Naglalaro

1426 Words
Hindi lumipas ang araw na ‘yon na hindi ko pinupuntahan ang kaibigan kong si Blessie para personal na makausap tungkol sa trabaho na sinasabi niya sa Cocktailify Restaurant. According to her, the management is getting some part timers for the night shift. Nag-aalala pa si Blessie at hindi daw niya inaakala na pupuntahan ko siya para kausapin tungkol doon dahil night shift lang naman ang available. Alam kasi niya na nag-aaral ako kaya hindi niya akalain na magiging interesado ako sa trabahong inaalok niya. “Paano ba ‘yan, Lady? Puno na kasi ang slot para sa mga part-time waitress sa restaurant. Meron pa namang available slot pero…” hindi niya matuloy-tuloy ang sinasabi kaya kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. “Pero?” tanong ko. Hindi ko pa alam kung anong trabaho ang tinutukoy niyang available pero wala ako sa posisyon para mamili ng trabaho ngayon. Kaya kahit na ano pang trabaho ang iaalok niya ay hindi ko ‘yon matatanggihan. Hindi nagpatuloy sa pagsasalita si Blessie at nakatingin lang ng alanganin sa akin. Umayos ako ng upo at kinumbinsi siyang magpatuloy sa pagsasalita. Mukhang kung hindi ko siya pipilitin ay wala na siyang balak na sabihin pa sa akin ang tungkol doon. “Sige na, Blessie. Ano bang trabaho ‘yon?” pangungulit ko. Disenteng lugar naman ang Cocktailify kaya hindi ako nag-aalangan sa kung anong trabaho ang pwede kong pasukan doon. “Eh kasi, Lady… baka ano kasi… Baka hindi mo kayanin ang trabaho–” “Blessie, hindi ako pwedeng pumili ng magiging trabaho ngayon. Matatapos na ang semester kaya kailangan ko na naman ng pera para sa pang-enrol ko sa third year. Iyong dalawang linggo na sembreak lang ang pag-asa ko na kumita ng pera para may pang tuition ako. Tulungan mo ako, please? Kailangang-kailangan ko lang talaga…” tuloy-tuloy na pakiusap ko. I might sound desperate but I don’t care anymore. Sa susunod na linggo na ang exams at kailangan kong mag-focus sa pag-aaral kaya wala na akong extra na oras para mag-isip at humanap pa ng bagong trabaho. If I can’t find another part time job right away, I don’t think I would have money to pay for my tuition next semester. “Wala ka pa bang balita sa kuya mo na nasa America?” kunot ang noong tanong ni Blessie sa halip na pansinin ang pakiusap ko. Bumuntonghininga ako. Bukod sa kaklase at kaibigan kong si Wela ay isa si Blessie sa mga nakakaalam ng nangyari sa akin. Alam kong concern siya sa akin at na-appreciate ko naman ‘yon pero wala talaga ako sa lugar para maghintay at umasa kung kailan babalik si Kuya Larwin dito sa Pilipinas para malaman ang sitwasyon ko. “Wala pa rin, Blessie. At ayaw kong umasa doon dahil kung nag-aalala siya sa akin ay uuwi siya dito at aalamin man lang ang kalagayan ko. Pero dalawang taon na simula noong huli siyang nagpadala ng postcards sa akin. Gusto ko na lang isipin na mag-isa na lang ako sa buhay. Ayaw ko nang umasa pa sa mga taong malapit sa akin. Mas lalo lang akong nalulugmok sa lungkot,” tuloy-tuloy na sambit ko. Aminado naman ako na masama ang loob ko kay Kuya Larwin. Kahit sino naman ay sasama ang loob kung ilang taon na ay hindi man lang niya ako magawang kamustahin dito. I can’t even reach him. Lahat ng kaibigan niya na pwede kong pag tanungan ay itinatanggi na hindi nila alam kung nasaan siya. I get that he is also devastated because our relatives took over our own company. Pero hindi naman sapat na dahilan lang ‘yon para kalimutan na niya ang nag-iisa niyang kapatid. “Sigurado ka bang kakayanin mo ang trabaho?” Halata sa mukha ni Blessie ang pagdududa nang sabihin niya sa akin kung saan ang may bakante pang slot. Waitress rin ang magiging trabaho pero hindi na sa restaurant ng Cocktailify kundi sa bar. Medyo kabado ako at nag-aalangan pero nang sabihin niya sa akin ang magiging sahod at ang posible pang tip na makukuha sa mga regular customers doon ay nakalimutan ko na ang tungkol sa pangamba ko. Dalawang linggo lang naman akong magtatrabaho doon na puro pang-gabi kaya hindi na rin masama lalo na at maganda talaga ang pasahod. “Wala namang pinagkaiba ang trabaho sa restaurant, Blessie. Iyon nga lang, sa bar ay alak ang majority na dapat i-serve…” komento ko at saka ngumisi sa kanya. Sumimangot siya sa akin nang makita ang reaksyon ko. “Sigurado ka na ba talaga, Lady? Hindi ba at ayaw mong makihalubilo sa mga lalaki dahil sa ginawa ng ex-boyfriend mo?” alanganing tanong niya. Nawala ang ngiti ko at agad na natigilan. Hindi ko naisip ang bagay na ‘yon. Hindi ko naisip na sa bar ng Cocktailify ay mas marami ang customers na lalaki kesa sa mga babae. Hindi tuloy ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla at pagkalito sa naging desisyon ko. Kakayanin ko ba talaga? More boys around means more troubles around! Pero may choice ba ako? Wala akong choice kundi ang magtrabaho. “Kita mo? Hindi ka makapagsalita. ‘Wag na lang, Lady. Tutulungan na lang kitang maghanap ng ibang mapapasukan–” Mabilis ang ginawa kong pagpigil sa braso niya nang akmang tatayo na siya para lumabas na kami sa restaurant ng Cocktailify. Kunot ang noong napatingin siya sa akin. Marahang ngumiti ako. “Okay lang sa akin, Blessie. Kaya ko. K-kakayanin ko…” sambit ko matapos mapalunok. Hindi siya nagsalita at nanatili lang ang titig sa akin kaya pilit na ngumiti ako para mawala ang pag-aalinlangan sa kanya. “‘Wag kang mag-alala, Blessie. Hindi naman kita ipapahiya sa pag-recommend mo sa akin sa trabaho–” “Hoy, gaga! Hindi kita irerecommend doon. Bawal! Ayaw ng mga Boss ang palakasan! Kaya sumama ka na sa akin dahil may gagawin pa tayo para maging qualified ka doon!” tuloy-tuloy na bulalas niya at saka hinila na ang kamay ko palabas sa restaurant. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” kunot ang noo at naguguluhan na tanong ko. Lumilipad tuloy ang isip ko habang wala sa sarili na nagpapahila kay Blessie palabas sa restaurant. Iniisip ko kung ano ang posibleng qualification sa bar ng Cocktailify para problemahin pa ni Blessie kung makakapasok ako. Hindi tuloy ako matahimik kaya hindi ako tumigil sa kakausisa sa kanya. “Ano ba kasing qualifications ang kailangan–” Hindi ko na nagawa pang ituloy ang pagsasalita nang bumangga ako sa kung sino. Hindi ko na kasi tinitingnan ang dinadaanan ko dahil bukod sa naka-focus ang mga mata ko kay Blessie na humihila sa akin palabas sa restaurant ay lumilipad pa ang utak ko tungkol sa qualification na sinasabi niya. Ilang sandali lang ay napayuko ako dahil may kung anong nahulog sa dibdib ko. Mababa pa naman ang neckline ng suot kong blouse kaya kitang-kita ko ang pagsabit ng chain ng key fob na halos mahulog na sa loob ng cleavage ko. Kumunot ang noo ko habang nakayuko at nakatitig sa susi ng kotse na sumabit sa dibdib ko. How the hell did it happen? Nasa kalagitnaan na ako ng pag-iisip kung paanong napunta sa dibdib ko ang key fob ng kung sino nang makita ko ang isang lalaki na naglalakad rin papasok sa restaurant. Hinahagis-hagis at pinaglalaruan nito sa kamay ang key fob nito habang pumipito. Ang isang lalaki na nauuna sa kanya sa paglalakad ay nakatitig sa dibdib ko kung saan naroon ang sumabit na key fob! “Why did you stop, Jared?” narinig kong tanong ng lalaki sa kasama niya na mukhang may-ari ng key fob na sumabit sa dibdib ko. Kunot ang noong yumuko ako at inalis ang key fob sa dibdib ko bago binalingan ang lalaki sa harapan ko. Nagtatanong si Blessie sa akin pero sinabihan ko siyang mauna na sa paglalakad. Nakatingin pa rin sa akin ang lalaki at titig na titig sa mukha ko kaya hindi ko maiwasang mailang dahil sa titig niya. He looks really good. Damn it! Halatang mayaman at mukhang mabango dahil malinis na malinis ang gupit at mukhang kagalang-galang ang itsura lalo na at nakasuot ito ng suit. I’m pretty sure that he is a businessman or someone who’s working in that industry. “I’m sorry, Miss. Hindi dapat ako naglalaro ng susi habang naglalakad–” Hindi ko na siya hinayaan pang matapos magsalita. Basta ko na lang hinagis pabalik sa kanya ang key fob niya at nakaismid na nagpatuloy sa paglalakad palabas sa restaurant para sundan si Blessie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD