Chapter 10

2493 Words
[MANDY] Noong college kami ni Ashley, may school activity sa school namin na tinatawag na 'Crazy Day.' Ito 'yung araw kung saan pwede kang magsuot ng damit na normally hindi isusuot ng matinong tao at pwede kang maging 'ibang tao' sa araw na yun. Mga Psychology majors ang nagpauso nun, at kinagat naman ng buong school. Nag-costume kami noon ni Ashley bilang mga manananggal, at buong araw kaming buhaghag ang buhok habang pumapasok sa mga klase namin. Sobrang saya kaya nun. May mga classmates naman kaming ginawa ng career ang pagiging baliw, at buong araw silang nagbaliw-baliwan sa school. Ang pinaka-memorable para sa akin ay nung may mag-costume bilang taong grasa at may hila-hila siyang lata ng sardinas kahit saan siya pumunta. At nang uuwi na sana siya sa kanila after class, sumakit ang tiyan namin ni Ashley sa kakatawa nang hindi siya pasakayin ng taxi na pinara niya. Naalala ko ang tungkol dun sa dahil parang ganun ang pakiramdam ko ngayong araw na 'to. Feeling ko Crazy Day ngayon at ang character ko ngayon--- isang maharot at malanding diyosa. Simula kanina nang pumasok ako rito sa ospital palagi ko na lang naaalala 'yung nakakalurky na nangyari sa aming dalawa ni Dark. Paano ba naman, hindi ko pa rin talaga ma-confirm kung panaginip nga lang ba talaga ang lahat ng nangyari kanina. Kasi parang oo na hindi eh. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang alam ko, hindi normal ang mga nangyari kanina dahil alam ko talagang nagpunta ako sa unit niya. Hindi lang yon panaginip. Pero doon sa part na may nangyari na sa amin, at sa mga sumunod na kaganapan, feeling ko naman hindi siya totoong nangyari.  Ewan. Ang gulo rin  talaga. Para akong namaligno sa totoo lang. Saka pinakiramdaman ko naman ang katawan ko, wala naman akong naramdamang kakaiba. kasi 'di ba, ang sabi nila kapag first time mo makipagtalik ay medyo mahapdi yun at may dugo pa nga in some cases, pero wala naman akong ganon down there. Kaya naman sa ospital naging absent-minded tuloy ako. Ilang beses nga akong nasita ng Head Nurse namin dahil parang nawawala ako sa sarili ko dahil sa kakaisip dun sa lalaking yun. Peste talaga. Tapos nung dinner napagkamalan pa akong nagda-diet dahil hindi ako kumuha ng ulam ng mga kasabay kong kumain sa canteen. Eh paano ba naman, tortang talong ang ulam nila. Kulang na lang may sumigaw na National Talong Day ngayon eh. Hindi tuloy ako nabusog. And to cap my kashungahan spree ngayon, nasita pa ako ni Doc. Benedict dahil may umiiyak na palang bata sa tabi ko ay hindi ko pa napansin dahil nakatulala na pala ako sa kawalan. Napahiya tuloy ako, dahil super duper crush ko pa naman si Doc. dahil mukha siyang isang Korean heartthrob na napasuot lang ng lab gown ng isang doktor. Goal ko ngang siya ang maging asawa ko in the future eh. Charot.  Napabili tuloy ako ng candy sa labas upang patahanin 'yung batang lalaki na umiiyak pala dahil iniwan ng nanay niya sa Nurse's station. Hay, mga iresponsableng parents talaga! Anak nang anak hindi naman maalagaan mga anak nila! "Tahan na baby ha, eto na candy mo..." pag-alo ko sa bata. "Thank you po," magalang at cute na sagot naman nito. "Bakit ka kasi umiiyak, baby?" "Kasi po ayoko po dito. Sabi po ng kuya ko may monsters dito eh..." "Ah... Don't worry ako muna magbabantay sa 'yo ha..." Niyakap ko 'yung bata na sobrang cute pa naman. "Ate, totoo po ba ang monsters?" bigla niya namang tanong sa akin. "Hmm...siguro. Pero hindi naman lahat ng monsters ay masama..." sabi ko na lang, thinking of Dark. "Talaga po? May nakita na po ba kayong monster na hindi masama?" "Ay oo. Kanina nga lang may nakasama akong isang monster eh...pero hindi naman siya masamang monster..." "Pero bad po ang monster 'di ba? Hindi po ba scary 'yung monster na yun?" "Hindi naman..." "Wala po ba siyang sharp teeth? Sharp claws?" Natulala na naman ako dun sa tanong nung bata. naalala ko kasi bigla 'yung sudden transformation ni Dark doon sa panaginip ko. Nagka-goosebumps ako for some reason. "Ah...meron pero hindi naman siya nangangagat..." As usual kumontra 'yung diwa ko dun sa huling sinabi ko. Ano'ng hindi nangangagat? Loka, eh ano 'yang tawag mo sa ginawa niya sa leeg mo? "Ang bait namang monster niyan, Ate pretty nurse. 'San po siya nakatira?" inosenteng tanong pa nito. "Ah...dun sa madilim na lugar..." palusot ko. Kasing dilim ng pangalan niya, by the way, dugtong ko pa dun sa utak ko. Marami pang tanong 'yung bata kaya buti na lang dumating na rin sa wakas ang nanay niya. Bumalik na rin ako sa pagiging busy after nun, dahil naglibot na ako sa mga ward ng mga pasyente ko. By 11 pm naghanda na akong mag-out at naglalakad na ako papunta sa may main exit ng ospital ng may maramdaman akong kakaiba sa sarili ko. Parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko...tapos pakiramdam ko may nakamasid sa'kin. Pero nang nagpalingon-lingon ako, wala naman akong nakita sa paligid. Ang weird. Pababa na ako ng steps nang biglang may nakahawak na agad sa isa kong kamay kaya nagulat ako dun. Nasa tabi ko na pala si Dark na parang isang celebrity dahil sa suot nitong white shirt na pinatungan ng black, leather jacket na pinarisan niya naman ng simpleng faded jeans. "Dark? Bakit ka nandito?" Napansin kong nanlilisik sa galit ang mga mata niya. "Dahil may pinagsabihan ka tungkol sa akin!" sabi niya. Mahina lang ang pagkakasabi niya nun pero may diin. "Hindi...kuan...bata lang naman yun..." sabi kong nauutal na sa takot dahil sa itsura ngayon ng katabi ko na parang manlalapa pa ng buhay. "Kahit pa. Sinuway mo pa rin ako. Now, I'm going to punish you for that," aniya at lihim akong napadasal na sana hindi 'yung iniisip kong punishment ang gusto niyang ibigay sa'kin.  "Ano'ng parusa? Bakit may parusa?" giit ko. "Wala naman akong sinabi dun sa bata ah!" Matalim pa rin ang tingin niya. "May sinabi ka. Naramdaman ko yun. Di ba sabi ko wala kang dapat pagsabihan ng mga nalalaman mo? Kaya halika na at paparusahan pa kita." "Teka, Teka, nalilito ako, Dark. Akala ko ba panaginip lang 'yung mga nangyari kanina? So bakit ka nandito? At bakit alam mo ang tungkol sa panaginip ko? OMG. Ibig sabihin ba non same tayo ng panaginip? Ano yun? Shared? Connected?" Napatungo siya sa mga tanong ko. "Yeah, something like that. Kung ano ang napanaginipan mo, napaniginipan ko rin." "T-Talaga? Watdahek, Dark! Ano'ng klaseng nilalang ka ba?" "Wag tayo mag-usap dito, Mandy. Come on, let's talk somewhere else." At hinila na niya naman ako, pero this time pumalag na talaga ako lalo pa't hindi na ito panaginip niya na wala akong magawa o wala man lang akong kalaban-laban. "You will have to follow me or else!" banta niya na ikinagulat ko. "Mr. Dark Augustus Kaizo Soler, gusto ko lang ipaalam sa 'yo na hindi mo ako alipin," mahinahong tugon ko dun sa sinabi niya. "At kahit ano ka pa...kahit ikaw pa ang Diyos ng mga espadang gulay tulad ng talong, upo, at patola, gusto ko lang ipaalala sa 'yo na hindi mo ako pag-aari para parusahan mo. At saka baka nakakalimutan mo, maraming bayani ang nagbuwis ng buhay nila para lang matamasa ko ang kalayaang taglay ko ngayon, kaya sino ka para pagbawalan ako sa kung ano mang gagawin ko tapos balak mo pa akong parusahan?" Natameme yata siya dahil sa sinabi ko, dahil hindi agad siya nakasagot. Pero hindi pa rin nawawala 'yung galit sa mukha niya; lalo na sa mga mata niya. At sa isang iglap parang may napansin na naman akong kakaiba dun sa mga mata niya. Parang may something ulit doon. Parang may hint ng apoy o baga, basta parang ganun. "Ngayon kung wala ka nang sasabihin sa'kin, excuse me dahil uuwi na ako..." Pero hindi siya gumalaw para pagbigyan ako ng madaraanan sa harapan ko, bagkus ay mas iniharang niya pa ang katawan niya sa harap ko. At dahil matangkad siya, wala akong magawa kundi umiwas. "Uuwi ka na ba, Nurse Moreno?" Napalingon ako doon sa nagsalita na nasa likod ko lang pala. My gosh! Si Doc. Benedict! "Ah...opo, Doc. Pauwi na po ako," sagot ko agad dito sabay ngiti na medyo nang-aakit. Ang gwapo-gwapo kasi talaga ni Doc. Kahit yata mga genderless na bagay maa-attract sa kanya eh. "Siya ba ang boyfriend mo?" dinig kong tanong pa nito na nakatingin na pala kay Dark, kaya napatingin din ako doon. Napansin kong ang sama na agad ng tingin ni Dark kay Doc. Benedict, akala mo naman eh may ginawa ito sa kanyang hindi maganda. "Naku hindi po Doc! Kaibigan ko lang siya..." Tumango na lang si Doc. Habang si Dark, parang tuod na namutla sa kinatatayuan niya na ipinagtataka ko na. Anyare? Bakit para siyang tinurukan ng anaesthesia diyan? At bakit napapahawak siya sa dibdib niya? May masakit ba sa kanya? "Ah. Ganun ba? O sige, mauuna na ako." "Okay po, Doc. Ingat." Kumaway pa ako kay Doc. Benedict kahit hindi niya na rin naman nakikita yun dahil naglakad na siya patungo sa kalsada. Tapos sinamaan ko naman ng tingin si Dark dahil nabubwisit talaga ako ngayon sa kanya. Napagkamalan pa siyang boyfriend ko ni Doc. Benedict! Buti na lang nakalusot ako! Eh paano na kung naniwala yun na jowa ko nga itong si Dark? Eh di hindi na ako liligawan ni Doc. in the future! Nakakaasar lang talaga! Kaya sa sobrang inis ko, naglakad na ako palayo sa kanya. Sinamantala kong parang may sumasakit sa dibdib niya kaya hindi niya ako agad nahabol. "Teka, Mandy---!" Hindi ko na siya nilingon pa o ano. Basta binilisan ko pa ang lakad ko hanggang sa makauwi ako sa St. Thaddeus. Ni-lock ko ulit ang pinto ng unit ko at hindi ko na inisip pa si Dark para gumaan na ang pakiramdam ko. Kapag iniisip ko kasi siya o ang hiwagang meron sa kanya, naloloka ako at kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ko. Nariyang naisip kong baka isa siyang miyembro ng X-Men, at may kapangyarihan siyang gayumahin ang mga babae. Tapos naisip ko ring baka isa siyang demigod na bumaba rito sa lupa at tulad ni Zeus eh kung kani-kaninong babae na lang siya nagpaparami. Pero ang pinaka-weird na naisip ko, naisip kong baka isang alien si Dark mula sa ibang galaxy na nagpapanggap na isang tao. Naisip ko nga, what if isa siyang estudyanteng alien doon sa planeta nila na nag-aaral sa buhay ng mga tagarito sa Earth? At OJT na niya kaya pumunta siya rito sa Earth upang maghanap ng mga babaeng mabibiktima? Hindi naman kasi normal 'yung kagwapuhan niya eh. Parang ang weird lang isipin na sa gwapo niyang yan, eh nasa isang maliit na apartment unit lang siya at nagtatago. Sa itsura niya, kung hindi siya isang gorgeous na alien, dapat isa siyang artista, o model. Ganern. O di naman kaya ay dapat nakatira siya sa isang mansiyon na may mga chandeliers. Naistorbo naman ako sa pagmumuni-muni ko nang mag-ring naman ulit ang phone ko. Unknown number iyon, at sa pag-aakalang baka isa sa pamilya kong nasa probinsiya ang tumatawag, sinagot ko na rin yun pagkatapos ng dalawang ring. "Hello?" "Thank God, Mandy at sinagot mo," sabi ng isang pamilyar na boses at muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa pagkakabigla. "Please, please, 'wag mo munang ibababa. Please, Mandy. May kailangan lang akong sabihin sa 'yo---" "Rodney, ayoko nang makarinig pa ng mga ka-bullshitan mula sa 'yo. Sana naman tumatak na yun sa kokote mo..." "Mandy...gusto ko lang namang magpaliwanag. Please? Alam ko...m-mali ako. Mali talaga ako. Pero sana naman pakinggan mo ang paliwanag ko? Gusto ko lang marinig mo 'yung side ko---" "Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi mo na mababago ang mga nangyari na. At tsaka ayoko nang makipagbalikan sa 'yo, pwede ba? Humanap ka na lang ng ibang uutuin mo, Rodney. Tutal kahit nung tayo pa marami ka namang back up, bakit hindi mo sila gamitin ngayon 'di ba?" Galit na galit na talaga ako at nag-iinit na ang mga tenga ko sa sobrang pagkaasar. Nakakaasar kasing marinig ulit ang boses niya. Pakiramdam ko bumalik ako doon sa panahong kakadiskubre ko pa lang na niloko niya ako. "I messed up, alright? Inaamin ko naman yun. Pero totoong pinagsisihan ko yun. Kaya lang---" "Kaya lang makati ka," putol ko sa walang kwentang paliwanag niya. "Dinaig mo pa ang taong may buni sa pwet sa sobrang kati mo, Rodney. Kaya tumigil ka na." Narinig ko siyang huminga nang malalim sa kabilang linya. "Talagang ganyan na ang tingin mo sa'kin." "O eh ano pa nga ba?" "Saradong-sarado na talaga ang utak mo sa tingin mo sa'kin," sabi niya pa na kakaiba na ang boses. Hindi naman siya tunog nagagalit, pero ramdam ko ring sincere siya ngayon sa mga sinasabi niya. Ganito siya noon palagi kapag nag-aaway kami noong kami pa. "Dahil totoo naman, Rodney." "Hindi ko na pala mababago ang tingin mo sa'kin," aniya. "Kahit na lumuha ako ng dugo o lumuhod sa asin, o kahit pa buong buhay kong pagsisihan ang nagawa kong kasalanan sa 'yo, mukhang hindi mo pa rin ako mapapatawad..." "Aba? So ako pa ang masama ngayon?" "Hindi sa ganun, Mandy," tugon niya. "It's just that...people can change. Kung hindi mo rin kayang makinig sa paliwanag ng boyfriend mo, then bakit mo siya minahal in the first place?" "Hoy Rodney! Wag mo akong babaliktarin, wala ka sa posisyon para lecturan ako dahil in the first place, naging mabuting girlfriend ako sa 'yo! Ikaw lang naman ang sumira nun! At wag mo akong susumbatan ha, dahil kung minahal mo talaga ako, hindi ka maghahanap ng iba! Gago!" Pinatay ko na ang tawag niya at nag-dive na ako sa kama ko na una ulo habang umiiyak. Bakit pa ba kasi siya tumatawag? Ano ba'ng hindi niya maintindihan sa ayaw ko na sa kanya? Mali ba yun? Mali bang protektahan ko ang sarili ko na masaktan ulit? Umiyak lang ako nang umiyak. Hindi ko na nga alam kung gaano na katagal akong umiiyak, basta ang alam ko matagal bago ko napatahan ang sarili ko. Iniisip ko rin kasi, actually may point naman si Rodney, na sana pinakinggan ko muna kung ano 'yung paliwanag niya, pero that time hindi ko na kaya eh. Sobrang sakit lang kasi nun talaga. Masakit dahil mahal na mahal ko siya. Ilang taon din ba kaming mag-boyfriend? Five freaking years. Tapos itatapon niya lang lahat ng yun para sa isang babae? Grabe siya. Tapos ngayon magagalit siya kasi hindi ako nakinig sa paliwanag niya? Neknek niya. Bago ako tuluyang makatulog, iniisip ko pa kung gaano ko kamahal si Rodney, at pinagdasal ko na sana mawala na lahat-lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Nagdasal ako na sana, may dumating na lalaki sa buhay ko na mamahalin ako at hindi na ako lolokohin. Kapag mangyari yun, siguro ang saya-saya ko nun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD