[MANDY]
"K-Kill me? Akala ko ba nasa panaginip tayo? Bakit may kill me na agad?"
Hindi siya natawa doon. "Yeah, we are still in a dream, that's why I told you that. I can kill you here too. At kung ayaw mo pa ring maniwala, why don't we try it para malaman natin klung nagbibiro lang ako o hindi?"
"Ikaw naman... Oo na, naniniwala na 'ko..." sabi ko na lang. Sa sobrang takot ko dun kay Dark, wala akong nagawa kung hindi ang sundin siya na huwag munang umalis ng unit niya kahit na kinikilabutan na ako sa ikinikilos niya.
WTF kasi, binalaan niya lang naman ako. Sino ba naman ang hindi masisindak dun? At tsaka hindi ko naman siya kilala at wala akong alam sa kanya, maliban na lang sa 'neighbor' ko siya dito sa St. Thaddeus. And the fact na isa siyang 'weirdo' na kapitbahay ay mas lalo lang nakapagpatakot sa akin. Kaya kailangan ko talagang makaisip ng paraan upang makaalis dito!
"Kumain ka muna..." offer niya naman sa'kin pagkabalik niya ng kwarto galing kusina. Tulad ko ay may suot na rin siyang damit, pambahay na shorts at sando, na mas lalo lang nagpalabas ng manly features niya. Ang weird talaga ng panaginip na 'to eh. Parang totong-totoo na.
Hindi niya pa rin ako pinalalabas dito sa kwarto niya, kaya nang lumabas siya kanina, akala ko talaga kukuha na siya ng kung anong murder weapon na gagamitin niya sa'kin. Yun pala kumuha lang siya ng isang tray ng pagkain. Inilapag niya iyon sa bedside table niya, kung saan bukas na ang lampshade dahil nagreklamo akong ang dilim ng kwarto niya.
"Kumain na ako kanina..." naaasar nasagot ko. Paano ba naman kasi, kanina nung lumabas ng kwarto niya si Dark, nagkumahog ako para kunin ang phone ko na nasa bulsa ng pantalon ko. Nandun yun sa sala niya kaya pasekreto pa akong lumabas kanina para kunin yun. Buti nga at hindi niya ako nakita eh. Ang nakakabwusit nga lang dun, empty na pala ang phone ko kaya hindi ko na iyon magamit para humingi ng tulong sa mga kaibigan ko. Nakita ko rin 'yung phone niya pero may password naman. Kaya naaasar na ako.
"Kain ka pa rin. I'm sure nagutom ka dahil sa ginawa natin," sabi niya na parang nang-iinis pa.
"Ayoko nga! Baka malason pa 'ko niyan," sabi ko sabay silip sa pagkaing dinala niya. Pritong itlog, hotdog, at kanin yun na parang sunog. Mas lalo tuloy akong naasar.
"Chill. Hindi naman kita sasaktan, lalo na at pumayag ka namang mag-stay rito..."
"Oo pero hanggang 12 lang ako rito, dahil may duty pa 'ko ng 2 pm!"
"You will not leave my place until I say so," correction niya sa'kin.
"What? Ano ka, sinuswerte? Kailangan ko ngang umalis mamaya, dahil may trabaho nga ako! Ang kulit mo naman!"
"Dito ka muna habang nag-iisip pa ako ng paraan kung paano ko mabubura ang mga alaala mo..." sabi niya naman. Naloka ako dun, dahil iba na ang naisip ko. Teka, ano ba talaga ang balak niya? Gusto niya bang magka-amnesia ako para lang makalimutan ko 'yung mga nangyari kanina? May balak ba siyang hatawin ako ng bakal na tubo sa ulo ko?
Lumayo na ulit si Dark mula sa akin at nagpunta sa may bintana ng kwarto niya, na natatakpan naman nang makapal na kurtina. Hindi nga halatang umaga eh. "Bakit pala ang dilim dito sa unit mo? Aswang ka ba?" bulalas ko. Tiningnan niya naman ako nang masama.
"Kung aswang ako, sa tingin mo ba buhay ka pa kaya?" balik niya naman.
"I don't think so," sagot ko. "So ano na nga? Ano ng balak mo sa'kin? Baka naman pwedeng ipagpabukas na natin 'to? Since kailangan ko pang maghanda para sa duty ko mamaya?"
"Teka lang...may tatawagan muna ako... may hihingan ako ng tulong."
Nagtaka na naman ako. "May mga kaibigan ka pala? Sino naman 'yang tatawagan mo?"
"My lawyer. Si Attorney Eddie..."
"Eh di shing," sagot kong nang-aasar din.
"Paano mo nalaman ang pangalan niya?" nagtataka namang tanong niya sa'kin na nagulat din.
"Ha? Pinagsasabi mo diyan?"
"Si Attorney Eddie Shing. Paano mo nalaman ang pangalan niya?"
Natigilan muna ako saglit bago mapatawa nang bongga. "Nakakaloka! Talagang Eddie Shing ang pangalan ng laywer mo?"
"Oo. Bakit may nakakatawa ba? Chinese siya kaya Shing ang apelyido niya," sagot naman niyang clueless, pero syete pansin ko kahit nakakunot ang noo niya ay ang sarap pa rin niya.
"Wala. Wala. O sige na, tawagan mo na yan para makauwi na ako!"
Nag-dial na nga siya ng phone niya kaya tumahimik na rin ako. Ang totoo, kaya ko naman siya hinahayaan dito sa mga ginagawa niya ay dahil gusto ko talagang malaman kung ano ba talaga siya.
Ano ba siya? Mythical creature? Demonic entity? Paranormal activity? O baka naman may kakaiba at rare siyang sakit? Pinaglihi ba siya sa pusa kaya may mga kuko siya na matutulis? Gusto ko talagang malaman dahil alam ko, deep, deep, down in my heart (charot!) na may nangyari kaninang hindi normal. Common sense lang naman yun.
At tsaka bakit hindi masakit 'yung sugat na ginawa niya sa leeg ko? Tapos tumigil pa agad sa pagdurugo. Napaka-imposible naman nun. Nurse ako kaya alam kong hindi dapat ganun kabilis maghilom ang sugat ko na yun.
At higit sa lahat, panaginip nga lang ba ang lahat ng ito?
Bakit pakiramdam ko, totoo ang lahat ng nangyayari kahit na m,edyo imposible na?
"Hello...Attorney. It's me... May nangyari." Seryosong-seryoso ang tono ni Dark habang kausap itong abogado niya kuno. "May babaeng nakainom ng dugo ko. At nagulat ako dahil hindi tumalab sa kanya ang halik ko. Natatandaan niya pa rin kung ano ang ginawa ko sa kanya. Now, is that a big problem?" Tumatango-tango naman si Dark na nakikinig sa boses sa kabilang linya. Naisip ko tuloy, kung sino man itong kausap niya, malamang katulad niya rin ito. "Ah...ganun ba? Kung ganun... kailangan ko talagang gawin yun?" naririnig kong tanong niya na naman. "Ang hirap naman niyan, Attorney." Napahula tuloy ako dun. Ano kaya ang advice na ibinigay sa kanya? Sana naman hindi niya kasabwat 'yung Chinese na yun, no? "Okay, sige, Attorney, gagawin ko yan. Salamat sa advice. I'll call you later."
Pagkababa niya sa telepono niya ay agad siyang dumulog sa'kin. "Kumusta? Ano'ng sinabi ni Attorney Shing? Pwede na ba akong umuwi?"
Tumango siya. "You're in luck. I'm letting you go for now..."
Siyempre tuwang-tuwa ako dun. "Naku, thank you ha! Mabait ka naman pala eh. Medyo may pagka-weird ka pero okay na rin. At least hindi ka nananakit." Tumayo na ako at naglakad palabas ng kwarto niya. Sinundan niya naman ako hanggang sa pinto ng sala niya. "O sige na. Uuwi na ako."
"Okay. Basta 'wag mo na lang sabihin sa iba kung ano'ng nangyari. Dahil malalaman ko agad kapag ginawa mo yun, at hahanapin talaga kita kahit nasaan ka pa kapag ipinagkalat mo ang tungkol doon..."
"Relax, Dark. Relax," pagpapakalma ko sa kanya. "Hindi ko gagawin yun, okay? Wala rin namang maniniwala sa akin. Ano ako baliw?"
"I'm just warning you."
"And you don't have to worry. You can trust me," ganti ko din ng English dahil kanina pa siya English nang English sa akin, ang lakas maka-alta sosyedad.
"Okay. I'll trust you," sagot niya naman na parang nag-try na ngumiti kahit halata naman sa mukha niya 'yung pag-aalala. "Sige na. You can go."
Tumango ako pero bago ako lumabas, naglakas loob ako at hinalikan ko siya sa pisngi. Nakita kong nanlaki sa gulat ang mga mata niya dun, pero tumakbo na ako palabas ng unit niya na humagikhik. Megash, Mandy! Ikaw na Maharot Awardee of the month!
At yun na. Pagkalabas ko ng unit niya, bigla akong napamulat at napabalikwas ako ng gising. Then, tumingin ako sa paligid ko at laking pagtataka ko nang makita kong nasa loob na ako ng unit ko!
What the---?
Ano ba talaga ang nangyari? So panaginip nga lang ba talaga ang lahat ng yun? Pati na ang nangyari sa pagitan naming dalawa?