umiling sa kanya. “Then why did you do that? Why did you ignore him? Mukha pa namang mabait tsaka… ang gwapo! Mukhang kaedaran lang ni Kuya Wyatt…” tuloy-tuloy na sambit niya. Nagkibit balikat lang ako at hindi nagsalita pero hindi pa rin siya tumigil sa kakausisa kaya napilitan na akong magsalita.
“I mean… you are not the type who would ignore someone like that, Lady. And that guy seems really nice. Iniisip mo bang poporma lang sa’yo kaya hindi mo pinansin?” Pagpapatuloy na pangungulit niya. Umiling ako at saka bumuntonghininga bago nilingon siya at sinagot.
“Hindi naman sa gano’n, Wela. Tama naman ang sinabi mo sa kanya na wala ako sa mood kaya ayaw kong tumabi para makadaan siya,” pagdadahilan ko. Hindi nagsalita si Wela pero nakita kong nakatitig siya sa akin na para bang tinitingnan kung seryoso ba ako sa sinasabi ko. Nang makita kong mukhang hindi pa rin siya kumbinsido ay napilitan na akong sabihin sa kanya ang nakita ko kanina.
Mukhang pinaasa ng lalaking ‘yon ang babaeng kasama niya kanina kaya inisip nito na may gusto din dito ang lalaking ‘yon.
Mukhang gulat na gulat naman si Wela sa sinabi ko kaya hindi siya agad na nakapagsalita.
“I just hate players and I think that guy is one of them,” simpleng paliwanag ko at nagkibit balikat.
Pagkatapos kasi ng breakup namin ni Colt ay nalaman kong bukod sa akin ay may dine-date pa siyang iba. At hindi lang isa kundi tatlo kami na pinagsabay-sabay niya.
Hindi ko alam kung masyado lang akong busy sa pag-aaral at sa trabaho kaya hindi ko nalaman ang mga kalokohan niya. Pero nagpapasalamat pa rin ako na hindi ako tuluyang nahulog sa kanya kaya hindi ko nagawang ibigay ang sarili ko. Kung may nangyari siguro sa amin ay baka hindi lang ako miserable sa paghihiwalay namin kundi miserable rin ako dahil binigay ko ang isang bagay na hindi ko na mababawi kahit na iyakan ko pa nang iyakan.
“Well… that guy is really handsome. Kung totoong babaero nga at pinaasa ang babaeng ka-date niya sa arcade ay wala naman dapat tayong pakialam doon, Lady,” komento niya kaya hindi ko na napigilang lingunin siya at hindi makapaniwala na tiningnan. “Why did you act as if you were his girlfriend and you were jealous because you caught him dating another girl while you were together?” Natatawang dagdag niya pa kaya mas lalong hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kanya. “It’s their lives after all. We shouldn’t really meddle…” pagpapatuloy niya pa. Naiiling na umayos ako ng upo at hindi na nakipag-argumento pa sa kanya.
Hindi tuloy ako natahimik sa buong byahe namin pabalik sa school. Pakiramdam ko ay na konsensya ako sa sinabi ni Wela na dapat ay hindi ako nakialam at pinadaan na lang ang lalaki. Kung balak man niyang habulin ang babaeng kasama niya kanina at i-comfort ay dapat nga na wala na akong pakialam sa kanila. But I still chose to meddle and even tried to stop him from chasing the girl.
Kapag naiisip ko pa ang mukha ng lalaki na ‘yon ay mas lalo akong nakukunsensya. Sobrang amo pa naman ng mukha niya at ang mga mata niya ay parang palaging hindi nagsisinungaling dahil kitang-kita sa mga mata niya ang bawat emosyon na nararamdaman niya.
Muling ipinilig ko ang ulo ko dahil kahit nasa kalagitnaan na ng klase ay naiisip ko pa rin ang lalaking ‘yon at ang ginawa kong hindi pagtabi para makadaan siya.
“Well… he surely has ways to reach her. Kung hindi niya naabutan ang babae kanina dahil lang hindi ko siya pinadaan ay pwede naman niyang tawagan ‘yon o puntahan. Bakit ba iniintindi ko pa ‘yon?” Naiinis na bulong ko habang nakatitig sa notebook ko.
Mas lalo pa akong nainis nang ma-realized na halos matatapos na ang buong klase ay wala man lang akong naintindihan sa naging lecture namin. My mind was really preoccupied by what happened at the arcade that I couldn’t even concentrate on our lessons.
Kaya sa huling klase namin ay sinigurado ko na makikinig na ako at pilit na inalis sa isip ko ang nangyari kanina sa arcade.
Nang matapos ang klase namin ay sabay ulit kami ni Wela na naglakad palabas sa school para pumunta sa restaurant kung saan naghihintay ang kuya niya na siyang manlilibre sa amin sa dinner.
“May ka-meeting pa daw si Kuya Wyatt kaya mauuna na tayo sa restaurant, Lady…” paliwanag ni Wela nang nasa sasakyan na kami papunta sa restaurant ng Cocktailify. Tumango lang ako at muling lumipad ang isip nang maisip na ilang araw na lang ay final exams na at pagkatapos ay sembreak na. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita na natatanggap mula kay Blessie.
Bumuntonghininga ako at hindi na naman naiwasang isipin na kung hindi ko magagawang makapasok sa Cocktailify bar bago ang sembreak ay kahit anong trabaho ay kailangan ko nang pasukan. Kung mamimili ako ay malamang na hindi ako makapag enrol kaya wala akong choice kung gusto kong makapagpatuloy sa pag-aaral. Masyado pa namang maraming gastos ang course na kinukuha ko kaya kailangan ko talaga na mas magsipag pa sa susunod dahil wala naman akong ibang aasahan na magbabayad ng tuition ko at gagastos sa mga pangangailangan ko sa school kundi ang sarili ko lang.
Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na tuloy namalayan na nakarating na kami sa restaurant ng Cocktailify. Kung hindi pa sinabi ni Wela na bumaba na kami ay hindi pa ako kikilos para bumaba sa sasakyan.
“Kinakabahan ako, Lady…” nakangising sambit niya habang naglalakad kami papasok sa restaurant. Kunot ang noong nilingon ko siya.
“Bakit?” Nagtatakang usisa ko. Tumawa siya ng mahina bago sumagot.
“Sasabihin ko na kasi kay Kuya Wyatt na may boyfriend na ako,” nakangising sagot niya. Tumaas ang kilay ko.
“Kinakabahan ka? I thought you were confident about dating that guy?” Sambit ko at saka ngumisi rin sa kanya. Umiling siya.
“Pinapalakas ko lang ang loob ko. In fact… natatakot talaga ako sa sasabihin ng pamilya ko kaya uunahin ko munang sabihin kay kuya…” sagot niya. Mas lalong kumunot ang noo ko at saka nagtatakang napatingin sa kanya. Malungkot na ngumiti siya sa akin bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Our lives are really different, Lady. In fact, he is… currently working as a waiter here…” pag-amin niya. Napasinghap ako at halos matigilan sa paglalakad nang marinig ang sinabi ni Wela.
Nasa harapan na kami ng restaurant at papasok na sa loob nang muling lingunin ko siya para usisain tungkol sa sinabi niya pero mabilis na umiling siya at hinila na ako papasok sa restaurant.
“Sa loob na tayo mag-usap…” sambit niya kaya tahimik na tumango lang ako at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng restaurant.
May lumapit kaagad na staff sa amin nang makapili si Wela ng pwesto. “We will order later. May hinihintay pa kami…” simpleng paliwanag niya lang sa staff na lumapit sa amin. Tumango lang ito at saka iniwanan na kami.
Halos hindi ko inaalis ang tingin sa mukha ni Wela dahil halatang kabado siya habang ginagala ang tingin sa paligid.
Isipin ko pa lang na ipapakilala niya sa kuya niya ang boyfriend niya na nagtatrabaho dito bilang waiter ay hindi ko rin maiwasan ang makaramdam ng kaba para sa kanya. Kilala ko ang Kuya Wyatt niya at sa tingin ko pa lang ay hindi ito basta-basta na papayag lalo na kung galing sa isang ordinaryong pamilya ang magiging boyfriend ng kapatid nito.
“Gosh, Lady! Kinakabahan talaga ako,” maya-maya ay bulalas na ni Wela sa akin. Hindi pa kami nagtatagal sa pag-upo doon ay hindi na kaagad siya mapakali. Tumayo siya kaya kunot ang noong napatingin ako sa kanya. “I’ll just go to the restroom…” paalam niya. Halos mamutla na ang mga labi niya kaya walang nagawa na napatango na lang ako at pinanood siyang naglalakad papunta sa direksyon kung nasaan ang restroom.
Naiiling na tiningnan ko siya na muntik pang bumangga sa isa sa mga waitress dahil mukhang wala sa sarili habang naglalakad.
Bumuntonghininga ako at agad na napatingin sa isang table dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin mula doon.
Halos umawang ang bibig ko nang makita at makilala ang ex-boyfriend kong si Colt! Malagkit ang titig niya sa akin kaya ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko kahit na nakaupo naman ako.
Ilang sandali pa ay kinalma ko ang sarili ko at pilit na nilagay sa isip na nasa isang restaurant kami at maraming tao dito kaya imposible na magalaw niya ako at malapitan dito. Nakaplano na rin sa isip ko na kung lalapitan man niya ako ay sisigaw talaga ako para makakuha ng atensyon ng mga tao
Pero mukhang walang balak na tumigil si Colt sa paninitig sa akin kaya kabadong-kabado ako at halos mawala na sa sarili dahil sa nararamdamang takot sa kanya.
Parang kusang gumalaw ang katawan ko para tumayo at lumabas sa restaurant dahil kung mananatili pa ako sa loob ay baka himatayin na ako sa nararamdamang takot sa kanya.
Tuloy-tuloy na naglakad ako palabas sa restaurant. Ni hindi ko na alintana ang pagpasok ng ibang tao sa restaurant. Ang gusto ko na lang ay makalabas at makalayo kung saan hindi ako makikita ni Colt.
“Lady!” Malakas ang boses niya nang tawagin ako. Mas lalong bumilis ang mga hakbang ko at halos takbuhin na ang sasakyan sa parking para hanapin ang sasakyan nila Wela.
Pero dahil kabadong-kabado ako ay hindi ako makapag-isip ng maayos kaya kahit ang plate number ng van nila ay hindi ko maalala!
“God, please help me…” halos manginig ang boses ko habang mahinang nagdarasal. Palinga-linga ako sa mga sasakyan na naka-park doon at halos maiyak na ako nang mapunta na sa dulo ay hindi ko pa rin nahahanap ang sasakyan nila Wela.
“Lady!” Muling tawag ni Colt sa akin kaya halos mapatalon ako sa gulat at takot.
“Get lost, Colt! Get lost!” Mariing bulalas ko at pilit na nilakasan ang loob kahit na ramdam na ramdam ko na ang pangangatog ng mga tuhod ko. Nang makitang hindi man lang siya nasindak sa pagsigaw ko ay napamura ako at basta na lang pumasok sa kahit saan sa mga sasakyan na nakapark doon.
Halos mapadasal ako ng taimtim nang sa unang sasakyan pa lang na sinubukan kong buksan ay bumukas na ang pinto sa backseat.
Dali-daling pumasok ako doon at pabagsak na isinarado ang pinto pero agad na natigilan nang makitang may mga tao sa loob ng sasakyan.
They were kissing each other passionately and almost making out in front of me!
Narinig ko ang mariing mura ng lalaki habang hindi makapaniwala na nakatingin sa akin!
“Who the f*cking hell are you?!” Iritadong bulalas nito dahil siguro sa pagka bitin sa ginagawang kung ano sa loob ng sasakyan!
“Calm down, Jace. Palayasin mo nga ‘yan ng tahimik!” Narinig kong saway sa kanya ng babaeng kahalikan niya kaya nang balingan ako ng lalaki ay kitang-kita ko sa mga mata niya ang panggigigil sa akin.
“Get the hell out!” Iritadong utos niya bago iritadong umayos ng upo at binuksan ang sasakyan at tuloy-tuloy na bumaba!
Oh, God! Anong gagawin ko?! Please, help me!