Chapter 27

1768 Words
CAITH "DOCTOR din pala ang mama mo?" tanong ko dito habang nasa byahe na kami papunta mall para din igala si Faye. Matapos kasi ng mga sinabi nito kanina noong nasa parking kami ay hindi na ako nakapagsalita. Wala pa sana akong balak maglakad o magpuntang kotse no'n pero nang biglang gumalaw si Faye dahil nagising, ako na mismo ang kusang nagyaya na pumunta ng kotse. "Nope, she's not. If I'm not mistaken she's a pharmacist," tugon ko habang diretso lang ang tingin sa daan. "Bakit nasa ospital siya?" tanong kong muli. Nakita ko na sumulyap ito sa amin ni Faye na naglalaro lang naman ng laruan nito. Kita ko ang pagngiti niya sabay pindot sa braso ni Faye na ikinakiliti naman nitong isa. Natawa lang ako nang nahuli ni Ali ang kiliti ni Faye. Hirap kasing kuhain ang kiliti nito pati na ang loob nito pero kapag palagay naman siya sa tao ay mabilis niya itong nilalapitan. "Maybe because she will check the stock of the meds in that hospital," Nagulat ako ng sagutin ako bigla nito. Akala ko ay hindi na niya sasagutin pa dahil naging tahimik siya. "Trev's family own a pharmaceutical company and they are one of the suppliers in that hospital," paliwanag pa nito sa akin. "Ah! Pero bakit mo alam?" Nagtataka kasi ako dahil alam niya ang mga bagay na iyon. Nagulat naman ako nang bigla itong huminto at tumingin sa na parang 'smile, seryoso ka ba diyan?' look. Malapad naman akong ngumiti na as in labas ang ngipin at tipid na tumango. Iwas sermon lang. Natawa lang ito bago ako inilingan. "May inilalabas na pera ang M.E. kaya alam ko," simpleng sagot niya na agad ko namang nakuha. "Oh! Finance Head! Akala ko alam mo lang kasi nabanggit ni Trev ganon," saad ko. "Hm! Binanggit iyon ni Trev pero alam ko na," saad niya at magpatuloy na muli sa pagmaneho habang hawak ang kamay ni Faye. Hindi niya iyon binitawan hanggang sa makarating kami ng mall. He even told me, he will carry Faye the whole time we are in the mall. Hindi naman na ako umangal dahil alam ko naman na nag-eenjoy siya lalo 'pag niyayakap ni Faye ang kamay niya sa leeg ni Ali. Since maaga pa para kumain, naisipan naming dalhin si Faye sa isang play house sa mall para mas mag-enjoy ito. Nagtalo pa kaming dalawa kung sino ang magbabayad habang papunta kami doon. "Ako na kasi, mura lang naman iyon," saad ko pero mabilis siyang umiling. "Ako na, save it!" pinal na tugon niya. "E! Scold!" maktol ko na ikinatawa niya. "Fine!" usal niya, mabilis naman akong napangiti dahil sa sinabi niya. "Ikaw, magbayad sa iyo, ako sa aming dalawa ni Fayang. Okay na iyon ha! Wag ka na umangal," saad niya at mabilis na naglakad papunta doon sa playhouse. Ako naman ay hindi makapaniwalang sinundan lang siya ng tingin dahil sa sinabi nito. Kahit kailan talaga ay hindi ito magpapatalo! Lagi na lang may option. Napailing na lang ako at marahang sumunod sa kanila ni Faye na excited dahil sa hagikhik nito. Nang makarating kami ng playhouse, agad ding nagbayad si Ali kaya agad din silang nakapasok. Good thing nakamedyas si Faye kaya hindi na kami naghirap pa. Akmang susunod na ako doon sa dalawa nang pigilan ako ng bantay. "Ma'am, dalawa lang po iyong binayaran ni sir," saas nito kaya mabilis akong tumingin kay Ali na natatawang nakatingin sa akin. Akala ko biro niya lang iyon! Walang hiya ito! "Ay pasensya na," usal ko at nagbayad na lang. Nag-add nga lang ako ng twenty pesos fir socks akala ko kasi pwede ang hindi nakasocks sa adult, dapat din pala! Nang makapasok ako, agad kong hinanap iyong dalawa dahil hindi ako inantay nitong si Ali! Mabilis nanan akong lumapit sa kanila nang makita ko sila sa mga luto-lutuan. Ginaguide niya si Faye na kunwaring nagluluto at kunwaring titikman. Lagpas isang taon na si Faye kaya kahit paano ay may grip na din siya sa mga bagay. Natawa pa ako nang marinig ko na kunwaring titikman ni Ali ang niluto nila. "Blah! Ang pangit ng lasa ng luto natin, anak, ulitin na lang natin," usal niya. "Dapat kasing sarap ng luto ni mama ang luto natin para very good tayo," Pilit kong pinigil ang pagngiti ko nang marinig ko sa bibig niya ang salitang 'anak'. Naglaho iyong inis ko dahil sa ginawa niya dahil sa mga narinig ko. That's sweeter than his 'I love you'. Calling my daughter his, make me fall for him even more. I hope his family sees how good Ali is… how he love unconditionally… walang kapalit at walang hinihingi, basta sa kan'ya maiparamdam lang niyang mahal niya ang mga tao sa paligid niya. He maybe a mysterious guy to all but he's actually a warm and lovable person. Tipid naman akong ngumiti nang tumayo silang dalawa doon at napatingin sa akin. "Oh! Ayan na pala si mama e, bakit ka hinarang?" natatawang tanong nito kaya naman agad ko siyang pinanlakihan ng mata dahil sa tanong niya. "Akala ko hindi mo tototohanin! Nakakahiya!" usal ko na mas ikinatawa niya. "Sabi mo kasi e. Alam mo namang mahal kita kaya susunod ako sa'yo," saad niya tapos ay lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko sabay dampi ng halik doon. Hindi ko naman alam kung maiinis ako o ngingiti dahil sa sinabi at ginawa nito. Hindi na nito ako hinayaan na sumagot at basta na lang akong hinila papunta sa mga bola na parang pool ang itsura, ang kaibahan lang ay imbes na tubig ay mga bola. Marami pa kaming ginawa doon sa loob bago matapos ang oras. Nandoon ang isinakay namin si Faye sa isang bike pero hawak niya, nagslide at naglaro ulit ng bola. Sa totoo lang, hindi lang si Faye ang nag-enjoy sa lakad namin, kun'di pati kaming dalawa. Magkahawak kamay kaming lumabas ng playhouse habang nagtatawanan dahil nalimutan namin ang oras at hindi pinansin iyong paging sa amin kaya ang nangyari ay nagbayad kami pareho ng penalty. "Ikaw kasi e, masyado kang naging masaya doon sa ball pool," biro ko dito. "Masarap kaya doon, 'di ba, baby? Happy ka din doon, 'di ba?" usal niya na parang nagpapakampi sa batang nakangiti lang sa kan'ya. "Pakampi ka pa kay Faye," pang-aasar ko sa kan'ya. Natawa lang naman siya bago ako hilahin papalapit sa kan'ya. Binitawan nito ang kamay ko bago ipatong ang kamay sa balikat ko para maakbayan. "Thank you. You two made my day happy," may ngiti sa labing usal niya. "We both made our day happy. And you made her complete. Thank you," pagtatama ko sa sinabi niya. Ngumiti lang naman ito sa akin bago tumingin kay Faye at hinigpitan ang pagbuhat doon. "I'm glad I made that to her," Hindi kalaunan ay nagyaya na din itong kumain sa isang fast food chain na soyang sinang-ayunan ko. This time hindi na ako tumangi nang sabihin nito na siya na ang mag-oorder. Panandalian nitong iniwan sa akin si Faye na kilig na kilig nang bigyan siya ni Ali ng halik sa ulo. "Happy ka, anak?" tanong ko dito. Bahagya naman itong tumango na siyang ikinangiti ko. Tumuro pa uto sa gawi ni Ali na siyang nakatingin pala sa amin. Kumaway siya kay Faye kaya muling ngumiti itong isa. "Pa-pa," saad ni Faye sabay turo ulit kay Ali "Gusto mo siya maging papa?" tanong ko na mabilis nitong tumango na ikinatawa ko. Ang bata naman ay tango lang nang tango at hindi naiintindihan ang sinasabi ko kaya naman natawa na lang ako. Malay naman natin, magkatotoo na maging mag-ama sila. Kung patuloy na lalalim ang nararamdaman namin sa isa't-isa at kung hindi magsasawa si Ali na mag-antay. Nang makabalik si Ali sa pwesto namin ay kumain na din naman kami agad. Mabuti na lang at hindi marami ang inorder niya kaya mabilis lang din kaming natapos. After kumain, nagdecide kami na umuwi na dahil mukhang pagod na nag batang maliit na kasama namin. Habang naglalakad papuntang parking ay may hindi kami inaasahan na makita! Muntikan pa akong mapatili dahil doon mabuti na lang at napigil ko pero nahampas ko naman si Ali. "Scold! Ang laki!" saad ko sabay puppy eyes sa kan'ya sabay tingin kay melody! Isang malaking My Melody kasi ang nakita namin. It's a huge stuffed My Melody! And I want to hug her! Balak ko na sanang bilhin dahil may pera naman ako pero agad akong pinigil ni Ali. "Malaki masyado, parang hindi worth it bilhin. Wala ka naman atang paglalagyan," saad niya habang hawak ang kamay ko. "Meron! Pwede ko siya gawing unan naming dalawa ni Faye o kaya naman ay doon siya sa ibaba ng kama namin," sagit ko at nagpaawa pa sa kan'ya pero walang nangyari dahil hindi talaga niya ako pinayagang bilhin. Hindi naman masama ang loob ko, medyo disappointed lang ako dahil hindi ko siya nabili. Pangarap ko kasi magkaroon ng life size na My Melody pero mukhang hindi pa nga panahon. Siguro kapag marunong na ako magdrive at may sarili na akong kotse para wala akong kasama at mabibili ko siya. "NEXT time, you will have that. Okay?" usal ni Ali nang maihatid na kami nito sa bahay. Kanina pa talaga, nagpaalam lang siya sa bahay at uuwi na din agad dahil may gagawin pa ata sila nila Sir Miggy para sa surprise wedding ni Kim. "Opo na! Next time bibilhin ko na talaga iyon. Hindi ka kasama para mabili ko," saad ko sabay nguso na ikinatawa lang naman niya. "Okay, if you say so," saad niya. "Uwi na ako. Thank you for today, I'm happy," habol niya na ikinangiti ko naman. "Salamat din. Ingat ka sa byahe," paalam ko at ako na ang unang yumakap sa kan'ya. Ramdam ko na natigilan ito kaya naman mas hinigpitan ko ang yakap ko. "Thank you for making us happy, scold… wag ka sanang magsawa," ani ko at mabilis na humiwalay. Tinignan ko lang naman siya at bahagyang natawa nang makita ko ang pamumula ng tenga nito pati na ang leeg niya. Kita iyon dahil kahit paano naman ay maputi si Ali. Mukha naman tinamaan ako ng kapilyahan kaya hinawakan ko ang pisngi nito. Kaya muli itong napaigtad at pigil na pigil ang tawa at ngiti ko dahil kita na ngayon ang pamumula ng pisngi niya. "Sige na, ingat ka ulit!" saad ko habang hinihimas ang pisngi niya. Mabilis ko iyong binitawan bago tumalikod na sa kan'ya. Hindi ko siya nilingon at hinayaan lang doon. Hay sa wakas! Nakita ko ding kiligin ang isang Dustin Montero na napakaseryoso at misteryoso! --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD