CAITH
"DON'T do that again, Cai. I know you have the courage to face him but always check yourself if you can or it will trigger you,"
Ayan ang bungad na saad ni doktora sa akin nang ikwento ko ang nangyari noong nakaraan na pagkikita namin ni Lloyd.
Ayon kasi ang bilin ni Ali, sabihin ko daw iyon at ilang beses niya akong pinaalalahanan na sabihin ko sa doctor ko kaya hindi ko kinalimutan at agad na sinabi ito.
"Yes, doc. I really thought I can face him and late ko na narealize na nanginginig ako," pagkukwento ko.
"It's okay, adrenaline mo na din ang nagsabi sa iyo na harapin siya but I advice always check yourself. Wag kang mag-alala, Cai. Darating din ang panahon na mahaharap mo si Lloyd na wala ng takot at pangamba. And I just want to say that I'm proud of you for doing your best to face him," nakangiting pahayag nito at hinawakan pa ang kamay ko.
Kusang ngumiti ang labi ko nang marinig ko sa kan'ya ang mga katagang iyon. I'm so glad that she is my doctor.
"Maraming salamat po, doc."
"Walang anuman pero maiba ako, kumusta ang puso mo?" tanong niya na ikinagulat ko. "Nagmamahal na ba ulit?" habol niya pa.
Napakagat naman ako sa labi ko at marahan na tumango.
"Tingin ko po, papunta na po doon… nahuhulog na po," sagot ko sabay tingin sa pintuan at muling pinakiramdaman ang damdamin ko. "opo," habol ko.
Luckily, Ali is outside and didn't want to bother our sessions.
"Wag mong pigilan ang puso mong magmahal muli, Cai. Maraming katulad mo na dumaan din sa matinding trauma dahil sa kanilang mga nagdaang karelasyon pero masaya sila ngayon dahil hindi nila pinigilan ang sarili nila at natuto sila dahil sa nangyari. Alam kong natuto ka na kaya alam kong hindi na mangyayari ang nangyari noon bukod doon, nakikita ko sa lalaking kasama mo na malalim ang pagtingin niya sa iyo," pahayag nito at matamis na ngumiti.
I know and he is waiting for me… he didn't force me to love him back though I know na iyon ang gusto niyang mangyari. Ang mahalin din siya ng taong mahal niya.
Muli na lang akong nagpasalamat sa doctor ko bago lumabas at makita si Ali na buhat si Faye na kampanteng natutulog balikat ni Ali.
Wala kasing kasama si Faye sa bahay ngayon dahil nagkataon ba may meeting sila Filan sa school at kailangan sila mama doon kaya naman isanama na lang namin. Okay lang naman daw kay Ali na bantayan si Faye dahil kahit paano ay sumasama ito sa kan'ya.
"You're done?" mahinang tanong nito sa akin.
"Yes. Sorry nakatulog na iyan," usal ko.
Akmanf kukunin ko si Faye sa kan'ya pero umiling lang ito.
"Okay lang, baka magising kapag kinuha mo," marahang saad niya. "Ung bag na lang niya," habol nito sabay turo sa bag na nasa upuan.
Nang makuha ko iyon ay agad na din kaming naglakad papabas ng hospital.
"Okay lang ba talaga sa iyo iyang si Faye?" tanong ko dito habang naglalakad kami.
"Oo nga, hindi naman siya mabigat," angnakangiti nitong tugon sa akin.
Nagulat naman ako nang hawakan nito kamay ko.
Kung titignan mukha kaming isang pamilya na nagpacheck up lang ng bata.
At dahil sa isiping iyon ay bahagyang lumundag ang puso ko sa saya at mumunting kilig.
Agad din naman akong napatingin sa kamay ko pati na kay Ali nang biglang humigpit ang hawak nito sa kamay ko.
Tinignan ko siya pero diretso lang naman ang tingin niya kaya ganun na lang din ang ginawa ko hanggang sa nakita si Trev na may kasamang babae.
Maganda at balingkinitan ang katawan pero mababakasan ng pagkaedad pero kahit ganun ay maganda pa din ito.
Agad akong napatingin kay Ali nang may mapansin akong pagkakahalintulad nila ng babaeng kasama ni Trev.
Hindi kaya…
"Tin!"
Muling nabaling ang tingin ko sa harapan nang marinig ko ang tawag ni Trev kay Ali.
Masigla itong nakangiti salungat sa itsura ng babaeng kasama niya na walang emosyon ang mukha at parang casual na casual lang itong nakatingin sa amin.
Kita kong bahagyang tumaas ang kilay nito nang makita si Ali na may hawak na bata.
Dahil sa pagtawag ni Trev sa amin, wala kaming magawa kung hindi ang huminto nang magkalapit na kami.
"Uy! Kayo ha! Anong ginagawa ninyo dito?!" pang-aasar nito sabay tingin sa kamay namin ni Ali at ngumisi.
Hilaw akong ngumiti dito, pasagot pa lang sana ako nang biglang magsalita ang babae.
"I didn't know you had a child, Tin," tamad na saad nito.
Sabay kaming napatingin ni Trev doon dahil sa sinabi niya.
"Mom," tawag ni Trev doon sabay tingin kay Tin.
Dahil sa pagtawag na iyon ni Trev, doon ko nakumpirma na siya ang nanay ni Ali.
Ang ina na muntikang alisin si Ali sa tiyan at ang ina na nag-iwan kay Ali at hindi na siya minsan binalikan pa.
Marahan akong napatingin kay Ali. Hindi ko man makita sa kan'ya na nasasaktan siya pero alam kong masakit pa rin sa kan'ya.
"There is nothing new there, Mrs. Olivarez. You never know anything about me," makahulugang saad ni Ali.
Wala namang naging reaksyon ang mama nila at tumingin lang kay Trev.
"Right," usal nito. "If you excuse us, I don't want to waste any of my time," formal na saad nito. Tinapik nito si Trev sa braso bago marahang tumango sa amin at nilagpasan kami.
Wala kaming koneksyon, wala akong pakialam sa kan'ya, ngayon lang kami nagkita kaya wala kaong pakialam sa oras niya pero bakit ako ang nasasaktan? Bakit pakiramdam ko ay ako ang sinabihan? Bakit ang sakit?
I bit my lower lip to surpass my cry… Naiiyak ako sa sinabi nito para sa anak… Ali don't deserve that treatment.
"Tin, I'm sorry," biglang usal ni Trev.
Hindi ko inangat ang tingin ko sa kan'ya dahil ayokong makita nito ang nagbabadyang luha ko pero nang marinig ko ang tawa ni Ali ay doon na ito bumagsak.
"Stupid! Why are you saying sorry? Wala iyon, I'm used on that! Besides, I don't care at all," may sigla ang bawat salitang lumabas kay Ali pero hindi ko kayang maniwala dahil alam kong masakit iyon.
Para mapunasan ang luhang natulo sa akin ay bahagya akong nagkunwari na tumingin sa gawi ng mama nila at mabilis na pinunasan ang luha ko.
Ilang lunok ang nagawa ko at ilang buntonghininga ang napakawalan ko para lang makaharap sa kanila ulit.
Nang masiguro kong okay na ako at wala ng bahid, mabilis na akong humarap sa kanila.
"Una na kami, doc!" paalam ko kay Trev at mabilis na hinila si Ali kahit pa hindi pa ito nakakapagpaalam sa kapatid.
As much as possible I don't want Ali to hurt himself more. I want him to live his life happily, with no secret pain, no silent crying, and most importantly he feels that he is someone's priority.
Hindi ko man maibigay iyong bagay na iyon sa kan'ya dahil may anak na ako. Ang mahalaga ay kahit paano sunod siya sa anak ko.
NAKARATING na kami sa parking at hinahanap na ang kotse niya nang bigla itong magsalita
"Smile, slowdown," agad ko siyang nilingon dahil sa pagtawag nito sa akin.
"Alis na tayo dito… punta tayo ng kahit saan, wag lang dito," saad ko at muling ibinalik ang tingin ko sa daan.
Nahinto ako bigla nang hinatak nito ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya kaya muli ko siyang nilingon.
"Smiley… I'm okay," saad niya
May mumunting ngiti sa labi nito para pagaanin ang loob ko pero mabilis ko siyang inilingan at binitawanan ang kamay.
"Hindi ka okay, scold! Kahit anong sabihin mo! Hindi ka okay," saad ko, lumapit ako sa kan'ya at marahang kinuha si Faye na malugod naman niyang ibinigay sa akin. "I know what you feel at okay lang na ipakita mo sa akin, hindi naman kita huhusgahan o pagsasalitaan,"
Tipid naman itong ngumiti sa akin bago lumakad papalapit sa akin at bigyan ng maliit na halik ang ulo ko.
Dahil sa bigla ay literal na hindi ako nakagalaw, kung hindi pa niya inangat ang ulo ko ay hindi ko makikita ang mukha nitong nakangiti..
"I'm okay. Thank you for your concern. I really really appreciate it," kalmado at puno ng sensiridad niyang saad habang nakatingin sa mga mata ko.
Alam kong nagsasabi siya ng totoo this time.
"I hope I can be brave just like you, scold…" mahinang tugon ko na ikinatawa lang naman nito.
"Wag… I don't want you to be brave as me,"
Nagtataka naman akong napatitig sa kan'ya.
"Ayokong maging katulad mo ako, sayang ang ngiti mo kapag naging katulad mo ako. And if that's happen, I don't know if I can smile again because your smile makes me smile everyday,"
------------