Chapter 11

1916 Words
[MANDY] Akala ko noong una nananaginip lang ako, pero habang tumatagal na naririnig ko 'yung boses, alam kong hindi ko lang siya guni-guni. Isang pamilyar na boses kasi ang naririnig ko. Isang boses na parang umuungol na nasasaktan, na parang nasugatan siya o 'di kaya ay may malubhang karamdaman. At may binabanggit na pangalan ang boses na ito, at doon ako kinilabutan dahilan para magising na ako nang tuluyan. "Mandy..." "Mandy..." "Mandy..." Napatayo ako mula sa kama ko dahil sa takot. Dinig na dinig ko kasi ang boses, kaya iisa lang ang ibig sabihin nun. May tao rito sa loob ng unit ko! Nagpatuloy lang ang boses ng lalaki na tumatawag sa pangalan ko kaya nung una ay hindi na ako makakilos. Grabe talaga 'yung takot ko. Gusto ko nga sanang magsisigaw para marinig ako ng mga tao dito sa St. Thaddeus kaso naalala kong dadalawa lang pala kaming occupamnts dito sa floor kung nasaan ang unit ko. Kaya hinanap ko na lang 'yung phone ko at nakita ko sa screen nito na alas tres na pala ng madaling araw. "Mandy...come here... I need you..." "Ay anak ng kabayo!" sigaw ko sa matinding pagkakabigla. Muntik pa akong matapilok dahil sa narinig ko. Nasaan ba siya? Nandito ba talaga siya sa loob ng unit ko? Paano siya nakapasok? Bakit naririnig ko ang boses niya na para bang nandito lang siya sa malapit? Namumutla na ako sa kaba nang maisipan kong tumawag sa pulis. Kasi kung nasa loob na nga ng unit ko 'yung may-ari ng boses na yun, malamang may masama siyang balak sa'kin! Kaya kumakabog ang dibdib ko nang kunin ko ang phone ko at mag-scroll down sa phonebook ko ngunit wala akong makitang number ng pulis. Wala yata akong na-save, o baka nabura ko na. Pakshet talaga! At gustuhin ko mang tawagan ang parents ko, hindi ko rin ginawa dahil malayo naman sila sa'kin. "Mandy...ano'ng ginawa mo sa'kin?" Ang lakas ng boses na yun sa pandinig ko this time kaya natakot na talaga ako nang bongga. Kaya ang ginawa ko, dinial ko na lang 'yung unang number doon sa call history ko. Sobrang takot na kasi ako. Kailangan may mapagsabihan ako na may tao rito sa loob ng unit ko. Pero naalala kong number pala ni Rodney 'yung tinatawagan ko kaya pinatay ko na rin agad 'yung phone ko. Sira ka na ba, my dear self? Bakit siya ang tinawagan mo? Pwede namang si Ashley. O 'di kaya sina Kate o Brenda! Yung hinayupak na ex mo pa talaga! Biglang nawala 'yung kaninang umuungol na boses na naririnig ko, at doon na ako napaisip. Huminga muna ako nang malalim, bago naghanap ng isang bagay dito sa kwarto ko na pwede kong gawing pamalo. Nakita ko 'yung walis tambo ko at kinuha ko yun. Hinanda ko ang sarili ko just in case may tao nga sa sala ko. Ngunit nang lumabas ako sa sala, wala naman akong nakita kahit isang anino ng ipis. Tiningnan ko na rin ang kusina ko at banyo at wala talaga akong nakita. At naka-lock naman ang pinto ng unit ko. Kaya saan galing 'yung naririnig kong boses na tumatawag sa'kin? Napasalampak na lang ako sa sofa na umiiling. It means guni-guni ko nga lang yun. O baka part lang yun ng panaginip ko? Hay, ewan. Masyado yatang masama ang loob ko nang matulog ako kanina, dahil kung ano-ano na lang ang nai-imagine ko. Siguro dapat bumalik na ako sa pagtulog--- "Mandy...ako 'to... I need you... I'm dying..." Natigilan ako nang marinig ko yun. Ang lakas nga ng kabog ng dibdib ko eh. Narinig ko na naman siya! Peksman, talagang narinig ko siya, kahit wala naman akong kasama dito sa unit ko! Waah! May nagmumulto yata sa'kin! Ano'ng gagawin ko? Lord! Please, help me! "Mandy please... I badly need you..." Nahintakutan na talaga ako. Para kasing sa dingding nanggagaling 'yung boses niya eh. Parang ang lapit-lapit niya lang talaga sa'kin, kahit wala naman akong kasama ngayon. Kulang na nga lang ay mahimatay ako dahil sa nangyayari. Sa pagkakaalam ko pa naman, marami talagang milagrong nangyayari kapag alas tres ng madaling araw. May mga nabasa na ako sa f*******: na tinatawag daw itong witching hours. Gosh. Ito ba ang nangyayari sa'kin ngayon? "MANDY NAMAN, KAILAN KA BA PUPUNTA RITO SA UNIT KO? KUNG PATAY NA AKO!?" Nahulog ako sa sahig mula sa sofa nang marinig ko yun. WHAT THE---? Talaga bang narinig ko yun? Nagpalinga-linga ako sa paligid ko pero wala naman talaga akong makita. Pero sure talaga ako sa narinig ko. Narinig ko talaga ang boses niya. "D-Dark?" "Yes. Finally! Sumagot ka rin!" "I-Ikaw ba talaga y-yan?" "Yes, Mandy! It's me." Nanginginig na ako dahil dun. Sumagot siya! Tangina sumasagot siya! Ano 'to? Wireless communication? High tech form of calling? Charot ha! "Pumunta ka na rito Mandy... I need you..." Wala na akong nagawa kundi ang makipag-usap sa kanya. "A-Ano ba kasi ang nangyayari sa 'yo?" "Hindi ko alam... pakiramdam ko mamamatay na ako..." "HA? Bakit?" "Ang sakit ng...ng puso ko..." "What? Baka naman may...may sakit ka sa p-puso? May heart condition ka ba?" "Wala..." "O eh bakit sumasakit ang puso mo?" tanong ko sa kawalan. Ang hirap lang panatiliin ang katinuan ko dahil wala naman akong kaharap, pero may kausap talaga ako. Nilalakasan ko na nga lang ang loob ko eh. Siguro dahil na rin ang dami ng nangyaring kababalaghan sa pagitan namin ni Dark kaya parang normal na itong nangyayari ngayon para sa'kin. "Hindi ko alam... pero tingin ko may kinalaman ka kaya nangyayari ito sa akin..." "Ano namang kinalaman ko diyan?" reklamo ko sa kanya. "Wala naman akong ginawa sa 'yo ah. Okay ka pa naman kanina ng huli tayong magkasama." "The fact that you can hear me inside your head, means that this has something to do about you... Kaya please, Mandy, puntahan mo na ako rito..." Hindi ko na kinakaya ang mga sinasabi niya. Totoo kaya yun? Talaga bang nasa isip ko lang ito? Sa utak ko siya nakakausap? Wow, magic! Para akong si Professor X ng X-Men, ganern? Ano nga ba'ng tawag dun sa ability niya? Telepathon? Televathy? Teletubbies? "Dark... t-talaga bang nandiyan ka lang sa unit mo? Wala ka ba talaga dito sa unit ko?" "Yes, Mandy. I'm mysteriously weak, kaya hindi nga ako makakilos, ang pumunta pa kaya diyan sa 'yo?" "Pero imposible 'to!" sigaw ko na sa harap ko, which is the pader. "Paanong nakakausap kita nang ganito? Ano yan, may bluetooth ba sa bibig mo? Ah, teka! Baka naman may butas sa dingding ng kwarto ko kaya naririnig kita!" "Mandy...mamaya ka na mag-imbestiga...pumunta ka na rito!" "Ayoko nga! Baka kung ano pa ang gawin mo sa'kin!" singhal ko. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala eh. How is this possible? Hindi ko ma-gets kung paano nangyayari 'to! Ang creepy na talaga! Ano ba'ng ginawa ko kaya nangyayari 'to? Nananaginip pa ba ako? Next time hindi na talaga ako matutulog nang masama ang loob. Tingin ko yun ang dahilan eh. Dahil nasaktan ako dun sa pagtawag ng ex ko. At magdamag akong umiyak dahil iniisip ko kung mahal ko pa ba siya o hindi na. May nagsasabing oo, may nagsasabing hindi. At dahil siguro doon sa pag-iisip ko kaya ako binabangungot nang ganito. "Argh! Mandy! Tulungan mo ako! Mandy!" Napatayo ako sa kaba nang marinig ko 'yung paghingi ng tulong ni Dark. Yung pagsigaw niya kasi, sobrang lakas na nakakatakot, na para bang may nananakit talaga sa kanya ngayon. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa. Binuksan ko ang pinto ng unit ko at lumabas ako papunta sa harap ng unit niya. Nang pihitin ko naman ang doorknob ng pinto ng unit niya, himalang hindi iyon naka-lock kaya pumasok na ako agad sa loob. As usual madilim pa rin ang loob ng unit niya. At kahit medyo naghihinala ako na baka niloloko lang ako nitong si Dark, hinanap ko pa rin siya sa loob ng unit niya. Kargo-de-konsensiya ko rin naman kasi kung totoo ngang may matindi siyang nararamdaman tapos hindi ko siya tinulungan. Nahanap ko siya sa loob ng kwarto niyang sobrang dilim rin. Nakita ko siyang nakadapa sa sahig ng kwarto niya. "Dark?" nag-aalangang tanong ko na dahil hindi siya gumagalaw. Baka mamaya eh tegi na siya, yun na yata talaga ang magpapawala ng malay sa'kin. Narinig ko siyang bahagyang tumugon. "Mandy..." Ang bilis na naman ng t***k ng puso ko dun. This time, sure na akong mula talaga sa bibig niya 'yung narinig kong boses niya, at nakumpirma ko ngang siya nga talaga ang kausap ko kanina doon sa kwarto ko. Halos manindig nga ang balahibo ko sa realization ko na legit talagang nakausap ko siya kanina kahit nasa magkabilang linya kami. "Dark? Ano'ng nangyayari sa 'yo? Ano'ng masakit sa 'yo?" tanong ko pa nang mapansin kong ang isa niyang kamay ay nakahawak sa dibdib niya, doon lang sa ibabaw ng puso niya. Umandar naman ang pagiging nurse ko at chineck ko kung malalim ba ang paghinga niya. "Dark! Ano'ng nangyayari sa 'yo!?" tanong ko na naman dahil napansin ko na ang mali sa kanya. Nahihirapan siyang huminga. Pinakinggan ko rin ang heartbeat sa dibdib niya. Nagulat ako dahil abnormal ang beat nito. Sobrang bagal para sa isang tao. At kung magpapatuloy ito, maaari siyang mamatay. "Pumunta ka," sabi niya sa'kin at tiningnan niya ako nang mabuti. "Salamat." "B-Bakit ka nagpapasalamat!? Halika, aalalayan kita at dadalhin kita sa ospital!" Pero umiling agad si Dark. "Don't bother...Mandy. Alam ko namang mangyayari ito." "Ano'ng ibig sabihin mo?" "I'm dying...  And I think it's time for me to go..." "Hala ka!" bulalas ko sa kaba dahil sa mga sinasabi niya. "Huwag ka ngang magsasalita nang ganyan! Hindi ka pa mamamatay! Tatawag ako ng tulong! Dito ka lang---" Bigla niyang hinawakan ang isa kong braso kaya hindi ako nakatayo. "Just let me die..." Naiiyak na ako dahil sa nangyayari. Yung Dark kasi na nasa harapan ko ngayon, ibang-iba sa Dark na nakilala ko. Hindi talaga siya nagbibiro. Literal na naghihingalo na siya. Kahit 'yung paghinga niya, sobrang lalim at sobrang bagal na. "Dark...please naman... Gusto kitang tulungan. Gusto kitang iligtas... Ano ba ang nangyari sa 'yo? May heart condition ka ba?" "Wala...normal ito sa lahi namin... Talagang ganito ang nangyayari sa'min..." "Hindi kita maintindihan. Paanong normal na ganyan ang puso mo? Dadalhin na talaga kita sa ospital!" "Wag nga sabi..." "Pero bakit ayaw mong magpadala sa ospital? Hindi ba yun naman ang dahilan kung bakit mo ako gustong pumunta rito? Kasi alam mong nurse ako!" "No..." halos pabulong na sagot niya na muntikan ko pang hindi marinig. "Pinapunta kita kasi... akala ko, ikaw ang magpapagaling sa'kin..." "What do you mean?" "Inisip ko na baka dahil ito sa 'yo... Immune ka na sa kapangyarihan ko... At kanina nung sinabi mo dun sa doktor na hindi mo ako boyfriend, sumakit ang puso ko... Doon nagsimula ito, at hindi na tumigil. What I did to you backfired on me... That's why I'm gonna die..." "Dark, makinig ka," maluha-luha ko nang tugon sa kanya. "Hindi kita kilala, at may nangyari sa atin na hindi maganda pero nurse pa rin ako. Hindi kita pwedeng hayaang mamatay na lang nang ganito. Kaya sabihin mo, kung may magagawa ako para mailigtas ka, sabihin mo kung ano yun. Willing ako'ng gawin yun para mailigtas kita..." Nagkatitigan kaming dalawa at parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya sa akin. "Mandy..." "So ano na? Ano'ng dapat kong gawin?" "Wag na...alam ko namang hindi ka papayag." "Ano ba yun?" "Mandy, please make love to me," sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD