Chapter 25

2063 Words
CAITH AGAD akong naging alerto nang makitang umilaw ang intercom na nakaconnect sa loob ng opisina ni Sir Miggy. Yes! Sir Miggy is back at balik na din ako sa pwesto ko! Actually, 3 months ago pa siya nakabalik, 4 months ago nang manganak si Nicole. Naalala ko nang huling araw ko sa floor nila Sir Justin ay nagpadespedida iyon si Sir Justin dahil mamimiss daw nila ako. Parang ang layo ng pwesto ko sa pwesto nila 'di ba? Pero sa totoo lang, mamimiss ko ang floor na iyon dahil sa dami ng nangyari sa akin doon. Nandoon ang muntikan na talaga akong makipagsabunutan kay kokak dahil sa mga sinasabi nito sa akin! Pero ang mas lalong ikinainis ko ay ang sabihin nito na couple daw sila ni Ali dahil nakita niya yung keychain. Umakyat lahat ng dugo ko sa katawan dahil doon kaya naman sinagot ko ito at mabuti na lang ay napigilan ako nila sir! Kung hindi baka talaga inihulog ko sa building iyong kokak na iyon! Tatalon naman siya kaya okay lang! "Cai, can you call Dustin. Pakisama kamo ang financial report last month. Thank you!" Napahinto ako sa pag-iisip dahil doon at agad na sumagot. "Copy, sir!" tugon ko dito. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Ali. [Yes, Smile?] Napatawa ako nang marinig ko iyong tawag niya sa akin. Maganda nga daw kasi ang ngiti ko kaya iyan ang tawag niya. Minsan Fayra o kaya naman Fay. Masaya naman ako sa tawag niya na iyon kaya okay lang. Mas kakaiba naman ang tawag ko sa kan'ya. "Scold, punta ka daw dito sa office ni Sir Migs. Padala daw ng financial report last month," saad ko. Alam kong papagalitan ako nito dahil ginamit ko ang personal phone ko para sa trabaho pero namimiss ko na din ang sermon nito kaya okay lang. [Nagiging hobby mo na ang sermon ko ha!] ayon lang ang sagot nito bago pinatay. Mukhang alam niya na gusto ko lang na magalit siya. Napailing na lang ako at muling itinuon ang atensyon sa ginagawa kong paglinis ng schedules ni Sir Miggy dahil by next month, aalis ang mga ito dahil meron silang kasal na hinahanda at nakaleave ang mga ito dahil doon. Kailangan na maclear ko ang schedules ni Sir Miggy ng isang linggo. Napatingin ako sa gawi ng elevator nang makarinig ako ng yabag at bumungad ang mukha ni Ali na nakataas ang kilay pero may ngisi. Sanay na din ako diyan! Hindi na bago iyang ganyang itsura niya. At lagi ko lang naman iyon sinasalubong ng malawak na ngiti. "Personal phone ha!" saad nito na ikinatawa ko. "Pwede naman e," sagot ko, umirap lang ito sa akin bago ako binigyan ng isang kurot sa pisngi tapos ay dumiretso na sa opisina ni Sir Migs. In the past months, mas naging komportable ako kay Ali, kesa sa iba. I mean, komportable ako kay Sir Justin but si Ali lang ang wala ng 'sir' sa kanila. Nang sabihin kasi ni Ali na wag ko na siyang tawaging sir ay hindi na ako nagdalawang isip na gawin. Unang tawag ko sa kan'ya ay Tin pero ayaw niya daw no'n dahil iyon ang tawag ng pamilya niya sa kan'ya kaya tinawag ko na lang siyang Ali kasi nga naman mas malakas makagandang lalaki! Pero mas astig ang scold! Bigla tuloy akong nalungkot nang maalala ko iyong kwento niya. Not intentionally but he told me his story. Pahapyaw lang iyon pero ako ang nasaktan para sa kan'ya at ngayon alam ko na din kung saan niya hinuhugot ang sama ng loob niya sa akin noong mga nakaraang mga buwan. Hindi naman nagtagal ay bumukas muli ang pinto ng opisina at kalmado na mukha ni Ali ang nakita ko. "Mukhang nakalusot ka sa sermon ha," pang-aalaska ko na ikinatawa nito. "Ako? Maalaska? Baka ikaw," saad niya sabay lapit sa lamesa ko at umupo doon. "May visit ka sa doctor sa saturday 'di ba?" tanong niya. Mabilis ko naman itong tinanguan. Hindi naman ako nahinto sa pagbisita sa doctor dahil kahit buwan na ang lumipas. Pero hindi na nga lang katulad dati na halos every week akong nagpupunta, ngayon twice a month na lang at itong si Ali ang sumasama na sa akin. Kahit paano ay nararamdaman kong umookay ako at sa totoo lang nawawala ang mga bangungot ko at hindi na din ako madalas na nanaginip about sa past ko. Sabi ko nga ay malapit na akong makalaya. Malapit ko na ding mapatawad ang sarili ko. "Samahan mo ako?" tanong ko dito. "Ayaw mo ba?" Agad na nanlisik ang mata ko dahil sinagot na naman ako nito ng tanong. "Tatanong ako, sasagutin din ako ng tanong," saad ko. "Ako naman kasi ang kasama mo nitong mga nakaraan tapos tatanong ka pa," usal niya. "Syempre bak–" "Kailan ba ako may ginawa tuwing visit mo sa hospital?" putol nito sa akin. Alam ko naman iyon, apat na araw bago ang visit ko sa hospital ay inaalam muna nito para wala siyang gawin. Wala naman daw talaga siyang ginagawa pag weekend maliban na lang pagsunday dahil nagkikita-kita silang magkakaibigan. I'm aware of that dahil ganon din sila Keith at Cami na kaibigan nito. "BAKOD na bakod natin, pre ha!" Sabay kaming napalingon nang marinig namin ang boses na iyon. At syempre nang gagaling iyon sa kaisa-isang taong pinagseselosan ni Ali. "Hi, Sir Justin," bati ko na may malawak na ngiti. "Hi, there my b–" "She's not yours," tamad at inis na putol ni Ali kay Sir Justin. "Hindi rin naman siya sa iyo ha," bwelta nito sabay harap ulit sa akin. "Hi, Cai! Babatiin na kita kasi pakiramdam ko 'pag naging kayo ng isa diyan, ni umpisang letra ng pangalan mo ay hindi ko pwedeng banggitin!" saad niya Naging kami? Wala nga kaming ligawan portion! And that's because of me. Alam ko naman na kumukuha lang ng buwelo si Ali about diyan but that's actually what I like to Ali, hindi niya ipinipilit ang bagay na hindi pa panahon pero hindi rin naman niya itinatago ung feelings niya. We both know our feelings for each! Of course! Hindi naman na ako bata para hindi malaman at iacknowledged ang feeling ko sa kan'ya but the thing is I'm at my vulnerable days… ayokong gumawa ng bagay na ikakasakit naming dalawa beside, hindi na lang feelings ko ang usapan dito pati ang anak ko. And I know Ali is also the same as mine. Hindi na kami bata, para magpadalos-dalos lalo na si Ali na dapat sigurado sa mga gagawin niya. Naputol naman ang pag-iisip ko nang makita kong tumayo si Ali sa lamesa ko. Hinawakan nito ang ulo ko bago tipid na ngumiti. Alam kong naiisip niya din ang naiisip ko about sa aming dalawa. "Don't use your personal phone," bilin niya na mabilis kong ikinatawa. "Opo na, bye!" "Bye," paalam din nito. Binitawan na nito ang ulo ko at tumalikod na sa amin pero nakakailang hakbang pa lang siya ay humarap na agad ito tapos tumingin kay Sir Justin. "Don't touch her," saad niya. Muli itong tumalikod at tuluyang umalis. Nagkatinginan naman kami ni Sir Justin sabay humagalpak ng tawa. "Ang g*go ang p*tcha! Lakas makabakod wala namang move!" usal ni Sir Justin habang tumatawa. "Hindi pa ba kayo?" tanong niya sa akin na nagpataas ng kilay ko. "Hindi! Wala naman kaming relasyon," Bigla naman itong huminto sa pagtawa at tumayo ng diretso. "Wala?" "Wala," pag-uulit ko. Bigla naman itong napahampas sa lamesa ko na ikinagulat ko. "Bakit?! Halata naman na may feelings kayo sa isa't-isa, bakit?" inis na tanong nito. Natawa lang ako sa kan'ya at muling ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko. "The thing is, we both don't want to rush, I guess," saad ko. "I guess he's waiting for me to settle what's in my life. Okay na muna kami sa ganito," Nakita ko naman ang pag-iiba ng ngiti ni Sir Justin at mukhang satisfied siya sa sa sagot ko. "I'm happy for the both of you pero mang-aasar pa din ako," usal niya sabay kindat sa akin. "Dito na ako! Baka bugahan ako bigla ng apoy ni Miggy," Natawa lang naman ako dito nang magmadali itong pumasok sa loob ng office ni sir. "HINTAYIN kita sa kotse sa labas ng building. Lobby ka na dumaan," Ayan ang nabasa kong mensahe mula kay Ali nang kunin ko uto habang nag-aayos ako ng gamit ko. Kanina pa nakauwi si Sir Miggy at Nicole habang ako ay may tinapos para sa meeting nito bukas kaya nagpaiwan na ako. "Okay," reply ko at mabilis na kinuha ang bag ko at nagmadaling bumaba ng lobby. Pagbaba ko ay agad ko namang nakita ang kotse ni Ali. Nakangiti akong lumapit dito habang tumitingin sa paligid. Agad akong napahinto nang may makita akong isang lalaki sa gilid ng building at nakatingin sa akin. Si Lloyd… katulad ng katawa niya noon ay ganon pa din, katamtaman ang payat at hindi na ganon kahaba ang buhok niya. Nakangisi ito sa akin habang namumula ang mga mata na dapat kong ikatakot pero wala iyon sa akin… I'm not scared at all… awa, ayan na ang nararamdaman ko ngayon. Isa siguro sa natutunan ko at nawala sa akin matapos ng mga sessions namin ng doctor ko ay natuto akong huwag matakot sa kan'ya. Yes, the trauma is still here but I shouldn't be scared but I need to face it! If I run away from that it will continue to chase me. Why not, let it come to me and face it? Akmang hahakbang ako nang marinig ko ang boses ng isang taong sumusuporta sa akin para matapos ang paghihirap ko. "Smile," Nilingon ko ito at nakita ko sa mga mata nito na pinipigil ako bago marahang umiling. "Not the right time, hindi pa," makahulugang saad niya. Napatango lang ako dito at huminga ng malalim bago muling ibinalik ang tingin sa lalaking minsan kong minahal. Maybe hindi pa nga… dahil bigla kong naramdaman ang panginginig ng mga kamay ko at tuhod ko. "Next time, mas kaya ko na," saad ko kay Lloyd bago nanginginig na tumalikod dito. "Babe!" Napahinto ako nang marinig ko ang boses niya na tumawag sa akin. Malambing, puni ng lambing ang pagkakasabi niya na iyon. Hindi ko ito nilingon bagkus ay huminga lang ako ng malalim at naglakad muli. Ilang ulit ko pang narinig ang pagtawag nito sa akin pero wala akong nilingon niisa. Wala na, wala ang pagmamahal, wala na ang takot at wala na din ang kahit anong pakiramdam kun'di awa na lang dahil sa nangyayari sa kan'ya. "SCOLD," tawag ko kay Ali na hindi nagsasalita kanina pa. Matagal na kaming nakaalis ng company, nakastuck lang kami sa trapik. Nakita ko na tumingin ito sa akin at huminga ng malalim. "What you did is dangerous," paumpisa niya. "Alam kong nararamdaman mong kaya mo na siyang harapin but look at you, you're trembling," "I-I thought I can," "You can, pero hindi pa ngayon. Hindi ba sabi ng doctor mo, makakaya mo din sa tamang panahon. Do you think this is the right time?" tanong niya. "Pero kailan?" tanong ko sabay hilamos ng kamay sa mukha ko. "Kapag kampante ka ng kaharap siya at hindi ka nanginginig," tugon niya. Marahan ko naman siyang nilingon pero nakita ko na nakasentro lang ang mata niya sa kalsada. Kinuha nito ang isang kamay ko na malugod ko namang ibinigay. Mahigpit niya iyong hinawakan. "Believe in yourself, makakaya mo iyon. Kapag nagawa mo, ako mismo unang papalakpak sa iyo," habol nito at kahit hindi siya nakatingin sa akin kita ko ang tipid na ngiti nitong nagbibigay ng kapayapaan sa akin. "Thank you," "You're welcome besides, I love you and I will always be here for you," "Ali..." tawag ko dito matapos king marinig ang sinabi niya. "Wala akong sinabing iba, smile. Sinabi ko lang ang feelings ko and hindi mo kailangan sagutin iyon. Hindi kita pinipilit at hindi ako nanliligaw but al ll this, ay ginagawa ko kasi mahal kita. Sanay akong magmahal ng walang kapalit. I was trained for that," Nang marinig ko iyong hi niyang sinabi ay bahagya akong nalungkot. Kahit walang pakialan ang magulang niya sa kan'ya ay hindi pa din nawawala ang pagmamahal niya sa mga ito. Mahigpit kong hinawakan ang kamay nito na nakahawak sa akin para ipaintinding nandito lang din ako para sa kan'ya. ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD