CAITH
KAGAT-KAGAT ko ang ibabang labi ko habang nakatayo dito sa harap ng opisina ni Sir Ali.
Kanina pa ako dito at kung susumahin ay para akong walang ginagawa dahil nagpapabalik-balik ako dito.
Hindi ko kasi alam kung paano ako kakatok dito.
Sabi kasi ni Jem ay hindi ito natanggap basta-basta ng bisita kung walang appointment sa kan'ya.
Paano naman ako magpapa-appointment kung hindi naman ako nito pinapansin at nirereplyan!
Simula kasi noong nakaraan ay hindi na ito nagtext ulit o tumawag.
Hindi ko nga lang alam kung nandito ba siya dahil kanina pa nga ako dito pero hindi naman ito lumalabas.
Galing din kasi ako kila Sir Miggy at nang makarating ako dito ay eto na agad ang pinuntahan ko.
"Kaya mo ito, Cai! Ikaw naman ang may kasalanan e," usal ko.
Inangat ko na ang kamay ko at lakas loob na kumatok sa pintuan niya.
Dalawang beses ko iyong ginawa at nag-intay na may magbukas o may magsalita.
Pero halos apat na minuto na kaong nag-aantay ay walang nagsasalita.
Napanguso na lang ako sa isiping mukhang wala doon si Sir Ali.
Lalag ang balikat kong tumalikod at maglalakad na sana palayo nang maisipan ko ulit na kumatok.
This time medyo malakas at sinigurado ko na maririnig sa loob.
At hindi naman ako nabigo dahil nakarinig ako ng pagsigaw.
"Come in," sigaw doon kaya napangiti ako.
Muli akong huminga ng malalim bago hinawakan ang pintuan at marahan na itulak.
'Nagpraktis ka, Cai kaya keri mo ito!' bulong ko sa sarili ko.
Nang tuluyan ko na itong mabuksan ay bumungad sa akin si Sir Ali at Dr. Trev na parehong nakatingin sa akin.
Si Sir Dustin na salubong ang kilay at seryosong nakatingin sa akin at si Dr. Trev naman na parang naaamaze na makita ako.
"Hi there, Cai!" nakangiti nitong bati sa akin sabay tingin kay Sir Dustin na nakatitig lang sa akin.
"May kailangan ka?" walang emosyon na tanong nito.
Muli ko namang nakagat ang labi ko habang ang mga kamay ko ay nakalagay sa likod ko at pinaglalaruan iyon.
"Ahm! May sasabihin lang po sana," usal ko sabay yuko dahil parang umurong ang dila ko dahil sa pagiging masungit nito. "Pero kung busy po kayo, mamaya na lang po–"
"Then go back later, busy ako," usal niya kaya naman napaangat ang tingin ko sa kan'ya at nakatalikod na ito sa akin.
May kung ano sa kalamnan ko ang nanuot at parang napahiya dahil sa sinabi niya.
Oo nga naman… busy nga naman siya, wala naman akong sasabihin na mahalaga at hindi naman ako mahalaga.
"S-Sige po… b-balik na lang po ako mamaya. Pasensya na po," saad ko.
Tumingin pa ako kay Dr. Trev na nagpapalipat-lipat ang tingin sa amin.
Nang mapirmi na ang tingin niya sa akin at ngumiti na lang ako 'ska tumalikod sa kanila.
Nang makalabas ako para talagang bumigat ang damdamin ko.
Hindi ko alam kung bakit pero parang nanunuot ang sakit o lungkot.
Mukhang galit si Sir Dustin sa akin dahil sa nangyari nitong nakaraan.
Bumalik na lang ako ng upuan ko at doon muling ginawa ang mga dapat kong gawin.
Tumanggap ako ng calls at schedule bases sa bilin ni Sir Miggy.
MULI ay isang katok ang nagpaangat ng ulo namin ni Jem.
"Hi!" malawak ang ngiting usal ni Dr. Trev sa amin. "Hindi na daw busy si Tin, pasok ka na doon," saad niya.
Nakatitig lang naman ako sa kan'ya at inaarok ang sinabi nito.
May parte sa akin na hindi naniniwala dahil mukhang pinagtitripan lang niya ako pero may parte din na baka nagsasabi siya ng totoo.
"Maya na lang po sigur ako babalik doon," saad ko at muling bumalik sa pagpafile ng mga papel.
"You should go–"
"Uy! Trev! Nandito ka pala!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa boses na nanggaling sa pintuan ni Sir Justin.
"Yes, binisita ko lang si Tin, may pinapasabi lang si mommy," saad niya tapos sinulyapan ako saglit.
"Ah! Naglunch ka na? Sabay ka na sa amin. Nagpadeliver ako ng lunch," saad nito sabay tingin sa akin at ngumiti kaya ngumiti na lang din ako.
"Ah! Hindi na! May pasyente ako after lunch sa ospital na lang siguro ako kakain," tugon ni Dr. Trev.
"Ah! Okay!" usal lang ni Sir Justin at muling tumingin sa amin. "Jem, saan ka maglalunch?" tanong nito.
"Sa baba, sir! Nandoon na po ung mga kasama ko," saad ni Jem sabay ngiti at kinuha ang lunch box niya.
"Ah sige! Ikaw? Sabay na tayo," saad niya.
Napangiti naman din aking tumango sa kan'ya dahil mas gusto ko din na may kasabay.
Si Cami kasi ay kasabay no'n si Keith at paniguradong lalabas iyong dalawa na iyon.
Nagpaalam na sa amin si Jem habang si Dr. Trev naman ay nakatayo pa sa gilid ng lamesa namin.
Nagpaalam lang saglit si Sir Justin na papasok dahil kukunin ang phone nito kaya naman kaming dalawa na lang ang natira.
Nagulat ako nang bahagya akong tapikin ni Dr. Trev sa balikat.
Pagtingin ko ay may tipid itong ngiti.
"Yayain mo din si Tin, baka sumabay sa inyo. Walang kasabay maglunch iyon," saad niya kaya naman napatingin ako sa gawi ng office ni Sir Dustin.
"Pero baka po busy iyon," saad ko.
Parang may kung ano naman sa mata nito na dumaan na emosyon pero agad ding nawala.
"Tama, baka busy iyon. Pero sana maalala mo na pumunta doon mamaya ha, inaantay ka no'n," saad niya.
Sasagot pa sana ako nang may biglang dumating na delivery ng pagkain kasabay ng paglabas ni Sir Justin.
Hindi na rin naman nagtagal si Dr. Trev at nagpaalam na ito sa amin.
Muli nitong tinapik ang likod ko at binigyan ako ng tipid na ngiti at tuluyang nagpaalam.
May kung ano talaga sa kaniya na hindi ko mawari kaya pinag-sawalang bahala ko na lang.
Natapos ang lunch at nagstay muna ako sa office ni Sir Justin dahil kahit paano ay napadami ang kain ko at sa totoo lang ay kaibigan na ang turing ko sa kan'ya.
Bigla naman akong napaayos ng upo nang may maalala ako. Si Sir Ali!
Magpapaalam na sana ako kay Sir Justin nang mauna itong magsalita.
"Cai, free ka sa saturday?" tanong nito sa akin.
Napaisip naman ako at mabilis na naalala na may pupuntahan kami nila Cami.
"Ahm! Hindi ako pwede e. May lakad kami nila JK," usal ko na ikinatango niya at bahagyang nalungkot.
"Ah! Saan kayo pupunta?"
"Sa psychiatrist," usal ko at tipid na ngumiti.
Kita ko naman ang gulat dito pati ang pagtataka.
"Why? Tuluyan na bang nabaliw si JK?" tanong nito na ikinatawa ko.
"Sira! Hindi ha! Ako ung magpapatingin," tugon ko kaya mas nagtaka siya. "Remember, yung nangyayari sa akin? Actually I have trauma from my past live-in partner," pag-amin ko sa kan'ya.
Sumeryoso naman ito bigla at binigay ang buong atensyon sa akin.
"What do you mean?" seryosong tanong nito na ngayon ko lang halos nakita.
"I've been physically and emotionally abused by my ex that's why I have anxiety and trauma," pag-amin ko.
Bigla naman akong kinabahang nang maramdaman ko ang kakaibang aura galing sa kan'ya.
"Mind if you tell me the whole story?" malalim at puno ng nakakakilabot sa boses nito.
Tumango naman ako at inumpisahan ang kwento ko. Kung paano ko ikinuwento kay Sir Ali at kila mama, ganon ko din ikinuwento sa kanila.
Pero ngayon hindi na ako umiyak, wala ng luha ang lumabas sa akin kun'di lungkot na lang pero wala ng luha and I'm happy for that! Dahil pakiramdam ko, nawala na din ang sakit.
Hindi ko nga lang inaasahan ang naging reaksyon nito.
Tumayo ito at lumakad papalapit sa akin. Bigla itong yumakap na hindi ko napaghandaan.
Nagulat ako pero nakabawi din naman agad.
"You've been through alot of pain and suffering… napakastrong mo dahil nakaya mo iyon. It's not your fault, it's that bastard's fault!"
"Pinaniwala ka niya sa mga kasinungalingan niya. Wag ko lang makita iyon at babasagin ko talaga ang mukha niya," saad nito na ikinatawa ko.
"Thank you… It's still my fault dahil na–"
"No, normal lang ang nangyari sa iyo lalo na at nagmahal ka lang," pagpapagaan muli ng loob ko.
Hindi na ako nagsalita at ngumiti na lang sa kan'ya.
This is the comfort that I want… the comfort that I'm looking for…
But… why I felt something's missing…
"Thank you," saad ko at hinayaan na lang na yakapin niya ako.
Matapos ang ilang minuto ay humiwalay ito at hinamas ang pisngi ko.
"Pwede ba ako sumama sa sabado sa inyo?" tanong niya pero umiling na ako.
"Baka awayin ka ni JK doon," usal ko na ikinatawa lang din naman niya.
"I don't care, I want to make sure that you will have the best doctor… para mapabilis ang paggaling mo," saad niya.
Wala naman akong nagawa nang mas ipilit pa nito ang sumama kaya umoo na lang ako.
"Thank you! Ako na mas susundo kamo sa iyo at sa ospital na kamo tayo magkita," saad niya na parang mas excited pa.
"Sige, sabihan ko sila JK para hindi na ako sunduin sa bahay," saad ko na mabilis nitong ikinatango.
Matapos ng usapan na iyon ay nagpaalam na ako na lalabas at pupunta na ulit ng pwesto ko.
Nandoon na si Jem ng makabalik ako pero hindi pa ako nakakapasok ay may nakita na akong pagkain na nasa basurahan.
Mukhang hindi pa bawas at mukhang masarap.
"Kaninong pagkain 'to? Sayang naman," usal ko sabay tingin sa kan'ya.
"Ay hindi ko alam, pagdating ko nandiyan na iyan. I got here 10 minutes ago," saad niya at muling bumalik sa ginagawa niya.
Tumango na lang at habang nakatingin doon.
Nandoon pa din ang mata ko habang npaupo sa upuan ko pero nalipat lang iyon nang bumukas ang pintuan ng opisina ni Sir Dustin.
Tumayo ako at babati sana pero hindi naman siya tumingin sa gawi naman.
Seryoso lang ang mukha nito. I mean, literal na walang emosyon. Nakalagay ang mga kamay niya sa bulsa habang naglalakad.
"Nakakatakot si Sir Ali 'pag ganiyan ang itsura," rinig kong saad ni Jem.
"Bakit?" tanong ko sa kan'ya habang nakasunod pa din ang mata kay Sir Ali.
"Kasi hindi mo alam kung galit ba siya o okay lang siya kaya iiwasan mo ang gumawa ng mali para hindi lumabas ang emosyon niya" paliwanag nito.
Napatango na lang ako…
Paano ako hihingi ng sorry kung ganiyan siya? Paano ako magkukwento?
Napatingin ako muli sa pagkain na nasa trash bin.
"Kumain na kaya si sir?" wala sa sarili kong tanong at muling tumingin sa elevator kung saan siya sumakay kania..
--------------